Q1- Kabihasnan sa Lambak - ilog Tigris at Euphrates.pptx

crizellegulim1 2 views 18 slides Sep 15, 2025
Slide 1
Slide 1 of 18
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18

About This Presentation

Kabihasnan sa Lambak - ilog Tigris at Euphrates.

Kabihasnan sa Lambak - ilog Tigris at Euphrates

Kabihasnan sa Lambak - ilog Tigris at Euphrates

Kabihasnan sa Lambak - ilog Tigris at Euphrates

Kabihasnan sa Lambak - ilog Tigris at Euphrates

Kabihasnan sa Lambak - ilog Tigris at Euphrates

Kabih...


Slide Content

Kabihasnan sa Lambak ng Tigris - Euphrates

SINAUNANG KABIHASNAN ILOG Mesopotamia Indus Egypt Shang A. Indus B. Nile C. Tigris at Euphrates D.Huang He at Yangtze

Ang Mesopotamia, na nangangahulugang “ lupain sa pagitan ng dalawang ilog ” ay matatagpuan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates sa rehiyon ng Fertile Crescent sa Kanlurang Asya na ngayo’y ay kinabibilangan ng bahagi ng Syria, Turkey, at Iraq.

Sa kabila ng mala- disyertong kapaligiran , naging matabang lupain ang Mesopotamia dhil sa taunang pag-apaw ng mga ilog na nag- iiwan ng matabang banlik . Tinaguriang “Crade of Civilization” o “Lunduyan ng Kabihasnan” , dito umusbong ang mga unang lungsod-estado at kabihasnan gaya ng Sumer, Akkad, Babylonia, Assyria at Chaldea.

Tukuyin ang mga ambag na nagbigay pundasyon sa kasalukuyan mula sa pangkat na unang nanirahan sa bahagi ng Fertile Crescent.

IRIGA S YON AT KANAL G U LONG KODIGO NG BATAS NI UR-NA M MU CUN E IFORM ZIGGU R AT S U M E R Tukuyin ang mga ambag na nagbigay pundasyon sa kasalukuyan mula sa pangkat na unang nanirahan sa bahagi ng Fertile Crescent.

Unang nanirahan sa katimugang Mesopotamia ang mga Sumerian na siyang bumuo ng mga Lungsod-estado na isang pamayanan na may sariling pamahalaan at batas pero bahagi pa rin ng mas malaking kabihasnan .

upang harapin ang hamon ng kalikasan nagtayo sila ng irigasyon , kanal , imbakan ng tubig upang mapagalagaan ang kanilan mga sakahan .

Sa gitna ng lungsod , itinayo nila ang Ziggurat , isang templo kung saan nakikipag-ugnayan sa mga diyos ang mga patesi . Tinawag na Theocracy ang kanilang pamahalaan – isang sistemang pinamumunuan ng pinunong panrelihiyon .

Kalaunan ang ilang patesi ay naging pinunong militar . Na ang kapangyrihan ay naipapasa sa kanilang mga anak , nagsimula ang dinastiya - isang pamumunong namamana sa pamilya .

Dahil sa kasaganaan sa pagkain , hindi na lahat kinakailangang maging magsasaka . Lumitaw ang iba’t ibang trabaho tulad ng pari , sundalo , at tagapamahala . Ang sistemang ito ng paghahati ng gawain ay tinatawag na division of labor .

Dahil sa pakikipagkalakalan , lumaganap ang cultural diffusion kung saan naipapasa ang produkto , ideya , at paniniwala sa iba’t ibang pangkat .

Upang maitala ang batas, at kaalaman nilikha ng mga Sumerian ang Cuneiform , kung saan kabilang ang Kodigo ni Ur-Nammu . Natuklasan din nila ang Sexagesimal system para sa oras , araro sa pagsasaka at gulong para sa transportasyon

Nang humina ang Sumer dahil sa mga labanan at pananakop , sumibol ang Akkadian Empire sa pamumuno ni Sargon I – na nagtatag ng kauna-unahang imperyo at nagpasimula ng acculturation o paghahalo ng kultura .

Paglipas ng panahon umangat naman ang Babylonian na pinamumunuan ni Hammurabi - ang hari sa likod ng kauna-unahang nakasulat na batas ang Code of Hammurabi -may 282 batas na nagsisilbing batayan ng hustisya at kaayusan .

Umaangat ang mga Assyrian bilang mandirigma at tagapamahala . Sa ilalim ni Tiglath Pileser I , lumawak ang imperyo at sa pamumumo ni Ashurbanipal , naitatag ang unang silid-aklatan sa daigdig – ang Aklatan ng Nineveh

Pumalit ang Chaldean Empire sa pamumuno ni Nabopolassar. Sa ilalim ng pamumuno ng kanyang anak na si Nebuchadnezzar II muling sumigla ang Babylon at itinayo ang Hanging Garden at nasakop ang Judah dahilan ng Babylonian captivity. Umunlad din ang astronomiya kaya’t tinawag silang “Stargazers of Bablyon ”

Sino sa Apat ? Piliin ang tamang imperyo : Akkadian, Assyrian, Babylon, o Chaldean.