Panuto : Basahin ng mabuti ang mga sitwasyon . Sabihin ang salitang NATUPAD kung ito ay nagsasabi ng katuparan sa pinagkasunduan at DI NATUPAD naman kung hindi .
1. Si Edwin ay mahilig umawit . Mayroong awdisyon sa pag-awit sa kanilang barangay at gusto niyang sumali doon . Kaya lang ang sabi ng kaniyang magulang ay baka maapektuhan ang kaniyang pag-aaral . Kaya hindi muna siya sumali at nangako na pagbubutihin niya ang kaniyang pag-aaral . NATUPAD
2. Si Janny ay palaging naglalaro ng kaniyang selpon . Binawalan siya ng kaniyang ina para makatutok sa kaniyang pag-aaral at nangako naman siya . Pagkatapos ng klase , umuuwi agad si Janny upang makapag-aral . NATUPAD
3. Si Carmelita ay mahilig magbulakbol , lagi siyang gabi kung umuuwi . Isang araw inumaga ng uwi si Carmelita. Pinagalitan siya ng kaniyang nanay at nagkaroon sila ng kasunduan na alas- otso ng gabi ay naroon na siya sa kanilang bahay , at sumang-ayon naman siya . Ngunit nang mga sumunod na araw ay umuwi si Carmelita ng alas- diyes ng gabi . DI-NATUPAD
4. Si Vicky ay niyaya ng kaniyang mga kaibigan na maglaro . Ngunit mayroon pa silang ginagawa ng kaniyang nanay . Naisip ni Vicky na magpaalam muna sa kaniyang nanay at nangakong babalik kaagad ito para makatulong . Umuwi si Vicky na tapos na lahat ang gawain at nadatnan na tulog na ang kaniyang nanay . DI-NATUPAD
5. Si Joeme ay nanghiram ng libro kay Johnrey . May kasunduan sila na magpapahiram din si Joeme ng gamit kay Johnrey . Nangako sila sa isa’t isa , at iyon nga ang nangyari , pinahiram ni Joeme si Johnrey ng gamit niya sa kanilang proyekto . NATUPAD
Hulaan Mo! Tukuyin ang pamagat ng palabas ng mga sumusunod na larawan .
Spongebob Squarepants Spongebob at Patrick
Big Hero Hiro at Baymax
Frozen Elsa, Ana at Olaf
Doraemon Doraemon at Nobita
One Piece Luffy at Usopp
• Ano sa tingin mo ang relasyon nila sa isa’t-isa ? • Ikaw ba ay may mga kaibigan ?
1 . Sino- sino ang matalik na magkaibigan sa kwento ? 2. Ano ang kanilang propesyon ? 3. Paano ipinakita ni Arman ang kanyang pagpapahalaga kay Mando ? 4. Bakit naging panatag ang loob ni Arman? 5. Anong aral ang napulot ng kapitan nina Mando at Arman sa kanilang pagiging magkaibigan ?
Ang pakikipagkaibigan ay isa sa natatanging katangian ng mga Pilipino. Saanman o kailanaman ay madaling makibagay , mahusay makisama , at magaling makipagkapwa ang mga Pilipino.
Sa pakikipag – uganayan itinuturing natin ang ating kapwa na hindi na iba sa atin . May pagkakataon na kapatid o mas higit pa sa kapatid ang turing natin sa kanila . Pinagkakatiwalaan natin sila ng ating sikreto o saloobin . Sila ay tinatawag nating mga kaibigan . Ang ating mga kaibigan ay may mas malalim na ugnayan sa atin , kahit dumarating ang pagkakataon na hindi palagian ang inyong komunikasyon . Alam ninyo na kapag dumating ang oras na kailangan mo siya at kailangan ka niya pwede ninyong takbuhan ang isa’t isa.
Ang pakikipagkapwa ay palaging may kaakibat na paggalang upang magtagal at manatili ang ating ugnayan sa kanila .
Bawat isa sa atin ay nangangailangan ng kalinga , pakikisalamuha o pag-aalaga ng pamilya , kaibigan , kapitbahay , kababayan at iba pa. At dahil kailangan natin ang ibang tao , hindi kataka - taka na isipin din natin na mapasaayos sila at maibigay ang kanilang mga pangangailangan . May pagkakataon pa nga na kahit magsakripisyo tayo ay ayos lang , lalo na kung ito ay para sa mga nahihirapan at iba pa na nangangailangan ng tulong . Kailangan nating maging bukas at handang dumamay sa ating kapwa at mga kaibigan sa oras ng pangangailangan . Hindi natin sila tutulungan dahil lamang sa may mabuti silang ginawa sa atin kundi gagawan natin sila ng mabuti dahil mahalaga sila sa atin at mahalaga sila sa Diyos .
Paano pa tayo maaaring makatulong ? Sa paanong paraan ito magiging daan sa pakikipagkaibigan ?