Ito ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita , kilos at galaw ang kaisipan ng may- akda . Ito ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan . Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahaging buhay .
Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ngmga suliranin o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o kinasawian . Ayon kay ARISTOTLE, ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay . Ipinapakita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip , ikinikilos , at isinasaad .
LAYUNIN NG DULA
TATLONG ANYO NG DULA
Iisahing Yugtong Dula o Dula - dulaan binubuo lamang ng isang yugto omaikling dula . Dadalawahing Yugtong Dula binubuo ng katamtamang haba ang dula , hindi gaanong maikli at hindi din gaanong kahaba , at karaniwang dadalawahing yugto lamang . Tatatluhing Yugtong Dula - binubuo ng mahabang dula at mayroon tatlong yugto .
TATLONG BAHAGI NG DULA
1. Yugto - ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula . Inilaladlad ang pang mukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood . 2. Tanghal ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ngayos ng tanghalan . 3. Tagpo - ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula .
MGA URI NG DULA
1. Trahedya - sa dulang ito’y mahigpit natunggalian . Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng masisidhing damdamin . Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan . 2. Komedya - ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo . Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood .
3. Melodrama ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito. 4. Parsa - ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawili-wiling pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
5. Saynete ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa , ang dulang ito ay may layuning magpatawa . 6. Tragikomedya - Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa -tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa , subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida .
ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula ito ang pinakakaluluwa ng isang dula ; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip ; walang dula kapag walang iskrip . Gumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip ; sila ang nagbibigkas ng dayalogo ; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin ; silaan inanonood na tauhan sa dula .
Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan ; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula , tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag- aaral sa kanilang klase . Tagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip ; siya ang nag- i -interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan , ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng director sa iskrip
Manonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao ; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal ; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood