Pagbibigay ng Posibleng Wakas ng Binasang Kuwentong -Bayan
Pagganyak : Sagutin ang bugtong .
“Hindi hari ngunit may koronang nakausli .” Bayabas
Ang bayabas ay may natatanging korona o tila maliliit na dahon sa itaas ng bunga nito . Parang isang hari na may korona ngunit walang kaharian .
Sagutin Natin: 1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
Sagutin Natin: 2. Nakakain na ba kayo ng bayabas ?
Sagutin Natin: 3. Ano ang lasa nito ?
Basahin ang mga high frequency words na matatagpuan sa kwentong babasahin . Gamitin ito sa pangungusap batay sa karanasan ninyo sa loob ng paaralan .
Halimbawa : Matamis ang nabili kong inumin sa kantina .
matamis bayabas bunga pagkain nagagalit
Basahin Natin: “Juan Tamad”
Isang araw , sa isang maliit na baryo , naroroon si Juan Tamad na may matinding nais na kumain ng malamig na bunga ng bayabas .
• Nakain kaya ni Juan ang bayabas na inaasam niya ? Bakit o bakit hindi ?
• Sa palagay mo , tama ba ang ginawa ni Juan na maghintay na lang? Bakit?
• Ano kaya ang mangyayari kung si Juan ay pinili na lamang pitasin ang bayabas ?
Habang siya’y nakaupo’t nag aabang , biglang dumating si Mariang Masipag , isang dalagang masipag at masinop . Agad nitong pinitas ang bungang inaasam ni Juan Tamad .
• Ano ang naramdaman ni Juan nang makita niyang pinitas ni Mariang Masipag ang bayabas ?
• Sa palagay mo , tama ba ang ginawa ni Mariang Masipag ? Bakit?
Nang makita si Juan na bigo sa kaniyang planong kumain , nagtampo siya kay Mariang Masipag .
• Bakit nagtampo si Juan kay Mariang Masipag ?
• Kung ikaw si Juan, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang magtampo at magpatawad ?
Pangkatang Gawain: Pag usapan kung ano ang maaaring wakas ng kuwento at iguhit ito .
Ang pagbibigay ng posibleng wakas ng isang kuwento ay mahalaga upang malinang ang kritikal na kaisipan ng mga mambabasa o tagapakinig .
Narito ang ilang paraan kung paano magbigay ng wakas ng isang kuwento :
1. Pagbibigay ng Moral o Aral - Kung ang kuwento ay may aral , tapusin ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mensahe na nais mong iparating .
2. Wakas na Malungkot Isinasaad ang isang trahedya o pagkatalo ng bida bilang babala o aral .
3. Wakas na Masaya - Natatapos ito sa positibong paraan , kung saan nagtagumpay ang bida .
Pangkatang Gawain: Pag usapan ang mga sagot sa sumusunod na tanong ayon sa nakatalagang larawan sa bawat grupo .
Mga Tanong : 1. Tukuyin kung ano ang nabuong larawan ? 2. Sa tingin ninyo , ano-ano ang nangyari sa larawan ?
Mga Tanong : 3. Batay sa napag-usapan ninyo , ano ang posibleng wakas o susunod na mangyari rito ?
Mga Tanong : 3. Batay sa napag-usapan ninyo , ano ang posibleng wakas o susunod na mangyari rito ?
Pangkat 1:
Pangkat 2:
Pangkat 3:
Pangkat 4:
Paglalapat:Think Pair Share Ikuwento ninyo sa inyong katabi ang isang hindi makakalimutang karanasan sa paaralan . Ibibigay ng iyong kapareha ang posibleng wakas ng kuwento .
Paglalahat ng Aralin: Sa pagbibigay ng katapusan o wakas ng kuwento , maaaring gamitin ang Pagbibigay ng Moral o Aral kung saan ang kuwento ay may aral at tapusin ito sa pagpapakita ng mensahe na nais mong iparating .
Paglalahat ng Aralin: Maaari ring may wakas na malungkot na nagsasaad ng isang trahedya o pagkatalo ng bida bilang babala or aral o wakas na masaya na natatapos sa positibong paraan , kung saan nagtagumpay ang bida .
Pagtataya : Basahin at unawain ang kuwento . Piliin ang pinakaakmang pagtatapos ng kuwento . Bilugan ang letra ng inyong sagot .
Si Aling Maria ay isang matandang babae na mag isang nakatira sa liblib na kagubatan . Habang naglalakad siya sa kagubatan , nakita niya ang isang batang lalaki na nahulog sa puno .
Tinulungan niya ito . Nagpasalamat naman ang bata at ipinakita ang isang kahon na may kakaibang lihim . Sabi ng bata, "Ito ang susi sa iyong kinabukasan ."
1. Ano ang dapat gawin ni Aling Maria matapos marinig ang sinabi ng batang lalaki ? a. Buksan ang kahon agad at tingnan ang laman . b. Ibigay ang kahon sa ibang tao sa bayan. c. Itago ang kahon at huwag itong galawin . d. Magtanong sa mga tao sa bayan kung anong lihim ng kahon .
2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung buksan ni Aling Maria ang kahon?Makakakita siya ng isang kayamanang magpapabago sa kaniyang buhay . a. Magiging masama ang nangyari sa kaniya dahil sa hindi tamang paggamit ng kahon . b. Mawawala ang lahat ng kaniyang ari-arian at maguguluhan siya . c. Matutuklasan niya ang isang lihim na magdudulot ng kapayapaan sa buong bayan.
3. Ano ang mangyari kung hindi bubuksan ni Aling Maria ang kahon?Makakamtan niya ang tunay na kaligayahan sa kaniyang buhay . a. Magiging masaya siya ngunit wala siyang matutuklasan sa buhay . b. Ang kaniyang buhay ay mananatiling hindi magbabago . c. Makikita niyang ang kahon ay walang laman at tanging ang aral ng batang lalaki ang mahalaga .
4. Ano ang mangyayari kung hindi tinulungan ni Aling Maria ang batang lalaki ? a. Walang mangyayaring masama sa batang lalaki . b. Paparusahan ng batang lalaki si Aling Maria. c. Magagalit ang batang lalaki . d. Hahanap ng sariling paraan ang batang lalaki upang makaligtas siya .
5. Ano kaya ang maiisip ni Aling Maria sa sinabi ng batang lalaki na “Ito ang susi sa iyong kinabukasan ." a. Wala siyang iisipin . b. Mag- iisip siya na magiging maganda ang kaniyang buhay sa hinaharap . c. Matatakot siya sa maaaring mangyari sa hinaharap . c. Hahayaan niya lang ang sinabi ng bata at magkukunwari na walang narinig .
Takdang Aralin: Magbasa ng isang kuwentong bayan at ibahagi ito sa klase .
Quarter2 - Week5- Day2
Pagtukoy ng Payak na Pangungusap na Paturol o Pasalaysay
Balik - Aral: Ano nga ang mga tatlong paraan sa pagbibigay ng posibleng wakas ng nabasang kuwentong -bayan?
Pagganyak : Ilarawan ang posibleng nangyayari sa larawan .
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap .
1. Gustong kumain ng bayabas ni Juan.
2. Maraming puno ng bayabas sa paaralan .
3. Inabangan ni Juan ang pagbagsak ng bunga.
4. Namitas ng maraming bayabas si Maria.
Ano ang napansin ninyo sa mga binasang pangungusap ?
Basahin ang mga pangungusap na paturol o pasalaysay . Tukuyin ang simuno at panaguri . Ang bilang isa ay ginawa na para sa iyo . Gawin ito sa mga sumusunod na pangungusap .
1. Si Juan ay kumain ng bayabas . • Sino ang may gustong kumain ng bayabas ? • Anong detalye ang naglalawaran kay Juan? Juan ay kumain ng bayabas .
2. Ang aming paaralan ay may maraming puno ng bayabas .
3. Si Juan ay nag- aabang ng mga mahuhulog na hinog na bunga ng mangga sa lupa .
4. Si Maria ay namitas ng maraming bayabas .
• Anong titik nagsisimula ang bawat pangungusap ? • Anong bantas naman ito nagtatapos ? • Anong ipinapabatid ng bawat pangungusap ?
Balikang muli ang kuwentong “Juan Tamad ” at basahin ang mga sumusunod na pangungusap .
1. Ang mga unggoy ay kumakain ng saging . • Sino ang kumakain sa saging ? Ang mga unggoy . Ito ay ang simuno . • Anong detalye ang naglalawaran sa mga unggoy ? ay kumakain ng saging . Ito naman ay ang panaguri .
2. Si Mayor Pascual ay namigay ng mga pagkain . • Sino ang nagbibigay ng pagkain ? Si Mayor Pascual – Ito ay ang simuno
• Anong detalye ang naglalawaran kay Mayor Pascual? ay namigay ng mga pagkain .- Ito ay ang panaguri .
3. Ang mga isda ay lumalangoy sa karagatan . • Ano ang mga lumalangoy sa karagatan ? Ang mga isda –Ito ang simuno . • Anong detalye ang naglalarawan sa mga isda ? ay lumalangoy sa karagatan . Ito ay panaguri .
Talakayin Natin: • Ang payak na pangungusap na paturol o pasaylaysay ay nagpapahayag ng isang buong diwa na binubuo ng isang simuno at panaguri . Ang pangungusap na ito ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa tuldok .
Magbigay ng mga pangungusap na pasalaysay .
Isulat nang wasto ang mga sumusunod na pangungusap gamit ang angkop na malalaki at maliliit na letra . Isulat ito sa paraang kabit-kabit .
1. Si Lolo ay nakaupo sa balkonahe ng bahay .
2. Si Juan ay mahilig kumain ng bayabas .
3. Si Mario ay masipag na mag- aaral ..
4. Si Juan ay nag- aaral sa Mababang Paaralan ng Sta. Lucia.
5. Si Juan at Mario ay magkaklase .
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1: Tukuyin ang pangungusap kung may buong diwa o wala . Isulat ang P kung ito ay pangungusap at DP kung ito ay hindi pangungusap .
P DP 1. naglalakad sa loob ng silid aralan DP
P DP 2. Si Maria ay gumagawa ng kaniyang takdang-aralin . P
P DP P 3. Nakikinig nang mabuti si Joseph sa kaniyang guro .
P DP P 4. Nagtutulungan ang bawat mag- aaral sa mga ibinigay na gawain .
P DP DP 5. Sina Joan at Martha
Pangkat 2: Tukuyin ang simuno at panaguri sa pangungusap . Bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri .
1. Ang bata ay naglalakad sa loob ng silid-aralan .
2. Si Maria ay gumagawa ng kaniyang takdang-aralin .
3. Nakikinig nang mabuti si Joseph sa kaniyang guro .
4. Nagtutulungan ang bawat mag- aaral sa mga ibinigay na gawain .
5. Sina Joan at Martha ay naglilinis ng kanilang silid - aralan .
Pangkat 3: Bumuo ng halimbawa ng payak ng pangungusap sa paturol o pasalaysay .
Paglalapat:LIBRARY TRIP Ilarawan ang mga bagay na makikita sa silid-aklatan . Bumuo ng pangungusap na pasalaysay tungkol dito .
Paglalahat ng Aralin: Ang payak na pangungusap na paturol o pasaylaysay ay nagpapahayag ng isang buong diwa na binubuo ng simuno at panaguri . Ang pangungusap na ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa tuldok .
Pagtataya : Panuto : Lagyan ng kung ang pahayag ay payak na pangungusap na paturol o pasalaysay at kung hindi .
1. Si Ellen ay nagsusulat ng tula .
2. Diyan ako nag- aaral sa malaking paaralan .
3. Si Ginang Lucero ang nagtuturo sa ikalawang baitang .
4. Masaya ba ang mga bata?
5. Si Mario ay nagliligpit ng kaniyang mga gamit .
Takdang Aralin: Gumupit ng limang larawan ng prutas at gamitin ito sa pagsulat ng payak na pangungusap na paturol o pasalaysay .
Quarter2 - Week5- Day2
Pagbibigay ng Posibleng Wakas ng Binasang Kuwentong -Bayan Pagbibigay ng Sanhi at Bunga sa mga Pangyayari Nabasang Kuwentong Bayan
Balik - Aral: Ipakita ang masayang mukha 😊 kung ang pahayag ay nagsaad ng payak na pangungusap na paturol / pasalaysay at malungkot na mukha ☹ naman kung hindi .
1. Si Annie ☹
2. Naglalakad si Ginoong Pajardo . 😊
😊 3. Tinapon ng mga bata ang mga kalat sa basurahan .
☹ 4. Nagpaalam ?
😊 5. Kinolekta ni Ginang Mercado ang mga sagutang papel ng mga bata.
Suriin ang larawan :
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
2. Nakakain na ba kayo ng pinya ?
3. Ano ang lasa nito ?
Basahin ang mga salita na mula sa kwenting babasahin . Gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng pangungusap tungkol sa pagsasalaysay ng karanasan sa sarili at paaralan .
Halimbawa : 1. Masarap ang lugaw na luto ng inay . 1. lugaw 2. nagkasakit 3. naglalaro 4. paalala 5. mahal
Basahin Natin: “Ang Alamat ng Pinya ”
Sa isang malayong lugar , nakatira sina Aling Rosa at ang kaniyang nag- iisang anak na si Pinang. Mahal na mahal siya ng kaniyang ina kaya’t lumaki siya sa layaw .
Gusto ng ina na matuto ng gawaing bahay si Pinang, ngunit palagi itong nagdadahilan na alam na niya ang mga gawain .
• Sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento ?
• Ano ang problema ni Aling Rosa tungkol kay Pinang?
• Tama ba ang pag-uugali ni Pinang? Bakit?
Nagkasakit si Aling Rosa at hindi makabangon . Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw , ngunit nasunog ito dahil naglalaro lamang si Pinang.
Pinaalalahanan siya ng kaniyang ina . Pagkaraan , palaging nagtatanong si Pinang kung nasaan ang mga bagay sa bahay imbes na hanapin .
• Ano ang ginawa ni Pinang sa halip na mag ingat sa pagluluto ?
• Ano ang madalas na problema ni Pinang kapag gumagawa sa bahay ?
• Dapat ba na laging nagtatanong kapag may nawawala ? Ano ang mas magandang gawin ?
Dahil sa dami ng tanong ni Pinang, nainis si Aling Rosa at nasabi niyang “ Sana'y magkaroon ka ng maraming mata para makita mo ang lahat ng hinahanap mo ”.
Hindi na nagsalita si Pinang at lumabas ng bahay . Kinagabihan , nawala si Pinang at hindi na nakauwi .
• Ano ang nasabi ni Aling Rosa sa anak niya ?
• Paano kaya nakaramdam si Pinang sa narinig niyang iyon ?
• Ano ang naramdaman ni Aling Rosa nang hindi na makabalik si Pinang?
Pagkalipas ng mga araw , may nakita si Aling Rosa na halaman na may bungang hugis -ulo na may tila mga mata sa paligid .
Naalala niya si Pinang at ang sinabi niyang nais itong magkaroon ng maraming mata . Tinawag niya ang bunga na “Pinang” na kalauna’y naging “ Pinya .”
• Anong halaman ang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa?
• Bakit naisip ni Aling Rosa na ito ay si Pinang?
• Ano ang natutunan ni Aling Rosa at ng mambabasa mula sa nangyari ?
• Kung bibigyan ng posibleng wakas ang kuwento , ano kaya ito ?
Mga Pangungusap na may Sanhi at Bunga:
Sanhi: Laging nagdadahilan si Pinang kapag inuutusan . Bunga: Hindi siya natutong gumawa ng gawaing bahay .
Sanhi: Nagkasakit si Aling Rosa. Bunga: Napilitang gumawa ng mga gawain sa bahay si Pinang
Sanhi: Hindi hinahanap ni Pinang ang mga gamit , kundi tanong siya nang tanong . Bunga: Nainis si Aling Rosa at nasabi niyang sana’y magkaroon ito ng maraming mata .
Talakayin Natin: Ang sanhi at bunga ay mga konsepto na tumutukoy sa ugnayan ng mga pangyayari o kaganapan .
1. Sanhi – Ito ang dahilan o pinagmulan ng isang pangyayari . Ito ang nagpapaliwanag kung bakit nangyari ang isang bagay. Halimbawa : Laging nagdadahilan si Pinang kapag inuutusan .
2. Bunga – Ito naman ang resulta o kinalabasan ng isang pangyayari . Ito ang epekto o resulta ng sanhi . Halimbawa : Hindi siya natutong gumawa ng gawaing bahay .
Gawain: Panuto : Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga sa bawat pangungusap .
1. Dahil napabayaan ni Pinang ang niluluto , nasunog ang lugaw .
2. Palaging nagtatanong si Pinang sa kaniyang ina , kaya’t nainis si Aling Rosa.
3. Nagkasakit si Aling Rosa, kaya’t si Pinang ang kailangang gumawa sa bahay .
4. Hindi hinahanap ni Pinang ang kaniyang mga gamit , kaya lagi siyang nagtatanong .
5. Sinabi ni Aling Rosa na sana’y magkaroon si Pinang ng maraming mata , at naging bunga ang anak na parang may mata .
Paglalapat:Iguhit Mo Lunes ng umaga , biglang umulan pagpasok mo sa paaralan . Wala kang dalang payong . Ano ang maaaring mangyari o maging bunga ito ? Iguhit ang iyong sagot at ibahagi ito sa klase .
Paglalahat ng Aralin: Ang sanhi at bunga ay mga konsepto na tumutukoy sa ugnayan ng mga pangyayari o kaganapan .
Paglalahat ng Aralin: Ang Sanhi ay tumutukoy sa dahilan o pinagmulan ng isang pangyayari . Ito ang nagpapaliwanag kung bakit nangyari ang isang bagay.
Paglalahat ng Aralin: Samantala , ang Bunga naman ay ang resulta o kinalabasan ng isang pangyayari . Ito ang epekto o resulta ng sanhi .
Pagtataya : Panuto : Basahin ang mga pahayag . Tukuyin ang sanhi at bunga sa bawat pangungusap . Isulat ang titik ng tamang sagot .
Hanay B a. Nanalo ang baitang dalawa sa patimpalak sa pagsayaw . b. Dumami ang halaman sa bakuran ng paaralan . c. Kaya siya ay malusog . d. kaya siya ay nagkasipon . e. Kaya maraming halaman ang tumubo sa bakuran ng paaralan . Hanay A 1. Nagtapon ng buto si Arnel sa bakuran ng paaralan .
Hanay B a. Nanalo ang baitang dalawa sa patimpalak sa pagsayaw . b. Dumami ang halaman sa bakuran ng paaralan . c. Kaya siya ay malusog . d. kaya siya ay nagkasipon . e. Kaya maraming halaman ang tumubo sa bakuran ng paaralan . Hanay A 2. Kumakain lamang ng masustansyang pagkain si Elena sa kantina ng paaralan .
Hanay B a. Nanalo ang baitang dalawa sa patimpalak sa pagsayaw . b. Dumami ang halaman sa bakuran ng paaralan . c. Kaya siya ay malusog . d. kaya siya ay nagkasipon . e. Kaya maraming halaman ang tumubo sa bakuran ng paaralan . Hanay A 3. Naglaro si Annie sa palaruan ng paaralan habang umuulan .
Hanay B a. Nanalo ang baitang dalawa sa patimpalak sa pagsayaw . b. Dumami ang halaman sa bakuran ng paaralan . c. Kaya siya ay malusog . d. kaya siya ay nagkasipon . e. Kaya maraming halaman ang tumubo sa bakuran ng paaralan . Hanay A 4. Nagtanim ng mga halaman sina Marko at Armando sa bakuran na paaralan .
Hanay B a. Nanalo ang baitang dalawa sa patimpalak sa pagsayaw . b. Dumami ang halaman sa bakuran ng paaralan . c. Kaya siya ay malusog . d. kaya siya ay nagkasipon . e. Kaya maraming halaman ang tumubo sa bakuran ng paaralan . Hanay A 5. Nag- ensayo ang baitang dalawa sa nalalapit na patimpalak sa pagsayaw .
Takdang Aralin: Magtala ng isang pangyayari o suliranin sa paaralan . Sumulat ng limang sanhi at bunga ukol dito .
Quarter2 - Week5- Day4
Pagtuloy ng Payak na Pangungusap na Paturol o Pasalaysay at Patanong / Paggamit ng Iba't ibang Ekspresyon sa Pagpapakilala ng Sarili
Balik - Aral: Tukuyin kung aling salita ang sanhi at bunga.
1. ulan --- baha Sanhi: ____________ Bunga: ___________ ulan baha
Awitin sa saliw ng musika ng ako at ang aking komunidad .
Ako, ako, ako si Teacher ______ Ikaw, ikaw , ikaw Anong pangalan mo ? Siya, siya , siya Anong pangalan niya ? Tayo’y magpakilala na. la la la
Ano ang iyong pangalan ? Ilang taon kana? Kailan ang inyong kaarawan ? La la la ikaw ba ay babae o lalaki ? Anoba ang gusto mo at ayaw mo ?
1. Tungkol saan ang awiting pinakinggan ?
2. Ano- ano ang detalyeng hinihingi nito ?
3. Paano hiningi ang mga detalye ?
Ang awitin ay tungkol sa pagpapakilala nating lahat. Sa tingin ninyo , bakit kailangan nating magpakilala sa isa’t isa?
Panuto : Basahin ang mga pangungusap na babanggitin mula sa diyalogong babasahin .
1. Maganda umaga po! 2. Ano ang pangalan mo ? 3. Saan ka natira ?
4. Ilang taon ka na ? 5. Ano ang pangalan ng nanay mo ? 6. Ano ang pangalan ng tatay mo ?
Basahin Natin: Babasahin ng mga lalaki ang mga linya ni Ginang Rivero at mga babae naman ang para kay Fina.
Fina: Maganda umaga po, Ginang Rivero! Ginang Rivero: Magandang umaga rin sayo . Ano pala ang pangalan mo , iha ?
Fina: Ako po ay si Fina. Ginang Rivero: Ilang taon ka na ? Fina: Ako po ay walong taong gulang na.
Ginang Rivero: Saan ka nakatira ? Fina: Ako po ay nakatira sa sitio ng Sta. Lucia.
Ginang Rivero: Ang layo pala ng bahay ninyo . Sinusundo ka ba ng nanay o tatay mo ?
Fina: Opo , sinusundo po ako ni nanay tuwing hapon pagkatapos po ng klase . Ginang Rivero: Mabuti naman, Fina.
1. Tungkol saan ang pag - uusap nina Fina at Ginang Rivero ?
2. Ano ang inyong mga napansin sa mga pangungusap ?
Ang pangungusap patanong ay ang pangungusap na nagtatanong o nag- uusisa .
Ang salita na karaniwang ginagamit sa manimula ng pangungusap na patanong ay tinatawag na mga " pananong na salita " ang mga ito ay, ano , sino , kailan, saan , paano at bakit .
Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?).
Halimbawa : 1. Sino ang nagbigay ng regalo kay Anna? 2. Ano ang laman na natanggap na regalo ni Anna?
Gawain: Iwasto ang pagsulat sa mga sumusunod na pangungusap sa patanong at isulat ito sa paraang kabit-kabit . Gamitin ang malalaking titik sa pagsisimula ng pangungusap at lagyan ito ng tamang bantas .
1. ano pala ang pangalan mo 1. ano pala ang pangalan mo ?
2. ilang taon ka na 2. ilang taon ka na ?
3. saan ka nakatira 3. saan ka nakatira ?
4. ano ang pangalan ng nanay mo 4. ano ang pangalan ng nanay mo ?
5. ano ang pangalan ng tatay mo 5. ano ang pangalan ng tatay mo ?
6. ilan kayong magkakapatid . 6. ilan kayong magkakapatid .
Paglalapat : Maghanap ng kapareha at gumawa ng pag-uusap na nagpapakilala ng sarili sa taong kaharap gamit ang mga pangungusap na patanong . Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto upang ihanda ang pag-uusap .
Paglalahat ng Aralin: Ang pangungusap na patanong ay ang pangungusap na nagtatanong o nag- uusisa .
Paglalahat ng Aralin: Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?).
Paglalahat ng Aralin: Ang salita na karaniwang ginagamit sa panimula ng pangungusap na patanong ay tinatawag na mga " pananong na salita " ang mga ito : ano , sino , kailan, saan , paano , bakit , magkano , ilan , alin at iba pa.
Pagtataya : Panuto : Isulat ang PL kung ang pangungusap ay paturol o pasalaysay at PT naman kung ito ay patanong .
1. Bakit hindi natutong gumawa ng gawaing bahay si Pinang? PL PT PT
PL PT PL 2. Nasunog ang lugaw na niluto ni Pinang
PL PT PT 3. Bakit nagkaroon ng maraming mata ang bunga ng halaman ?
PL PT PT 4. Ano- ano ang mga gamit na hindi makita ni Pinang?
PL PT PL 5. May halamang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa.
Takdang Aralin: Mag- interbyu ng isang kapamilya at magtala na dalawang tanong na gusto mong sagutin ng iyong kapamilya .