Proverbs 3:1-20 1 Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin , lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim ; 2 upang araw mo'y tumagal , humaba ang iyong buhay , at maging masagana sa lahat ng kailangan . 3 Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran , ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan . 4 Sa gayon , malulugod sa iyo ang Diyos , at kikilalanin ka ng mga tao .
5 Kay Yahweh ka magtiwala , buong puso at lubusan , at huwag kang mananangan sa sariling karunungan . 6 Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin , upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin . 7 Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman ; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan . 8 Sa gayon , ikaw ay lalakas at magiging matatag , mawawala ang pighati , gagaling ang iyong sugat .
9 Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan , at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan . 10 Sa gayon , kamalig mo ay lagi nang aapaw , sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan .
13 Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan , at ang taong nagsisikap , unawa ay nagtatamo . 14 Higit pa sa pilak ang pakinabang dito , at higit sa gintong lantay ang tubo nito . 15 Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan , at walang kayamanang dito ay maipapantay . 16 Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman , may taglay na kayamanan at may bungang karangalan .
17 Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman , at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw . 18 Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan , para siyang punongkahoy na mabunga kailanman . 19 Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig , sa pamamagitan ng talino , inayos niya ang buong langit . 20 Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig , pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit .