Q2 FIL 6.docx document document document document

sarahmaydelector1 19 views 8 slides Jan 26, 2025
Slide 1
Slide 1 of 8
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8

About This Presentation

document document document document


Slide Content

Ito ang naitala ni Susan sa kanyang talaarawan
Pebrero 14, 2023
Sobrang saya ko sa araw na ito. Ika-12 kong kaarawan. Nagluto si Nanay
ng pansit, spaghetti, kakanin at maja. Dumalo ang mga kaibigan ko at kaklase.
Pebrero 15, 2023
Dalawang beses akong nagdiwang ng aking kaarawan. Dumating ang
mga pinsan ko galing ng Nueva Ecija. Nagluto uli si Nanay ng pansit, spaghetti,
PERIODICAL TEST IN FILIPINO 6
QUARTER 2
Name: ____________________________________ Date: __________________
Teacher: __________________________________ Section: _______________
I.Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1.Kailan ang kaarawan ng sumulat ng talaarawan?
A.Pebrero 12, 2023
B.Pebrero 14, 2023
C.Pebrero 15, 2023
D.Pebrero 17, 2023
2.Sino ang may kaarawan?
A.Si Nanay
B.Si Tatay
C.Si Pinsan
D.Si Susan
3.Pang ilang kaarawan ni Susan ang kanyang ipinagdiwang?
A.Ika-12
B.Ika-14
C.Ika-15
D.Ika-17
4.Taga saan ang mga pinsan ni Susan?
A.Taga Natividad
B.Taga Tayug
C.Taga Nueva Ecija
D.Taga Pangasinan
5.Bakit masaya si Susan?
I.Ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan
II.Dumalo ang kanyang mga kaklase at kaibigan
III.Nagluto si Nanay ng pansit, spaghetti, at maja
IV.Ipinasyal siya ng Tatay at Nanay
A.I, II b. I, II, at III c. II at III d. I, II, III, at IV

iginuhit ni Leo Gali
Ang larawan na ito ay





II.Basahin at unawain ang anekdota. Sagutin ang kasunod na mga
tanong at isulat sa sagutang papel.
Isang babae ang pumunta sa estasyon ng pulis upang magreklamo. Siya
raw ay malakas na binangga ng bisekleta ng isang matandang lalaki. “Kailan pa
ito nangyari?” tanong ng pulis. “Noon pa hong Disyembre 2, 2019,” sagot ng
babae. “Bakit ngayon lang kayo nag -report? Dapat sana’y noon pa!” sabi ng
pulis. “Nagdalawang -isip po ako dahil hindi ko naman siya namukhaan. Kaya
hindi ko po nireport, ” sagot ng babae. “Ganoon ba? Eh, bakit ngayon ay nag-
report na ho kayo?” sabi ng pulis. “Andito po kasi yung bisekleta ng bumangga
sa akin, ayun po sa gilid,” paglilinaw ng babae. “Ah, iyan po ba? Binenta po dito
ng isang lalaki. Pambili daw niya ng gamot para sa may sakit niyang asawa.
Naawa ang aming hepe kaya binili niya.” tugon ng pulis.
6. Sino ang pumunta sa estasyon ng pulis?
A.isang binata
B.matandang lalaki
C.isang babae
D.isang bata

7. Bakit pumunta sa estasyon ng pulis ang babae?
A.Kakausapin ang pulis tungkol sa nakita niyang pangyayari.
B.Sasampahan niya ng kaso ang kapitbahay.
C.Isusumbong niya ang kaibigan.
D.Ire-report niya ang nangyari sa kaniyang insidente.

8.Bakit hindi daw siya agad nag-report sa pulis?
A. Nakalimutan niya.
B.Natatakot siyang magsumbong.
C.Ayaw na niyang maabala sa pagsusumbong sa pulis.
D.Nagdalawang-isip siya dahil hindi naman niya namukhaan ang lalaki.

9.Bakit naisipan na niyang magreport sa pulis?
A. Nabangga muli siya ng bisekleta.
B.Nakita niya muli na nagbibisekleta ang lalaking bumangga sa kaniya.
C.Nakita niya ang bisekleta nang nakabangga sa estasyon ng pulis.
D.Nakita niya ang taong nakabangga sa kaniya.

10.Bakit nasa estasyon ng pulis ang bisekleta ng nakabangga sa
kaniya?
A. Nasa estasyon ng pulis ang bumangga sa kaniya.
B.Nahuli na ang bumangga sa kaniya.
C.Napulot ng mga pulis ang bisekleta.
D.Binenta ng lalaki ang bisekleta at binili ng hepe ng pulis.

Pagsasalita

11.Ang probinsiya ng Cavite ay maunlad. Anong pang-uri ang ginamit sa
pangungusap?
A.Bayan C. probinsiya
B.Cavite D. maunlad
12. Makikita rito ang naglalakihang pabrika at gusali. Ang pang-uring ginamit
sa pangungusap ay_________
A. Makikita C. pabrika
B. Naglalakihan D. gusali
13.Ang nangyayari sa Marawi City ay nagdulot ng matinding
________________sa mga mamamayan.
A. sakit C. galit
B. hirap D. takot
14.Araw-araw, ang magkapatid ay nagtitinda ng ____________Sampaguita sa
terminal ng jeep.
A. Sariwang C. mabangong
B. Magandang D. lahat ng nabanggit
15.Ang aking mga mag-aaral ay matiyagang dumadaan sa ilog upang
makarating sa aming paaralan. Alin sa sumusunod na salita sa
pangungusap ang pang uri?
A.Mag-aaral C. matiyaga
B.Dumadaan D. ilog
16. Nalaglag ang hawak na pera ng bata. Agad itong pinulot ni Dan at iniabot
sa may-ari. Si Dan ay isang batang .
A.masipag B. matulungin C. matapat D. masinop
17. May bagong pantalon si Chito. Nalaman niyang kailangan ni Fred ng isusuot
sa kanilang programa. Ipinahiram niya iyon kay Fred. Si Chito ay .
A.masipag B. matapat C. matulungin D. mapasalamatin
18. May uwing pagkain ang nanay. Sinabi ng nanay na hatian ni Bia ang
kanyang kapatid na si Nilda. Hinati ni Bia nang magkasinglaki at ibinigay
niya kay Nilda ang parte nito. Si Bia ay batang .
A.marunong B. mapagbigay C. masinop D. madamot
19. Si Lena ay di-gaanong maganda na gaya ni Arra. Pinagtatawanan ni Arra
si Lena sa harap ng ibang tao sabay sabi na pangit si Lena at siya ang
pinakamaganda. Si Arra ay
.
A.mayabang B. sinungaling C. madaldal D. kulang sa pansin
20. Gustung-gusto ni Rico na makipaglaro kay Mario. Tinawag niya ito upang
sumama sa bukid. Hindi pumayag si Mario dahil bilin ng kanyang tatay
na bantayan ang kanilang alagang kalabaw. Si Mario ay .
A.magalang B. matalino C. masunurin D. matapat
Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Habang iyong binabasa ang
teksto, itala sa iyong kuwaderno ang mga mahahalagang datos na iyong

mababasa. Isulat rin ang tema ng teksto. Matapos itong gawin, subukang
sagutin ang mga katanungan gamit ang mga datos na iyong isinulat
“Sa Ilalim ng Puting Ilaw”
Pj Miana
“Huli ka! Ay, ikaw naman ang taya!”, wika ni Tanya kay Boyo
habang naglalaro sila ng tagu- taguan, sa ilalaim ng puting ilaw nina
Mang Kanor kapag maliwanag ang buwan. Gawain na ito gabi- gabi ng
mga “Batang Tulin” sa tuwing maliwanag ang buwan. Pagkatapos ng
kanilang mga gawaing bahay sa hapon, isa-isang nagpapaalam ang mga
bata sa kani-kanilang mga magulang upang maglaro sa bakuran nina
Mang Kanor. Doon kasi may malaking mangga na mayroong ilaw kung
saan sumasabog ang liwanag nito sa mga mukha ng mga
naghahalakhakang bata sa paligid nito.
Madalas laruin ng mga bata ang batuhan ng bola, habulan, palitan
ng punch lines at – ang pinakapaborito nilang laro – ang taguan. Madalas
si Boyo ang taya kapag nagsisimula ang laro. Kapag nagsimula na ang
hanapan, si Tanya naman ang una nitong nahahanap. Paano ba naman
kasi, sa likod lang ng mangga nagtatago si Tanya. “Hoy, Boyo! Bakit
parang si Tanya lang yata ang lagi mong nahahanap? Kami, namumuti na
ang mga mata namin sa katatago, hindi mo naman kami nahahanap.”,
wika ni Poknat. “Si Poknat naman, siyempre hindi naman kasi ikaw si
Tanya! hahaha”, tukso pa ni Lorna. Naghalakhakan na ang lahat at maya’t
maya ay tinutukso na nila sina Boyo at Tanya. Ang dalawa naman ay
namumula na at hindi makaimik. Hindi na nga nila matingnan ang bawat
isa.
Malapit na ring mag ikawalo ng gabi kaya nagsiuwian na rin ang
lahat. Mahirap ng abutan ng curfew. Habang papalakad pauwi si Tanya,
naisip niyang gustong-gusto niya na nakikita at nakakasama si Boyo.
Madalas nga niyang maisip ito sa kaniyang pagtulog. Buhay na buhay ang
pagkamaamong mukha nito sa kaniyang gunita. Ang mga ngiti nitong
parang asukal sa tamis at ang boses nitong tila anghel na umaawit ng
himig ng pag-ibig.” Pag-ibig! Umiibig ba ako? Kay Boyo!?”, gulantang ni
Tanya sa kaniyang sarili. Nangingiti siya sa kaisipang ito. Ito na marahil
ang napag- aralan nila sa asignaturang Siyensya kung saan laging
ipinapaalala ng kanilang guro na si G. Miana na, “Having a crush is
normal! It’s part of adolescence. It’s a sign that your emotional growth is
also up.It’s part of growing up.”, at matatapos siya sa pagsesermon sa amin
tungkol sa pakikipagligawan at pagkakaroon ng nobyo sa murang edad.
Tama ang kanilang guro. Masaya sa pakiramdam ang pagkakaroon ng
pagkagusto sa kabilang kasarian. Subalit mas masaya ang makapagtapos
sa pag- aaral dahil hindi agad pumatol sa silakbo ng damdaming
nararamdaman.
Unti-unti nang isinarado ni Tanya ang mga talukap ng kaniyang
mga mata. Siya nga ay tuluyan nang nahimbing sa pagtulog at masayang
ibinaon sa kaniyang pagtulog ang kaisipang naglalakbay na siya sa
panibagong yugto ng buhay.

21.Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
A.Tanya at Boyo C. G. Miana at Lorna
B.Mang Kanor at Poknat D. Boyo at Mang Kanor
22.Sino-sino ang mga ikalawang tauhan sa kuwento?
A.Tanya at Boyo C. G. Miana at Lorna
B.Mang Kanor, Poknat, G. Miana, Lorna D. wala sa nabanggit
23.Anong oras nagsisiuwian ang mga bata mula sa paglalaro?
A.Ika-8 ng gabi, Alas-otso
B.Ika-9 ng gabi, Alas-otso
C.Ika-10 ng gabi, Alas-otso
D.Ika-11 ng gabi, Alas-otso
24.Bakit nagkakahiyaan sina Boyo at Tanya?
A.Nagkaaway sila.
B.Nakakaramdam sila ng pagkagusto sa isa't isa.
C.Hindi sila nagpapansinan sa isat-isa.
D.Lahat ng nabanggit
25.Ano ang paksa o tema ng tekstong iyong binasa?
A.Ang pagdadalaga at pagbibinata
B.maagang pag-ibig,
C.pagkakaroon ng crush
D.lahat ng nabanggit
Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang angkop na pandiwa,
pang-uri o pang abay sa bawat pangungusap.
26._________siya ng almusal bago pumasok sa paaralan kaninang umaga.
A. Kinakain C. Nakakain
B.Kakainin D. Kumain
27.Ang mga mag-aaral ay _____________sa Lakbay_aral na gagawin sa darating
na Sabado.
A. sasama C. sumasama
B.Sumama D. sasamahan
28.Ang kawawang pulubi ay ______________sa tabi ng simbahan araw-araw.
A. Namalimos C. namamalimos
B.Mamamalimos D. mamalimos
29.____________ng tulong para sa mga mamamayan ng Cavite na nasalanta ng
bagyong Paeng.
A. Magbibigay C. Nagbibigay
B.Nagbigay D. Bibigyan
30.Lahat ay _______________sa pagpapanatiling malinis na ating kapaligiran
noong nagdaang brigada eskwela.
A. Tumulong C. Tumutulong
B.Tutulong D. Tinulungan

31. lang nila ng almusal para sa mga bata.
A. Kahahanda C. Hinanda
B. Hinahanda D. Hahanda
32.Kalalabas lamang ni Rita sa ospital kaninang umaga.
A. kagaganap C. Imperpektibo
B. Kontemplatibo. D. Perpektibo
33.Si Michael ay lumaban upang malampasan sakit na cancer.
A. Katatapos C. Imperpektibo
B. Kontemplatibo D. Perpektibo
34.Marami kaming lumang gamit na ibebenta sa garage sale.
A. Katatapos C. Imperpektibo
B. Kontemplatibo D. Perpektibo
35.Magpapahinga muna ako nang sandali dahil sumasakit ang ulo
ko.
A. Katatapos C. Imperpektibo
B. Kontemplatibo D. Perpektibo
36Ito ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay.
A.Pamanahon
B.Pamaraan
C.Pang-abay
D.Panlunan
37Tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o
pangyayarihan ng pandiwa.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
38
.
Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang
pandiwa.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
39.Isa sa mga uri ng Pang-abay na Pamanahon na ginagamit ang
panandang nang,sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa at hanggang.
A. May pananda C. Panlunan
B. Pamaraan D. Walang pananda
40.Tukuyin ang maaaring bunga ng sitwasyong ito.
“Isang gabi habang naiidlip ang mag-asawa, dalawang
estranghero ang dumating at naghanap ng
masisilungan sa gabing iyon.”
a.Nabusog naman ang mga panauhin.
b.Ayaw niyang makita ang puntod ng kanyang asawa.
c.Buong-pusong tinanggap ng mag-asawa ang mga panauhin.
d.Nagulat ang mag-asawa dahil hindi sila nauubusan ng alak.
41.Ano kaya ang maaaring naging sanhi nito?
“Kayo lamang ang makakatanggap ng aming pabuya.”

a.Napagtanto nilang hindi basta panauhin lang ang mga ito.
b.Gustong hulihin ng mag-asawa ang gansa upang ihain sa
mga bisita.
c.Inihain sa kanila ang isang ulam mula sa lumapot na
bahagi ng gatas na nakalagay sa isang bandihado.
d.Mahigit isang daang pinto ang aming kinatok ngunit wala ni
isamang nagpaunlak sa amin maliban sa inyong dalawa.”
42.Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog.
Ano ang SANHI sa pangungusap?
a.ang mga isda C. namatay ang mga isda
b.malinis ang tubig D. dahil marumi ang tubig sa ilog
43.Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog
Pasig, kaya kumikilos na sila bago mahuli ang lahat. Ano
ang BUNGA ng pangyayari?
A. kaya kumilos na sila
B. nangamba ang mga tao
C. bago mahuli ang lahat
D. tuluyan nang masira ang Ilog Pasig
Basahin ang maikling kwento.
44.Ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra
Señora dela Paz y Buenviaje) ang patron ng Antipolo sa Rizal. Dito, ang
pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng Mayo. Ipinagdiriwang din ito sa
ika-8 ng Disyembre.Ito’y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng
biyaya sa patron ng bayan.
A.Ang pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal
na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
B.Ang pagsalungat sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng
pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
C.Ang hindi pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng
Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
D.Ang kaguluhan sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng
pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
45.Ipinagdiriwang taon-taon ang kapistahan ng Patrong San Martin, pati na rin
ang higit na masiglang kapistahan ng Mahal na Krus sa bayan ng Bocaue sa
Bulacan. Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon sa ilog. Iniikutan ng
maraming taong lulan ng maliliit na bangka ang Mahal na Krus na nasa
napakagarang pagoda. Ito’y ipinuprusisyon sa kahabaan ng Ilog Bocaue
hanggang sa Wawa, kung saan sinasabing nakuha ng mga mangingisda ang
Mahal na Krus.
A.Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kalsada ng Bocaue hanggang sa
Wawa
B.Ang pagparada ng Mahal na Krus sa ilog ng Bocaue hanggang sa Wawa
C.Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kabundukan ng Bocaue hanggang
sa Wawa
D.Ang pagparada ng Mahal na Krus sa dagat ng Bocaue hanggang sa

Wawa
Isulat nang maayos ang sumusunod na mga bahagi ng isang liham-
pangangalakal. Pagsunud-sunurin ang mga ito. Gumamit ng wastong
bantas.
______46.Paaralang Elementarya ng Angel L. Bawalan
General Trias City, Cavite
Ika-12 ng Hulyo, 2017
______47. Lubos na gumagalang
Ana Luna
_____48. Waltermart Manggahan
Governor’s Drive
General Trias City, Cavite
_____49. Ginoong dela Cruz
_____50. Nabasa ko po sa pahayagan sa nangangailangan kayo ng Assistant
Manager sa inyong tanggapan. Nais ko po sanang mag- aplay sa posisyong ito.
Nagtapos po ako sa Lyceum of the Philippines nitong Mayo 2017. Ang akin pong
kurso ay Bachelor of Science in Business Administration Major in Management.
Kung inyong mamarapatin, nais ko po sanang makipag- usap sa inyo para sa
interbyu at upang ipakita ang aking kakayahan. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng
pagkakataong makapagtrabaho upang makatulong naman po ako sa aking mga
magulang.
Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.
Tags