Q2-WEEK-2-DAY-1-SUPPLY-1.pptxggoofjsfuce

kurtrusselbalazon8 0 views 52 slides Oct 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 52
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52

About This Presentation

Goodluck! 🤍


Slide Content

SUPPLY

ANO ANG SUPPLY? -Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng ng prodyuser sa iba’t- ibang presyo sa isang takdang panahaon. -Mga produkto na ipinagbibili o gawa ng mga prodyuser.

SUPPLY FUNCTION -Pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. -Matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Supply Function Equation Qs = f (P)

EQUATION Qs = f (P) Qs = Quantity Supplied P = Presyo C = Intercept (o ang bilang ng Qs ang presyo ay 0) d = Slope -Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o negative

PRESYO (BAWAT PISO) Qs (Quantity Supplied) Php5 50 Php4 40 Php3 30 Php2 20 Php1 10 Php0 HALIMBAWA SUPPLY SCHEDULE NG KENDI Qs = 0+ 10P = 0 + 10(5) = 0 + 50 Qs = 50 Qs = 0+ 10P Qs = 0+ 10P = 0 + 10(4) = 0 + 40 Qs = 40

PUNTO PRESYO QUANTITY SUPPLY (Qs) A 10 B 100 HALIMBAWA Punto A Qs = -500 + 50P Qs = -500 + 50 (10) Qs = -500 + 500 Qs = 0 Punto B Qs = -500 + 50P 100 = -500 + 50P -50P = -500 -100 -50P = -600 -50 P = 12

SUPPLY FUNCTION -Pagpapakita ng relasyon o ugnayan ng presyo at quantity supplied. -Matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Supply Function Equation Qs = f (P)

SUPPLY FUNCTION Ang supply function ang isa sa paraan upang maipakita ang relasyon o ugnayan ng presyo at supply, mula rito ay mapatutunayan na may tuwiran, o direktang kaugnayan ang mga ito na kung ang presyo ay mataas ay mataas rin ang supply ngunit kung mababa naman ang presyo ay mababa rin ang supply ng produkto o serbisyo.

PUNTO PRESYO DAMI NG SUPPLY A 14 10 B 15 25 HALIMBAWA NG PAGKOKOMPYUT NG DAMI NG SUPPLY DEMAND SCHEDULE NG SANTOL

PUNTO PRESYO DAMI NG SUPPLY C 17 55 D 20 100 HALIMBAWA NG PAGKOKOMPYUT NG PRESYO DEMAND SCHEDULE NG SANTOL

Bumuo ng pahayag na may kaugnay sa larawan

Si Aling Rosa ay may maliit na tindahan sa baryo. Araw-araw ay nagbebenta siya ng kendi at softdrinks. Napansin niya na kapag mura ang presyo ng kendi, kaunti lang ang kaya niyang ibenta dahil maliit ang kikitain niya. Pero kapag mas mataas ang presyo, mas maraming kendi ang inilalabas niya mula sa kanyang kahon dahil mas malaki ang tubo. Isang araw, gumawa si Aling Rosa ng talaan:

PRESYO QUANTITY SUPPLIED 5 10 10 20 15 30 20 40 Isang araw, gumawa si Aling Rosa ng talaan: Tinawag niya itong Supply Schedule, dahil ipinapakita nito kung ilang kendi ang kaya niyang ibenta sa bawat presyo.

Pagkatapos, iginuhit niya ito sa papel bilang isang graph. Nakita niya na ang grap ay pataas na pahalang papuntang kanan. Sabi ng kanyang anak: “Nanay, parang bundok na pataas ang linya!”

Ngumiti si Aling Rosa at sagot niya: “Anak, iyan ang tinatawag na Supply Curve. Ipinapakita nito na kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto na handa kong ibenta.” At iyon ang natutunan ng mga bata sa baryo — ang Batas ng Supply: 👉 Kapag mataas ang presyo, mas maraming supply ang handang ibenta ng nagtitinda.

SUPPLY SCHEDULE -Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t- ibang presyo. SUPPLY SCHEDULE NG KENDI

PRESYO (BAWAT PISO) Qs (Quantity Supplied) Php5 50 Php4 40 Php3 30 Php2 20 Php1 10 Php0 SUPPLY CURVE -Grapikong pagpapakita ng datos ng presyo at quantity supplied mula sa supply schedule na. -Ito ay iginuhit mula sa datos sa suppy schedule

BATAS NG SUPPLY -Mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto. -Kapag tumaas ang presyo ay tumataas din ang dami ng produkto na handa at kayang ipagbili, kapag naman bumaba ang presyo bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus). -Presyo ang pinagbabatayan ng prodyuser sa paglikha ng produkto o serbisyo.

HALIMBAWA Halimbawa: Kung ang kendi ay ₱5 lang, 10 piraso lang ang handang ibenta ni Aling Rosa. Pero kung ang kendi ay ₱25 na ang presyo, handa na siyang maglabas ng 50 piraso.

PUNTO PRESYO QUANTITY SUPPLY A 10 4 B 12 5 C 15 6 D 18 8 E 220 10 Panuto:Suriin ang supply schedule at bumuo ng supply curve. Suppy Schedule ng Sako

Si Mang Berto ay may maliit na sakahan na nagtatanim ng gulay. Kamakailan, nagkaroon ng kakulangan sa pataba na ginagamit niya sa pagtatanim, kaya bumagal ang produksiyon ng kanyang mga gulay. Bukod dito, may bagong teknolohiyang inilabas sa pamilihan na maaaring makapagpabilis ng pagtatanim. Gayunpaman, mahal ang bagong makinaryang ito, kaya’t hindi pa niya ito mabili.

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPPLY

PAGBABAGO SA TEKNOLOHIYA -Nakakatulong ang mga modernong teknolohiya sa mga prodyuser na makabuo pa ng mas maraming supply. -Nagreresulto ito ng pagbaba ng halaga ng produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodsyuser na dagdagan ang kanilang supply.

-Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t- ibang salik gaya ng lupa, paggawa, kapital at entreprenyurship. -Ang pagtaas ng salik ng produksiyon ay nangangahulugan ng pagtaas ng kabuuang gastos sa produksiyon kaya naman maaaring bumaba ang dami ng produkto na kayang ipagbili. At kung ito naman ay bumaba mas mataas ang bilang ng kayang ipagbili. PAGBABAGO SA HALAGA NG MGA SALIK NG PRODUKSIYON

-Ito ay maihahalintulad sa bandwagon effect sa demand. -Kung ano ang nauuso ay nahihikayat na mag prodyus o magtinda ang mga prodyuser nito. Hal. Uso ang milktea kaya naman mas marami ang nahihikayat na magtinda ng produktong ito. PAGBABAGO SA BILANG NG MGA NAGTITINDA

-Ang pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakakaapekto sa quantity supplied ng produktong kaugnay nito. Hal. Parehong nagtatanim ng mais at palay ang magsasaka. Sa panahon na mataas ang presyo ng mais, mas gugustuhin niya na magtanim ng mas maraming mais kesa palay, kaya naman bababa ang supply ng bigas dahil wala nang lugar na maaaring pagtaniman nito. PAGBABAGO SA PRESYO NA KAUGNAY NITO.

-Kung mayroong inaasahan na pagtaas ng presyo, mayroong mga negosyante na magtatago ng mga supply at ibebenta ito sa nakatakdang panahon ng pagtatas o tinatawag na hoarding. na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan. Hal. May paparating na bagyo na maaaring makaapekto sa sa supply ng bigas kaya naman may mga negosyante na magtatabi ng supply dahil inaaasahan na magtataas ito ng presyo at ilalabas ito kapag mataas na ang presyo. EKSPEKTASYON NG PRESO

PAGLIPAT NG KURBA NG SUPPLY (PAKALIWA O PAKANAN)

PAGLIPAT NG SUPPLY CURVE Paglipat sa Kanan = Pagtaas ng Supply Paglipat sa Kaliwa = Pagbaba ng Supply

PAGLIPAT NG SUPPLY PAKANAN -Ito ay nangyayari kapag ang iba pang salik na nakakaapekto sa supply (maliban sa presyo ) ay nagdudulot ng pagtaas ng supply. -Kapag mas mataas ang supply ay nangangahulugan na mas maraming produktohandang ipagbili ng mga prodyuser.

PAGLIPAT NG SUPPLY PAKALIWA -Ito ay nangyayari kapag ang iba pang salik na nakakaapekto sa supply (maliban sa presyo ) ay nagdudulot ng pagbaba ng supply. -Kapag mas mababa ang supply ay nangangahulugan na kaunti rin ang produkto handang ipagbili ng mga prodyuser.

SALIK NG SUPPLY SITWASYON EPEKTO SA SUPPLY Pagbabago ng Teknolohiya Si Mang Juan ay isang magsasaka ng bigas. Noong una, mano-manong paraan ang kanyang ginagamit sa pagtatanim at pag-aani. Isang araw, binigyan siya ng lokal na pamahalaan ng makabagong makina para sa pagtatanim at pag-aani ng mas mabilis at episyente. Dahil dito, mas mabilis niyang napoproseso ang kanyang ani, at mas dumami ang kanyang naipapadalang bigas sa merkado. Tataas ang supply; lilipat ang kurba pakanan. Halaga ng Salik ng Produksyon Si Aling Rosa ay gumagawa ng palaman para sa mga tinapay. Noong isang buwan, tumaas ang presyo ng asukal at harina, na siyang pangunahing sangkap sa kanyang produkto. Dahil dito, napilitan siyang bawasan ang dami ng palaman na ginagawa niya dahil sa mataas na gastos ng produksyon. Bumababa ang supply; lilipat ang kurba pakaliwa.

SALIK NG SUPPLY SITWASYON EPEKTO SA SUPPLY Bilang ng mga Prodyuser Sa kanilang bayan, si Ka Pedro ay isa sa mga manghahabi ng tela. Noon, kakaunti lamang silang mga manghahabi, kaya’t mabilis mabili ang kanilang mga produkto. Ngunit dumami ang mga gumagawa ng tela sa kanilang lugar, kaya’t mas marami na ang suplay ng tela sa merkado. Ito ay naging dahilan para tumaas ang supply ng mga habing produkto. Tataas ang supply; lilipat ang kurba pakanan. Presyo ng Kaugnay na Produkto Si Mang Berto ay nagtatanim ng mais at palay. Nang tumaas ang presyo ng palay, napagdesisyunan niyang magtanim ng mas maraming palay at bawasan ang pagtatanim ng mais. Dahil dito, bumaba ang kanyang supply ng mais sa merkado, habang tumaas naman ang kanyang supply ng palay. Bumababa ang supply ng mais; lilipat ang kurba pakaliwa.

SALIK NG SUPPLY SITWASYON EPEKTO SA SUPPLY Ekspektasyon ng Presyo Si Aling Nena, na nagbebenta ng mga prutas, ay inaasahan na tataas ang presyo ng mangga sa susunod na linggo dahil sa papalapit na piyesta sa kanilang lugar. Kaya’t pinili niyang itago muna ang kanyang mga mangga at hindi ito agad ibenta ngayon upang mas mataas ang kanyang kita sa mga darating na araw. Bumababa ang supply sa kasalukuyan.

_____1. Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan. _____2. Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto. _____3. Sa bawat pagtaas ng presyo ng alinmang salik ng produksiyon, nangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuoang gastos ng produksiyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser.

_____4. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak ang mga magsasaka na gamitin ang kabuoang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas sa supply ng mais. _____5. Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser na magprodyus at magtinda nito.

Sitwasyon Salik na Nakakaapekto Pakanan o Pakaliwa? 1. Mayroong paparating na bagyo kaya naman ang mga negosyante ay itinabi muna ang supply ng kanilang mga produkto at ilalabas nalang sa araw na tapos na ang bagyo. Ekspektasyon sa Presyo sa Hinaharap Pakaliwa 2.Bumaba ang presyo ng hilaw na materyales sa paggawa ng damit. Kaya naman mas maramiang kanilang nagawang damit. Halaga ng Salik ng Produksiyon Pakanan

Sitwasyon Salik na Nakakaapekto Pakanan o Pakaliwa? 3. Nauuso ngayon ang isang hotdog sandwich, kaya naman marami ang nagtitinda nito. Bilang ng mga Prodyuser Pakanan 4.Nakabili si Mang Carding ng bagong makinarya na magagamit niya sa pag-aani ng palay Pagbabago sa Teknolohiya Pakanan 5. Si Aling Lucy ay palaging nagluluto ng pancit at palabok, napansin niya na mas marami ang bumibili ng palabok kahit mataas ang presyo nito, kaya naman napagdesisyunan niya na palabok nalang ang kanyang iluto. Presyo ng kaugnay na produkto Pakaliwa

SUPPLY ELASTIC INELASTIC PRESYO COEFFICIENT

ELASTISIDAD NG SUPPLY

ELASTISIDAD NG SUPPLY Ito ay paraan na ginagamit upang masukat ang magiging pagtugon at gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.

URI NG ELASTISIDAD NG SUPPLY

URI NG ELASTISIDAD KAHULUGAN HALIMBAWA NG PRODUKTO 1. Elastic/Elastiko %∆Qs> %∆P s > 1 · Ang supply ay masasabing elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Mas madaling nakatugon ang mga prodyuser na magbago ng quantity supplied sa maikling panahon Halimbawa: · Manufacture goods -Damit, sapatos, appliances at marami pang iba. -Kapag tumaas ang presyo nito ay mas mabilis makakagawa ng produkto ang prodyuser

URI NG ELASTISIDAD KAHULUGAN HALIMBAWA NG PRODUKTO 2.Inelastic/Di Elastiko %∆Qs < %∆P s < 1 ·Ang supply ay masasabing elastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. ·Anumang pahagdan sa pagbabago ng presyo ay nagdudulot ng mas maliit na bahagdan sa pagbabago ng quantity supplies. Mahabang panahon ang kailangan ng mga supplier upang makatugon sa demand. Halimbawa: ·Resort -Hindi agad maaaring magdagdag ng kwarto o swimming pool kahit magtaas ng rentas. -Kailangan ng matagal na panahon upang makagawa ng mga ito.

URI NG ELASTISIDAD KAHULUGAN HALIMBAWA NG PRODUKTO 3.Unitary Elastic/Unitaryo %∆Qs = %∆P s = 1 Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo at bahagdan sa pagbabago sa quantity supplied. Walang tiyak na halimbawa.

URI NG ELASTISIDAD KAHULUGAN HALIMBAWA NG PRODUKTO 4.Perfectly Elastic/Ganap na Elastiko %∆Qs ∞ %∆P s = ∞ Ang bahagdan ng presyo ay hindi nagbabago ngunit ang bahagdan ng supply ng produkto ay maaaring magbago sa iba’t ibang dami. -Ang mga producer ay handang magbenta ng iba’t-ibang dami kahit hindi nagbabago ang presyo. Halimbawa ·Tela -Maaaring tumaas o bumaba ang dami supply ng tela kahit hindi nagbabago ang presyo.

URI NG ELASTISIDAD KAHULUGAN HALIMBAWA NG PRODUKTO 5.Perfectly Inelastic/Ganap na Di-Elastiko %∆Qs 0 %∆P s = 0 Ang bahagdan ng supply ay hindi nagbabago sa kabila ng pagbabago ng presyo. -Hindi naiimpluwensyahan ng presyo ang pagbabago sa dami ng supply. Halimbawa ·Painting ni Leonardo Da Vinci na Mona Lisa -Kahit tumaas ang presyo nito ay mananatiling isa lang ang supply nito

KOMPYUTASYON NG ELASTISIDAD NG DEMAND

Kung saan: Bahagdan sa pagbabago ng quantity supplied(Qs) %∆Qs= Dependent Variable Bahagdan sa pagbabago ng presyo (P) %∆P= Independent Variable Qs1 = Dating dami ng Quantity Supplied Qs2 = Bagong dami ng Quantity Supplied P1= Dating Presyo P2= Bagong Presyo Formula: