Pagbasa ng Anekdota Lakbay-Aral sa Aming Probinsiya
BALIK ARAL Ano ang ating nakaraang leksiyon ?
GAWAIN
Lagyan ng tamang titik ang bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag . • Ang naratibo ay tinatawag ding pags_s_l_y_a _ • Sa naratibo para ka ring nagku_ _en_ _ • Ano ang nangyari sa iyo ngayong araw? May is_ _ ry _ ka ba ?
Naaalala mo ba ang mga elemento ng kuwentong napag-aralan ?
Pagbasa ng Anekdota Lakbay-Aral sa Aming Probinsiya ni: Maria Fe Hicana Noong Mayo, nagpasya ang aming pamilya na magbakasyon sa probinsiya ng aking tatay sa Ilocos. Kami ay nagbiyahe nang malayo mula sa aming tahanan sa Taguig upang masilayan ang ganda at kultura ng Ilocos Norte.
Sa unang araw ng aming pagdating, kahit medyo pagod pa kami ay pumunta agad kami sa dagat. Ako, ang aking mga magulang, kasama ang aking mga kapatid ay nagtungo sa dalampasigan upang maglaro sa buhangin at magtampisaw sa mababaw na tubig. Napawi ang aming pagod. Napansin namin ang mga malalaking na alon .
Agad kaming sinabihang mag ingat sa mga ito . Pagkatapos ng aming paglalakad sa dalampasigan, isang salusalo ang inihanda sa amin. Nakalatag ang mga pagkain sa isang mahabang mesa. May mga isda at karneng nakahain . Hindi mawawala ang mga gulay na pamapalakas ng katawan at prutas bilang panghimagas . Kahit ayoko ng gulay at pinilit kong kumain dahil alam kong masustansiya ang mga ito .
Natural ang tamis ng mga prutas kaya kumain na din ako nito , hindi tulad ng mga panghimagas sa Maynila na kadalasan ay artipisyal ang pampatamis . Ibang-iba ito sa mga kinakain namin sa Maynila na kadalasan ay fast food. Makikitang sariwa ang mga pagkain dito sa probinsiya . Nabusog ako sa masasarap na pagkaing inihain sa amin.
Kinabukasan , kami ay pumunta sa Vigan, Ilocos Sur, kung saan makikita ang magagandang bahay na bato at makasaysayang kalsada . Napalibutan kami ng makukulay na bulaklak at nakakatuwang mga kalesa .
Napagtanto namin kung gaano kahalaga ang pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura . Sa aming huling araw , pumunta kami sa Bangui Wind Farm, kung saan makikita ang malalaking wind turbines na nagpoprodyus ng kuryente .
Napagtanto namin ang kahalagahan ng paggamit ng malinis na enerhiya upang mapanatili ang kalikasan . Hindi ko namalayan na nakaisang linggo na pala kami sa Ilocos.
Nakauwi kami sa Taguig na puno ng mga bagong alaala at karanasan. Ang aming paglalakbay sa Ilocos ay nagturo sa amin na mahalin at alagaan ang ating probinsiya . Nagkaroon ako ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kalikasan at kasaysayan ng aming rehiyon . Mabuti na lang at nakapunta ako sa magagandang lugar.
Alam ko na ito ay magiging bahagi ng aking buhay . Lalo kong minahal ang bansang Pilipinas !
Batay sa binasang anekdota, ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod : 1. Ano ang paksa ng anekdota ? 2. Bakit naikuwento ang naging pamamasyal sa probinsiya ?
3. Ano-ano ang mga ginawa nila pagkadating sa probinsiya? 4. Kinabukasan ng kanilang pagdating ay ano naman ang kanilang ginawa hanggang bago bumalik sa Maynila?
5. Paano nabago ang pananaw niya sa pagkain ng mga gulay at prutas ? 6. Ano ang mga napagtanto niya sa kanilang pagbabakasyon? 7. Tungkol saan ang unang bahagi ng talata?
8. Ano ang pagkakaiba ng ikalawang bahagi ng talata sa huling bahagi nito? 9. Nabasa mo ba sa kuwento ang mga elemento ng anekdota? Isa-isahin ang mga ito? 10. Anong aral ang napulot mo sa binasang anekdota ?
Sa pagsulat ng anekdota , ang teksto ay kadalasang binubuo ng tatlong bahagi . Ito ay ang simula , gitna , at wakas. Sa simula ay tinutukoy kung tungkol saan ang ikukuwento . Sa gitnang bahagi ng teksto ay pagsasalysay ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga detalye batay sa nais ikuwento. At sa huling bahagi ay ang wakas o huling pangyayari sa teksto .
Ang anekdota ay isang uri ng tesktong naratibo na batay sa isang makatotohanang karanasan . Kadalasang isinasalaysay ito sa nakatutuwang paraan . Layunin nito ng makapagbigay ng mensahe o gintong aral sa nagbabasa .
Ang simula ang karaniwang ipinakikilala ang tagpuan at mga tauhan . Sa bahagi naman ng gitna ay nakalahad ang mga pinakamahalagang pangyayari tulad ng suliranin ng pangunahing tauhan at nakasasabik na bahagi nito .
Sa wakas naman nakalahad ang huling pangyayari na lumulutas sa suliranin ng kuwento .
Sa pagbuo ng anekdota , gumagamit ng ilang pag-uusap sa pagsasalaysay . Pag- uusap ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap . Ginagamitan ito ng panipi na may simbolong ( “ ” ).
Bahagi ng Anekdota Tauhan Tagpuan Pangyayari Wakas Aral
Simula Noong Mayo,nagpasya ang aming pamilya na magbakasyon sa probinsya ng aking tatay sa Ilocos . Kami ay nagbiyahe nang malayo mula sa aming tahanan sa Taguig upang masilayan ang ganda at kultura ng Ilocos Norte.
Gitna Sa unang araw ng aming pagdating , kahit medyo pagod pa kami ay pumunta agad kaming dagat . Ako , ang aking mga magulang , kasama ang aking mga kapatid ay nagtungo sa dalampasigan upang maglaro sa buhangin at magtampisaw sa mababaw na tubig .
Wakas Nakauwi kami sa Taguig na puno ng mga bagong alaala at karanasan . Ang aming paglalakbay sa Ilocos ay nagturo sa amin na mahalin at alagaan ang ating probinsya .
GAWAIN Sa pagkukuwento , para maintindihan ka ng nakikinig sa iyo at maging kapana panabik ang istorya mo kailangang isaalang-alang ang sumusunod na elemento :
Basahin ang talata Isang magandang araw noon ng Linggo , nagyaya ang aking pamilya na pumunta kami sa parke . Ito ang araw ng aming pamilya para sa outing . Excited na akong sumakay sa aming kotse kasama ang mga kapatid ko. Noong kami ay nasa kalsada , biglang umulan nang malakas .
Dahil sa sobrang ulan , nagkaroon ng matataas na baha sa daan . Lima kami sa kotse – ako, ang kuya ko, ang ate ko, ang aking daddy , at ang aking mommy . Pinasok ng tubig ang aming kotse kaya mabilis naming binuksan ang pinto ng kotse at lumusong na kami sa baha .
Sagutin ang mga tanong na nakasaad at isulat ang iyong sagot : Ano ang napansin mo sa mga salitang initiman ang sulat? Sagot : __________________________________________
2. Ano kaya ang tinutukoy na araw sa pangungusap ? Bakit kaya tinawag itong pangngalan ? Sagot : __________________________________________________ 3. Pansinin ang mga salitang kuya , ate, daddy, at mommy, bakit maituturing din na pangngalan ang mga ito ? Sagot : __________________________________________________
ANO ANG IYONG NATUTUNAN? Ano-ano ang karanasan mo na hawig sa binasang anekdota?
Kapag ikaw ang magkukuwento , ano ang mga dapat mong tandaan upang maintindihan ang iyong kuwento ?
SAGUTIN Batay sa tampok na tekstong tinalakay, gawing gabay ito sa gawain. Buuin ang talata gamit ang simulang pahayag . Isalaysay ang naging bakasyon .
Salamat sa Pakikinig mga bata!
Filipino 4
QUARTER 2 Matatag curriculum Week 1 Day 2
Paggamit ng mga Salitang Denotasyon at Konotasyong Kahulugan sa Pagbuo sa Pangungusap
BALIK ARAL Ano ang iyong natutunann sa ating leksiyon kahapon ?
Ano ang anekdota ? Ano ano ang bahagi ng anekdota ? Tumawag ng mag- aaral na muling magsalaysay sa anekdotang binasa kahapon .
GAWAIN Alam mo ba kung paano mag kuwento ? Ikwento mo ang nangyari noong unang araw mo sa paaralan ( tumawag ng bata)
Ngayon ay basahin natin ang mga salitang nasa anekdotang binasa kahapon at alamin natin ang kahulugan ng mga ito . 1. Napawi ang aming pagod sa sariwang hangin 2. Masilayan ang ganda at kultura ng Ilocos Norte
3. Hindi ko namalayan na nakaisang linggo na pala kami sa Ilocos. 4. Hindi mawawala ang mga gulay na pamapalakas ng katawan at prutas bilang panghimagas . 5. Napagtanto namin ang kahalagahan ng paggamit ng malinis na enerhiya upang mapanatili ang kalikasan
TAYO AY MATUTO Ano anong mga salita ang may salungguhit sa bawat pangngusap ? Ngayon ay aalamin natin ang kahulaugan ng mga salitang ito gamit ang diksyonaryo . Ano kaya ang tawag natin sa kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyonaryo ?
mapawi - upang alisin o burahin ang isang bagay masilayan - upang makita o mahuli ang isang bagay namalayan - upang magkaroon ng kamalayan o mapagtanto ang isang bagay
panghimagas - isang matamis na ulam na kadalasang inihahain pagkatapos kumain napagtanto - upang maunawaan o maunawaan ang isang bagay
Ang denotasyong kahulugan ay tumutukoy sa literal o pangunahing kahulugan ng isang salita . Ito ang karaniwang kahulugan na matatagpuan sa diksyunaryo . Ang pag-unawa sa denootasyong kahulugaan ay mahalaga para sa wastong paggamit ng mga salita sa ating pang- araw - araw na komunikasyon .
Ang konotasyong kahulugan ay ang karagdagang kahulugan ng isang salita o pahayag na higit pa sa literal na kahulugan nito . Ito ay maaaring magbigay ng emosyonal o kultural na pagpapakahulugan sa isang salita . Ang pag-unawa sa konotasyong kahulugan ay mahalaga upang maunawaan nang lubos ang mga salita at pahayag sa ating wika .
Halimbawa : Mataas ang pangarap ni Anna. Mainit na pagtanggap ng bisita Ginto ang puso ng aking lola
Gamit ang mga dalang diksyonaryo ng mga mag- aaral,hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita . 1. gamot 2. kawani 3. panday 4. talaan 5. kabataan
GAWAIN Ano ang denotasyong kahulugan ? Ano naman ang konotasyong kahulugan ?
GAWAIN Sa pagsulat ng anekdota , ang teksto ay kadalasang binubuo ng tatlong bahagi . Ito ay ang simula , gitna , at wakas. Sa simula ay tinutukoy kung tungkol saan ang ikukuwento . Sa gitnang bahagi ng teksto ay pagsasalysay ng mga pangyayari o pag - iisa -isa ng mga detalye batay sa nais ikuwento . At sa huling bahagi ay ang wakas o huling pangyayari sa teksto .
Batay sa tampok na tekstong tinalakay , gawing gabay ito sa gawain . Buuin ang talata gamit ang simulang pahayag . Isalaysay ang naging bakasyon .
PAMAGAT SIMULA GITNA WAKAS
ANO ANG IYONG NATUTUNAN? Ano-ano ang tatlong bahagi ng talata sa anekdota? May nabasa ka na bang anekdota ?
Nagustuhan mo ba o hindi ang nabasa mong anekdota ? Bakit? Ano- ano ang dapat isaalang-alang sa pagkukuwentong muli ng nabasang anekdota ?
SAGUTIN Piliin ang denotasyong kahulugan o konotasyon kahulugan ng mga salita sa bawat pangungusap
Ano ang konotasyong kahulugan ng salitang "puso" sa pangungusap na "Si Maria ay may pusong ginto"? a. Mabait at mapagbigay b. May sakit sa puso c. Malakas kumain d. Mahilig sa alahas
2. Kapag sinabi nating " mabigat ang problema ," ano ang konotasyong kahulugan ng " mabigat "? a. Mahirap buhatin b. Mahirap lutasin c. Makapal na aklat d. Mataba ang tao
3. Ano ang konotasyong kahulugan ng " ilaw " sa pangungusap na "Si Tatay ang ilaw ng tahanan "? a. Bombilya b. Tagapagbigay liwanag c. Tagapangalaga at gabay d. Elektrisidad
4. Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang " bahay "? a. Isang lugar na nagbibigay ng init at ginhawa b. Isang lugar na ginagamit bilang tirahan ng tao c. Isang lugar kung saan natutulog ang mga tao d. Isang lugar na may bubong at mga dingding
5. Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang " puno "? a. Isang halaman na may ugat , tangkay , at mga dahon b. Isang tagapagbigay ng hangin c. Isang tahanan ng mga ibon at insekto d. Isang simbolo ng buhay at kalikasan