Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Batangas City
STA. RITA ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City
BANGHAY ARALIN SA MAKABANSA 1
I. Layunin:
1. Natutukoy ang iba't ibang estruktura na makikita mula sa tahanan
patungo sa paaralan.
2. Naiiugnay ang kahalagahan ng mga estrukturang ito sa pang-araw-araw
na buhay
3. Naiiguhit ang isang simpleng mapa ng mga estruktura mula sa kanilang
tahanan patungo sa paaralan.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa:
Mga estruktura mula sa tahanan patungo sa paaralan.
B. Sanggunian:
• MAKABANSA Matatag Curriculum Guide p. 19
C. Kagamitan sa Pagtuturo
• Laptop
• Video
• Panturong Biswal
• Larawan
• Mga Tunog
• Telebisyon
D. Integrasyon: Pagtukoy sa Mahina at Malakas na Tunog
Kahalagahan ng Pagtukoy ng Direksyon
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
“Tunog ko, Hulaan Mo!”
May ipaparinig ako sa inyong mga tunog. Huhulaan nyo kung saan naririnig ang
mga tunog na ito sa pamamagitan ng pakikinig ng mabuti.
1. (tunog ng mga sasakyan)
2. (tunog ng kampana)
3. (Pagtawag sa tindera para bumili)
4. (pagtuturo ng guro)
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Batangas City
STA. RITA ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City
Ang tunog ba na inyong napakinig ay mahina o malakas?
Saan ninyo madalas naririnig ang tunog na ito?
Paano mo nasabi na ito ay kalsada?
Pamilyar ba kayo sa mga lugar na ito?
Bakit kailangang alam natin ang mga lugar na ito?
B. Paglinang na gawain
2. Paglalahad
Ngayong araw ay may ibabahagi ako sa inyong kwento. Handa na ba kayong
makinig? Ihanda ang inyong mga sarili sapagkat pagkatapos kong basahin ang
kwento ay may mga tanong na dapat ninyong sagutin.
Ang Batang Mahusay sa Direksyon
Lunes ng umaga, walang pasok si Lito inutusan siya ng kanyang ina na
ihatid ang kanyang nakababatang kapatid sa paaralan. Ngunit bago sila umalis,
sinabi ng kanyang ina, “Lito, siguraduhin mong tandaan ang tamang direksyon
para makarating kayo nang ligtas.”
Habang naglalakad, sinabi ni Lito kay Mia, “Dapat tandaan natin ang mga
lugar na nadaanan natin para hindi tayo maligaw.” Una nilang nadaanan ang maliit
na tindahan ni Mang Isko. “Dito tayo bumibili ng meryenda, Mia,” sabi ni Lito.
“Kapag nakita mo ang tindahang ito, malapit na tayo sa waiting shed.”
Pagkatapos, nadaanan nila ang simbahan na may malaking kampana.
“Mahalaga ang lugar na ito, Mia,” paliwanag ni Lito. “Dito nagpupunta ang mga tao
para magdasal. Kapag nakita mo ito, alam mong tama pa rin ang direksyon natin.”
Nang makarating sila sa waiting shed, nagpahinga muna sila saglit. “Dito
nagtatambay ang mga tao kapag umuulan o kapag naghihintay ng sasakyan,” sabi
ni Lito. “Malapit na tayo sa paaralan.”
Habang papalapit sila, may nakita silang batang umiiyak sa gilid ng kalsada.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Lito. “Naliligaw ako,” sagot ng bata. Ngumiti si Lito
at sinabing, “Huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin.”
Ginamit ni Lito ang kanyang kaalaman sa direksyon at tinulungan ang bata
na makabalik sa tamang daan. Sa wakas, nakarating sina Lito, Mia, at ang batang
naligaw sa paaralan nang ligtas. Napansin ng guro ang kabutihan ni Lito at pinuri
at pinasalamatan nya ito.
Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Saang lugar niya ihahatid si Mia?
Ano-anong lugar ang nadaanan nila papuntang paaralan?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Batangas City
STA. RITA ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City
Ano ang masasabi mo sa ginawang pagtulong ni Lito sa batang naliligaw?
Bakit mahalaga na alam natin ang mga direksyon papunta sa lugar na nais
nating puntahan?
C. Pagtatalakayan
Magpapakita ako ng mga larawan ng ibat-ibang estruktura na makikita natin mula
sa ating tahanan hanggang sa paaralan. Ibigay ang tawag dito at ano ang
kahalagahan ng estrukturang ito.
1. Simbahan- sa lugar na ito tayo nanalangin.
2. Palengke- sa lugar na ito nagaganap ang kalakalan
at dito rin tayo bumibili ng ating pangangailangan.
3. Parke- sa lugar na ito tayo namamasyal at naglalaro.
4. Ospital- sa lugar na ito dito tayo nagpapagamot
tayo ay may mga sakit.
5. Paaralan- sa lugar na ito, dito tayo natututo at nag-
aaral.
Kayo ay aking papangkatin sa dalawang grupo. Ang bawat grupo ay guguhit ng
simpleng mapa na may ibat-ibang estruktura na makikita. Maari kayong gumamit
ng pangkulay upang pagandahin at kulayan ang inyong mga mapa.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Batangas City
STA. RITA ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City
Pangkatang Gawain
Panuto: Gumuhit ng isang simpleng mapa kung saan makikita ang mga
estruktura na inyong nakikita mula sa inyong tahanan papuntang paaralan o mula
paaralan papuntang tahanan.
Unang Pangkat: Gumuhit ng isang simpleng mapa mula tahanan hanggang
paaralan.
Pangalawang Pangkat: Gumuhit ng isang simpleng mapa mula paaralan
hanggang tahanan.
Ang bawat grupo ay pipili ng isang representative upang ipakita ang kanilang
ginawang mapa at sagutin ang mga tanong na ibibigay ng guro.
1. Ano-ano ang mga estruktura na makikita sa inyong mapa?
2. Aling estruktura ang makikita pagkaalis ng tahanan?
3. Aling estruktura ang makikita bago makarating sa paaralan?
4. Bakit mahalaga ng estruktura sa ating araw-araw na pamumuhay?
D. Pagpapatibay ng konsepto at kasanayan
Upang lubos ninyong maunawaan ang ating aralin may inihanda akong laro sa
inyo
3. Paglalapat
Hanapin sa mapa ang estruktura na hinahanap sa mga tanong.
1. Anong estruktura ang nasa itaas ng paaralan?
2. Saan matatagpuan ang pamilihan/supermarker?
3. Anong estruktura ang nasa ibaba ng tahanan?
4. Anong mga estruktura ang madadaanan mo kung ikaw ay mula sa
tahanan papuntang paaralan?
5. Saang estruktura ka pupunta para bumili ng mga pagkain?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Batangas City
STA. RITA ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City
4. Pagpapahalaga
Bakit mahalagang alam natin ang mga estruktura na maaring makita natin sa
tuwing umaalis tayo ng tahanan?
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga estruktura na isinasaad sa mga pangungusap. Piliin ang
sagot sa kahon ng salita.
Parke Simbahan
Pamilihan Paaralan
Ospital
1. Araw-araw kaming pumapasok dito upang kami ay matuto
2. Tuwing Sabado, pumupunta kami dito upang sama-sama kaming mamasyal at
maglaro
3. Dito kami pumupunta upang magpasalamat sa mga biyaya na galing sa may likha.
4. Pumupunta kami rito kapag kami ay may sakit.
5. Sinasamahan ko dito ang aking ina para bumili ng mga pagkain at gamit.
V. Takdang Aralin
Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga estruktura na iyong nakikita o nadadaan mula
tahanan patungong paaralan.
Inihanda ni: Pinansin:
LYRA BLESS E. SANDOVAL CHRISTINE B. MACATANGAY
Pre-Service Teacher Cooperating Teacher