Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul 5.a: Karapatan at Tungkulin Ikalawang Markahan
Ang KARAPATAN ay isang kapangyarihang moral na gawi , hawakan , pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanilang estado sa buhay . Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito . Kapag nilabag ang karapatang ito , magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi .
KARAPATAN BILANG KAPANGYARIHANG MORAL Moral ito dahil hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya ng sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay . Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito , may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin .
Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (inalienable) KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR . Kasama sa karapatang ito ang lumipat sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o kaligtasan sa panganib . Hal. Migrasyon para sa trabaho KARAPATAN SA PANANAMPALATAYA . Bawat tao ay malayang pumili ng relihiyon na makakatulong sa kanya upang mapaunlad ang kanyang pagkatao . Hal. Malayang pagsamba KARAPATANG MAGHANAPBUHAY. Ang tao ay may karapatan sadisenteng hanapbuhay upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. Hal.pagkakaroon ng disenteng trabaho
DRAMA / ROLE-PLAY GROUP 1 AT 2 Title: “Karapatan Ko, Karapatan Mo” Instructions: Hatiin ang klase sa 6 na grupo ( bawat grupo may isang uri ng karapatan ). Bawat grupo ay gagawa ng 5-minutong role-play na nagpapakita ng isang sitwasyon kung saan nalalabag ang kanilang itinalagang karapatan at kung paano ito naibalik o naipaglaban . Grupo 1 (Karapatan sa Buhay): Eksena tungkol sa isang batang biktima ng bullying, ipinakita kung paano siya nailigtas ng mga kaibigan /teacher. Grupo 2 (Karapatan sa Pagmamay-ari ): Kwento ng lupa na kinukuha nang walang pahintulot , ipapakita kung paano sila lumapit sa barangay para maibalik . Atbp . Objective: Maipakita na ang bawat karapatang ito ay dapat igalang at ipaglaban .
🎤 TULA / SPOKEN WORD POETRY Title: “Karapatan: Tinig ng Bayan” Instructions: Pumili ang bawat grupo ng isang karapatan at bumuo ng 3–4 saknong na tula . Gumamit ng malalalim na salita at “ hugot ” lines para ipakita ang kahalagahan ng kanilang karapatan . I-perform ito bilang spoken word poetry sa harap ng klase , may kasamang simpleng background music para dramatic ang dating. KARAPATAN MAGPAKASAL GROUP 3 KARAPATAN PUMUNTA SA IBANG LUGAR GROUP 4
🎶 AWIT / JINGLE CREATION Title: “Awit ng Karapatan” Instructions: Gumawa ang bawat grupo ng maikling kanta o jingle (30–60 seconds) tungkol sa kanilang assigned na karapatan . Maaaring gumamit ng kilalang tono ( hal . Twinkle Twinkle Little Star o Ako ay Pilipino ) at palitan ang lyrics para magturo ng kanilang karapatan . I-perform bilang kanta na may actions o simpleng sayaw para mas engaging. KARAPATAN SA PANANAMPALATAYA GROUP 5 KARAPATANG MAGHANAPBUHAY GROUP 6
PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
10 KARAPATAN NG BAWAT BATANG PILIPINO 1. Maisilang at magkaroon ng pangalan. 2. Magkaroon ng tahanan. 3. Manirahan sa payapa. 4. Magkaroon ng sapat na pagkain. 5. Mabigyan ng edukasyon. 6. Mapalago ang kakayahan. 7. Magkaroon ng oras para sa laro. 8. Proteksyon laban sa pang-aabuso. 9. Maipagtanggol ng pamahalaan. 10. Makapagpahayag ng sariling pananaw.
ANO ANG TUNGKULIN? Ito ang obligasyong moral na gawin o hindi gawin ang isang gawain . Kailangang gawin ang mga tungkulin sapagkat ito ay nararapat o nakabubuti . Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad sa tungkulin . Moral na gawain ito dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan . Samakatuwid ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhaypamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan .
TUNGKULIN SA BAWAT KARAPATAN Karapatan Tungkulin 1. Karapatan sa buhay Pangalagaan ang kanyang kalusugan at sarili laban sa panganib. 2. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari . Pangalagaan at palaguin ang kanyang mga ari-arian at gamitin ito sa tama . 3. Karapatang magpakasal Suportahan at gabayan ang pamilya upang maging mabuting tao . 4. Karapatang pumunta sa ibang lugar . Kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan. Pagsunod sa batas ng linipatang lugar. 5. Karapatan sa Pananampalataya Igalang ang relihiyon at paraan ng pagsamba ng ilan. 6. Karapatang maghanapbuhay Magpunyagi sa trabaho at magpakita ng kahusayan sa gawain
Pagsusuri at Pagpapahalaga Tanong : Kailan masasabing iginagalang ang karapatan ? → Kapag pantay na iginagalang at hindi nilalabag . • Halimbawa : Pagrespeto sa opinyon ng iba , paggalang sa privacy, pagbibigay ng patas na trato .
Mga Gawain • Magbigay ng limang paglabag sa karapatang pantao na alam mo. • Ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-unawa sa karapatan at tungkulin . • Halimbawa : Gumawa ng poster tungkol sa iyong pinahahalagahang karapatan .