PRINSESA_NG_KARAGATANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn

TinTin821994 9 views 23 slides Sep 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 23
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23

About This Presentation

ang prinsesa ng karagatan slideshow, story


Slide Content

Ang Prinsesa sa Karagatan

Sa isang nayon ng Sulu ay may mag- asawang namumuhay nang payapa sa tabing-dagat . Simple lamang silang namumuhay subalit kulang ang kanilang kasiyahan dahil wala silang anak .

Nalulungkot si Rakim tuwing n akikita niyang nagmamasid sa mga bata ang kaniyang asawa . Kaya lingid sa kaalaman ng asawa ni Rakim na siya ay gabi-gabing nagdarasal nang taimtim sa tabing-dagat .

Kabilugan ng buwan , habang nagdarasal si Rakim ay nakarinig siya ng iyak ng sanggol .

Nang makita ni Rakim na isang magandang batang sanggol ang umiiyak ay agad niya itong dinala sa kanilang bahay at ipinakita kay Amihan .

Ipinaliwanag ni R akim kay Amihan ang nangyari . Sila’y nagpapasalamat kay Allah sa batang ipinagkaloob niya .

Mabilis na lumipas ang panahon , ang batang si Alena ay lumaki na may malaking pagmamahal sa dagat . Nagagalit siya sa mga taong nagdudumi rito . Palagi niyang binabantayan ang dagat dahil ayaw niyang masira ito .

Marami ang natuwa sa pagmamalasakit ni Alena sa karagatan ngunit nagtitimpi sa galit si Don Miguelito , isang mayamang negosyante sa kanilang nayon .

“ Sino ba ang Alenang iyan ? Dahil sa kaniya , hindi na nakakagamit ng pampasabog ang aking mga mangingisda kaya kakaunti na lamang ang kanilang nahuli !” galit na wika ng Don.

Isang gabi habang nakaupo sa vinta sa baybayin si Alena ay bigla na lamang siyang bumagsak matapos marinig ang isang malakas na putok .

Hinanap ng mag- asawa si Alena ngunit hindi nila ito matagpuan . Dumaan ang limang buwan ay wala pa ring makapagsasabi kung ano ang nangyari sa kanilang mahal na anak .

Si Don Miguelito naman ay naging madalas ang pagdiriwang sa tahanan . Gabi- gabi silang nagpapasabog sa dagat . Ang mga tao naman ay malayang nakapagtapon ng mga dumi sa karagatan .

Isang umaga ay nagimbal ang buong nayon . Maraming nalason at namatay . Ayon sa Imam, ito raw ay dulot ng kinain nilang lamang-dagat . Maraming nagutom dahil ipinagbabawal ang pagkain ng mga lamang-dagat .

Naghihirap din sina Rakim at Amihan . Lingid sa kanilang kaalaman ay naririnig sila ng kanilang anak na si Alena.

Nasa kaharian siya sa ilalim ng dagat . Isa pala siyang prinsesang itinakas ng isang sirena nang magkaroon ng kaguluhan sa kanilang kaharian .

Nalaman lamang na siya ay ang nawawalang prinsesa nang siya ay barilin at muling naging sirena nang bumagsak sa pampang .

“ Kailangang tulungan ko ang aking mga magulang sa lupa . Hindi ako papaya na may mangyaring masama sa kanila ! ” nagpasiyang magpakita si Alena.

Nagpakita si Alena sa kaniyang mga kanayon . Inalis niya ang lason sa dagat . Binigyan niya ng tagubilin ang mga tao na panatilihing malinis ang karagatan . Pangalagaan at huwag dumihan dahil babalik ito sa kanila kung sila’y magpapabaya .

Sinabi rin ni Alena na si Don Miguelito ang isa sa dahilan kung bakit nasisira ang dagat . Gumagamit daw ang Don ng pampasabog sa pangingisda . Sinabi rin niyang ang Don ang pumatay sa kaniya . Mabuti na lamang ay naging isda siya nang siya’y mabaril at iniligtas ng kaniyang inang reyna .

Galit na galit na sinugod ng mga tao si Don Miguelito at siya at ang kanyang mga kasama ay pinarusahan nila . Simula noon ay naging mapayapa na ang kanilang bayan . Natuto na ang mga taong pangalagaan ang dagat na nagbibigay-buhay sa kanila .

Bilang pasasalamat , isinama ni Alena sa kaharian ang kinikilalang magulang . Doon ay namuhay sila nang masaya at masagana na parang isang buong pamilya kasama ang tunay na pamilya ni Alena.

--- Wakas ---

Sasagutan natin ang mga katanungan . Titingnan natin kung talagang naunawaan ninyo ang kuwentong inyong binasa .
Tags