Globalisasyon
R1. Ito ay tumutukoy proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Transisyon D. Urbanisasyon
R 2. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa Ano ito?
A. Ekonomiya B. Sikolohikal C. Sosyo-Kultural D. Urbanisasyon
U3. Alin sa mga sumusunod na anyo ng globalisasyon ang nagpapakita ng mabilis na nagbago ang
paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig.
A.Globalisasyong ekonomiko B. globalisasyong political
B.Globalisasyong sosyo-kultural D. globalisasyong teknolohikal
U4. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking
industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na
matagal nang naitatag.
AP5.Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.
D. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng kapinsalaan.
AP6. Saan lubos na makikita ang manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-
kultural sa mga sumusunod:
A. sa pamamagitan ng paggamit ng tao ng online shooping
B. pagsunod ng mga Kabataan sa KPop culture
C. paggamit ng mobile phones sa ibat’ ibang kapamamaraanan
D. pagpapatayo ng JICA building
AP7. Upang makaagapay sa globalisasyon ang mga sumusunod ay mga paraan upang matulungan ng
pamahalaan ang local na industriya sa mga hamon ng globalisasyon alin ang higit na makakatulong sa
nakakaraming Pilipino?
A.matatag na patakaran ng pamahalaan para sa maayos na local at dayuhang industriya at Negosyo
B.mayos at matatagna Sistema ng palitan ng dayuhan at local na salapi
C.pantay o mataas na prayoridad sa mga local na produkto upang maging matatag sa kompetisyon
D. Maayos na patakaran tungkol sa labor relations
AP8. Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at
serbisyo. May-ari ka ng bakery papaano makakaapekto sa iyo ang mga patakaran na ipatutupad ng
pamahalaan hinggil sa pagtataas ng taripa sa mga produktong imported.
A.mapapabilis nito ang bentahan ng produkto
B. mapadarami nito ang Negosyo na magbubukas
C. maaapektuhan nito ang produksiyon at distribusyon
D. magwewelga ang mga manggagawa at magrereklamo ang mga konsumer
AP9.Papaano negatibong naapektuhan ang mga bansa na kabilang sa third world ng globalisasyong
political
1.Pagbuo ng mgapandaigdigan samahan na tumugon sa mga suliraning teritoryal
2.Paglikha ng pandaigdigang korte na namamagitan sa suliranin sa relasyon at kalakalan
3.Pagtaas ng dependency rate ng mga bansang mabagal at papaunlad ang ekonomiya
4.Pagkakaroon ng suliraning panlabas dahil sa agawan sa likas na yaman
A.1,2,3,4 B. 1,2,3 C. 2, 3, 4 D. 3,4
10-12.Ang globalisasyong ekonomiko ay tumutukoy sa paglawak ng kalakalan, pamumuhunan, at
pagpapalitan ng produkto, serbisyo, at kaalaman sa pagitan ng iba't ibang bansa. Nasa kahon ang
sitwasyon na may kaugnayan sa globalisasyong ekonomiko
Basahin ang mga pahayag. Ilagay ang bilang 10,11, 12 sa kaugnay na pahayag sa ibaba at isulat kung
ito ay positibo o negatibong epekto sa bansa.
_____ nakakapagpataas ito ng kompetisyon ngunit maaaring makaapekto sa mga lokal na industriya na
hindi kayang makipagsabayan sa mga dayuhang produkto.
_____ nagtatrabaho sa mga bansa sa Gitnang Silangan sa larangan ng konstruksiyon at domestic work
_____ nabago ang kalakaran ng lokal na negosyo at small-scale sellers
E13. Dahil sa pagbaha ng mas murang imported na produkto mula sa ibang bansa, nahihirapan ang
mga lokal na produkto na makipag-kompetisyon sa presyo. Napipilitan ang ilang lokal na negosyo na
magbawas ng gastos na humahantong sa pagbaba ng kalidad ng kanilang mga produkto.
Alin sa mga sumusunod na hakbang ang higit na makakatulong sa mga negosyante?
A. ipagbaliban muna ang produksiyon at distribusyon hanggat hindi maganda ang sitwasyon
B. hintayin ang mga ayuda ng pamahalaan para sa maliliit na negosyante
C. deraktang bumili sa supplier at magbawas ng mga trabahador
D. umutang sa banko upang magkaroon ng dagdag na puhunan
E14. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya,
produkto at paggawa sa bansa. Alin ang pinakamabisang konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na
ito?
A. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
B. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa
BPO.
C. Mababa ang pagpasweldo at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika
na madali sa mga Pilipino.
D. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling
makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong on-line.
E15 Basahin ang dalawang pangungusap, tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag ng mga ito.
i. Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay naghanap ng isa pang
salik para sa kawalang-katatagan.
ii. Maaaring magpautang sa papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit sa
dakong huli biglang kukunin ang kanilang salapi kapag lumalala ang sitwasyon sa ekonomiya.
A. Ang mga pangungusap ay parehong mali.
B. Ang mga pangungusap ay parehong tama.
C. Ang unang pangungusap ay tama, samantalang ang pangalawa ay mali.
D. Ang unang pangungusap ay mali, samantalang ang pangalawa ay tama.
R16.Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang hindi
kabilang sa sektor ng paggawa?
A. agrikultura
10. Pagtanggap ng mga Dayuhang Manggagawa 11. Paglaganap ng Online na Kalakalan at E-commerce
12. Mga kasunduan sa malayang kalakalan
B. industriya
C. serbisyo
D. produksiyon
U17. “Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”, ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan.
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na
ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.
D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t
ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
AP18. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila
ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan
AP19. Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang
kasanayan sa paggawa na globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa?
A. Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mgamag-aaral
B. Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mag-aaral upang maging globally competitive
C.Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at
pagmamanupaktura.
D. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at lilinangin sa mga mag-aaral ang mga kasanayan
na pang ika-21 siglo
AP20. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at
flexible labor. Ang sistemang ito ay paraan _____
A. ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging
posisyon sa kompanya.
B. ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan
ngpagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panshon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. ng mga manggagawa na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad namalaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa.
D. ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng malaking
pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
AP21 Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang
kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang
Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa sa pamamagitan ng pagtupad sa Apat na Haligi para sa isang
Disente at Marangal na Paggawa. Alin sa mga ito ang humihikayat sa mga kompanya,pamahalaan,at
mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa,katanggap-
tanggap na pasahod,at oportunidad?
A. Worker’s Pillar C.Social Protection Pillar
B. Employment Pillar D.Social Dialogue Pillar
AN22. Ayon sa mga ekonomista ang agrikultura ang pangunahing sektor ng ekonomiya ng Pilipinas.
Piliin sa mga pahayag ang lubos na makakapagpatunay nito.
A.Ang Pilipinas ay binubuo ng malaking porsiyento ng lupang agricultural
B. Ang sektor na ito ay binubuo ng paghahayupan, pangingisda at panggugubat na gumagampan sa
pangunahing pangangailangan ng mamamayan
C. Ang magsasaka ang nagpoprodus ng hilaw na sangkap na ginagamit ng sektor ng industriya para
makagawa ng bagong produkto at serbisyo
D. Maraming Pilipino ang madaling makakuha ng trabaho sa sektor ng agrikultura sapagkat hindi
nangangailangan ng mataas na edukasyon
AN23. Si Aling Karia ay may-ari ng 1 ektaryang lupang taniman ng palay. Epekto ng globalisasyon sa
sektor ng agrikultura ang pagbaba ng taripa sa inaangkat na palay. Anong pangunahing suliranin na
kinahaharap niya sa sitwasyong ito?
A.ang sunod-sunod na bagyo nanalasa sa bansa
B. Kakulangan ng trainings ng mga magsasaka sa Pilipinas
C. Mataas na production cost at mababang presyo sa pamilihan ng palay na inani sa bansa
D. Pagsuporta ng pamahalaan sa importasyon ng bigas at mababang presyo ng imported na bigas
E24. Suriin ang graph sa taas, sa taong 2019 sa aling sektor ang higit na nangangailangang tutukan ng
pamahalaan upang mapaangat ang GDP ng bansa at ang sektor na nangangilangan ng inobasyon para
mas umangat ang produksiyon?
A. Agrikultura at Serbisyo C. Serbisyo at agrikultura
B. Industriya at agrikultura D. Lahat ng nabanggit sapagkat nananatiling maliit ang produksiyon
E25. Sa taong 2018 aling pahayag ang tamang interpretasyon sa datos na nasa graph?
A. Ang agrikultura at industriya ay nangangailangan ng higit na ayuda upang mapataas ang
pangangailangan sa paggawa
B. Ang konstruksiyon, pagmamanupaktura at utilities ng nararapat na palakasin para makalikha ng
trabaho
C. Lahat ng sektor ay kailangan na palakasin
D. ang lahat ay tama
R26. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mgamamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahanpangyayari sa lugar na
pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.
R27 Ang sumusunod ay dahilan kung bakit may nagaganap na pag-alis o paglipat ng isang tao sa isang
lugar, maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? A. Maghanapbuhay para kumita ng malaki.
B. Makapamasyal sa iba’t ibang tanawin sa mundo.
C. Pag-aaral ng mga makabagong kaalamang teknikal.
D. Nahikayat ng mga kamag-anak na nakatira sa abroad
U28. Sino ang binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di
kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad
ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng
oportunidad sa bansang pinagmulan.
U29.Alin sa pahayag sa ibaba ang maaaring maikategorya sa brain drain ?
A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-19.
AP30. Si Cadio ay isang OFW. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng
migrasyon sa mga
papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain
B. Economic Migration
C. Integration
D. Multiculturalism
AP31. Sa pag-aaral ng international migration, ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga
nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
Anong konsepto angkop dito:
A. Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay mga
manggagawang kasama ang kanilang mga pamilya.
B. Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng
populasyon sa buong mundo.
C. Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay.
D. Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15-24.
AP32. Kailan nagaganap ang migration transition?
A. Nagaganap kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang manggagawa at ang
kanyang amo dahil sa hindi tamang pasahod.
B. Nagaganap kapag mas marami ang umaalis na Overseas Filipino Workers
(OFWs) kaysa sa dumarating o umuuwi dito sa Pilipinas.
C. Nagaganap kapag nawawala na ang pagkamamamayan ng isang manggagawa
dahil sa pagkawalang-bisa nito dahil sa haba ng paninirahan sa bansang
pinuntahan.
D. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees
mula sa iba’t ibang bansa.
AP33. Papaano makikita ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon sa ating lipunan?
A. Nagkakaroon ng konseptong “house husband” kapag ang ina ang nangibangbansa.
B. Kapag ang lalaki ang nangibang-bansa, ang asawang babae ang mas higit na
umaako ng lahat ng gawaing pantahanan.
C. Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga
kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan.
D. Lahat ng mga nabanggit.
AP34.Ang Metro Manila ang dinadagsa ng mga Pilipinong manggagawa mula sa iba’t ibang panig ng
bansa. Kung ikaw ay isang opisyales ng pamahalaan alin sa mga sumusunod ang imumungkahi mong
gawin ng pamahalaan upang hindi magdagsaanang mga tao sa mga lungsod gaya ng Kalakhang
Maynila?
A. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.
B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-roon.
C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila.
D. Itaguyod and diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta sa Maynila.
AP35.Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan kaya
napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga kapatid. Hindi
naman siya nangulila, sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Papaano higit na naka-
apekto ang migrasyon sa buhay ni Jun-jun?
A. Ang pagtangkilik sa gawang dayuhan.
B. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan.
C. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid.
D. Ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya.
AP36. Papaano higit na makikinabang ang sending country kagaya ng Pilipinas sa usaping migrasyon?
A.sa pamamagitan ng mga balikbayan boxes na ipinadadala sa Pilipinas
B. sa pamamagitan ng buwis mula sa perang kinukonsumo ng mga kamag-anak dito sa Pilipinas
C. sa pamamagitan ng pagpapadala ng mahuhusay na manggagawa sa iabang bansa
D. sa pamamagitan ng pagbawas sa unemployment ng bansa
AN37. Si Lea ay nag-apply bilang isang domestic helper sa bansang Malaysia. Ngunit, pagdating ng
Malaysia ay hinarangan siya sa airport dahil sa bagahe niya na may laman na mga droga, at siya ngayon
ay hinatulan ng kamatayan sa bansang inakala niya ay magdudulot ng magandang oportunidad para sa
kanyang pamilya upang guminhawa. Ano ang tawag sa sitwasyon ni Lea?
A. forced labor C. sexual exploitation
B. human trafficking D. slavery
AN38. . Paano nagsimula ang migrasyon sa kulturang Pilipino?
A. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdating ng mga
dayuhan sa ating bansa.
B. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdami ng mga
Overseas Filipino Workers (OFWs).
C. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa paglipat o pagdayo ng
mga mamamayang taga-baryo patungong lungsod.
D. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa mga batas na ginawa
upang mapagtibay ang ugnayang-panlabas ng bansa.
AN39 Alin ang pinakamasamang epekto ng mataas na antas ng migrasyon o pandarayuhan ng mga
mamamayan sa isang partikular na lungsod kagaya ng Metro Manila?
A. Suliranin sa edukasyon C. Polusyon, trapiko at kriminalidad
B. Pagdami ng informal settlers D. Pagbabago sa mga programa at Gawa
AN40.Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong siya
ng kaniyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising ng
alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng madaling araw. Minsan, isang buong magdamag
siyang namalantsa ng mga damit ng kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon ni Lucy?
A. forced labor C. remittance
B. human trafficking D. slavery
AN41Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng positibong epekto na naidulot ng migrasyon sa isang
pamilya? A. Pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan.
B. Makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar.
C. Pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon.
D. Matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas
maginhawang pamumuhay ng pamilya.
E42. Noong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas sa
kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya.
B. Kahirapan ang namamayani sa Asya at hindi kaginhawaan ng pamumuhay.
C. Kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga Asyano sa kanilang bansa.
D. Mas kinakikitaan ng malaking oportunidad ang mga Asyano bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na
mapapasukan na angkop sa kanilang natapos.
E43. Ang sumusunod ay naging kondisyon ng mga migranteng manggagawa, Pilipino man o ibang lahing
Asyano na nasa Arab, maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Walang sapat na karapatan bilang manggagawa.
B. Hinahawakan ang mga pasaporte ng kanilang mga employer.
C. Hindi pinapayagan na tumira at dalhin ang kanilang mga pamilya.
D. Itinuturing silang mga pangunahing manggagawa ng kanilang employer.
E44.Si Anna ay isang domestic helper sa Macau at naiwan niya ang dalawang anak at ang asawang si
Eloy sa Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami siyang ginagawa ay
nabibigyang oras pa rin niya ang pamilya upang kausapin ang mga ito araw-araw. Sa sitwasyon nila, ano
ang epektibong paraan upang maiwasan at mapaghandaan nila ang epekto ng migrasyon sa kanilang
pamilya upang hindi ito mauwi sa paghihiwalayan?
A. Ang pagkakaroon ng mga counseling centers.
B. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa.
C. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.
D. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa.
E.45. Ang mga sumusunod ang suliranin ng migrasyon ng mga manggagagawa: Kawalan ng Trabaho at
Mababang Sahod sa Bansang Pinagmulan, Exploitation at Pag-abuso sa Migranteng Manggagawa,
Diskriminasyon at Xenophobia, Kakulangan ng Proteksiyon at Karapatan at Hirap sa Akses sa
Serbisyong Pangkalusugan at Pang-edukasyon. Kung ikaw ang secretary ng Kagawaran ng OFW. Alin sa
mga ito ang nangangailangan ng agarang aksyon at bakit?
A. Exploitation at Pag-abuso sa Migranteng Manggagawa sapagkat hindi sila makakapagdadala ng pera
kung ganito ang kanilang suliranin
B. Karapatan at Hirap sa Akses sa Serbisyong Pangkalusugan at Pang-edukasyon sapagkat hindi sila
makakapagtrabaho kung hindi sila malusog at walang kaalaman
C. Kawalan ng Trabaho at Mababang Sahod sa Bansang Pinagmulan upang hindi na sila umalis pa ng
bansa
D. Lahat ay kailangangang bigyan ng solusyon
46-50- Panuto: Panuto: Mula sa nabasa mong artikulo tungkol kay Irma Edloy, mayroong mga suliranin ng
migrasyon na dulot ng globalisasyon na siyang nangyayari sa mga OFW na pumupunta sa iba’t ibang mga
bansa sa ating daigdig. Ngayon, gumawa ka ng isan dayagram sa ibaba ng mga alternatibong solusyon sa
lahat ng mga suliraning nakaakibat sa artikulo. Sundin lamang ang format.