PT-esp.docx UG.KYD.DXFXKYRU.DDDDDDDLU68;D

DitaSIdnay 10 views 11 slides Feb 06, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

UUL


Slide Content

Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Badoc District
SECOND PERIODICAL TEST IN ESP 6
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot.Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel .
1. Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa, o anumang bagay na hindi
pinananagutan, o walang pagsasaalang-alang sa kapuwa.
A.matapat C. responsable
B.iresponsable D. pagsisinungaling
2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.
A.kapuwa C. kapitbahay
B.kaibigan D. pamayanan
3. Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad sa isang
bagay. Ito rin ay tumutukoy sa anumang ginagamit bilang garantiya.
A.kilos C. pangako
B.sumpa D. katapatan
4. Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang kasunduan
o sa iyong mga ipinangako, ano ang dapat mong gawin?
A.Huwag na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay
makalimutan ng taong iyong pinangakuan.
B.Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa
pagtatalo o paninisi na hindi kinakailangan.
C.Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi
ka nakatupad sa pangako o kasunduan.
D.Hintayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong
pinangakuan upang malaman kung masama ba ang loob niya sa
iyo o hindi.
5. May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin
ang puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano
ang ibig sabihin nito?
A.Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.
B.Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
C.Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat
mo ito tuparin.
D.Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay
makaiwas na makasakit ng damdamin ng iyong kapuwa.
6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging responsable sa kapuwa MALIBAN sa:

A.Pangangako kahit mahirap itong gawin.
B.Pagtupad sa mga pangako o kasunduan.
C.Pagiging matapat sa anumang sitwasyon.
D.Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapuwa.
7. Nakita mong umiiyak ang kaibigan mo dahil may problema siya. Ano ang
gagawin mo?
A.Pabayaan ko siyang umiyak.
B.Awayin ko siya para lalong umiyak.
C.Tanungin ko siya kung ano problema at kung ano maitutulong ko.
D.Ipagsabi ko sa mga kamag-aral ko na may problema siya.
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kaibigan?
A.Pabayaan siya mag-isa kung may suliranin siya.
B.Magtutulungan kami upang pareho kaming umunlad.
C.Iiwasan ko siya kapag nakakuha siya ng mas mataas na marka
kaysa sa akin.
D.Hindi ako makikipagkaibigan sa iba dahil kaya ko naman ang sarili
ko.
9. Sa pagpapanatili ng pagkakaibigan, ano ang nararapat isaalang-alang?
A. Mapagmataas sa isa’t isa.
B.Tumitingin sa estado ng buhay.
C.Mapaglihim sa isa’t isa.
D.May paggalang at pagbibigayan ang bawat isa.
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?
A.Si Angelo na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hinihiram sa
takdang-oras.
B.Si Diane na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa
kaniyang mga magulang.
C.Si Jay-ar na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang
perang ibinibigay ng kaniyang mga magulang.
D.Si Mico na ipinakokopya ang sagot niya sa module sa kaniyang
mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.
11. Si Xiamel ay isang trabahador sa araw at mag-aaral naman sa gabi.
Malapit na ang kanilang huling pasulit at maraming proyektong dapat isumite
kaya’t hindi siya masyadong nakatulog dahil tinapos niya ang proyekto.
Kinabukasan, sa kanyang pinagtratrabahuan ay nakatulog siya sa oras ng trabaho,
nagkataong nakita pa naman siya ng kanyang amo.
A. Hindi pansinin ang kanyang amo na nakakita sa kanya.
B.Hihingi ng paumanhin at sabihin ang totoong dahilan sa
kanyang Pagkapagod.
C.Antayin na ipatawag at pagsasabihan siya sa opisina.
D.Huminto sa pag-aaral upang hindi na makatulog sa oras ng
trabaho.
12. Inutusan ka ng Nanay mong bumili sa tindahan. Napansin mong sobra

ang sukling ibinigay ng tindera at nagkataong nagugutom ka pa naman.
A.Bumalik sa tindahan at ibili ang pera ng pagkain.
B.Itago ang sobrang pera at humingi sa nanay ng pambili ng
pagkain.
C.Iimpok ang pera at ilagay sa alkansiya.
D.Isauli ang sukli sa tindera at sabihing sobra ang naibigay nito.
13. Pinalinis nang inyong guro ang kanyang mesa. Nakalagay pa naman
ang kanyang bag at nakita mong bukas ito at may laman na maraming
pera.
A.Isarado ang bag at ibigay ito sa guro at sabihing bukas
itong nakalatad sa mesa.
B.Kunan ng kaunti ang pera na tama lang na hindi mapansin ng
guro.
A.Isantabi lang ang bag upang malinis ang mesa ng mabuti.
B.Bantayan ang bag at utusan ang kaklase na siyang maglinis ng
mesa.
14. May proyekto kayong kailangang tapusin sa paaralan, ngunit ayaw ng
magulang mo na makitulog ka sa bahay ng iyong kamag-aral.
A.Hindi na lang gagawa ng proyekto kapag hindi ka pinayagan.
B.Ililihim sa magulang ang gagawing pagpunta sa bahay ng
kamag-aral at hihingi na lang ng paumanhin pagkatapos.
C.Sasabihin mo sa magulang mo na kung pwede ay sa bahay ninyo
na lang kayo gumawa ng inyong proyekto.
D.Hindi na kakausapin ang mga magulang kailanman.
15. Habang nahirapan ka sa pagsagot sa pasulit na ibinigay ng iyong guro,
kinalabit ka ng iyong kaklase at ibinigay sa iyo ang susi sa pagwawasto ng
inyong sinagutang pasulit.
A.Magpasalamat sa kaklase sa natanggap at kopyahin ang lahat
na sagot.
B.Ibigay ito sa katabi upang makakuha siya ng tamang sagot.
C.Hindi ito tanggapin at sabihan ang guro sa nagawang
pandadaya ng kamag-aral.
D.Tanggapin ang kodigo ng walang nakapansin na kamag-aral.
16. Nagpasya kayo ng mga kaibigan mong manood ng sine sa mall.
Nakatakda kayong magkita- kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa
simbahan ng ika-3 ng hapon. Pero hindi dumating ang mga kaibigan mo.
Nalaman mo na nauna na pala sila sa mall. Ano ang magiging reaksyon
mo?
A.Hindi ko sila papansinin.
B.Aawayin ko sila at hindi na makipagkaibigan.
C.Uuwi nalang ako dahil hindi sila tumupad sa usapan.
D.Kakausapinsilangmahinahontungkolsanangyariat
pagsasabihan na hindi tama ang ginawa nila.

17. Magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit ang inyong paaralan.
Gustong-gusto sanang sumali ng kaibigan mo ngunit wala siyang gamit.
Pinahiraman mo siya ng gamit. Nangako siya na ibabalik niya agad ito
pagkatapos ng paligsahan. Lumipas ang ilang araw at natapos na ang
paligsahan ngunit hindi pa rin niya ibinabalik ang kanyang hiniram. Ano ang
magiging reaksiyon mo rito?
A. Hindi ko siya papansinin.
B.Iiyak at hindi na papahiramin ng gamit.
C.Kakausapin at sabihin ang totong naramdaman sa nangyari.
D.Papagalitan ko siya dahil hindi pa niya binalik sa takdang oras
ang gamit mo.
18. Si Sarah at Pat ay nagkasundong magsisimba tuwing Linggo. Sa di
inaasahang pangyayari hindi nakasimba si Pat, ano ang
mararamdaman ni Sarah sa pagkakataong ito?
A.Magagalit kay Pat dahil hindi siya nagsimba.
B.Aalamin ang dahilan kung bakit hindi nakasimba si Pat.
C.Matutuwa si Sarah dahil hindi niya makakasama si Pat sa
pagsimba.
D.Kakalimutan na niya si Pat dahil sa hindi pagtupad sa
napagkasunduang pagsisimba.
19. Pinayagan ka ng iyong nanay na dumalo sa kaarawan ng kaibigan mo
at nangakong uuwi sa takdang oras. Ngunit pinipilit ka ng mga kaibigan mo
na huwag munang umuwi. Ano ang gagawin mo?
A.Mag-eenjoy ako hanggat gusto ko.
B.Hindi ko nalang pansinin ang nanay kapag magalit sa akin.
C.Hindi ako uuwi sa takdang oras kahit mapagalitan ng nanay.
D.Ipapaliwanag ko sa mga kaibigan ko na nangako ako sa aking
nanay na dapat ko itong tuparin at upang hindi ako mapagalitan.
20. Kasalukuyang nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon
nang may tumawag na matandang babae na humihingi ng tubig na
maiinom. Hindi mo siya kilala. Ano ang gagawin mo?
A.Hindi mo siya papansinin.
B.Itatanong mo muna kay nanay kung maari mo siyang bigyan ng
tubig.
C.Bibigyan mo siya ng maiinom na tubig.
D.Hayaan lang siya hanggang sa umalis.
II. Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba at isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Lolit at Lita sa paaralang kanilang
pinapasukan.NagustuhanniLitaangpagkamasayahin,
makwento at maalalahanin ni Lolit. Masaya sila sa kanilang
relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas
nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin
ang ilang kapintasan. Para kay Lita, lubos at walang kondisyon ang
kanyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin

niya na kapag natataasan niya ng iskor si Lolit sa kanilang pagsusulit,ay
naiinis ito. Kapag pinupuri ng kanilang guro si Lita dahil sa
magagandang gawaing naipasa niya, sa ibang kaklase sumasama si
Lolit. Sahuli, nasasaktan si Lita pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay
Lolit. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.
21. Kung ikaw si Lita, ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging
malinaw ang katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Lolit?
A.Ipakita kay Lolit na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal
na ipinamamalas sa kanya.
B.Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang
ugali ng kaibigan.
C.Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigan na
naiinggit sa kaniya.
D.Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang
matapat kaugnay sa negatibong asal o ugali ng kaibigan.
22. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Lolit
sa kanyang kaibigan na si Lita?
A.Hindi niya mahabol ang kanyang kaibigan.
B.May nabubuong kumpetisyon sa kanilang dalawa.
C.Nagsasawa na siya sa kabaitang pinapakita ng kaibigan.
D.Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase.
23. Mula sa kwentong pagkakaibigan nina Lolit at Lita, alin sa mga
sumusunod na konsepto ang angkop dito?
A. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting
naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y maaaring dahilan ng ating
paglago.
B.Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan
at inaasahan sa kanila na makatutulong sa pagpapabuti ng
pagkatao.
C. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi
naghihintay ng anumang kapalit sa mga bagay na hatid ng
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
D. Ang tunay at mabuting pagkakaibigan ay bunga ng
pagsisikap na pagdalisayin at patatagin ang ugnayang
namamagitan.
24. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan
MALIBAN sa isa.
A.Ang pakikipagkaibihgan ay hindi lamang isang pakikitungo
sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili.
B.Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon
ng tulong o pabor na makukuha sa iba.
C.Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na patatagin
at palawakin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.
D.Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa
inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa
atin.

25. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan
sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang
maingatang hindi mabuwag ang mabuting layunin sa pagkakaibigan sa
katapat na kasarian nararapat na isaalang-alang ang:
A.Pagsuportasamgamithiingnaismakamitmulasa
pakikipagkaibigan.
B.Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat
na binuo.
C.Paggalang sa mga katangian at kahinaang taglay sa
kanilang seksuwalidad.
D.Pagkontrolsa posiblengatraksiyonna
makamit mula sa pakikipagkaibigan
III.Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.
26. Ano ang tawag sa kagandahang-asal na nararamdaman o ipinapakita
sa pamamagitan ng mataas na pagkilala o pagtingin?
A.ideya C. pagsalungat
B.paggalang D. suhestiyon
27. Ano ang tawag sa hindi maayos na ugnayan ng dalawa o higit
pang panig?
A.ideya C. pagsalungat
B.paggalang D. suhestiyon
28. Bakit mahalaga ang ideya o suhestiyon?
A.Ito ay makapagbibigay ng mahalagang imbensiyon sa mundo.
B.Ito ay makatutulong sa ating kapuwa sa oras ng
pangangailangan.
C.Ito ay magbibigay ng kasiyahan at kaginhawahan sa ating
kapuwa.
D.Ito ay makakatulong na makabuo ng isang konkretong ideya
na maaaring maging kapaki-pakinabang.
29. Si Marco ay likas na matalino kung kaya’t madalas sa usapan nilang
magbabarkada ay palaging gusto na lamang ang nasusunod. Bilang
isang kaibigan, paano mo maitutuwid ang ganitong pag-uugali ni Marco?
A.Patitigilin siya kapag nagsasalita.
B.Pahiyain ito sa harap ng iyong mga kaibigan.
C.Hintaying matapos siya magsalita at ipaintindi na mali ang
kanyang inaasal.
D.Kausapin siya ng masinsinan at ipaliwanag ang kabutihang
dulot ng pakikinig sa suhestiyon ng iba.

30. Nagpatawag ng pulong ang kapitan ng baranggay para pag-usapan
ang isang mahalagang isyu. Gusto nitong marinig ang opinyon ng kanyang
nasasakupan. Anung pag-uugali ang ipinakikita ng kapitan?
A.pagkamahinahon C. paggalang sa suhestiyon ng iba
B.pagkamagalang D. pagkamahabagin
31. Pinagsabihan si Arman na limitahan ang paglaro ng cellphone dahil ito
ay nakasisira sa kanyang mata. Kung ikaw si Arman ano ang gagawin mo?
A.Pakinggan ko ang kanilang sinabi ngunit hindi ko ito susundin.
B.Pakinggan ko ang kanilang payo at susundin ko ito.
C.Pakinggan ko lamang ang kanilang sinabi.
D.Pakinggan ko pero gagawin ko pa rin ang nais ko.
32. Pinaalalahanan mo ang iyong ate dahil laging puyat sa pagbabasa ng
wattpad. Kung ikaw ang ate, ano ang iyong mararamdaman?
A.Magagalit ako sa kapatid ko kasi pinapakialaman niya ako.
B.Sasabihin sa kapatid ko na mas nakatatanda ako kaya alam ko
ang ginagawa ko.
C.Maiinis ako kasi matanda ako sa kanya.
D.Magpapasalamat ako sa aking kapatid sa kanyang paalala.
33. Tinuruan mo si Kizzia maglinis ng maayos dahil hindi ito sanay sa
gawaing bahay. Kung ikaw si Kizzia ano ang mararamdaman mo?
A.Magpapasalamat ako dahil natuto akong gawin ng tama.
B.Magagalit ako dahil nagmamagaling siya sa akin.
C.Sasabihin ko sa kanya na siya na lang ang gumawa.
D.Sasabihin ko sa kanya na tulungan niya ako.
34. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon ng iyong
magulang hinggil sa iyong mababang marka?
A.Balewalain ko ang kanilang sinasabi.
B.Magalit ako dahil pinagbawalan na gumamit ng cellphone.
C.Pakinggan ko ang kanilang suhestiyon pero di ko gagawin.
D.Papakinggan at gagawin ang kanilang suhestiyon.
35. Kalahok kayo sa isang patimpalak ni James ngunit magkaiba kayo ng
naisip. Ano ang iyong gagawin?
A.Ilihim ko nalang kay James ang ideya ko.
B.Sabihin ko kay James at pilitin siya na ito ang aming gagawin
C.Banggitin ko kay James ang aking konsepto ngunit hindi ko ipipilit.
D.Lahat ng nabanggit.
36. Ang iyong nakababatang kapatid ay pinagsabihan ng iyong
kapitbahay na magdahan-dahan sa paglalakad dahil ito ay maaring
makadisgrasya sa mga maliit na batang naglalaro sa kalye. Ano ang iyong
gagawin?
A.Susugurin ko siya dahil wala siyang pakialam sa buhay ng
kapatid ko.
B.Hahayaan kong makapinsala ang aking kapatid.
C.Tatawagin ko ang aking kapatid at sasabihang makinig sa sinabi
ng ale.
D.Lahat ng nabanggit.

37. Isang dati mong kaibigan ang nagkakalat ng mga di-kaaya-ayang
tsismis tungkol sa iyong nakababata kapatid. Nagkataong nasalubong mo
siya sa hallway ng inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?
A.Magagalit at aawayin ko siya.
B.Iimbitahan ko ang dati kong kaibigan sa isang tahimik na lugar
at tatanungin nang mahinahon kung bakit niya nasabi ang
ganoong kwento.
C.Ibabalik ko rin sa kanya kung ano ang kanyang ginawa.
D.lahat ng nabanggit.
38. Nakabasag ng plorera ang iyong kaklase at ikaw ang kanyang iturong
nakabasag. Pinagalitan ka ng iyong guro sa harap ng iyong mga kaklase.
Napag-alaman mo na ang iyong kamag-aral ang may nakagawa.
Humingi siya ng patawad at nangakong sasabihan sa iyong guro. Ano ang
gagawin mo?
A.Aawayin ko siya at hindi na papansinin hanggang kailan.
B.Hindi ko na siya kakausapin dahil napahiya na ako sa buong
klase.
C.Pakikinggan ang paliwanag at tatanggapin ang kaniyang
suhestiyon
D.lahat ng nabanggit.
39. Nagkaroon ng sunog sa inyong barangay at marami sa kanila ang
nawalan ng tirahan. Magkakaroon ng pagpupulong ang barangay na
magkakaroon ng programa upang makalikom ng pera para makatulong ito
sa mga nasunugan.
A.Ipagwalang bahala ang nasabing pagpupulong
B.Huwag pumunta sa pagpupulong
C.Tumulong at pumunta sa nasabing pagpupulong
D.Pupunta sa nasabing pagpupulong at huwag makinig
40. Binoto ng lahat si Marco dahil marami siyang pera at kaya niyang bilhin
ang boto ng mga tao. Kahit alam nila na hindi nito kayang pagsilbihan ang
bayan.
A.Pagsabihan ang mga tao na tama ang kanilang gagawin na
iboto si Marco
B.Kausapin ang mga tao at sabihin ang maaring epekto ng
kanilang desisyon kung sakali
C.Huwag nalang makialam
D.Igalang ang desisyon nila at huwag makialam dahil may trabaho
naman at hindi ka maapektuhan nito.
41. Tama ba ang ginawa ni Mrs. Mel na ipinatawag ang buong klase upang

tanungin ang mga bata kung sang-ayon ba sila sa proyekto na gagawin.
A.Tama ito dahil kailangan din marinig ang opinyon o ideya ng
buong klase
B.Hindi dahil mas mangingibabaw ang desisyon ng guro dahil sila
ang may mas mataas na posisyon
C.Hindi dahil nagsasayang lang ng oras ang guro. Dapat hindi na
niya pinatawag ang klase.
D.Tama dahil ang mga bata naman ang gagawa ng proyekto
kaya sila dapat ang masunod.
42.Kandidato ang matalik na kaibigan ni Jhon na si Mike sa
pagkapangulo. Alam ni Jhon na hindi niya kaya ang mga tungkulin kung
siya ang mananalo. Natatakot si Mike na Manalo baka hindi niya kaya ang
responsibilidad nito. Ang boto nalang ni Jhon ang maaring makapagbago
nito. Ngunit sa huli binoto ni Jhon si Mike dahil magkaibigan nga sila.
A. Tama ang ginawa ni Jhon dahil magkaibigan sila baka
magalit si Mike kung hindi niya iboboto ito
B.Tama ang desisyon ni Jhon dahil siya naman ang
makikinabang kung mananalo si Mike
C.Mali ang pasya ni Jhon maaring ikasasama ito ng organisasyon
kung si Mike ang mananalo.
D.Mali ang pasya ni Jhon dahil ilalagay niya sa alanganin ang
kakayahan ng kanyang kaibigan at maaring hindi magampanan ito ni
Mike.
43. Nakapagtapos ng kolehiyo si Ann at nais niya nang mag-sarili. Meron
siyang trabaho at ayaw niya na pakialaman siya ng kanyang mga
magulang.
A.Mali ang pasya ni Ann dahil sa huli siya ang kawawa
B.Mali ang pasya ni Ann dahil kahit papaano may naitulong ang
mga magulang nito sa kanya. Dapat niyang tulungan ito.
C.Tama ang pasya ni Ann dapat mag-sarili siya dahil may trabaho
na siya
D.Tama ang pasya ni Ann dahil hindi niya obligasyon na tulungan
ang kanyang mga magulang.
44. Mahigpit na bilin ng iyong kapatid na huwag mong pakialaman ang
kanyang gamit. Ano ang gagawin mo?
A.Kuhanin ko ang gamit at ibalik ko na lang bago siya dumating.
B.Hayaan ko siyang magalit ang mahalaga ay nakuha ko ang gusto
ko.
C.Antayin ko ang aking kapatid na dumating bago ito kunin.
D.Balewalain ko dahil mga magulang naman namin ang bumili nito.

45. Nagbigay ng mga suhestiyon ang mga kagrupo mo sa dula-dulaan sa
Edukasyon sa Pagpapakatao. Bilang lider may naisip ka ngunit hindi nila
ito nagustuhan. Ano ang gagawin mo?
A.Gagawin ko ang nais ko dahil ako ang lider.
B.Hindi ko sila susundin at gagawin ko ang nais ko.
C.Sasabihin ko sa kanila na kung ayaw nila sumunod ay umalis sila
sa grupo.
D.Pakinggan ko ang kanilang mungkahi at ito ang gagawin.
46. Pinagalitan si Menchie ng kaniyang nanay at alam niyang hindi siya
ang may kasalanan. Kalaunan ay umamin sa kaniya ang kapatid niyang si
Kris na siya talaga ang may kasalanan at nangakong sasabihin na ito sa
kanilang nanay patawarin lamang siya. Ano ang dapat gawin ni Menchie?
A. Awayin ang kaniyang kapatid upang makaganti siya.
B.Tanggapin ang suhestiyon ng kaniyang kapatid at patawarin siya.
C.Isumbong ang kaniyang kapatid sa kanilang nanay upang siya
ay maturuan ng leksiyon.
D.Ipagsawalang bahala na lamang ito dahil tapos na itong
mangyari at hindi na ito mababawi pa.
47. Isang tsismis ang ipinagkakalat ni Rosana sa kaniyang mga kaklase
tungkol kay Tim sa pamamagitan ng isang text message. Ipinaalam ito kay
Tim ng isa nilang kaklase. Sa muling pagkikita nina Rosana at Tim, ano ang
dapat gawin ni Tim?
A.Magtanim ng galit kay Rosana at huwag na itong kakausapin.
B.Pabayaan na lamang ipagkalat ang tsismis dahil hindi naman
ito totoo.
C.Komprontahin si Rosana at awayin ito upang malaman niyang
mali ang kaniyang ginawang paninira.
D.Lapitan si Rosana at yayaing mag-usap ng maayos at alamin
kung totoo ang sumbong na natanggap.
48. Tuwing Linggo ay nakaugalian na ni Manoy magpatugtog nang
malakas ng kaniyang mga paboritong awitin na kung kaniyang tawagin ay
Sunday’s Best. Sumapit ang isang linggo na sa kaniyang pagpapatugtog ay
may pumunta sa kanilang bahay at nakiusap na hinaan ang kaniyang
music dahil ang kaniyang kapitbahay ay may prayer meeting. Kung ikaw si
Manoy, ano ang gagawin mo?
A.Pagsasabihan ang kapitbahay na sa ibang lugar na lamang
sila mag-prayer meeting.
B.Ititigil muna ang pagpapatugtog at maghanap ng
ibang pagkakaabalahan bilang respeto sa kanilang
aktibidad.
C.Hihinaan ang pagpapatugtog at magdadabog
upang malaman ng kapitbahay na nagambala nila ang aking
pakikinig.
D.Ipagpapatuloy ang pagpapatugtog nang malakas
sapagkat ito ay ginagawa naman niya sa loob ng kanilang
bahay.

49. Galit ang tatay nina Claude at Clyde dahil nawawalan ito
ng pera sa kaniyang pitaka. Nalaman ni Yen na kinuha ni Ken ang
pera ng kanilang tatay dahil bumili ito ng load para makapaglaro ng
mobile games gayong gipit sila at pangkain lamang ang ibinibigay sa
kanila. Ano ang dapat gawin ni Yen?
A.Isumbong si Clyde sa kanilang tatay upang
mapagalitan ito a maturuan ngleksiyon.
B.Pabayaan na lamang ang kapatid dahil masaya naman
siya sa paglalaro ng mobile games.
C.Takutin ang kapatid na magsusumbong sa kanilang tatay kundi
siya hahatian sa nakuhang pera.
D.Kausapin ang kapatid na mali ang kaniyang ginawa at
imungkahi na umamin siya at humingi ng tawad sa kanilang tatay.
50. Habang nasa hapag kainan ang pamilya Cruz, naibahagi ng
panganay nansi Tracy ang kaniyang pagsali sa isang Poster Making
Contest. Humingi siya ng suhestiyon sa kaniyang pamilya. Iminungkahi ng
kaniyang kapatid na si Bea na mahusay rin sa paglikha ng poster na lumikha
ng panibagong poster na mas maganda ang tema kesa sa kaniyang
nilikha.Kung ikaw si Tracy, ano ang gagawin mo?
A.Maiinis sa kapatid dahil mahirap gumawa ulit ng panibagong
poster.
B.Magpasalamat sa suhestiyon at subukang gawin ang iminungkahi
ni Bea.
C.Huwag na lamang itong pansinin at ilaban ang sariling gawa sa
kompetisyon.
D.Pakiusapan ang kapatid na siya na lamang ang gumawa ng
poster na ilalaban sa kompetisyon.
Prepared by:
DITAS C. IDNAY
Teacher III
Checked and Approved by:
FLORALYN S. AGUINALDO
School Principal I
Tags