Replektibong sanaysay.Filipino sa Piling Larang pptx
MargieBAlmoza
0 views
31 slides
Oct 02, 2025
Slide 1 of 31
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
About This Presentation
This powerpoint Presentation discusses about the concept of Replektibong sanaysay.
Size: 13.09 MB
Language: none
Added: Oct 02, 2025
Slides: 31 pages
Slide Content
ꝉ Sa ngalan ng Ama , at ng Anak , at ng Espiritu Santo. Amen.
Makapangyarihan naming Diyos / ako po / ay taos - pusong nagpapasalamat / sa panibagong araw na ipinagkaloob Mo sa amin / upang harapin ang panibagong hamon sa buhay ./ Sa pamamagitan ng Iyong anak na si Hesus / humihingi ako ng Iyong tulong / upang maipagpatuloy ko / nang maayos / ang aking pag-aaral / at upang magkaroon ng katuparan / ang aking pangarap ./
Patnubayan Mo rin po / ang aking mga magulang / sa patuloy na pagsuporta sa akin./ Isinasama ko ito / sa ngalan ni Hesus / na aming Panginoon / AMEN.
Santa Marie Rivier , Ipanalangin mo po kami. Mahal na Birhen ng Delos Remedios , Ipanalangin mo po kami . Kabanal-banalang Puso ni Maria, Kaawaan mo po kami. Kabanal-banalang Puso ni Hesus , Kaawaan Mo po kami .
ꝉ Sa ngalan ng Ama , at ng Anak , at ng Espiritu Santo. Amen.
M a g a n d a n g A r a w s a l a h a t !
Ano ang nadarama ninyo ngayon ?
Pagrespeto Pagpapakita Pakikilahok
Mga Layunin Natutukoy ang katuturan ng replektibong sanaysay . Nasusuri ang nilalaman ng isang akda .
Ano ang dapat pairalin , isip o puso ?
Isahang Gawain Ano ang nilalaman ng naturang awitin ? Isalaysay . 2. Anong simbolo na kakatawan sa mensahe o aral na napulot mo sa naturang awitin ? Ipaliwanag . 3. Pumili ng isang salita o linya na nakaantig sa iyong damdamin , at ipaliwanag .
REPLEKTIBONG SANAYSAY Akademikong Sulatin
mapanuri , mapanuya , nagpapatawa , pampolitika , pangkasaysayan , pampilosopiya , pampanitikan , panggunita , pangkabutihang-asal , atbp sumasagisag sa ipinapabatid na tema , estruktura at punto de vista ng sanaysay pagbabahagi ng mga bagay na naiisip , nararamdaman , pananaw , at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Pumili ng paksang nais mo. Ilista ang lahat ng iyong naiisip o ideya tungkol sa paksa . Gamitin ang iyong mga inilista upang ika’y matulungang matalakay ito . Magsagawa ng pagbabasa , pagsasaliksik o mag- isip pa ng mahahalagang bagay upang mapalawak ang kaalaman sa paksang napili . Sumulat ng paunang burador . Basahing muli ang burador . Maaaring magdagdag o magbura ng mga detalye kung kinakailangan Isulat ang unang rebisyon ng iyong sulatin . Bigyangpansin ang panimula at pagwawakas ng talata . Suriin ang nirebisang sulatin upang matiyak ang baybay , bantas at ilan pang pagkakamali sa naturang sulatin . Isulat ang pinal na dokumento
dapat na makapukaw sa atensiyon ng mambabasa ilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa at lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong natutuhan sa buhay sa hinaharap
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replek-tibong Sanaysay Magkaroon ng isang tiyak na paksa na iikutan ng nilalaman ng sanaysay. Isulat ito gamit ang unang panauhan . Gamitin ang mga panghalip na ako , ko , at akin sapagkat ito ay nakasalig sa personal na karanasan . Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan , mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito . Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito . Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin . Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsuat nito . Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa . Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay : introduksiyon , katawan , at kongklusyon . Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata .
Pangkalahatang Uri ng Sanaysay PORMAL IMPORMAL * nagbibigay ng isang patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at kaisipan * minsan , tinatawag na impersonal o siyentipiko ( binabasa upang makakuha ng impormasyon ) * tinatawag ding pamilyar o personal ( nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may- akda ) * karaniwang may himig na parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay .
Kung ikaw ay magsusulat ng replektibong sanaysay , at malaya kang makapamili ng paksa , tungkol saan ito ? Bakit ? Para sa iyo , ano ang katangiang dapat tataglayin ng isang mahusay na replektibong sanaysay ? Pangatuwiranan .
SURIIN NATIN Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak G. Michael Coroza Isang napakalaking gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng adiksyon ngunit mas mahirap ang pagtigil sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alkohol ay nakakaadik na inumin . Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon , maaari kang lubusang mahuhulog sa kanyang patibong . Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos nang wala ito . Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na kayang mabuhay nang hindi uminom nito sapagkat ito’y bahagi na ng iyong sistema na nakaimpluwensiya na ng isipan ang pangangatawan . Para bang bahagi na ito ngayon ng iyong pangunahing pangangailangan upang makagawa ng pang- araw - araw na gawain .
Alam nating ang alak ay mapanirang inumin . Maraming masamang epektong dulot nito sa ating kalusugan at buhay . Kahit bali-baliktarin mo man ang mundo , malalaman mo pa ring walang magagandang maidulot ang pag-inom ng alak lalo na sa pagtagal ng panahon . Hindi madali ang tumigil sa iyong nakasanayan lalo pa’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan . Ngunit kung iukit mo sa iyong utak ang kagustuhang huminto , mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan . Mahirap na kung mahirap subalit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo . At kung makahahanap ka ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo , magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alak .
May panahon pa para tumigil ka . Marami rin ang mga paraan upang mapaglabanan ang iyong kondisyon bilang isang lasinggero . Manghinayang ka sa panahon na inilaan mo lamang sa pag-inom at pagpakalasing . Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing . Lagi mong isaalang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay . Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na panahon at salapi . Maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo . Sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon .
GAWIN NATIN Isahang Gawain Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak Paano sinimulan ng may akda ang kaniyang sanaysay? Ano-ano ang naging pananaw ng may akda sa tinalakay niyang paksa ? Paano binigyan ng kongklusyon ng may akda ang kaniyang sanaysay ? Tanong Sagot
Mga Layunin Natutukoy ang katuturan ng replektibong sanaysay . Nasusuri ang nilalaman ng isang akda .
Pinagkukunan ng Puntos Deskripsyon Puntos Nilalaman Pagbuo ng mga ideya na kaugnayan sa paksa 20 Organisasyon Kaisahan ng talata , konstruksyon ng mga pangungusap , gamit ng mga bantas 20 Balarila Gramatikal na isyu 10 Kabuoan 50
ꝉ Sa ngalan ng Ama , at ng Anak , at ng Espiritu Santo. Amen.
ꝉ Sa ngalan ng Ama , at ng Anak , at ng Espiritu Santo. Amen.