PPT_FPL-11_12-Q2-1101_Kahulugan-Katangian-at-Gamit-ng-Pormal-na-Liham.pptx

DarrenLoregas 0 views 32 slides Oct 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 32
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32

About This Presentation

Katangin at gamit ng pormal na liham.


Slide Content

Yunit 11 : Pagsulat ng Pormal na Liham Aralin 1 Kahulugan, Katangian, at Gamit ng Pormal na Liham

Bakit mabisang paraan ng pakikipagtalastasan ang liham? PANSININ ALAMIN PALAWAKIN SURIIN TUKLASIN ‹#›

Layuning Pampagkatuto Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nailalahad ang kahulugan at mga katangian ng isang pormal na liham; natutukoy ang gamit ng pormal na liham; at nakikilala ang pormal na liham ayon sa anyo. PANSININ ALAMIN PALAWAKIN SURIIN TUKLASIN ‹#›

Bakit tinawag na pormal ang isang pormal na liham? ‹#› ‹#› May mga sinusunod na ano? Paano mangusap? K anino ipadadala? Anong pakay?

Kinikilala ang liham bilang isang buong anyo ng pabatid na maaaring naglalaman ng kaalaman, balita, saloobin, danas, o anumang uri ng konseptong nais ibahagi ng nagpadala sa pinadalhan. ‹#› ‹#›

Kinikilala ang kapangyarihan ng isang liham na mangusap nang personal sa kinauukulan taglay ang personalidad ng taong nagpapabatid.

‹#› Batay sa sariling karanasan, ano o ano-anong liham na ang aktuwal mong naisulat at naipadala? Ano ang iyong layunin sa likod ng pagliham?

Pormal na Liham: Kahulugan Ang pormal na liham ay isang kalatas ng pabatid na may seryoso, opisyal, at mga pagkakataong tungkol sa pangangalakal at kabuhayan ang pakay ng sumusulat sa sinusulatan. ‹#› ‹#›

Mayroon itong mga pamantayang sinusunod sa pagsulat , paggamit ng wika , paraan ng paglalahad ng mga pakay ng tagapagpabatid , at tiyak na bahaging dapat mapunan ng impormasyon , nang hindi nagpapaligoy-ligoy at gumagamit ng mabubulaklak na salita. ‹#› ‹#›

Mga Uri ng Pormal na Liham Liham pantanggapan Liham pangangalakal Liham aplikasyon Liham pagtatanong o pagsisiyasat Liham paanyaya ‹#› ‹#›

Liham pasasalamat Liham pagbati Liham pagtanggap Liham paumanhin Mga Uri ng Pormal na Liham

‹#› Isa sa mga susing palatandaan ng pagkakaiba sa pagitan ng liham na di-pormal at pormal ay ang personalidad ng taong pagbibigyan o pag-uukulan ng pabatid na liham.

‹#› Di-pormal ang liham kung nauukol sa mga kaibigan, kamag-anak, at kakilala, sa layong magpabatid ng mga personal na danas at intensiyon at maluwag at magiliw na paraan ng pakikipag-usap.

‹#› Samantala, karaniwang nauukol ang pormal na liham sa maawtoridad na taong may tiyak na gampanin sa kinabibilangang larangan o pangkat.

Pormal na Liham: Mga Katangian Malinaw. Maayos na nahahati ang paglalahad batay sa mga pakay ng pabatid. Walang paligoy-ligoy sa pagsasalaysay, at maiikli ang pangungusap. ‹#› ‹#›

Pormal na Liham: Mga Katangian Wasto . Inaasahang angkop at tiyak ang impormasyong isasaad dito. Mahalagang napapangkat ang mga piraso ng impormasyon. ‹#› ‹#›

Pormal na Liham: Mga Katangian Buo . Magkakasama ang impormasyong magkakaugnay. Nailatag nang hindi labis at kulang ang mga pahayag na layong ipabatid sa pinag-uukulan. ‹#› ‹#›

Pormal na Liham: Mga Katangian Magalang . Dito pumapasok ang himig ng pagpapahayag ng sumulat sa kaniyang sinusulatan. Lagi nitong kakabit ang kagandahang-asal sa pakikipag-usap. ‹#› ‹#›

Pormal na Liham: Mga Katangian Maikli . Tanging mahahalaga at impormasyong may kinalaman lamang sa pakay ng pabatid ang dapat lamanin ng liham. ‹#› ‹#›

Pormal na Liham: Mga Katangian Mapagsaalang-alang . Pagsasaalang-alang ito sa iba’t ibang salik ng pagliham. Kabilang dito ang layunin, paraan ng pangungusap, at uri ng mga ideyang nais ipahayag. ‹#› ‹#›

Pormal na Liham: Mga Katangian Kumbersasiyonal . T aglay rito ang likas na pamamaraan ng pagpapahayag ng pakay at impormasyon ng pabatid sa sinusulatan. ‹#› ‹#›

Mga Gamit ng Pormal na Liham Magpaabot ng impormasyon Magsakatuparan ng transaksiyon Paglikha ng pangangailangan Pagpapalawak ng negosyo ‹#› ‹#›

Mga Gamit ng Pormal na Liham Pagbubuo ng ugnayan at samahan Katibayan ng talastasan Magsiyasat Pag-apela o pagpapabatid ng puna ‹#› ‹#›

‹#› Bakit kaya mahalagang naipagtatangi pa ang dalawang uri ng liham—pormal at di-pormal?

Ano ang saysay ng pagkilala ng tulad mong mag-aaral sa pormal na liham bilang isa sa mga anyo ng sulating akademiko? ‹#›

Gawin Natin! Magpangkat sa lima ang klase. Bawat pangkat ay pipili ng tatlong gamit ng pormal na liham na nais maging batayan ng pagsulat nito. Bawat gamit na mapipili ay tumbasan ng mga detalyeng nais ipalaman sa pabatid, tulad ng pakay at paksang pabatid at impormasyong nakaugnay rito. PANSININ ALAMIN PALAWAKIN SURIIN TUKLASIN ‹#›

Ano-ano ang dapat taglayin upang masabing mabisa ang isang pormal na liham? Ano ang iba’t ibang gamit ng pormal na liham sa larangan ng pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan? ‹#› ‹#›

Ano-anong kasanayan at kakayahan ang nililinang ng naging araling kumikilala sa pormal na sulatin bilang isang sulating akademiko? ‹#› ‹#›

Itinuturing ang pormal na liham bilang isang pabatid na naglalaman ng mga impormasyon o mensaheng nakatuon sa seryosong paksa, opisyal na pakikipag-ugnayan, o usaping pangkalakalan at pangkabuhayan sa pagitan ng sumulat at ng sinulatan. ‹#›

Dahil may mga pamantayang sinusunod sa pagsulat ng pormal na liham, inaasahang magiging mabisa ito sa pamamagitan ng pagiging malinaw, wasto at buong paglalahad, magalang na pananalita, maikli, mapagsaalang-alang, at kumbersasyonal na pangungusap. ‹#›

Ginagamit ang pormal na liham upang makapagpaabot ng impormasyon, magsakatuparan ng transaksiyon, makapagpalawak ng negosyo, makalikha’t makatugon sa pangangailangan ng kapuwa, makabuo ng bagong ugnayan, maging katibayang dokumento, magsiyasat, at/o umapela o pumuna. ‹#›

‹#› Free BCom Notes. “Buesiness Letter: Meaning, Purpose, Stages and Essentials.” (n. d.). https://freebcomnotes.blogspot.com/2016/11/business-letter-meaning-purpose-stages.html , nakuha noong Mayo 3, 2020. Homeschooling in the Philippines. "LIHAM - Uri, Bahagi, Anyo, Katangian, Bantas.” https://www.homeschoolmanila.com/p/blog-page.html , nakuha noong Mayo 3, 2020. JBirdwellBranson. “The Art of Writing the Perfect Formal Letter.” Servisescape, (2018). https://www.servicescape.com/blog/the-art-of-writing-the-perfect-formal-letter , nakuha noong Mayo 3, 2020. The Writing Center. “Business Letters.” (n. d.). https://writingcenter.unc.edu/tips-and-tools/business-letters/ , huling na- access noong Mayo 3, 2020. Villanueva, Leonida B., at Rogelio G. Mangahas, mga patnugot. Patnubay sa Korespondensiya Opisyal, Ikaapat na Edisyon. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2015. http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Patnubay-sa-Korepondensiya-Opisyal_ikaapat-na-edisyon_ikalawang-limbag.pdf , nakuha noong Mayo 3, 2020.