FILIPINO 4 Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit QUARTER 3 WEEK 3 DAY 1
Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ano ang limang bahagi ng liham ? Anong uri ng liham pangkaibigan ang tinalakay natin ?
Ano ano ang dapat tandaan kapag sumusulat ng isang liham ?
Paglalahad ng Layunin Basahin natin ang mga pangungusap na nasa plaskard .
Ano ano ang mapapansin ninyo sa mga pangungusap na nasa plaskard? Pare-pareho ba ang mga ito? Alam ba ninyo ang ibat ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit ?
Paglinang at Pagpapalalim Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit 1. Pasalaysay o paturol – ito ay nagkukuwento ng pangyayari , nagbibigay ng impormasyon , maaaring naglalarawan o nagpapaliwanag ng isang bagay.
Ginagamit ang tuldok (.) na bantas bilang panapos na pahayag . Halimbawa : Nalungkot ako nang mabalitaan ko ang tungkol sa iyong lola .
2. Patanong – naglalahad ito ng pag-uusisa o pagtatanong . Ang tandang pananong (?) ang ginagamit na bantas . Halimbawa : Kailan kayo mamasyal sa probinsya ?
3.Pakiusap – nakikiusap at gumagamit ng mga katagang paki , maaari ba , puwede ba , pakisuyo o ang salitang please. Ginagamit ang bantas na tuldok o tandang pananong . Halimbawa : Maaari mo ba akong ibili ng pagkain sa labas ?
4. Pautos – ito ay nag- uutos . Ang mga bantas na tuldok o tandang padamdam ay ginagamit batay sa tono ng pahayag . Halimbawa : Maghugas ka na ng plato .
5. Padamdam – ito ay nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin tulad ng pagkagulat , pagkatuwa , kalungkutan , galit , sakit at iba pa na may kinalaman sa pagpapahayag ng damdamin . Ginagamit ang
bantas na tandang padamdam (!). Halimbawa : Naku ! Nahulog ang bata.
Pangkatang Gawain : Bawat ay susulat ng 2 halimbawa ng mga pangungusap ayon sa gamit .
Paglalahat Ano ano ang uri ng pangungusap ayon sa gamit ? Anong uri ng pangungusap ang ginagamit kung ikaw ay nagkukuwento o nagsasalaysay ?
Anong uri ng pangungusap ang ginagamit kapag ikaw ay nagtatanong ? Anong uri ng pangungusap ang gagamitin kung ikaw ay nagg-uutos o nakikiusap ?
. Pagtataya: Isulat ang ang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Pasalaysay, Patanong, Pautos, Pakiusap at Padamdam ________1. Huwag kang magtapon ng basura kung saan—saan.
. ________2. Ang isang mabuting Pilipino ay gumagawa ng nararapat. ________3. Sino ang makikinabang kung aalagaan natin ang kapaligiran? ________4. Puwede bang tumulong ka sa paglilinis ?
. 5. Wow! Kaygandang pagmasdan ang malinis ang kapaligiran.
FILIPINO 4 Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian QUARTER 3 WEEK 3 DAY 2
Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ano ang uri ng pangungusap ayon sa gamit ? Bigyan ng pagkakataon ang mga mag- aaral na makapagbigay ng halimbawa ng ibat ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit .
Paglalahad ng Layunin Basahin ang mga mensaheng taglay ng mga plakard na dala ng mga batang Pilipino mula sa ibat ibang lugar sa ating bansa .
Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang mga pangungusap na ginamit sa pag-anyaya ?
Paglinang at Pagpapalalim Ngayon naman ay talakayin natin ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian . 1. Payak– binubuo ng isang kaisipan lamang . Halimbawa : Nakikiramay kami ni inay sa kamatayan ng iyong lola .
2. Tambalan – binubuo ng dalawang pangungusap na pinagsama gamit ang mga pangatnig na at, pero , subalit , ngunit , o at iba pa. Maaari ring gumamit ng bantas na tuldok (.).
Halimbawa : Nalungkot ako nang mabalitaan ko ang nangyari sa iyong lola ngunit natuwa ako dahil nakasulat ako sa iyong muli .
3. Hugnayan – binubuo ng isang pangungusap o isang sugnay na makapagiisa at isa pang sugnay na hindi makapag-iisa . Ginagamitan ito ng mga pangatnig na dahil , kung, upang , kapag at iba pa.
Halimbawa : Kapag may libreng oras ka, sana ay makapagkita tayong muli .
4. Langkapan – binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di- makapag - iisa . Ginagamitan din ito ng mga pangatnig .
Halimbawa : Nalungkot ako nang mabalitaan ko ang nangyari sa iyong lola at nalungkot kami ni inay nang malaman na patay na ang iyong lola , gayunpaman , nakikiramay kami sa nangyari .
Pinatnubayang Pagsasanay Tatsulagom : Sa pamamagitan ng tatsulok , buuin ang konsepto ng hugnayang pangungusap . Gawing gabay ang mga tanong at isulat sa Tatsulok .
1. Ilang pangungusap na makapag-iisa ang bumubuo sa hugnayang pangungusap ? 2. Ilang sugnay na di- makapag - iisa ang nasa hugnayang pangungusap ?
3. Ano ang tawag sa pandugtong ng pangungusap na may isang kaisipan upang maiugnay sa sugnay na hindi makapag-iisa upang mabuo ang hugnayang pangungusap ?
Paglalahat : Ano ano ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian ? Ano ang pagkakaiba ng payak sa tambalan ? Ano naman ang pagkakaiba ng hugnayan sa langkapan ?
Pagtataya : Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang sumusunod . Isulat sa patlang ang P kung ito ay payak , isulat naman ang T kung tambalan , H kung hugnayan at isulat ang L kung langkapan . __________1. Lahat ng tao ay namamatay . __________2. Kung hindi ka pa nakasulat ng liham pakikiramay sa iyong kaibigan sa susunod ay dapat gawin mo na para hindi ka. __________3. Dapat nating tandaan na ang tao ay nabubuhay at ang tao ay namamatay din kaya dapat tayong maging mabuting bata. __________4. Mas mabuting puntahan ang namatayan bilang pakikiramay . __________5. Bilang bata ay may dapat maging magalang sa pakikiramay , gayundin , kahit matanda na ay dapat pa rin maging magalang .
Pagtataya : Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang sumusunod . Isulat sa patlang ang P kung ito ay payak , isulat naman ang T kung tambalan , H kung hugnayan at isulat ang L kung langkapan .
__________1. Lahat ng tao ay namamatay . __________2. Kung hindi ka pa nakasulat ng liham pakikiramay sa iyong kaibigan sa susunod ay dapat gawin mo na para hindi ka.
__________3. Dapat nating tandaan na ang tao ay nabubuhay at ang tao ay namamatay din kaya dapat tayong maging mabuting bata. __________4. Mas mabuting puntahan ang namatayan bilang pakikiramay .
__________5. Bilang bata ay may dapat maging magalang sa pakikiramay , gayundin , kahit matanda na ay dapat pa rin maging magalang .
Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ano ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian ? Ano ang pagkakaiba ng payak sa tambalan ?
Ano naman ang pagkakaiba ng hugnayan sa langkapan ?
Paglalahad ng Layunin BUOLARAWAN: Pangkatin ang mga mag- aaral sa apat . Ibigay ang larawan na animo’y puzzle na kailangang mabuo sa loob lamang ng tatlong minuto . Pagkatapos mabuo ang larawan , tanungin ang mag- aaral kung kilala nila ang nasa larawan . Ipakilala na ito ang paksang-aralin .
Sino ang inyong nabuong larawan ? Sa anong larangan ng isports siya nakilala ?
TALASALITA: Bago basahin ang talambuhay , magtala ng kahulugan ng mga salitang nakasaad sa bawat bilang mula sa diksiyonaryo 1. atleta 2. ginto 3. medalya 4. pesas /dumb bell 5.pondo
Paglinang at Pagpapalalim Ipapanood sa mga mag- aaral ang video clip sa YouTube (may 1:47 minuto lamang ito ) tungkol sa pagiging kampeon sa weightlifting ni Hidilyn Diaz sa 2020 Olympics.
Pagkatapos ay tanungin ang mga mag- aaral hinggil dito bago basahin ang tampok na aralin . Video clip: Hidilyn Diaz winning moment | Tokyo 2020 Olympics: https://www.youtube.com/watch?v=4Ln2X6yA5iQ
1. Sino ang nakakakilala kay Hidilyn Diaz? 2. Ano ang pagkakilala mo sa kaniya ? 3. Ano ang naramdaman mo habang pinapanood ang bidyo ? Bakit?
4. Nais mo rin bang maging tulad niya ? Bakit? 5. Ano ang gusto mong gawin para sa ating bansa ?
Ano ang talambuhay ? Ang talambuhay ay isang uri ng pagsasalaysay na naglalaman ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao . Karaniwang naglalaman ito ng mga mahalagang impormasyon tungkol sa kanyang kapanganakan , edukasyon , mga nagawa , at iba pang mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay .
Paglalahat Ano ang talambuhay ? Kaninong talambuhay ang inyong napanood ? Ano ano ang nagawa niya sa ating bansa ?
Pagtataya Sa pamamagitan ng napanood na video tungkol sa talambuhay ni Hidilyn Diaz. Punan ng nawawalang impormasyon ang kanyang talambuhay . Piliin sa loob ng kahon
Si Hidylyn Diaz ay kauna-unahang ____________ na nagkamit ng ____________ medalya sa larangan ng ____________ noong 2020. Nagsimula siyang maglaro ng weightlifting sa edad na ____________. Noong 2008, sa edad na 17, si Hidilyn ay nagwagi ng kanyang unang gold medal sa _________________ sa Thailand.
Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ang talambuhay ? Kaninong talambuhay ang inyong napanood ? Ano ano ang nagawa niya sa ating bansa ?
Paglalahad ng Layunin Ngayon ay babasahin naman natin ang talambuhay ni Hidilyn Diaz. Pagkatapos natin itong Mabasa ay sagutin natin ang mga sumussunod na katanungan .
Ano ang mga nagawa ni Hidilyn Diaz sa Pilipinas ? Ano ang aral sa Buhay ni Hidilyn Diaz?
Paglinang at Pagpapalalim Si Hidilyn Diaz ay isang Pinoy weightlifter na naging kampeon sa 2020 Tokyo Olympics sa kanyang kategorya ng women’s 55-kilogram weightlifting event noong Hulyo 26, 2021. Siya ang kauna-unahang
atleta ng Pilipinas na magwawagi ng gintong medalya sa Olympics, pagkatapos ng 97 taon mula nang makamit ng bansa ang unang medalya sa Antwerp, Belgium noong 1924. Ipinalaki si Hidilyn sa Zamboanga
City, kung saan nagsimula siyang maglaro ng weightlifting sa edad na 11. Siya ay nagsanay sa Philippine Air Force sa ilalim ng programang ng kanilang koponan ng weightlifting, kung saan siya nagsimulang magtagumpay sa
mga national at international competitions. Noong 2008, sa edad na 17, si Hidilyn ay nagwagi ng kanyang unang gold medal sa Southeast Asian Games sa Thailand. Pagkatapos ng ilang taon ng
pagsasanay at pagtitiyaga , siya ay nakamit ang ginto sa mga pang- rehiyon at pandaigdigang patimpalak , kabilang ang 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games. Ngunit , hindi ito naging madali para
kay Hidilyn . Maraming mga pagsubok at paghihirap ang kanyang naranasan upang maabot ang kanyang mga pangarap , kasama na ang pagkakaroon ng mga injury at ang kawalan ng sapat na pondo upang magpatuloy sa kanyang paglalaro .
Gayunpaman , sa kabila ng lahat ng ito , nanatili siyang matatag at nagpakita ng kahusayan sa kanyang larangan . Sa wakas, sa Tokyo Olympics noong 2020, natamo ni Hidilyn ang pinakamataas na parangal sa
kanyang propesyon – ang gintong medalya sa women’s 55-kilogram weightlifting event. Sa kasalukuyan , si Hidilyn ay isa sa mga itinuturing na bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang tagumpay sa sports at kanyang pagiging inspirasyon sa kabila ng mga pagsubok .
Anu- ano ang mga nagawa niya sa ating bansa ? Ano ang pinakagusto mo sa mga nagawa niya sa ating bansa ? Bakit? Ano- anong mga aral sa buhay ang gusto mong gawin ? Bakit?
Paglalahat Bilang isang bata, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa ating bansa ? Paano mo tinitingnan ang mga babae matapos mong mabasa ang talambuhay ni Hidilyn ?
Pagtataya : TALAISIP : Tukuyin ang hinihingi ng sumusunod batay sa binasang teksto : 1. Saan lumaki si Hidilyn Diaz? 2. Paano siya sumikat sa buong mundo ?
3. Ilang taon siyang magsimulang mag-weightlifting? 4. Saan siya nagsimulang magsanay ng weightlifting? 5. Ano ang mga pagsubok na dinanas niya sa weightlifting?