PRE-TEST.docx magagamit sa pagpapaunlad ng pagbasa ng mga mag-aaral
TABABANKIMBERLIEC
7 views
8 slides
Feb 19, 2025
Slide 1 of 8
1
2
3
4
5
6
7
8
About This Presentation
pre-test about akdang pampanitikan
Size: 69.3 KB
Language: none
Added: Feb 19, 2025
Slides: 8 pages
Slide Content
Pangalan:_________________________________ Iskor:______________
Seksyon:_________________________________ Petsa:_____________
Pre-test
Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1.Batay sa pamagat na "Ang Pamana," ano ang pangunahing tema o paksa ng elehiya?
a. Pagpapahalaga at pagmamalaki sa pamana na natanggap
b. Pagdadalamhati at pag-alaala sa isang taong namayapa.
c. Pamana ng mga materyal na bagay
d. Kahalagahan ng pamilya at mga alaala
2. Alin ang nagpapahiwatig ng lungkot o panglaw ng ina sa unang saknong?
a. Paglilinis ng mga lumang kasangkapan
b. Pilak na buhok na hibla na katandaan
c. Maraming taong kahirapan
d. Mga alaala sa kaniyang anak
3.Ano ang naging reaksyon ng anak nang marinig ang habilin ng ina tungkol sa pamana?
a. Nagalak at nagpasalamat
b. Nalungkot at napaiyak
c. Nagalit at tumutol
d. Natakot at nangamba
4. Bakit mahalaga ang pyano, kubyertos, silya, at aparador sa ina?
a. Mga simbolo ito ng kanyang yaman at estado sa buhay.
b. Mga alaala ito ng kanyang mga karanasan at pinagsamahan sa pamilya.
c. Mga bagay ito na kanyang pinaghirapan at pinag-ipunan.
d. ito ay pamana rin ng kaniyang mga magulang
5. Bakit mahalagang mag-iwan ng pamana ang mga magulang sa kanilang mga anak?
a. Upang mayroon silang maitatagong alaala sa buhay.
b. Upang maalala nila ang kanilang mga magulang at ang kanilang mga aral.
c. Upang magkaroon sila ng pagpapahalaga ng mga ito.
d. Ang pamana ay maaaring makatulong sa mga anak na maabot ang kanilang mga pangarap.
6. Ito ang inihahandog ng ina sa kanyang anak bilang "pamana"?
a. Mga kasangkapan at alaala ng pamilya
b. Mga lupain at kayamanan
c. Mga aral at mabuting gawi sa buhay
d. Mga materyal na bagay
7. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabisang paraan upang maipahayag ang pagmamahal
at pagpapahalaga sa mga magulang?
a. Pagbibigay ng mamahaling regalo
b. Pagsasabi ng "Mahal kita" at pagpapakita ng respeto at pag-aalaga
c. Pag-aalaga sa kanila sa kanilang pagtanda
d. Pagpapahalaga sa Kanilang mga Sakripisyo
8. Paano ipinapakita ng elehiya ang tensyon sa pagitan ng pagtanggap sa pagkawala ng isang
mahal sa buhay?
a. Ang persona ay nagdadalamhati sa pagkawala ng ina ngunit patuloy na pinahahalagahan ang
mga alaala at aral na iniwan nito.
b. Ang persona ay nahihirapan na tanggapin ang pagkawala ng ina at nag-aalala sa kinabukasan
na wala siya.
c. Ang persona ay nagpapasalamat sa mga panahon na nakasama ang ina at ipinagdiriwang ang
kanyang buhay sa pamamagitan ng mga alaala.
d. Ang persona ay nagsasalaysay ng lungkot na kaniyang nadarama.
9. Ano sa tingin mo ang tema ng parabula batay sa pamagat na "Ang Parabula ng Sampung
Dalaga"?
a. Ang kahalagahan ng paghahanda
b. Ang paghihintay sa kasal
c. Ang pagkakaiba ng mga dalaga
d. Ang parusa sa mga pabaya
10. Alin ang pagkakaiba ng limang dalaga na "masasawi" sa limang dalaga na "maingat"?
a. Sa kanilang kasuotan
b. Sa kanilang dala-dalang ilawan at langis
c. Sa kanilang edad
d. Sa kanilang estado sa buhay
11. Bakit mahalaga ang langis sa mga ilawan sa parabula?
a. Upang magkaroon ng liwanag sa gabi
b. Upang maging handa sa pagdating ng nobyo
c. Upang ipakita ang kanilang kagandahan
d. Upang magsilbing dekorasyon sa kasal
12. Bakit hindi nakasama ang limang dalaga na "masasawi" sa kasalan?
a. Dahil sila ay mga tamad.
b. Dahil sila ay mga pabaya at hindi naghanda.
c. Dahil sila ay mga makasalanan.
d. Dahil sila ay hindi imbitado sa kasalan
13. "Pinto" na isinara ay sumasagisag sa limitasyon ng panahon at oportunidad. Ano ang
kahulugan nito sa ating buhay espiritwal?
a. Ang pinto ay sumasagisag sa kamatayan na siyang huling sandali para sa lahat.
b. Ang pinto ay sumasagisag sa araw ng paghuhukom kung saan ang lahat ay hahatulan batay sa
kanilang mga gawa.
c. Ang pinto ay sumasagisag sa mga oportunidad na ating pinalampas dahil sa kapabayaan.
d. Ang pinto ay sumasagisag sa kaharian ng Diyos na bukas lamang sa mga handa at karapat-
dapat.
14. Ang mga dalagang "hangal" ay hindi lamang kulang sa langis, kundi pati na rin sa
oportunidad na makabili nito. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang parabula ay nagtuturo na dapat tayong maging handa sa lahat ng oras dahil hindi natin
alam kung kailan darating ang ating huling sandali.
b. Ang parabula ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagiging responsable at hindi umaasa sa
iba sa ating espiritwal na paghahanda.
c. Ang parabula ay nagpapakita na ang Diyos ay hindi makatarungan dahil hindi niya binigyan
ng pangalawang pagkakataon ang mga dalagang hangal.
d. Ang parabula ay nagpapaalala na ang buhay ay puno ng mga huling sandali at dapat natin
itong sulitin.
15. Ano ang pangunahing aral na nais iparating ng parabula tungkol sa paghihintay?
a. Ang pagiging matiyaga at mapanuri sa mga signos ng panahon
b. Ang pagiging handa at alerto sa anumang oras
c. Ang pagiging aktibo sa pagtulong sa kapwa habang naghihintay
d. Ang pagiging positibo at pananalig sa mga pangako ng Diyos
16. Ano ang implikasyon ng pagsara ng pinto sa parabula?
a. Ang kahirapan sa pagpasok sa kaharian ng Diyos
b. Ang limitadong panahon na ibinigay sa atin upang maghanda
c. Ang pagkakahiwalay ng mga makasalanan sa mga hindi makasalanan
d. Ang kawalan ng awa at habag sa mga hindi handa sa anumang sitwasyon
17. Batay sa pamagat na "Ang Alamat ng Palendag," ano ang pangunahing layunin ng kuwento?
a. Magbigay ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng instrumentong palendag.
b. Magpaliwanag kung paano ginawa ang palendag.
c. Maglahad ng kuwento tungkol sa pinagmulan ng palendag.
d. Magturo ng moral na aral tungkol sa pag-ibig at paghihintay.
18. Ano ang nangyari sa binata na naging dahilan ng pagkalungkot ng dalaga?
a. Nagkasakit at namatay
b. Naligaw sa gubat
c. Nagpakasal sa iba
d. Naglayag sa ibang bansa
19. Bakit labis na nalungkot ang dalaga nang malaman ang balita tungkol sa binata?
a. Dahil nawalan siya ng kaibigan.
b. Dahil hindi niya matanggap na ipinagpalit siya ng binata.
c. Dahil hindi na niya makikita ang binata.
d. Dahil sa sama ng loob at pagkabigo sa pag-ibig.
20. Paano nagsimula ang paggawa ng palendag ayon sa alamat?
a. Sa pamamagitan ng pagpatak ng luha sa kawayan.
b. Sa pamamagitan ng paghabi ng tela.
c. Sa pamamagitan ng pag-ihip sa kawayan.
d. Sa pamamagitan ng paglilok ng kahoy.
21. Ano ang pangunahing mensahe ng alamat ng palendag?
a. Ang kahalagahan ng musika sa buhay ng tao.
b. Ang pag-ibig na naghihintay at nananatili.
c. Ang pagiging tapat sa pangako.
d. Ang pagpapahalaga sa tradisyon at kultura.
22. Bakit mahalaga ang pag-alaala sa mga kuwento at alamat tulad ng "Ang Alamat ng
Palendag"?
a. Upang maipamana ang mga ito sa susunod na mga henerasyon.
b. Upang maunawaan ang kultura at kasaysayan ng isang lugar.
c. Upang magbigay ng inspirasyon at aral sa buhay.
d. Lahat ng nabanggit.
23. Kung ikaw ang dalaga sa kuwento, ano ang iyong gagawin matapos ang pagkabigo sa pag-
ibig?
a. Magpapahayag ng kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng sining o musika
b. Magmumukmok at magkukulong sa silid.
c. Maghahanap ng bagong pag-ibig.
d. Maghihiganti sa binata.
24. Bakit mahalagang malaman ng mga kabataan ang tungkol sa alamat "Ang Alamat ng
Palendag"?
a. Upang magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa kanilang kultura.
b. Upang magbigay sa kanila ng inspirasyon at aral sa buhay.
c. Upang maipamana nila ang mga ito sa susunod na henerasyon.
d. Upang malaman ang pinagmulan ng alamat
25. "Ang binata ay tinawag sa isang misyon sa malayong lugar". Ano ang nais ipahiwatig ng
pahayag?
a. Paglalakbay ng binata para maghanapbuhay.
b. Paghihiwalay ng magkasintahan dahil sa tungkulin.
c. Pagsasawalang-bahala ng binata sa kanyang kasintahan.
d. Pagsubok sa katapatan ng binata sa kanyang pangako.
26. Ayon sa pamagat na "Si Pinkaw," sino sa palagay mo ang pangunahing tauhan sa kwento?
a. Isang lalaki na nagngangalang Pinkaw
b. Isang babae na nagngangalang Pinkaw
c. Isang hayop na nagngangalang Pinkaw
d. Isang lugar na nagngangalang Pinkaw
27. Ito ang pangunahing hanapbuhay ni Pinkaw sa kwento?
a. Pagtitinda ng gulay
b. Pangingisda
c. Pangangalakal ng basura
d. Pag-aalaga ng hayop
28. Ano ang naging sanhi ng trahedya sa buhay ni Pinkaw?
a. Ang pagkasakit ng kanyang mga anak
b. Ang pagkamatay ng kanyang asawa
c. Ang pagkawala ng kanyang hanapbuhay
d. Ang pagbaha sa kanilang lugar
29. Bakit mahalaga ang pagkakalkal ng basura para kay Pinkaw?
a. Ito ang kanyang libangan
b. Ito ang kanyang pinagkakakitaan para sa kanyang pamilya
c. Ito ang kanyang paraan para makatulong sa kalikasan
d. Ito ang kanyang dahilan para maging masaya
30. Bakit kailangang magtrabaho nang husto si Pinkaw para sa kanyang mga anak?
a. Upang makabili sila ng laruan
b. Upang mayroon silang damit na mamahalin
c. Upang mayroon silang pagkain at iba pang pangangailangan
d. Upang mayroon siyang ipunin para sa kanyang sarili
31. Ito ang papel ng lipunan sa pagtulong sa mga taong nasa kahirapan.
a. Dapat sisihin ang mga mahihirap sa kanilang kalagayan.
b. Dapat iwasan ang mga mahihirap dahil sila ay mga pabigat.
c. Dapat tulungan ang mga mahihirap upang makaahon sa kahirapan.
d. Dapat hayaan ang mga mahihirap na maghirap dahil ito ang kanilang kapalaran.
32. Ano ang pinakamahalagang aral na maaaring matutunan mula sa kwentong "Si Pinkaw"?
a. Ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa na nangangailangan.
b. Ang pag-iwas sa pagkakaroon ng maraming anak sa kahirapan.
c. Ang pagiging matatag at positibo sa harap ng mga pagsubok.
d. Ang paglaban sa kahirapan at kawalan ng hustisya sa lipunan.
33. Ano ang maaaring maging pangunahing tema ng epikong "Si Rustam at Si Sohrab" batay pa
lamang sa pamagat nito?
a. Pag-iibigan
b. Pakikipagsapalaran
c. Pamilya at kapalaran
d. Paghihiganti
34. Ito ang dahilan o natulak kay Rustam na sumali sa digmaan laban sa mga Turaniano.
a. Personal na alitan sa kanilang hari
b. Pagtanggol sa kanyang bayan at mga Persiano
c. Hangarin na maging pinakamalakas na mandirigma
d. Upang ipakita ang kanyang katapangan sa kanyang ama
35. Ano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Sohrab sa huli?
a. Sakit
b. Katandaan
c. Sa labanan laban kay Rustam
d. Pagkamatay sa kamay ng ibang mandirigma
36. Bakit mahalaga ang konsepto ng "kapalaran" o "tadhana" sa epikong Si Rustam at si Sohrab?
a. Dahil ito ang humahadlang sa pag-iibigan ng mga tauhan.
b. Dahil ito ang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento, lalo na ang pagkamatay ni Sohrab.
c. Dahil ito ang nagbibigay ng dahilan sa mga aksyon ng mga tauhan.
d. Dahil ito ang pangyayaring nalaman ni Rustam na kadugo niya ang kaniyang kalaban.
37. Tukuyin ang pangunahing trahedya sa epikong Si Rustam at si Sohrab.
a. Ang hindi pagkakakilala ni Rustam sa kanyang anak na si Sohrab at ang kanilang labanan na
humantong sa pagkamatay ni Sohrab.
b. Ang pagkakasal ni Rustam sa iba.
c. Ang pagkamatay ng hari ng Persia.
d. Ang pagkatalo ng mga Persiano sa digmaan.
38. Mula sa binasang epiko ano ang maaaring maging aral na matutunan mula sa pagkakamali ni
Rustam?
a. Dapat tayong maging maingat sa ating mga desisyon.
b. Dapat isipin nating mabuti ang mga gagawin.
c. Dapat tayong maging mapagpatawad sa ating mga sarili.
d. Dapat huwag magpadala sa galit.
39. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan ng pangunahing tema ng epikong "Si
Rustam at Si Sohrab"?
a. Ang kapangyarihan ng pag-ibig at sakripisyo
b. Ang trahedya ng hindi pagkakakilanlan
c. Ang kahalagahan ng katapatan sa bayan
d. Ang walang saysay na digmaan
40. Bakit mahalaga ang epikong "Rustam at Sohrab" sa kulturang Persiano?
a. Nagpapakita ito ng kanilang kasaysayan at tradisyon.
b. Naglalaman ito ng mga aral at moral na dapat sundin.
c. Nagbibigay ito ng inspirasyon at pag-asa sa mga tao.
d. Pagpapahalaga sa mga Bayani