cyrinejoysimbanagan
107 views
2 slides
Nov 04, 2024
Slide 1 of 2
1
2
About This Presentation
Sample of Summative Test questionnaire in Filipino
Size: 151.65 KB
Language: none
Added: Nov 04, 2024
Slides: 2 pages
Slide Content
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
Division of Davao Oriental
TARRAGONA NATIONAL
HIGH SCHOOL
Central, Tarragona, Davao Oriental
Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 7
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang latra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1.Ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat ng mga katutubo?
a.Alibata c. Sawikain
b.Salawikain d. Letra
2.Ito ay mga kwento ukol sa pinagmulan ng isang bagay?
a.Alamat c. Sawikain
b.Salawikain d. Bugtong
3.Mahabang salaysayin tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan?
a.Alamat c. Epiko
b.Awiting Bayan d. Bugtong
4.______ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na
napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
a.Alamat c. Epiko
b.Awiting Bayan d. Karunungang Bayan
5.______pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
a.Alamat c. Epiko
b.Bugtong d. Karunungang Bayan
6.Lahat at halimbawa ng salawikain maliban sa________.
a.Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
b.Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.
c.Ang tumatakbo nang matulin, kung masugat ay malalim.
d.magdilang anghel
7._________ay mga salitang eupemistiko, patayutay, o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang
paraan ng pagpapahayag.
a.Alamat c. Sawikain
b.Awiting Bayan d. Karunungang Bayan
8.________ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga.
a.Alamat c. Sawikain
b.Kasabihan d. Epiko
9.________ito ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
a.Alamat c. Epiko
b.Tanaga d. Karunungang Bayan
10.Alin sa sumusunod and halimbawa ng kasabihan.
a.Utos na sa pusa, utos pa sa daga.
b.panis ang laway
c.Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
d.Ang anak ay nakaupo na, Ang ina’y gumagapang pa.
Test II: Kilalanin kung anong uri ng karunungang-bayan ang mga halimbawa sa bawat bilang. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
11. Busilak ang puso ng mga taong walang sawang tumutulong sa kanilang kapwa sa panahon ng pandemya.
12. Pagkahaba-haba man ang prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
13. Hindi tao, hindi hayop ngunit may wikang sinasambit. Sagot: cellphone
14. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
15. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat
TEST III
Panuto: Isulat sa loob ng kahon kung saang uri ng karunungang-bayan kabilang ang bawat parirala o pahayag.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
16.Maliit pa si kumpare nakakaakyat na sa tore. Sagot: langgam
17.Di-maliparang-uwak ang kanilang lupain sa lalawigan.
18. Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
19.Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
20.Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan.
21.Bago siya nakuha sa trabaho ay dumaan muna siya sa butas ng karayom.
22.Hindi na siya pinagkakatiwalaan sapagkat basa na ang kanyang papel.
23.Ako ay may kaibigan, Kasama ko kahit saan. Sagot: anino
24. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa pagtanda.
25. Baboy ko sa pulo, Ang balahibo’y pako. Sagot: langka
TEST IV: Pagtatala (Enumeration)
26-29. Magbigay ng apat na halimbawa ng karunungang bayan
30-32. Magbigay ng tatlong halimbawa ng Epikong Bayan
33-36- Magbigay ng tatlong halimbawa ng awiting bayan
37-40. Magbigay ng 4 na uri ng teksto