) ) ) ) ) ) ) ) ) Balik -Aral ) ) ) ) ) ) ) ) ) Si Mang Juan at ang Gubat ng Pag - asa
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Sa paanan ng bundok Sierra, may isang maliit na baryo na napapalibutan ng isang malawak at luntiang kagubatan na tinatawag ng mga tao bilang Gubat ng Pag- asa . Dito nakatira si Mang Juan, isang matandang magsasaka na kilala sa kanyang malasakit sa kalikasan . Araw- araw , bitbit niya ang kanyang bakol , pala , at punla ng mga puno habang tinatahak ang makitid na daan papasok sa gubat . “Bakit araw-araw kang nagtatanim sa gubat , Mang Juan?” tanong ng batang si Lito, na palaging nanonood sa kanya.
) ) ) ) ) ) ) ) ) Balik -Aral ) ) ) ) ) ) ) ) ) “Dahil ito ang tahanan natin, anak ,” sagot ni Mang Juan. “Kung aalagaan natin ang gubat , aalagaan din tayo ng kalikasan . Hindi lang ito basta lugar ng mga hayop at halaman — ito rin ay pinagmumulan ng hangin , tubig , at kabuhayan natin.”
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Isang araw , dumating ang isang grupo ng mga tagalungsod . May dalang mga kagamitan ang ilan upang putulin ang mga puno . “ Gagawa kami ng resort dito !” wika ng lider ng grupo . “ Magdadala ito ng trabaho at turismo!”
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ngunit tumayo si Mang Juan sa harap ng mga tagaputol . “Hindi lahat ng kumikinang ay ginto ,” mariin niyang sabi . “Sa pagputol ninyo ng gubat , mawawala ang tahanan ng mga hayop , babaha ang ating mga palayan , at mawawasak ang kinabukasan ng ating mga anak .”
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Nang marinig ito ng kapitan ng barangay, tinipon niya ang mga mamamayan . Nagkaisa sila . Hindi sila pumayag sa proyekto . Sa halip , nagtanim pa sila ng mas maraming punla . Ginawa nilang eco-park ang gubat , kung saan puwedeng matuto ang mga bisita tungkol sa pangangalaga ng kalikasan . Simula noon, tinawag si Mang Juan bilang “ Tagapangalaga ng Gubat ng Pag- asa .”
) ) ) ) ) ) ) ) ) Balik -Aral ) ) ) ) ) ) ) ) ) Mga Tanong sa Pag- unawa ng Tagpuan : 1. Saan naganap ang kuwento ? 2. Ano- anong likas na yaman ang makikita sa tagpuan ? 3. Anong mga gawain ang ginagawa sa lugar na iyon ? 4. Anong problema ang naganap sa tagpuan ? 5. Paano ito naresolba ? Anong ecosystem mayroon sa kwento ? Anong mga halaman at hayop ang maaaring nakatira sa kagubatan ? May kahalintulad bang lugar sa Pilipinas na ginawang eco-park? Anong kabuhayan ang maaaring maapektuhan kapag nawala ang gubat ?
) ) ) ) ) ) ) ) ) Balik -Aral ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ano ang ipinapakita ng mga grupo ng larawan ?
) ) ) ) ) ) ) ) ) Pagganyak ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ang PANTASYA ay mga bagay o pangyayaring hindi totoo o mahirap mangyari sa totoong buhay , tulad ng mga nilalang na may mga mahika , hayop na nagsasalita , o mga tauhang may kakaibang kapangyarihan . Ang REALIDAD naman ay mga pangyayari o bagay na totoo at nangyayari sa ating pang- araw - araw na buhay , tulad ng mga tao , hayop , at mga pangyayaring natural.
) ) ) ) ) ) ) ) ) Layunin ) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) ) Halimbawa ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pag- uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
) ) ) ) ) ) ) ) ) Kuwento ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ang Pagbabago ng Kambal sa Kahariang Rollano
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Sa Kahariang Rollano ay may isinilang na kambal na sanggol na kapuwa lalaki . Ipinagdiwang ng buong kaharian ang pagdating ng mga sanggol dahil sila ang kauna-unahang anak ng mahal na hari at reyna . Pinangalanang Noel at Roel ang kambal .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Nang magbinata ang kambal , nabahala ang hari sa nakitang paguugali ng kambal . Si Prinsipe Noel ay lumaking kimi , matatakutin , at ayaw makihalubilo sa mga tao sa palasyo . Si Prinsipe Roel naman ay naging tuso , pangahas , at hambog .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Lingid sa kaalaman ng hari ay may mabait na duwendeng nagmamatyag sa kaharian . Batid niya ang suliranin ng hari at umisip siya kaagad ng paraan upang matulungan ang hari .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Minsan, nang namamasyal na nag- iisa si Prinsipe Noel, tinawag siya ng duwende at ipinagtapat ang dinaramdam ng hari . Nang ito’y malaman ni Prinsipe Noel, siya ay nangakong magbabago . Sinabi rin ng duwende na mayroon siyang plano upang mapagbago si Prinsipe Roel ngunit kailangang si Prinsipe Noel ang magsagawa nito . Sumang-ayon naman si Prinsipe Noel.
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Kinaumagahan , bago mag- ikaapat ng umaga , nagtungo si Prinsipe Noel sa hardin ng palasyo at hinanap ang halamang inilarawan ng duwende. Pinitas niya ang dilaw na bulaklak nito , kinuha ang katas, at lihim na inihalo sa iinuming gatas ng kapatid . Ininom ni Prinsipe Roel ang inihandang gatas ng kapatid . Nang sumunod na araw , ibang-iba na ang Prinsipeng kanilang nakita .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Kuwento ) ) ) ) ) ) ) ) ) Tungkol saan ang maikling kuwento ? Ano- anong mga pangyayari sa kuwento ang masasabi mong reyalidad ? Bakit? Ano- anong mga pangyayari sa kuwento ang masasabi mong pantasya ? Bakit?
) ) ) ) ) ) ) ) ) Halimbawa ) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) ) Kuwento ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Isang araw , may isang kayumanggi at walang lamang kahon ang naiwan sa isang sulok ng tindahan . Maya- maya’y may isang lolong nagdikit ng papel sa kahong walang laman . Hindi mabasa ng kahon ang nakasulat pero sabi ng kahon sa sarili , “Salamat at mayroon pa pala akong silbi kahit isang basurahan ”. Dati kasi siyang kahon ng sigarilyo .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Dumaan ang ilang araw , isang kasambahay ang naglagay ng isang manikang madumi ang damit at ang dilaw na buhok ay di pantay ang gupit . Natuwa ang kahon dahil nagkaroon na siya ng laman , isang basurang manika .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “ Kumusta , manika ?” ang bungad na bati ni Kahon . “Sa hitsura mo’y parang pinaglaruan ka yata ng batang sa iyo’y umampon .” “Uy, kaibigan . Maigi ngang nandito ako sa loob mo ,” sagot ni Manika. “Kung alam mo lang ang aking kwento , pihadong pati ikaw’y manlulumo .” “ Tutal , dalawa lang naman tayo, makikinig ako sa kwento mo ,” ngiti ni Kahon .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “O sige . Ako’y isang magandang manika noong una . Gintong mais ang aking buhok at mabango ang damit kong kulay pula. Madami ang sa akin ay nagbakasakali ngunit sabihin nating mayamang bata ang nagmay-ari . Ang hindi ko lang inaasahan , mayroon siyang panget na ugali. Kaming mga laruan ay hindi iniingatan at madalas gawan ng kalokohan . Biruin mong ilublob ako sa putikan at gupitin ang buhok kong ginintuan . Hay, nasayang lang ang aking ganda sa isang batang hindi marunong magpahalaga .” “ Masaklap pala ang iyong sinapit sa isang batang ugali’y malupit ,” yun na lang ang sinabi ni Kahon sa kanyang unang bisita .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ilang araw ang lumipas , may amang naglagay naman ng isang asul na robot sa kahon . “Kamusta, Robot,” sabay na bati nina Kahon at Manika. “Hay, eto , nakakahiya na ang hitsura . Bali ang isang kamay at lagyan man ng baterya ay di na gumagana . Ano pa nga ba , isa na akong basura !” dismayadong sagot ni Robot. “ Makikinig kami sa kwento mo , tutal tatlo lang naman tayo,” ang paunlak ni Kahon .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “O, sige . Ganito yun . Ako’y isang robot na modelo ng isang sikat na robot sa telebisyon . Binili ako ng isang mabait na tatay para sa kanyang bunsong anak . Tuwang-tuwa sa akin ang bunso , pero naiinggit naman sa kanya ang panganay na kapatid . Minsang naglalaro si bunso , nakiusap ang kuya niya na hiramin ako pero naging madamot ito . Nainis ang mas matanda kaya bigla akong hinaltak sa kanya. Pinag- agawan nila ako at parehong ayaw magpatalo .” “Hay, may mga bata talagang dapat dinidisiplina ,” sambit ni Manika.
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “Oo nga . Ang nangyari , nahulog ako sa semento , nabali ang kamay at nabasag pa ang lagayan ng baterya . Nang malaman ng ama, pinalo pareho ang dalawang bata at ako’y itinapon na lang. Ang sabi ng ama, kayong dalawa ay dapat nagbibigayan . Itatapon ko na lang ang robot upang kalimutan ang ugaling karamutan . At hindi ako bibili ng anumang laruan , hangga’t di ninyo natututunan ang magbigayan ng anumang kagamitan ,” ang malungkot na salaysay ni Robot. “ Sabagay , dapat talagang nagbibigayan ang bawat isa, lalo na sa pamilya ,” ang sabi na lang nina Manika at Kahon sa isa’t isa.
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “ Sabagay , dapat talagang nagbibigayan ang bawat isa, lalo na sa pamilya ,” ang sabi na lang nina Manika at Kahon sa isa’t isa. Kinabukasan , isang binata naman ang naglagay sa kahon ng isang magara at makintab na itim na kotse-kotsehan . “Kamusta, Kaibigan ,” ang bati nina Manika at Robot, “ Maligayang pagdating sa basurahan .” “Eto, malungkot , ” matamlay na sagot ng bagong dating. “Ha? Anong ikinalulungkot mo ? Sa hitsura mo , ika’y bagong-bago , ano ba ang kwento , kaming tatlo ay makikinig sa ‘ yo ,” ani Kahon .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “ Ganito kasi yun . Hindi bata ang bumili sa akin. Isang binatang mahilig bumili ng laruang sasakyan pero hindi naman niya nilalaruan . Itinatago sa istante , ayaw maalibukan , walang pakinabang . Bumili nang bumili pero pandisplay lang. Hay, gusto kong sabihin sa kanya, ako’y isang laruan . Tanging hiling ko’y may batang ngingiti habang ako’y pinaglalaruan .” “Ang binata kasi ay sa ibang bansa na maninirahan , pinili niya ang pinakamagaganda niyang laruang-sasakyan upang dalhin sa ibang bayan. At akong hindi napili , heto , napunta sa isang basurahan .” “Pero anong nangyari at napunta ka dito ?” tanong ni Manika.
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “Iyan ang isang pinakamasaklap na mangyari sa isang laruan , ang hindi man lang mahawakan ng isang bata,” nanghihinayang na nasabi ni Robot. Sumunod na araw , isang dalaga ang naglagay ng isang laruang oso sa kahon . “ Maligayang pagdating sa iyo , laruang oso ,” sabay-sabay na bati nina Manika, Robot, Kotse-kotsehan at Kahon .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “Uy, marami na pala kayo dito , salamat naman at hindi na ako mag- iisa ,” wika ng kadarating na kulay rosas na laruan . “ Apat pa lang naman kaming nagkukuwentuhan , ikaw ba , pwede ka bang kahuntahan ?” sambit ni Kahon . “ Aba’y oo naman, ganito ang aking karanasan . Ako’y isang laruang nagsilbing kaibigan . Isang dalagita ang sa akin ay bumili at mga sikreto niya’y sa akin lang sinasabi . Nakakatuwa naman at ako’y kanyang inalagaan . Ilang taon din kaming naging magkakwentuhan , pero ..” napalitan ng lungkot ang mukha ni Laruang Oso.
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “O, bakit , akala ko ba’y masaya ang iyong karanasan ,” tanong ni Robot. “ Nagtataka nga ako kung bakit ako inilagay dito . Basta sabi niya sa akin, dalaga na siya . Matanda na raw siya para sa kagaya ko, kung kaya’t ako’y kanyang pakakawalan . Bulong niya’y may makapulot sa aking bata na ituturing din akong kaibigan .” “Mabuti naman at hindi naman pala masama ang iyong karanasan , may dahilan naman pala ang iyong naging kalaro ,” ang sabi ni Kotse-kotsehan .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Lumipas pa ang mga araw at malapit nang mapuno ang kahong dating walang laman na naging basurahan . Parati kasing may naglalagay ng mga kung anu- anong basura sa kanya. Iba- ibang laruan . Iba- ibang kulay . Iba- ibang hugis . May bolang kupas at sombrero ng mangkukulam na butas . May espadang patpat at may lumang trumpo . May laruang bus, gitara at barko . Mayroon pa ngang mga damit ng diwata , nars at sundalo . Lahat ay may mga baong kwento . Ang huling nagdagdag ng basura ay ang lolong naglagay sa kahon sa isang sulok ng tindahan . Ang kanyang inilagay ay mga bareta ng luwad .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “Uy, may mga kakaibang bagay na nadagdag sa basurahan ,” ang bungad ni Manika. “Kami ay mga basurang laruan , pero kayo ba ay ano ?” tanong ni Robot. “Sabon ba kayong ayaw bumula ?” tanong ni Kotse-kotsehan . “Baka naman kending hindi mabili ,” wika ni Robot.
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “ Luwad , anong luwad ?” nagtataka na din si Kahon . “Mga simple lang kami kung tutuusin . Isang bulag na bata ang sa amin ay nagmay-ari . Nabulag daw sa paglalaro ng mga walis-tingting . Ang batang bulag ay naging malulungkutin at nawalan ng tiwala sa sarili ,” simulang kwento naman ng Berdeng Luwad . “O kaya tsokolateng luma na at inaamag ,” hula naman ng ibang mga laruan . “Mga kaibigan , kami ng aking mga kasamahan ay maituturing ding laruan ,” sagot ni Puting Luwad . “Ang tawag sa amin ay Luwad .”
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “Mabuti na lang at iniregalo kami sa kanya ng kanyang lolo. At ang dalawa’y parati na ngang nagsama sa paghulma sa amin ng kung anu- anong hugis . Pati nga kami’y namamangha sa kanilang ginagawa ,” nakangiting salaysay naman ni Kahel na Luwad . “Kami marahil ang naging paraan upang mabuksan ang angking kakayahan ng batang bulag . Dahil nawalan ng paningin , pinagana niya ang kanyang malawak na imahinasyon . Nakabuo siya ng iba-ibang hugis at iba-ibang bagay base sa kanyang nahahawakan . Naging mahusay na mahusay siya at noon lang nanumbalik ang tiwala niya sa sarili . Alam ninyo bang isa na siya ngayong mahusay na alagad ng sining ?” pagmamalaki naman ni Lilang Luwad .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “ Sining ? Ano naman ang sining ? Laruan din ba iyun ?” tanong ulit ni Kahon . “Ang Sining ay tumutukoy sa anumang kasanayan kung saan ipinapakita ng isang tao ang kagandahan sa kanyang paligid base sa kanyang nararamdam , nakikita , naririnig , naaamoy , at nararanasan . Alam ninyo bang ang batang bulag ngayon ay isa ng tanyag na iskultor at makata ?” nakangiting sabi ni Abong Luwad .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) “Sana ay mapulot kami ng mga batang hangad ay kasiyahan at paglilibang . Mga batang matututo sa amin ng pagkakaibigan at pagbibigayan . Mga batang ngingiti at matutuwa kapag kami ay nahawakan . At nawa’y magmulat sa kanilang imahinasyon upang kuminang ang kanilang mga talento . Mga batang mag- aalaga , mag- iingat , magpapahalaga at magmamahal sa aming mga laruan at ituturing kaming mahalagang parte ng kanilang kabataan .”
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Mahaba ang nilakbay ng kahon . Ang mga lumang laruan naman ay mistulang mga batang naglalaro sa loob nito . Nag- umpugan . Tumambling . Nagbungguan . Nagpabalentong . Napataas . Napababa . Pabalikwas-balikwas . Bumabali-baligtad . Nawala sa isip nila ang pag-aalala sa pupuntahang Bundok ng Basura .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Hanggang ang kahon ay nakarating sa isang trak ng puno rin ng mga kahong kagaya niya . At ngayon lang niya nabasa ang nakasulat . “ Kahon ng Kasiyahan , Panahon ng Pagbibigayan . Laruan Para sa Bahay- Ampunan .” At muling napangiti si Kahon . At sa isip niya’y gumuhit ang masayang larawan ng mga batang sabik sa laruan at mga laruang sabik sa pagmamahal ng mga kabataan .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ang tekstong naratibo ay isang uri ng teksto na nagkukuwento ng isang pangyayari , karanasan , o serye ng mga kaganapan . Layunin nito ang magsalaysay upang makaaliw , magturo , o magpabatid ng aral o damdamin sa mga mambabasa . Katangian ng Tekstong Naratibo : May tauhan – mga karakter na sangkot sa kuwento ( maaaring tao , hayop , o bagay). May tagpuan – lugar at panahon kung kailan naganap ang kuwento . May banghay – ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ( simula , gitna , wakas). May suliranin – ang problemang kailangang lutasin ng mga tauhan . May resolusyon – ang solusyon sa suliranin sa dulo ng kuwento . May pananaw o point of view – una o ikatlong panauhan ang ginagamit sa pagsasalaysay .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ang PANTASYA ay isang uri ng kwento o akda na may mga elementong hindi totoo at kadalasang hango sa imahinasyon ng manunulat . Karaniwan itong may mga tauhang tulad ng mga diwata , engkanto , higante , mangkukulam , mahiwagang hayop , at mga lugar na hindi matatagpuan sa tunay na mundo .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) Katangian ng Pantasya : Mahiwaga at hindi kapani-paniwala May mahika , kababalaghan , o kakaibang kapangyarihan . 2. Hindi totoo ang tagpuan Madalas nagaganap sa mga kathang-isip na kaharian , kagubatan , o mundo . 3. Tauhang may kakaibang katangian Hal. lumilipad , may mahiwagang kapangyarihan , o nilalang mula sa imahinasyon . 4. May tunggalian ( konflikto ) Laban sa masamang nilalang o puwersa . 5. May aral o mensahe Tulad ng kabutihan , katapangan , o pagmamahal sa pamilya .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) Ang REALIDAD ay tumutukoy sa mga totoong pangyayari , tao , lugar , at karanasan na maaaring maranasan sa tunay na buhay . Sa panitikan o kwento , ang realidad ay ginagamit upang ilarawan ang mga bagay na maaaring mangyari o nangyayari talaga sa paligid natin — walang halong pantasya o imahinasyon . Katangian ng Realidad sa Kwento o Teksto : Totoo o maaaring mangyari sa tunay na buhay May tunay na emosyon at karanasan ng tao Ang mga tauhan ay karaniwang tao ( hal . bata, guro , magulang ) Ang tagpuan ay pamilyar na lugar ( hal . paaralan , palengke , tahanan ) Walang mahika , kapangyarihan , o kababalaghan Layunin ay ipakita ang mga pangyayari sa araw-araw na buhay
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) TULANG PAMBATA ay isang uri ng tula na isinulat para sa mga bata. Karaniwan itong may madaling intindihin na salita , masayang tono , at nakakatuwang mensahe . Maikli lang ito at may ritmo o tugma , kaya madali ring isaulo o kantahin ng mga bata.
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) DULANG PAMBATA ay isang uri ng dula na isinulat at itinatanghal para sa mga bata, kadalasang may magaan na tema , makulay na tauhan , at aral na madaling maunawaan . Layunin nitong magturo ng kabutihang-asal , magpatawa , o magbigay-aliw habang hinuhubog ang imahinasyon at pagpapahalaga ng mga batang manonood .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) KUWENTONG KATATAKUTAN ay isang uri ng kwento na naglalayong takutin o kiligin sa kaba ang mambabasa o tagapakinig . Karaniwan itong may mga kababalaghan , multo , aswang, o iba pang nakakatakot na elemento . Ang ganitong kwento ay nagpapalakas ng imahinasyon at kadalasang binabasa o ikinukuwento sa gabi.
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) MAIKLING KUWENTO ay isang uri ng panitikan na naglalahad ng isang mahalagang pangyayari na may simula , gitna , at wakas, at karaniwang binabasa sa isang upuan lamang . Ito ay may iisang pangunahing tauhan , isang suliranin o problema , at isang malinaw na aral o mensahe sa dulo .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) PABULA ay isang uri ng maikling kwento na karaniwang ginagamitan ng mga hayop bilang tauhan na kumikilos , nagsasalita , at nag- iisip tulad ng tao . Layunin nitong magbigay ng aral o moral na leksyon sa mambabasa , lalo na sa mga bata.
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) TALAMBUHAY ay isang akdang nagsasalaysay ng totoong buhay ng isang tao — mula sa kanyang kapanganakan , mga karanasan sa buhay , edukasyon , tagumpay , hanggang sa kanyang kamatayan (kung pumanaw na ). Maaaring ito'y isinulat ng mismong tao (autobiography) o ng ibang tao tungkol sa kanya (biography).
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) ANEKDOTA ay isang maikling salaysay o kwento ng isang tunay na karanasan ng isang tao na nakawiwili , nakatutuwa , o kapupulutan ng aral . Karaniwan itong nagpapakita ng katangian o ugali ng isang tao sa isang partikular na sitwasyon .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Talakayan ) ) ) ) ) ) ) ) ) NOBELA ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng sunod-sunod at magkakaugnay na pangyayari na may maraming tauhan , masalimuot na banghay , at tagpuang tumatagal sa mahabang panahon . Layunin nito ang mag- aliw , magturo ng aral , at magpakita ng kalagayan ng lipunan .
) ) ) ) ) ) ) ) ) Pangkatang Gawain ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pangkatang Gawain UNANG PANGKAT ( ARTS ) Panuto : Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagkakaiba ng reyalidad at pantasya .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pangkatang Gawain PANGALAWANG PANGKAT ( MUSIC ) Panuto : Gumawa ng isang awitin na nagpapakita ng pagkakaiba ng reyalidad at pantasya .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pangkatang Gawain PANGATLONG PANGKAT ( LITERARY ARTS ) Panuto : Gumawa ng isang tula na nagpapakita ng pagkakaiba ng reyalidad at pantasya .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pangkatang Gawain PANG -APAT PANGKAT ( DRAMA ) Panuto : Gumawa ng isang dulaan na nagpapakita ng pagkakaiba ng reyalidad at pantasya .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Gawain Panuto : Suriin ang sumusunod na pangungusap at isulat ang R kung ito ay reyalidad at P kung pantasya .
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Gawain 1. Sumisikat ang araw sa Silangan at lumulubog sa Kanluran. R
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Gawain 2. Tuwang-tuwa si Nene habang nakikipaglaro siya sa kaniyang kaibigang duwende. P
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Gawain 3. Nakatulog ang hari nang isang taon . P
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Gawain 4. Ikinuskos ni Lita ang kaniyang mga palad at unti-unti na siyang naglaho . P
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Gawain 5. Habang dumidikit ang kuwintas sa kaniyang katawan ay lalo siyang lumalakas . P
) ) ) ) ) ) ) ) ) Gawain ) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) ) Aplikasyon ) ) ) ) ) ) ) ) ) Pag- uugnay sa Pang- araw - araw na Pamumuhay
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Aplikasyon Basahin ang bawat pangungusap . Tukuyin kung anong uri ng tekstong naratibo ito . Isulat ang tamang sagot sa patlang . TULANG PAMBATA KUWENTONG KATATAKUTAN MAIKLING KUWENTO PABULA DULANG PAMBATA TALAMBUHAY ANEKDOTA NOBELA
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Aplikasyon 1. Si Mang Ben ay isang bayani sa aming lugar . Tinulungan niya ang mga kapitbahay noong may baha . Siya ay matulungin at masayahing tao . Sagot: ____________ 2. “May aswang sa likod ng punong mangga !” sigaw ni Lito. Takot na takot ang mga bata at sabay-sabay na tumakbo . Sagot: ____________ 3. “Ako si Tuko , ang tuko sa kisame !” sabay hiyaw ng batang aktor sa entablado habang nakasuot ng costume. Sagot: ____________ 4. Si Matsing at Pagong ay nagtanim ng saging . Ngunit si Matsing ay naging tuso at hindi patas. Sagot: ____________
) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) ) Aplikasyon 5. “ Ako’y may alaga , asong mataba ...” kanta ni Ana habang nagbabasa ng isang libro na may tugma at masayang larawan . Sagot: ____________ 6. Ang batang si Maya ay natutong tumulong sa nanay matapos niyang masaksihan ang pagod nito araw-araw . Sagot: ____________ 7. Noong 1995 ipinanganak si Dr. Jose. Bata pa lamang siya ay masipag na sa pag-aaral . Sa kalaunan , naging doktor siya at tumulong sa maraming tao . Sagot: ____________ 8. Si Aling Rosa ay isang tindera . Isang araw , may nangyaring malaking gulo sa palengke na naging dahilan ng pagkalugi niya . Sagot: ____________
) ) ) ) ) ) ) ) ) Takdang Aralin ) ) ) ) ) ) ) ) ) Panuto : Sa isang buong papel , magbahagi ng magbahagi ng isang kwentong pantasya at realidad sa buhay mo.
) ) ) ) ) ) ) ) ) Takdang Aralin ) ) ) ) ) ) ) ) ) Panuto : Magtala ng dalawang paborito mong pelikulang Pilipino o palabas sa telebisyon . Suriin kung ito reyalidad o pantasya . Matapos ito , gamit ang venn diagram, ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong dalawang paboritong pelikula sa pamamagitan ng malinaw na pagpapaliwanag .