Pagkatapos ng ating aralin , inaasahang : Naipaliliwanag mo ang konsepto ng demand, natutukoy ang mga salik ng nakakaapekto sa demand, at nasusuri ang epekcto ng demand sa pang- araw - araw na pamumuhay .
SUPPLY KONSEPTO NG DEMAND at
Panuto : Hanapin ang katumbas o kasingkahulugan sa bawatkonseptong naibigay . Pagdurugtungin ang mga ito sa pamamagitan ng guhit . Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot
Ano ba ang DEMAND?
Ang DEMAND ay tumutukoy sa dami o bilang ng uri ng mga produkto o serbisyong nakatutugon sa gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon . TIMER
📌 DEMAND Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon . Pananaw ng mamimili (buyer’s perspective). Batas ng Demand : kapag bumababa ang presyo , dumarami ang gustong bumili ; kapag tumataas ang presyo , kumakaunti ang bumibili . 📌 SUPPLY Tumutukoy naman sa dami ng produkto o serbisyong handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon . Pananaw ng prodyuser (seller’s perspective). Batas ng Supply : kapag tumataas ang presyo , dumarami ang gustong ipagbili ng mga prodyuser ; kapag bumababa ang presyo , kumakaunti ang kanilang isusuplay . 👉 Pinakasimpleng paliwanag : Ang Demand ay tungkol sa kung gaano karaming produkto ang gustong bilhin ng mga tao . Ang Supply ay tungkol sa kung gaano karaming produkto ang gustong ibenta ng mga prodyuser .
Halimbawa : demand sa pang- araw - araw na buhay : Ice cream sa tag- init 🌞🍦 Bigas 🍚 Load o Data para sa cellphone 📱 Damit sa Pasko 🎄👕👗
BATAS NG DEMAND— ayon sa batas na ito , mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded o hinihinging dami ng isang produkto . Kapag tumaas ang presyo , bumababa ang dami ng gusto at káyang bilhin ; at kapag bumaba ang presyo , tataas ang dami ng gusto at káyang bilhin (ceteris paribus).
Presyo ng Tinapay (₱) Dami ng Gusto at Kayang Bilhin ( Piraso ) 5.00 100 10.00 70 15.00 40 20.00 20 Halimbawa :
Ceteris Paribus- ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded , habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito . TIMER
SUBSTITUTION EFFECT — kapag tumaas ang presyo ng isang produkto ang mámimíli ay hahanap ng mas murang produktong maipapalit dito . . Dalawang konsepto ng ugnayan ng presyo at demand: Substitution Effect Inocme Effect INCOME EFFECT — kapag mababa ang presyo ng produkto mas nagiging malaki ang kakayahan ng kíta ng mámimíli na makabili ng produkto .
📊 Halimbawa ng SUBSTITUTION EFFECT Kape ☕ Kung tumaas ang presyo ng branded coffee, maaaring lumipat ang mamimili sa 3-in-1 coffee na mas mura . Manok at Baboy 🍗🥩 Kapag naging mahal ang manok , maraming mamimili ang lilipat sa baboy o isda bilang alternatibo . Softdrinks at Juice 🥤🧃 Kung tumaas ang presyo ng softdrinks , mas pipiliin ng iba na bumili ng powdered juice na mas mura . Halimbawa ng INCOME EFFECT Bigas 🍚 Kung dati ay ₱50/kilo at kaya lang bumili ng 2 kilo (₱100 ang budget), Kapag bumaba sa ₱25/kilo, makakabili na siya ng 4 kilo sa parehong ₱100. 👉 Mas marami siyang nabili kaya parang lumaki ang kanyang kita . Damit 👕👗 Kung ang T-shirt ay bumaba mula ₱200 tungo sa ₱100, Ang budget na ₱200 ay puwede nang makabili ng dalawang T-shirt imbes na isa .
Mayroon tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand , DEMAND SCHEDULE , DEMAND CURVE , DEMAND FUNCTION .
QUANTITY DEMAND- Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa isang takdang presyo sa isang takdang panahon . DEMAND- tumutukoy sa dami o bilang ng uri ng mga produkto o serbisyong nakatutugon sa gusto at kayang bilhin ng mga mamimili na may iba’t ibang presyo .
DEMAND SCHEDULE tumutukoy sa talaan na nagpapakita ng dami ng káya at gustong bilhin ng mámimíli sa iba’t ibang presyo ng isang partikular ng produkto Presyo bawat piraso Quantity Demanded Php. 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 60 DEMAND SCHEDULE para sa TINAPAY
DEMAND SCHEDULE Dito sa talaan , makikita ang halimbawa na kapag ang tinapay ay may presyong dalawang piso ((hp.2.00), ang mámimíli ay makakabili ng apatnapung (40) piraso , at kung sakali namang ang presyo ng tinapay ay nagkakahalaga ng limang (5) piso , ang mámimíli ay makakabili ng sampung (10) piraso . Presyo bawat piraso Quantity Demanded Php. 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 60
DEMAND CURVE ang DEMAND CURVE ay isang graph na nagpapakita ng iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at ng quantity demand. ito ang graphical representation ng isang demand schedule. TIMER
Pag- galaw ng D emand C urve Nangyayari ang paggalaw ng demand curve dahil sa salik ng sariling presyo ng produkto : TIMER Pinapakita sa graph ang paggalaw ng demand, na kung ang presyo ay bumaba , ang presyo ay gagalaw mula sa punto A papuntang punto B. Kung ang presyo naman ay tumaas , ang demand ay gagalaw mula punto D papuntang punto C. Presyo ng Tinapay Quantity A B C D 1 2 3 4 5 20 40 60
DEMAND F UNCTION Isang matematikong pamamaraan na nagpapakita ng magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maari itong ipakita sa equation na : Qd = f (P) Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable Ginagamit ito upang kwentahin at hulaan ang dami ng demand batay sa presyo . TIMER
tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand , DEMAND SCHEDULE - TALAAN DEMAND CURVE - GRAPIKO DEMAND FUNCTION - FORMULA
Ating patunayan na ang datos sa demand schedule at ang demand function ay iisa : Demand Function mula sa Demand Schedule para sa tinapay : Qd=60-10P: Kapag ang P = 1 Qd=? Kapag ang P = 5 Qd=? Qd = 60 - 10P Qd = 60 - 10P Qd = 60-10 (1) Qd = 60-10 (5) Qd = 60-10 Qd = 60-50 Qd = 50 pesos Qd = 10 pesos
Punto P Qd A 200 B 100 C 125 D 200 E 250 F 50 A. Ipaliwanag ang kaibahan ng demand function at demand schedule. B. Mula sa demand function na , Qd = 400 – 2P ay buuin ang demand schedule ng kilo ng mangosteen.
ANG PAGLIPAT NG DEMAND CURVE Ang graph sa ibaba ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Kapag ang paglipat ng kurba ay papuntang kanan , ito ay nangangahulugan ng pagtaas ng presyo ng produkto o serbisyo . Samantalang ang paglipat sa kaliwa ay nangangahulugan ng pagbaba ng presyo ng produkto o serbisyo .
MGA SALIK SA NA NAKAKAAPEKTO DEMAND TIMER
BREAK MUNA: Pag isipan ang nasa talahanayan
Maliban sa presyo ang mga sumusunod ay mga salik na nakaapekto sa demand:
Panlasa —pagkahilig ng mga mámimíli sa isang produkto o serbisyo. Pagkasawa sa isang produkto — dahilan din ng pagbabago sa demand ng mámimíli . Kíta —ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kíta . Diminishing utility —ang kabuuang kasiyahan ng isang mamilmili sa bawat pagkonsumo ng mga produkto .
Substitute goods —mga produkto na maaaring pamalit sa ginagamit na produkto. Bílang ng mámimíli / populasyon — bílang ng konsyumer ang nagtatakda ng demand. Inaasahan ng mga mamimili / ekspektasyon — sa panahon ng mga kalamidad at pandemya ang mga mámimíli ay nagpa -panic-buying lalo na ang mga táong may sapat na salapi . Okasyon — tumataas and demand sa mga produkto na naayon sa okasyon na ipinagdiriwang .
Gawain sa Pagkatuto
Ibigay ang salitang may kaugnayan sa salitang “demand” sa pamamagitan ng pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga letra sa ibaba . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel . Q Y T I T U N A L E D U E C H S DEMAND R E V U C N U C T O F I N
Mabigay ng mga halimbawa sa salik ng nakakapekto sa demand at ipaliwanag ang halimbawang ito . Isulat ang sagot sa sa iyong sagutang papel . Salik Halimbawa Paliwanag PANLASA KITA OKASYON
Sagutin ang mga sumusunod na pahayag . Isulat ang TAMA kung wasto ang tinatalakay ng pangungusap , at MALI naman kung hindi . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel . ___________1. Ang demand ay tumutukoy sa dami o bílang ng uri ng mga produkto o serbisyo nakatutugon sa gusto at kayang bilhin ng mga mamimíli sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon .
___________2. Ang income effect ay kapag mataas ang presyo ng produkto mas nagiging malaki ang kakayahan ng kíta ng mámimíli na makabili ng produkto . ___________3. Ang demand schedule ay tumutukoy sa talaan na nagpapakita ng dami ng káya at gustong bilhin ng mámimíli sa iba’t ibang presyo ng isang partikular ng produkto
___________4. Ang substitution effect ay kapag bumaba ang presyo ng isang produkto ang mámimíli ay hahanap ng mas murang produktong maipapalit dito . ___________5. Ang demand function ay tumutukoy sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Mga Maaaring Ipagawa (2nd Quarter, 1 Week)Mini-Research: Presyo at Pamilihan sa Kanilang KomunidadMag -interview o mag- obserba sa palengke / tindahan.Sagutin : Ano ang mga produktong mabilis tumaas o bumaba ang presyo ? Ano ang dahilan?Output : Maikling ulat (1–2 pahina ) o infographic.Demand at Supply Graphing ActivityMagbigay ng halimbawa ng produkto (bigas, gulay , load, softdrinks , etc.). Gamit ang mga datos ( kahit hypothetical numbers), ipaguhit ang demand at supply curve.Ipakita kung paano bumababa o tumataas ang presyo.Poster -Making / Infographic: “ Matatag na Ekonomiya , Susi sa Maunlad na Bayan”Gumawa ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng maayos na pamilihan at tamang paggamit ng yaman.Maaari ring digital output.Role Play / Skit ( Pwede sa GC o written script lang kung asynchronous) Halimbawa : Eksena sa palengke kung saan makikita ang epekto ng mataas na demand o kakulangan ng supply.Isusulat nila ang script o i -video kung may oras.Reflection Paper: “Paano nakakaapekto ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa aming pamilya ?” Maikli lang (½ page to 1 page). Nakabatay sa sariling karanasan , para mas madali nilang magawa .