Panuto : Salungguhitan ang pangatnig sa bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay A- pamukod , B - paninsay , C - panubali , D - pananhi , o E - panlinaw . Isulat ang letra ng tamang sagot .
1. Sakali’t umulan , ipagpapaliban ang paligsahan . 2. Kung sakali mang hindi siya dumating , ako na lang ang hahalili . 3. Hindi siya nakapasok dahil masama ang kanyang pakiramdam . 4. Nabigo siya sapagkat hindi niya sinunod ang tagubilin . 5. Umiyak ang bata dahil sa pagkasira ng kanyang laruan .
6. Nag- aral siya nang husto subalit bumagsak pa rin sa pagsusulit . 7. Masipag siya ngunit hindi siya napili bilang lider . 8. Tinulungan ko siya pero hindi niya ako pinasalamatan . 9. Kung sisipagin ka, tiyak na makakamit mo ang tagumpay . 1 0. Kapag hindi ka dumalo , mawawala ang puntos mo.
11. Si Ana o si Liza ang pipiliin bilang kinatawan . 12. Hindi siya pupunta sa field trip ni sasali sa paligsahan . 13. Maging ikaw maging ako , pareho tayong may pananagutan . 14. O mag- aaral ka nang mabuti o maghanda ka sa resulta . 15. Gusto niyang sumama ngunit may klase siya kinabukasan .
1 6. Hindi siya nakasali dahil sa kakulangan ng dokumento . 1 7. Siya ang napili samakatuwid siya ang mamumuno sa proyekto . 1 8. Hindi siya dumalo , sa madaling salita , wala siyang ambag . 1 9. Mahina ang kanyang katawan , kaya hindi siya pinayagan . 2 0. Malinaw ang patakaran , ibig sabihin , walang puwedeng lumabag .