Panuto : Basahin ang mga talasalitaan sa loob ng kahon . Alin sa mga talasalitaang ito ang maaaring ipamalit sa mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap . Isulat sa patlang ang sagot .
___________________1. Nakadama ng sobrang lungkot si Haring Priam nang mamatay si Hector. ___________________2. Nagsigawan ang mga Trojan nang makita ang kabayong kahoy . ___________________3. Sumugod ang mga Griyego sa karimlan ng gabi. ___________________4. Dahil sa nakasulat sa kumikinang na prutas , nagustuhan ito ng tatlong diyosang sina Hera, Athena, at Aphrodite. ___________________5. pinag-utos ni Zeus na si Paris ang magsasabi kung kanino dapat na mapunta ang mansanas .
___________________6. Nagulat si Menalaus sa panloloko ni Paris. ___________________7. Matibay ang moog ng lungsod ng Troy. ___________________8. Nilayasan ni Achilles ang kaniyang hukbo , kaya unti-unting natalo ang mga Griyego . ___________________9. Ikinalungkot ni Achilles ang pagkamatay ni Patroclus. ___________________10. Magiliw na tinanggap ni Haring Menelaus si Paris.
Panuto : Basahin ang bawat pangungusap . Isulat kung ang mga pandiwa ay ginamit bilang Aksyon , Pangyayari at Karanasan . Isulat ang sagot sa patlang .
___________________11. Sorpresang regalo ang nagpasaya sa batang si Mika. ___________________12. Si Mang Nestor ay nadulas kaya siya nahulog sa hagdan . ___________________13. Bago pumasok sa trabaho , nagsaing muna si Ramon ng kanin . ___________________14. Si Aling Marta ay nagluto ng tinola para sa kanyang pamilya kagabi . ___________________15. Dahil sa balitang natanggap , napaluha si Ana sa sobrang lungkot .
___________________16. Bumaha sa kanilang lugar kaya nabasa ang mga gamit ni Carlo. ___________________17. Ang mga estudyante ay bigla na lang tumakbo nang marinig ang alarma . ___________________18. Habang pinagmamasdan ang lumang litrato , nalungkot si Lea. ___________________19. Nasira ang tulay matapos manalasa ang bagyong Quinta. ___________________20. Sa saliw ng makabagong tugtugin , masiglang sumayaw ang mga bata.
FILIPINO 01 – POINTERS 2 QUARTER TEST 1
Panuto : Basahin ang bawat aytem . Batay sa pahiwatig o sipi , tukuyin kung anong elemento ng maikling kuwento ang tinutukoy . Isulat ang tamang sagot sa patlang .
_______1. Ipinapakita dito ang problema o suliranin ng tao laban sa sarili , lipunan , o kalikasan . _______2. Isinasalaysay dito ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod mula umpisa hanggang wakas. _______3. “Hindi ko inakalang sa isang araw ay magbabago ang lahat— mga ngiti , mga pangarap , at ang katahimikan sa aming tahanan .”
________4. “Sa baryo ng San Vicente nagsimula ang lahat, kung saan ang hangin ay kasing-lamig ng katahimikan ng gabi.” ________5. Isang matapang na dalagang handang ipaglaban ang kanyang dangal at pangalan sa gitna ng mapanghusgang lipunan . ________6. “Dahil sa matinding inggit , gumawa si Marco ng isang plano upang ipahiya ang kanyang pinsan sa harap ng buong klase .”
________7. Ito ang bahagi ng kuwento kung saan unti-unti nang nasusolusyunan ang mga suliranin at papalapit na sa katapusan . ________8. “ Bigla na lang bumukas ang ilaw —at nakita niya ang nawawala niyang ama, nakangiti at may hawak na sulat.”
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na pangyayari mula sa kuwento . Isulat ang letrang A–G ayon sa tamang pagkakasunod ng mga pangyayari .
___ 9. Dahil dito , naluha si Ella at naalala ang masasayang alaala noong siya'y bata pa. ___ 10. Pagkatapos , kinausap siya ni Lola Sion at sinabing may regalo siya para rito . ___ 11. Samantala , habang hawak ang kahon ay kinabahan si Ella sa kung anong laman nito .
___ 12. Kasunod nito , inabot ni Lola Sion ang isang kahon na balot sa makulay na papel . ___ 13 . Taos- pusong niyakap ni Ella ang kanyang Lola bilang pasasalamat .
___ 14. Dumating si Ella sa bahay ni Lola Sion matapos ang klase . ___ 15. Nang matapos ang kanyang pag-aalinlangan , binuksan niya ang kahon at nakita ang kanyang lumang laruan .
FILIPINO 01 – POINTERS 3 QUARTER TEST 1
Panuto : Basahin nang mabuti ang kuwento . Lagyan ng bilog ang bawat hudyat sa kuwento , at pagkatapos ng pagbabasa , isulat sa papel ang lahat ng hudyat na ginamit sa binasang kuwento . Isulat sa patlang ang sagot .
Nagsimula ang lahat sa isang maliit na bayan ng Calamba, Laguna. Doon ipinanganak si Pepe, ang batang may ma talinong isipan at mapagmasid na mata . Sa umpisa pa lamang , mahilig na siyang magbasa ng mga aklat at magsulat ng mga kuwento at tula . Habang lumilipas ang panahon , lalo siyang naging masigasig sa pag-aaral .
Una, tinuruan siya ng kanyang ina ng alpabeto at magbasa . Pagkatapos nito , natutunan niya ang mas malalalim na salita at pagbigkas . Sunod dito , sinanay siya sa iba't ibang larangan tulad ng pagsulat , pagguhit , at pagmememorya .
Sa sumunod na taon , ipinadala si Pepe sa Maynila upang makapag-aral sa mas mataas na paaralan . Sa mga sumunod na araw , ipinakita niya ang kanyang husay sa klase . Hindi naglaon , pinahanga niya ang mga guro sa Ateneo at Unibersidad ng Santo Tomas. Kasabay nito , nagsimula na rin siyang mag- isip tungkol sa mga suliranin ng ating bansa .
Matapos ang maraming taon , naglakbay si Pepe sa Europa upang mas lalong palawakin ang kanyang kaalaman . Sa mga sumunod na buwan , isinulat niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo . Bago siya bumalik sa Pilipinas , alam na niyang may peligro sa kanyang pagbabalik .
Sa wakas, dumating si Pepe sa bansa , puno ng tapang at pag-asa . Sa bandang huli , kahit batid niyang maaaring siya ay mamatay , pinili pa rin niyang tumindig para sa bayan. Sa pagwawakas , hindi nasayang ang kanyang buhay —ang kanyang mga salita ay naging ilaw sa landas ng mga Pilipino tungo sa kalayaan .