Q3_WS_VE7-Lesson-3_Week-4.pdf to develop

MarioRivera696811 177 views 13 slides Nov 25, 2024
Slide 1
Slide 1 of 13
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13

About This Presentation

jhd

Slide Content

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

Gawaing Pampagkatuto
sa Values Education

7
Kuwarter 3

Aralin
3

Sagutang Papel sa Values Education 7
Kuwarter 3: Aralin 3 (Linggo 4)
TP 2024-2025

Ang materyal na eto ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon
ng MATATAG K - 10 na kurikulum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman
ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang
pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at
may karampatang legal na katumbas na aksiyon.

Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-
sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito
mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang
anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito.

Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong
nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa
Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and
8631-6922 o mag-email sa [email protected].
Mga Tagabuo

Manunulat:
• James Cesar A. Metiam (Mariano Marcos State University)

Tagasuri:
• Amabel T. Siason (West Visayas State University)

Mga Tagapamahala
Philippine Normal University
Research Institute for Teacher Quality
SiMERR National Research Centre

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

1
Values Education 7 Kuwarter 3
SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO

Asignatura Values Education 7 Kuwarter 3
Bilang ng Aralin 3 Petsa
Pamagat ng Aralin/
Paksa
Katapatan: Ugat ng Pakikipagkaibigan
Pangalan: Baitang at
Pangkat:
7

I. Bilang ng Gawain 1: Hanap-Kapareha (10 minuto)
II. Mga Layunin:
1. Nauunawan ang kahulugan ng salitang pakikipagkaibigan.
2. Nakabubuo ng pagkakaibigan sa kapuwa mag-aaral.
3. Nakagagawa ng sariling pagpapakahulugan sa salitang pakikipagkaibigan.
III. Mga Kailangan Materyales: malinis na papel o bondpaper, art materials, panulat
IV. Panuto: Humanap ng kapareha sa klase – maaaring katabi sa upuan, hindi pa masyadong
kilala o nakakausap, hinahangaan, at iba pa.

Mga Hakbang:
1. Bumuo ng mga bagay na panimulang dapat pag -usapan ng magkapareha gaya ng: paborito o
hilig, pangarap, ideya, naiisip, nadarama, at iba pa. Gawin lamang ito sa limang minuto.
2. Magpamahagi ng isang malinis na papel o bondpaper sa bawat pangkat na gagamitin sa
gawain. Maaari silang gumamit ng mga larawan, kulay, at iba pang materyales upang gawing
mas makabuluhan ang presentasyon.
3. Hikayatin ang bawat pares na pag-usapan ang kanilang mga ideya patungkol sa iba't ibang
aspekto ng pakikipagkaibigan.
4. Gumawa ng pagpapakahulugan sa bawat titik ng salitang "KAIBIGAN".
5. Itakda ang oras para gawin ang akrostik.
6. Manghikayat ng mga boluntaryo na ipresenta ang kanilang akrostik sa klase.
7. Matapos ang bawat presentasyon, magkaroon ng maikling talakayan.

V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak
1. Paano nakatulong ang gawain na ito sa inyong pang-unawa ukol sa pakikipagkaibigan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

2
Values Education 7 Kuwarter 3

2. Ano ang mga natutuhan ninyo na maaaring gamitin sa pang-araw-araw na buhay?

3. Mayroon bang pakikipagkaibigan na naganap sa pamamagitan ng gawain na ito?

4. Ano ang mga aspekto ng pakikipagkaibigan ang naging mas malinaw para sa inyo?

5. Ano ang mga bagay na nais ninyong gawin para mapanatili ang malusog na ugnayan sa
inyong mga kaibigan?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

3
Values Education 7 Kuwarter 3
SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO

Asignatura Values Education 7 Kuwarter 3
Bilang ng Aralin 3 Petsa
Pamagat ng Aralin/
Paksa
Katapatan: Ugat ng Pakikipagkaibigan
Pangalan: Baitang at
Pangkat:
7

I. Bilang ng Gawain 2: Antas ng Katapatan (10 minuto)
II. Mga Layunin:
1. Nasusukat ang antas ng katapatan sa mga kaibigan.
2. Nakagagawa ng hakbang upang mapataas ang antas ng katapatan.
III. Mga Kailangang Materyales: bar graph, pangkulay
IV. Panuto: Gumuhit ng grapikong representasyon ng antas ng katapatan sa iyong mga kaibigan.
Puwedeng gumamit ng bar graph o iba pang malikhain na representasyon.

1. Mag-isip ng pitong (7) kaibigan mo.
2. Magtalaga ng sagisag o panawag o hindi tunay na pangalan sa kanila ( pseudonym) para
maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan.
3. Ilagay ang pseudonym sa hanay kung saan dapat isulat ang pangalan ng kaibigan.
4. Tayain ang katapatan ninyo sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagkulay sa hanay ng puntos na
ibibigay mo sa iyong kaibigan at sa iyong sarili. Gamitin ang sumusunod na iskala bilang
batayan.
5 - Lubos na tapat
4 - Tapat
3 - Medyo tapat
2 - Hindi tapat
1 - Lubos na hindi tapat
Katapatan
ng Aking
mga
Kaibigan
5
4
3
2
1
Pangalan ng Kaibigan
Katapatan
ko
1
2

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

4
Values Education 7 Kuwarter 3
3
4
5

V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak
1. Paano mo binigyang-pakahulugan ang iyong graph tungkol sa antas ng katapatan…
a. mo sa iyong mga kaibigan?
b. ng iyong mga kaibigan?

2. Aling bahagi ng iyong graph ang pinakamataas at bakit?

3. Aling bahagi naman ang pinakamababa at ano ang maaaring dahilan?

4. Ano ang maaaring hakbangin o improvement na maaaring gawin upang mapataas pa ang
antas ng katapatan?

5. Paano mo makikita ang koneksiyon ng antas ng katapatan ninyong magkakaibigan at ang
kalidad ng inyong pagsasama-sama?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

5
Values Education 7 Kuwarter 3
SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO

Asignatura Values Education 7 Kuwarter 3
Bilang ng Aralin 3 Petsa
Pamagat ng Aralin/
Paksa
Katapatan: Ugat ng Pakikipagkaibigan
Pangalan: Baitang at
Pangkat:
7

I. Bilang ng Gawain 3: Katapatan Check! (5 minuto)
II. Mga Layunin: Nailalarawan ang sariling pagpapakahulugan ng katapatan sa kaibigan.
III. Mga Kailangang Materyales: panulat
IV. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong nang tapat. Lagyan ng tsek (✓) ang mga sagot na
tugma sa iyong nararamdaman.

1. Ano ang ibig sabihin para sa'yo ng katapatan sa isang pagkakaibigan?
Para sa akin, ito ay...
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

2. Paano mo nasusukat ang antas ng katapatan ng iyong mga kaibigan?
Lagyan ng tsek ang sagot mo. Maaari ring magdagdag ng sagot.
[ ] Sa pamamagitan ng kanilang mga gawain.
[ ] Sa pamamagitan ng kanilang mga salita.
[ ] Batay sa kanilang mga sekreto na ibinabahagi.
Iba pang sagot:
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

3. Paano ka naapektohan ng pagiging tapat o hindi tapat ng iyong mga kaibigan?
Kapag tapat sila, nararamdaman/nakikita ko na...
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________.

Kapag hindi sila tapat, nararamdaman/nakikita ko na...
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________.

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

6
Values Education 7 Kuwarter 3
SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO

Asignatura Values Education 7 Kuwarter 3
Bilang ng Aralin 3 Petsa
Pamagat ng Aralin/
Paksa
Katapatan: Ugat ng Pakikipagkaibigan
Pangalan: Baitang at
Pangkat:
7

I. Bilang ng Gawain 4: Liham Pangkaibigan (5 minuto)
II. Mga Layunin:
1. Napapalalim ang ugnayan ng pakikipagibigan.
2. Nakagagawa ng liham pangkaibigan.
III. Mga Kailangang Materyales: malinis na papel at panulat
IV. Panuto:
Ang layunin ng gawaing ito ay mapalalim ang ugnayan ng pagkakaibigan ng bawat mag -
aaral sa loob ng klase. Ito ay isang pagsasanay sa pagpapahayag ng damdamin, pasasalamat, at
suporta sa pamamagitan ng sulat. Ipaliwanag sa mga mag -aaral na kung maaari, ang liham na
kanilang gagawin ay makakarating sa padadalhan. Maaari silang gumamit ng pen name (hindi
tunay na pangalan) bilang lagda ng kanilang liham.

Hayaan ang mga mag-aaral na mag-isip ng mga bagay na nais nilang isama sa kanilang
liham. Maaaring mga hinanakit, kasiyahan, o mensahe ng suporta ang nais nilang iparating.
Sabihan sila na gawing maikli ang mga ideya na kanilang iniisip. Gumawa sila ng outline ng liham
na maglalaman ng mga pangunahing bahagi: simula, gitna, at wakas. Hayaan ang mga mag -aaral
na simulan ang pagsusulat ng kanilang liham. Paalalahanan sila na maging tapat, bukas, at totoo
sa kanilang damdamin.
Kraytirya Punto
s
Nakuhan
g Puntos
Nilalaman:
Nagpapakita ng tunay na interes sa buhay at kapakanan ng kaibigan.
May katapatan ang mensahe na naglalaman ng mga hinanakit,
kasiyahan, o pahayag ng suporta.
10
Organisasyon:
Malinaw at lohikal na daloy na may wastong simula, gitna, at wakas.
Maayos na paglipat sa pagitan ng mga ideya. Gumagamit ng mga
pagbati at pagsasara nang naaangkop.
5
Teknikalidad: 5

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

7
Values Education 7 Kuwarter 3
Mahusay na gramatika, bantas, at pagbaybay ng mga salita. Ang mga
pangungusap ay iba-iba at nakakaengganyo. Mabisang gumagamit ng
iba't ibang bokabularyo.
Presentasyon:
Maayos at malinis na sulat-kamay o pag-format. Ginagamit ang
wastong pormat ng isang liham.
5
Kabuuan 25

V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak

1. Anong emosyon ang nais mong iparating sa iyong liham?
____________________________________________________________________________________________

2. Ano ang mga natutuhan mo sa kaibigan na iyong naiparating sa pamamagitan ng liham? Bakit
mahalagang ipaalam din natin ang mga ito sa kanila?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
3. Ano ang mga pangyayari o kuwento ang naisulat mo upang mapalalim ang inyong koneksiyon?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
4. Paano at kailan mo plano ibigay ang iyong liham sa iyong kaibigan?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
5. Ano ang natutuhan mo mula sa pagsusulat ng liham na ito tungkol sa iyong sarili bilang isang
kaibigan at sa inyong pagkakaibigan?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

8
Values Education 7 Kuwarter 3
SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO

Asignatura Values Education 7 Kuwarter 3
Bilang ng Aralin 3 Petsa
Pamagat ng Aralin/
Paksa
Katapatan: Ugat ng Pakikipagkaibigan
Pangalan: Baitang at
Pangkat:
7

I. Bilang ng Gawain 5: Friendship Collage (20 minuto)
II. Mga Layunin: Naipapakita ang iba’t ibang paraan ng pagpapatatag ng pagkakaibigan.
III. Mga Kailangang Materyales: illustration board, mga larawan, magazine, dyaryo, at iba pa,
gunting, pandikit
IV. Panuto: Ang layunin ng gawain na ito ay ipakita ang iba't ibang paraan ng pagpapatatag ng
pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kakaibang collage. Ang bawat bahagi ng
collage ay kumakatawan dapat sa iba't ibang aspekto ng pagkakaibigan.
Mga Hakbang:
1. Pangkatin ang klase na may tatlo hanggang limang miyembro kada pangkat.
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na maghanap ng mga larawan, litrato, at iba pang mga
materyales gaya ng mga lumang magazine at dyaryo, na naglalarawan ng iba't ibang paraan
ng pagpapatatag ng pagkakaibigan. Maaaring ito ay mga larawan ng masayang pagkakasama,
pagtulong sa isa't isa, o mga simpleng bagay na nagpapakita ng pag-aalaga at pag-unawa.
3. Pagkatapos makuha ang mga larawan, hikayatin ang mga mag -aaral na buoin ang kanilang
collage na may temang batay sa mga aspekto ng pagkakaibigan na nais bigyang -diin
(presensiya, paggawa ng bagay nang magkasama, pag-aalaga, katapatan, pag-aalaga ng lihim
at katapatan, o pag-unawa).
4. Dapat makabuo ang bawat ng grupo ng isang simbolo na nagpapakita ng matatag na
pagkakaibigan.
5. Pagkatapos ng pagbuo ng collage, ang bawat pangkat ay magtalaga ng isang kaklase upang
ipresenta ang kanilang gawa sa buong klase. Ipapaliwag kung paano nila naipakita ang iba't
ibang aspekto ng pagkakaibigan sa kanilang collage.

Rubrik sa Pagtataya
Kraytirya Puntos Nakuhang Puntos
Konsepto:
Malinaw ang tema at simbolo. Epektibong naipahayag ang
mensahe. Ang mga larawan at materyales ay direktang
nauugnay sa napiling tema. Gumamit din ng lokal na
20

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

9
Values Education 7 Kuwarter 3
materyales. Nagpapakita ng orihinalidad at
pagkamalikhain sa pagbibigay-kahulugan sa tema at
simbolo.
Teknikalidad:
Balanse at kaakit-akit na pag-aayos ng mga elemento.
Epektibong ginagamit ang espasyo upang maiwasan ang
pagsisikip o kawalan ng laman. Lumilikha ng isang
pakiramdam ng pagkakaisa at pagkakaugnay.
10
Paggamit ng Materyales:
Malikhain at mabisang paggamit ng iba’t ibang
materyales. Ang mga materyales ay angkop para sa tema
at nakatulong sa pagpapalabas ng mensahe. Nagpapakita
ng mahusay na pagsasama ng mga materyales.
10
Kabuoang Presentasyon:
Mataas na antas ng pagkakalikha (craftsmanship) at
atensiyon sa detalye. Ang pangkalahatang presentasyon
ay malinis at kaakit-akit sa paningin.
10
Kabuuan 50

V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak

1. Ano ang kuwento o damdamin na nais ninyong iparating sa inyong collage?
___________________________________________________________________________________________

2. Paano ninyo nalampasan ang mga hamon o pagkakaiba sa ideya habang binubuo ang inyong
collage bilang isang pangkat?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

3. Ano ang pinakamahalagang aspekto ng pagkakaibigan na naipakita sa inyong friendship
collage, at paano ito nakatulong sa pagpapalalim ng inyong ugnayan?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

10
Values Education 7 Kuwarter 3

4. Ano ang naging epekto ng gawain sa inyong damdamin at pananaw hinggil sa kahalagahan
ng malalim na pagkakaibigan?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

5. Paano nakatulong ang paggawa ng friendship collage sa mas malalim na ugnayan at pang-
unawa sa inyong mga kasama sa grupo?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM

11
Values Education 7 Kuwarter 3
SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO

Asignatura Values Education 7 Kuwarter 3
Bilang ng Aralin 3 Petsa
Pamagat ng Aralin/
Paksa
Katapatan: Ugat ng Pakikipagkaibigan
Pangalan: Baitang at
Pangkat:
7

I. Bilang ng Gawain 6: Friendship Board: Pangako Ko sa Aking Kaibigan (20 minuto)
II. Mga Layunin:
1. Nakagagawa ng pangako o commitment na nais itakda para sa kanilang mga kaibigan.
2. Nakapagpapakita ng suporta sa mga kaibigan.
III. Mga Kailangang Materyales: illustration board, marker, sticky notes o papel, pandikit, gunting
IV. Panuto:
1. Ang layunin ng gawaing ito ay makalikha ng "friendship board" kung saan maipapakita mo ang
iyong mga pangako o commitments sa mga kaibigan.
2. Mag-isip ng hindi bababa sa tatlong (3) pangako para sa iyong mga kaibigan. Ang mga ito ay
dapat na mula sa puso at naglalaman ng mga aspekto ng pagkakaroon ng matatag na
pagkakaibigan.
3. Isulat ang iyong mga pangako gamit papel o sticky notes at marker o panulat.
4. Ididikit bulletin board ang iyong mga pangako.

V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak

Sa anong paraan mo maisasakatuparan ang iyong mga pangako para sa iyong mga kaibigan?

______________________________________________________________________________________

Tags