Pamilya bilang Pinagmumulan nang Maayos na Komunikasyon sa Kapuwa KAHULUGAN NG PAMILYA
BALIK ARAL Ano ang iyong natutunan sa nakaraang aralin ? Anu- ano ang iyong angking kakayahan at talento ?
ATING ALAMIN Ipakita ang video tungkol sa pamilya
Itanong kung tungkol saan ang nasa video.
PAGPAPAUNLAD NA GAWAIN Pakinggan ang Tula tungkol sa Pamilya Ang Aking Pamilya Akda ni : Cathyrin V. Bolaños O aking mahal na ina , Ikaw ay uliran at pinagpala . Ilaw ka ng tahanan at tagapamahala Inihahanda ang kailangan ng bawat isa.
Sa aking makisig na ama Masipag at matiyaga . Pagod sa trabaho , ‘di alintana . Maibigay lamang lahat sa pamilya . Si kuya na tumutulong sa ama, Si ate naman, gumagawa kapag wala ang ina . Si bunso na laging nagpapasaya , Kapag pagod si ina’t ama.
Ang pamilya’y laging nariyan . Sa problema’t kasiyahan , laging maaasahan . Pamilya na hindi ka iiwan Sila’y ating mahalin at ingatan .
TAYO AY MATUTO! Ang pamilya ay may iba’t ibang uri , ito ay ayon sa kasapi nito tulad ng two parent family, single parent family, at extended family.
Ang karaniwang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak . Mayroon ding pamilya na kasama ang mga lolo’t lola , tito’t tita at mga pinsan . Maituturing ding pamilya ang ina o ama lamang at mga anak .
Mga Uri ng Pamilya
LINANGIN ANG KAKAYAHAN Panuto : Gumupit o gumuhit ng larawan na hinihingi sa bawat kahon sa ibaba at idikit ito .
GAWAIN Panuto : Gumupit o gumuhit ng larawan ng bawat miyembro ng iyong pamilya at idikit ito sa wastong kahon upang mabuo ang iyong “Tala ng Angkan o Family Tree”. Isulat sa ilalaim ng larawan ang katangian ng bawat miyembro ng iyong pamilya .
Ano ang iyong natutunan ? Ano man ang pamilyang kinabibilangan , dapat ay pahalagahan sapagkat ang pamilya ang siyang gumagabay , nagtuturo ng mga mabubuting asal , nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal ng walang kapalit .
SAGUTIN I. Panuto : Punan ang nawawalang salita sa patlang . Mamili ng sagot sa loob ng kahon .
1. Ang ___________ binubuo ng nanay , tatay at mga anak . 2. Binubuo ng isang magulang lamang at anak ang ________. 3. Ang ______________ay binubuo ng nanay , tatay , mga anak at kasama na rin rito sina lolo at lola .
II. Isulat sa kahon ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya , at guhitan ang istraktura ng inyong pamilya na nasa loob ng kahon sa ibaba .
SALAMAT SA PAKIKINIG!
GMRC GMRC GMRC 4
QUARTER 2 Matatag Curriculum WEEK 2 DAY 2
Pamilya bilang Pinagmumulan nang Maayos na Komunikasyon sa Kapuwa TUNGKULIN NG BAWAT MIYEMBRO NG PAMILYA
ATING ALAMIN Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng bahay at ilagay ang tungkulin ng bawat isa.
GAWAIN Panuto : Punan ang nawawalang salita sa patlang . Mamili ng sagot sa loob ng kahon .
1. Ang ________ binubuo ng nanay , tatay at mga anak . 2. Binubuo ng isang magulang lamang at anak ang ________. 3. Ang ______________ay binubuo ng nanay , tatay , mga anak at kasama na rin rito sina lolo at lola .
Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng komunidad . Ang bawat pamilya ay may iba’t ibang pinagmulan , komposisyon , kaugalian at paniniwala . Dito unang nahuhubog ang kaisipan at ugali ng isang bata.
Ano’t anoman ang pinagmulan ng isang pamilya , iisa ang mithiin , ang mahubog ang bata na maging kapaki-pakinabang sa komunidad .
Ang karaniwang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak . Mayroon ding pamilya na kasama ang mga lolo’t lola , tito’t tita at mga pinsan . Maituturing ding pamilya ang ina o ama lamang at mga anak .
Ang Papel ng Ama sa Pamilya Ang tungkulin ng isang ama sa pamilya ay hindi maaaring ihiwalay sa kanyang responsibilidad na magbigay ng isang pakiramdam ng seguridad at proteksyon para sa bawat miyembro ng kanyang pamilya .
Dagdag pa rito , kailangan ding protektahan ng ama ang bawat miyembro ng kanyang pamilya at maging tagapasya kapag may alitan o problema sa pamilya .
Dagdag pa rito , bilang padre de pamilya , ang ama ay dapat magkaroon ng tungkulin na tustusan ang bawat miyembro ng kanyang pamilya habang sila ay nasa kanilang produktibong edad .
Ang Papel ng Ina sa Pamilya Ang tungkulin ng isang ina ay tiyak na turuan ang mga anak , habang ang mga ama ay sasamahan lamang ng mga ina sa pagpapaaral sa kanilang mga anak .
Bukod dito , kabilang din sa tungkulin ng isang ina ang pagbibigay ng pagkain para sa lahat ng miyembro ng pamilya at pagbibigay ng maayos na kapaligiran sa pamumuhay para sa lahat ng miyembro ng pamilya
Ang Papel ng Panganay sa Pamilya Ang papel ng panganay , siyempre , ay protektahan ang kanyang mga nakababatang kapatid upang maging mas mahusay .
Ang panganay ay madalas ding itinuturing na pinaka -mature na gumawa ng mga desisyon . Kung siya ay nasa hustong gulang na , ang panganay ay may karapatan din na mamagitan kapag may alitan sa pagitan ng kanyang mga magulang na hindi nawawala .
Ang Papel ng Bunsong Anak sa Pamilya Ang likas na katangian ng bunsong anak na karaniwang masayahin at laging gustong layaw ay maaaring maging hiwalay na tagapaglibang para sa kanyang mga magulang .
Kung tutuusin , hindi imposible kung ang bunso ay may mahalagang papel din sa economic sustainability at social status ng pamilya
KARAPATAN NG BAWAT KASAPI Ang bawat karapatan ng kasapi ng pamilya ay may kaangkop na tungkulin na dapat gampanan upang maging maayos at masaya ang buong mag- anak . Itinuturo ang pagbibigay respeto sa katungkulan ng bawat isa.
Ang pagkukusang – loob na gawin ang bawat tungkulin ay nakatutulong sa pag-unlad ng pagkatao ng bata na siyang lumilinang sa kanyang mga kakayahan o talento . Malaki ang bahagi ng pamilya sa paghubog ng ating pagkatao sapagkat ang mga kaugalian na nakasanayan natin sa tahanan ay ang mga kaugaliang mabibitbit natin hanggang sa ating pagtanda .
PANUTO: Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasabi ng bahaging ginagampanan ng kasapi ng iyong pamilya . Lagyan ng tsek ( ✓ ) kung Oo at ekis (X) naman kung Hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno .
1. Si tatay ay nag- aayos ng sirang aparador sa bahay . 2. Si nanay ay nagluluto ng pagkain . 3. Si tatay ay naghahanapbuhay para sa pamilya .
4. Tumutulong si kuya sa mga gawaing-bahay . 5. Tumutulong si ate sa paglalaba ng damit .
Ano ang iyong natutunan ?
Ang ating pamilya ang pinakamailiit na yunit ng ating lipunan . Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak . Minsan kasama ang lolo at lola , tiyo , tiya at mga pinsan sa tahanan .
Panuto : Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong kaisipan at MALI kung hindi .
_______1. Ang pagtutulungan ng mag- anak sa tahanan ay nagdudulot ng kasiyahan . _______2. Bawat kasapi ng tahanan ay may karapatan at tungkulin na dapat gampanan . _________3. Sinisigawan angnakakatandang kapatid kapag kinakausap .
_________4. Magbigay galang at respeto sa bawat kasapi ng pamilya para sa maayos na pagsasamahan . ________5. Ang pagdarasal ng mag- anak ay nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos .
SALAMAT SA PAKIKINIG!
GMRC GMRC GMRC 4
QUARTER 2 Matatag Curriculum WEEK 2 DAY 3
Pamilya bilang Pinagmumulan nang Maayos na Komunikasyon sa Kapuwa MGA GAWAIN SA TAHANAN NA KAILANGAN GAWIN NANG MAY KALIDAD
BALIK ARAL Ano ang iyong natutunan sa nakaraang aralin ?
Kung masaya ba ang pamilya , may kalidad ba ang mga gawain ?
Ang pagkakaroon ng pananalig sa Poong Lumikha ang solusyon sa anumang suliranin sa buhay . Kahit iba-iba man ang relihiyon ng bawat Pilipino ay iisa pa rin ang pinagkukunan ng lakas ng loob at nagbibigay ng pag-asa sa mga pagsubok na maaaring dumating sa pamilya .
TAYO AY MATUTO! Ang mga larawan ay nagpapakita ng kaugalian at paniniwala ng isang pamilya na ating kinagisnan .
Ang pamilya ay ang pinakamaliit na yunit ng ating komunidad . Ito ay binubuo ng tatay , nanay at mga anak . Minsan kasama sa tahanan ang mga lolo at lola na tinatawag na extended family.
Sa loob ng tahanan nahuhubog ang mga magagandang kaugalian at paniniwala . Dito unang natututunan ng mga bata ang pagbibigayan , pagtutulungan at pagbibigay galang gaya ng pagmamano at pagsabi ng po at opo sa nakatatanda . Itinuturo rin sa tahanan ang pagmamahalan at higit sa lahat ang pananampalataya sa Diyos .
Sina tatay at nanay ay naghahanapbuhay para sa pangangailangan ng pamilya . May pamilya na ang tatay lamang ang nagtatrabaho at naiiwan ang nanay upang gumawa ng mga gawaing-bahay .
Mayroon namang pamilya na ang tatay ang naiiwan sa bahay at ang nanay ang kumikita para sa pamilya . Pagkagaling sa trabaho ay may tungkulin pa ring dapat gampanan sina tatay at nanay . Minsan, sila pa rin ang magluluto at maglilinis ng bahay .
KAKAYAHAN Mapananatili ang matatag na pamilya kung ginagampanan ng bawat miyembro ang kanilang tungkulin , may pagtutulungan , paggalang sa pananaw ng bawat isa, pagmamahalan at higit sa lahat may pananampalataya sa Panginoon .
PANUTO: Isulat sa iyong kuwaderno ang T kung tama ang pahayag at M kung mali . Gawin ito sa iyong kuwaderno . _____1. Si tatay lamang ang maaaring maghanap-buhay sa pamilya .
_____2. Si nanay ay sa bahay lamang at hindi maaaring maghanapbuhay . _____3. Ang mga anak ay dapat tumulong sa mga gawaing-bahay .
_____4. Si nanay lamang ang maaring magluto sa pamilya . _____5. Pagkagaling sa trabaho , may tungkulin pa rin sa bahay na dapat gampanan si tatay .
Ano ang iyong natutunan ? Ang pamilya ay may kani kaniyang pinangmulan .
Panuto : Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kahon na nagpapakita ng kahalagahan sa pamilya batay sa kaugalian at paniniwala at ekis ( ✖ ) kung hindi .
SALAMAT SA PAKIKINIG!
GMRC GMRC GMRC 4
QUARTER 2 Matatag Curriculum WEEK 2 DAY 4
Pamilya bilang Pinagmumulan nang Maayos na Komunikasyon sa Kapuwa MGA PARAAN UPANG MAKATUPAD SA GAWAIN O TUNGKULIN SA PAMILYA NANG MAY KAHUSAYAN
BALIK ARAL Ano ang iyong natutunan sa nakaraang aralin ?
ATING ALAMIN Pagmasdan ang video
Ano ang masasabi mo sa video na iyong nakita ? Sabihin ito sa klase . Kayo din ba ay masaya sa inyong pamilya ?
Pamilya Ko, Pamilya Mo Akda ni : Monette Ylarde Lopez
Ako si Juan at ito ang aking pamilya . SinaTatay at Nanay ang nangunguna sa gawaing bahay . Sina Ate at Kuya ay masaya ring nakikisabay .
Ako naman ay inuutusan at kusa ko itong ginagampanan . Tapos agad ang mga gawain at sabaysabay kamingkumakain . May oras ng pag-aaral , paglalaro at pagkukwentuhan . Ang buong maghapon ay payapa , maayos at may kabuluhan .
Ganyan kami araw-araw sa aming munting tahanan . Samantala,sa may bintana , tanaw ko ang isang pamilya . Ang batang katulad ko ay malungkot ang kanyang mukha .
Nitong umaga , lahat ay hindi nagkakasundo . Sa panunuod ng telebisyon at paglalaro ng cellphone laging nag- aagawan . Mga gawain sa tahanan ay ‘di tapos kaya naman ang kanyang Nanay ay laging pagod.
Nang sabay-sabay kumain , pinag-usapan nila ang suliranin . Kinabukasan , susubukan na nilang hatiin ang lahat ng gawain .
Bawat pamilya ay ‘di magkatulad . Ang lahat aymay pagkakaiba sa kaugalian at paniniwala batay sa ating pamilyang kinagisnan .
Ngayon ko naisip na mas maganda ang pamilyang pinagbubuklod ng may pagmamahalan , pagtutulungan at paggalang sa bawat isa.
LINANGIN ANG KAKAYAHAN Tulong-tulong ni Malou M. De Ramos Si Tatay ang naghahanapbuhay Si Nanay naman kami’y inaalagaan
Tumutulong kaming mga anak Kaya’t sina Tatay at Nanay sa amin ay nagagalak Ina ko, ama ko, kami’y mahal n’yo Salamat po! Salamat po! Laging nariyan kayo May pagkain sa mesa’t nag- aaral pa Alaga’t malusog ang buong pamilya .
GAWAIN PANUTO: Lagyan ng tsek ( √ ) ang larawan na nagpapakita ng pagganap sa tungkulin ng pamilya .
Ano ang iyong natutunan ? Ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging dapat gampanan .
SAGUTIN Panuto : Kulayan ang larawan ng pamilya ng nagpapakita ng pagmamahalan , pagtutulungan at paggalang sa bawat miyembro ng pamilya .
SALAMAT SA PAKIKINIG!
GMRC GMRC GMRC 4
QUARTER 2 Matatag Curriculum WEEK 2 DAY 5
Pamilya bilang Pinagmumulan nang Maayos na Komunikasyon sa Kapuwa MGA PARAAN UPANG MAKATUPAD SA GAWAIN O TUNGKULIN SA PAMILYA NANG MAY KAHUSAYAN
BALIK ARAL Ano ang iyong natutunan sa nakaraang aralin ?
ATING ALAMIN Masdan ang larawan . Masaya ba ang pamilya ?
GAWAIN Panuto : Isulat sa “ Aklat ng Buhay ” ang mga magagandang katangiang dapat mayroon ang isang pamilya upang mapanatili itong masaya at matatag .
TAYO AY MATUTO! Bawat pamilya ay ‘di magkatulad . Ang lahat aymay pagkakaiba sa kaugalian at paniniwala batay sa ating pamilyang kinagisnan .
Ngayon mo maiisip na mas maganda ang pamilyang pinagbubuklod ng may pagmamahalan , pagtutulungan at paggalang sa bawat isa.
LINANGIN ANG KAKAYAHAN Nararapat na tumulong ang mga anak sa tatay at nanay sa mga gawaing-bahay lalo na kung walang pasok sa paaralan .
Ang ama ang may malaking responsibilidad na maitaguyod ang pamilya upang matugunan ang mga pangangailangan nito . Matutugunan ang mga pangangailangang ito kung ang pamilya ay nagtutulungan .
Gawin ito : PANUTO: Kulayan ang puso kung ang larawan ay nagpapakita nang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya .
GAWAIN PANUTO: Kulayan ang kasapi ng pamilyang naglalarawan ng pagtupad sa kanilang tungkulin .
Ano ang iyong natutunan ?
Ang bawat pamilya ay mayroong ding magagandang katangian at kaugalian kanilang ipinagmamalaki . Ang mga ito ay dapat unawain , igalang at pahalagahan dahil ang mga ito ay makatutulong sa paghubog ng ating pagkatao .