Kahulugan at Kabuluhan ng Wika Komunikasayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika . 1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo . a. Filipino c. Tagalog b . Pilipino d . Ingles/Tagalog 2
2. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon . a. Wikang Panturo c . Wikang Opisyal b. Wikang Ingles d . Bilingguwal 3. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal . a. Wikang Ladino c . Wikang Opisyal b. Wikang Minoritaryo d . Wikang Sardo 3
4. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas . a. Phil . Constitution 1977 c . Phil. Constitution 1987 b. Phil . Constitution 1997 d . Phil. Constitution 2007 5. Ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika . a. Lingua Franca c . Multilingguwal b. Bilingguwal d . Homogenous 4
6. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog . a. Dayalek c . dila b. salita d . wika 7. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon . a. Multilingguwalismo c . Bilingguwalismo b. Multikulturalismo d . Barayti ng wika 5
8. Ang wika ay nagbabago . a. Masistemang balangkas c . Dinamiko b. Arbitraryo d . Pinipili 9. Kahulugan ng salitang latin na lingua. a. Teorya c. Wika b. Kamay d. Dila 6
10. Ito ay nauukol sa wikang katutubo , taal o likas sa isang tagapagsalita a. Pantulong na wika c . Ikalawang wika b. Katutubong wika d . Unang wika 7
W I K A Lengua – dila at wika Instrumento ng komunikasyon Simbolo ng kalayaan 8
Sa paglipas ng panahon , marami na ang nabago at mababago ng panahon . Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon . Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap , maging ang wika natin ay nababago din dala ng makabagong henerasyon . Bilang isang wikang buhay , patuloy na umuunlad ang wika dahil sa marami ang umaadap ng mga wikang banyaga na nakakaimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin . 9
Sa kasalukuyan , marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika . Tulad na lamang ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya . Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika . Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan , katangian , pag-unlad , gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino 10
Layunin ng modyul : malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante gamit ang wikang Filipino. Masuri ang kalikasan , gamit , mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas . Palalimin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkilatis at pagsariwa ng mga konseptong pangwika . 11
Kahulugan ng Wika Ang wika ay may iba’t ibang kahulugang maaaring maibigay 12
1. Gleason(1961) - ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura .
Ang wika ay may kanya-kanyang paraan ng pagkakabuo at sa pamamagitan nito ang mga taong gumagamit nito ay lalong nagkakaunawaan at nagkakaugnayan. Kaya’t walang superior na wika- walang mataas at walang mababang uri ng wika. 14
2. Tumangan - ang wika ay pananagisag ng mga tunog na nililikha ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita
Ang ngalangala, labi, ngipin, dila, gilagid atbp ang mga sangkap ng katawan na kailangan natin upang makabuo ng wika. 16
17
3. Finnocchiaro (1964) - ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan .
4. Hill (1976) - ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao .
Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na istruktura . 20
5. Barker at Barker (1993) - Ikunukunekta ng wika ang nakaraan , ang kasalukuyan at ang hinaharap . Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon .
Maaring mawala ang mga matatandang henerasyon , subalit sa pamamagitan ng wika , naipababatid pa rin nila ang kanilang mga ideya , tagumpay , kabiguan at maging ang kanilang mga plano , adhikain sa hinaharap . 22
Masasabi na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal , sikolohikal , at kultural . 23
6. Sturtevant(1968) - ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao .
7. Brown(1980) - ang wika ay masasabing sistematiko . Set ng mga simbolikong arbitraryo , pasalita , nagaganap sa isang kultura , pantao , at natatamo ng lahat ng tao .
7. Bouman (1990) - ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar , para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag .
8. Webster(1990) - ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad .
Ang wika ay isa sa pinakamahalagang kasangkapan sa buhay ng tao sa anumang gawain niya sa araw-araw hindi maiiwasan ang paggamit ng wika sa anumang anyo nito sapagkat saklaw ng wika ang bawat bagay na ginagawa ng tao . 28
Siya ang panlahat na salik o element na nagbibigay ng kaisipan sa karunungan ng tao . Ang wika ang siyang naging behikulo na siyang tagahatid ng damdamin , kilos at niloloob ng tao . 29
Ayon kay JVP Ang wika ay parang tubig, ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ng wika ay bayan-taumbayan. 30
a. Sinasalitang tunog Ang wika ay nabubuo bunga ng mga pinagsama-samang mga tunog na nililikha ng ating mga sangkap ng katawan sa pagsasalita. Kalikasan ng Wika b. Arbitraryo Bawat wika ay magkakaiba sa paraan kung paano ito binalangkas at binuo. Bawat wika ay may katangiang wala sa iba pang wika . 31
c. Pinili at isinaayos Ayon kay Gleason, pinipili at isinasaayos ang wika upang may magamit ang mga taong kabilang sa isang kultura. S a ganitong paraang ang kultura mong kinabibilangan. Kalikasan ng Wika d. Pantao lamang Ang tao ang itinuturing na pinakamataas na uri na nilalang sa mundo at dahil na rin sa wika, nahiwalay ang tao sa hayop. A ng tao ay maaaring matuto at makaunawa sa ibang tao. S amantalang ang hayop ay sa sariling lahi lamang. 32
e. Para sa Komunikasyon Ang wika ang pinakagamitin sa komunikasyon pasulat man o pasalita. Hindi mo magagawang makipag-ugnayan o magkaunawaan na wala ang wika. Kalikasan ng Wika f. May antas o lebel Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Pormal at Impormal na may nakapaloob na ilan pang antas. 33
PORMAL Pampanitikan Pinakamataas na antas spagkat gumagamit ng malalim, masining at matayog na salita. Ito ang wika ng mga taong may pinag-aral na naiiba sa karaniwang wika. Kadalasan ginagamit sa mga akdang pampanitikan. Pambansa Ito ang pinakamalawak na ginagamit na wika sapagkat ginagamit sa pahayagan , pagpupulong at maging sa paaralan . Tinawag din itong wika ng mga edukado . 34
IMPORMAL Lalawiganin G inagamit sa isang partikular na lugar o pook Kolokyal Pagpapaikli sa mga salita at nagpapakita ng mga makabagong termenolohiya Balbal Pinakamababang antas sapagkat kadalasan itong hindi naaayon o sumusunod sa tuntunin ng balarila o gramatika . Mga salitang kalye . 35
g. Kapantay ng kultura Sa pamamagitan ng wika nakikilala ang kulturang kinabibilangan ng isang tao Kalikasan ng Wika h. Makapangyarihan Maaari nitong hikayatin o maimpluwensyahan sa mabuti o masamang paraan. M ay mga nasasabi tayong hindi natin namamalayang nakapagpapagaan o maaring makasakit ng damdamin ng ating kapwa. 36
i. Nagbabago Kasabay ng pagbabago ng panahon ay nagbabago na rin o umuunlad ang wika. Ang wika ay nagbabago upang umayon sa; P angangailangan ng henerasyong gagamit nito at upang umakma sa pag-unlad ng teknolohiya. Halimbawa: makinilya at computer. Kalikasan ng Wika 37
j. Masisitemang balangkas Ang bawat wika ay binubuo ng balangkas, ito ang tunog at kahulugan. Kalikasan ng Wika 38 Bata - /b/ /a/ /t/ /a/- child Ata - /a/ /t/ /a/ - maybe Ponema – makabuluhang tunog Morpema – maliit na yunit ng salita Ponolohiya – pag-aaral ng tunog Morpolohiya – pag-aaral sa morpema
k. May Pulitika Ang wika ay sinasabing may pulitika dahil ito ay nakapanghihikayat ng tao. Kalikasan ng Wika l. Nanghihiram Lahat ng wika ay nanghihiram. A n g wikang hindi nanghihiram ay namamatay. 39
m. Ang lahat ng wika ay pantay-pantay Ito ang nagpapatunay na walang superior at inferior bagaman at magkakaiba ngunit lahat pantay-pantay. Bawat wika ay may sariling kkanyahan at kaparaanan kung paano gamitin. Kalikasan ng Wika 40
Kahalagahan ng Wika Ang wika ay napakahalaga sa bawat tao. Hangga’t ag tao ay humihinga, siya ay gumagamit ng wika. Wika ang siyang pinakakasangkapan ng tao upang makipag-ugnayan sa kanyang kalahi maging sa ibang lahi. Wika rin ang nagbubuklod sa atin. Sa pamamagitan ng wika marami tayong nagagawa. 41
Naipahahayag natin ang ating mga saloobin,kaalaman o ideya tungo sa ikabubuti ng isang hangarin o layunin 42 Nakatutulong sa paglutas ng isang suliranin Nalalaman ang mga nagdaang pangyayari o kasaysayan ng lahi o ng bansa Napapanatili ng isang mabuting samahan o ng kapayapaan
Nagiging daan sa pagtuklas ng iba pang karunungang maaaring magpaunlad sa tao at sa lipunang ginagalawan 43 Nagiging gabay sa pagtahak sa isang panibagong bukas . Daan tungo sa pakikipagkapwa-tao o pakikipagkaibigan . Nasasalamin ang kultura , kaisipan at sining ng isang lahi o lipi .