ARALIN 2: KAPALIGIRANG PANGKASAYSAYAN ( Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng Estados Unidos )
Panuto : Suriin ang larawan at ipaliwanag ang mensaheng hatid nito
Panuto : Suriin at panoorin ang isang halimbawa ng balagtasang tumatalakay sa Wikang Filipino at Wikang Ingles.
GAWAIN: Sagutin ang mga sumusond na tanong . 1. Ano ang mahahalagang kaisipan na iyong natutuhan mula sa video? 2. Batay sa balagtasang pinanood , alin sa dalawang wika ang mas nakahihigit sa larangan ng edukasyon ? Wikang Filipino o Wikang Ingles ? Ipaliwanag . 3. Paano mo mailalarawan sa kasalukuyang panahon ang impluwensyang hatid ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
Tuklas-Kaalaman ! Ang mga Amerikano ay nanatili sa Pilipinas sa pagitan ng taong 1898 hanggang 1946 . Katulad ng nauna nang nabanggit kanina ay ibinigay ang Pilipinas ng bansang Espanya sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris noong 1898. Hindi nagsawalang kibo ang mga Pilipino at nagpasimula sila ng digmaang Pilipino - Amerikano .
Mga bagay na dinala at impluwensya ng Estados Unidos sa mga Pilipino: Edukasyon Nagpatayo ng mga pampublikong paaralan ang mga Amerikano sa Pilipinas . Itinatag din nila ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko (Department of Education).
Mga bagay na dinala at impluwensya ng Estados Unidos sa mga Pilipino: 2. Wikang Ingles Itinuro ito at pinagamit sa mga paaralan lalo na at maraming dumating na mga guro mula Estados Unidos . Tinawag silang mga Thomasites .
Mga bagay na dinala at impluwensya ng Estados Unidos sa mga Pilipino: 3 . Relihiyon Ipinakilala ng mga Amerikano and relihiyon ng Protestantismo sa mga Pilipino.
Ang Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano Sa panahong ito , pinagbawalan ang mga Pilipino na sumulat ng mga akda na tumutuligsa sa mga Amerikano at sa kanilang mga ginagawa . Ipinasa ang batas ng sedisyon na nagsasaad na ang sinomang kumalaban sa mga Amerikano , tahasan man o pahaging , ay maparurusahan . Dahil dito , ang mga Pilipinong manunulat ay inihalintulad sa isang ibon na pinakawalan sa hawla ngunit walang tapang na lumipad sa malayo (Rubin, et al., 2006).
Nahahati ang Panahon ng mga Amerikano sa tatlo : Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan May ilang mga dula ang nagpahayag ng pagiging makabayan at paghihimagsik tulad ng Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon , Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino . Ngunit ang mga ito ay kalaunang ipinagbawal na ipalabas dahil lumabag sa batas ng sedisyon .
Mga sumikat na dula sa panahon ng paghahangad ng kalayaan :
B. Romantisismo sa Panitikan Nahahati ang panahon na ito sa dalawang samahan ng mga manunulat : (1) Aklatang -Bayan , at ( 2) Ilaw at Panitik . Sa panahon ng Aklatang -Bayan sinasabi na yumabong ang romantisismo sa mga tula . Sa mga akda ni Francisco Balagtas ay ganap na mababakas ang mga sentimentalismo ng kanyang panahon .
B. Romantisismo sa Panitikan Ilan pa sa mga makata ng panahong ito ay sina Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Hari ng Balagtasan , Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan , Inigo Ed Regalado, Florentino Collantes , at Julian Cruz Balmaceda . Sa panahon naman ng Ilaw at Panitik ay naging masigla rin ang tula dahil sa paglabas ng magasing Liwayway noong 1922.
B. Romantisismo sa Panitikan Ang mga makata ng panahong ito ay sina Amado V. Hernandez, Julian Cruz Balmaceda , at Ildefonso Santos .
C. Panahon ng Malasariling Pamahalaan Ang tula’y nagkaroon ng bagong hugis at ng bagong anyo dahil kay Alejandro G. Abadilla . Hinamon niya ang tradisyunal na ayos ng tula tulad ng sukat at tugma kaya naman siya ay itinuring na Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog .
Performance Task Likhang Iskit Panuto: Magsagawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng impluwensiya ng mga Amerikano tungkol sa edukasyon at relihiyon sa rehiyon na inyong mapipili. Note: 5 minutes video presentation
Pamantayan sa Pagsasadula Pamantayan Deskripsyon Presentasyon ng mga tauhan (10) Mahusay at kapani-paniwala ang komunikasyon ng tauhan, damdamin, at sitwasyon. Mahusay ang pagganap ng mga aktor at gumanap ng naaayon sa karakter Pagkamalikhain at Imahinasyon (10) May kahandaan sa kagamitan, kasuotan at musika. Ang mga kasangkapang ginamit ay angkop at nagpahusay sa presentasyon Kaangkupan sa Paksa ( 10) Angkop ang ipinakitang dula sa paksang inilatag Tinig at Bigkas (10) Angkop ang paghina at paglakas ng tinig ayon sa diwa at damdaming nakapaloob Organisasyon (10) Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari at madali itong nauunawaan ng manonood Kabuoang Puntos 50