reviewer sa ap 9webrwehwebhwebfwgevfgwew

yzza086 6 views 9 slides Feb 10, 2025
Slide 1
Slide 1 of 9
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9

About This Presentation

Reviewer ap 9


Slide Content

Patakarang Piskal
Patakarang Piskal
(Fiscal Policy)
Ang pagkontrol ng pamahalaan sa
ekonomiya upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya.
Nakapaloob dito ang:
-paghahanda ng badyet,
-pangungulekta ng buwis
-paggamit ng pondo.
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary Fiscal Policy
-Layunin nito na mapasigla ang
pambansang ekonomiya. Ginagawa
ito upang isulong ang ekonomiya, lalo
na sa panahon ng recession.
-Kabilang dito ang pamumuhunan ng
pamahalaan at pagbabawas sa
ibinabayad na buwis.
-Ang ganitong gawain ay
magpapataas sa demand,
magpapababa sa presyo ng kalakal at
magpapalaki sa output ng
ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy
-Layunin nito na bawasan ang
sobrang kasiglahan ng ekonomiya
dahil ang labis na mataas na demand
sa suplay ay magdudulot ng inflation.
-Kabilang sa mga hakbang nito ang
pagbabawas sa gastusin ng
pamahalaan, pagsasapribado ng ilang
pagpublikong korporasyon at
pagpapataas sa singil na buwis.
-Ang ganitong gawain ay
magpapababa sa demand,
magpapataas sa presyo ng kalakal at
pagbabawas sa output ng ekonomiya
Pinagmumulan ng Kita ng
Pamahalaan
-Kita mula sa buwis (81%)
-Kitang di-mula sa buwis (19%)
Ano ang buwis (tax)?
- Ang salapi na sapilitang kinukuha ng
pamahalaan sa mga mamamayan.
-Ito ay maaaring ipataw ng
pamahalaan sa mga ari-arian, tubo,
kalakal o serbisyo.
-Ang buwis ay sakop ng
kapangyarihan ng pamahalaan.
Layunin ng pagbubuwis
-Mapataas ang kita ng pamahalaan.
-Pagpapatatag ng ekonomiya.
-Mapangalagaan ang industriyang
panloob laban sa mga dayuhang
kalakal.
-Gamit para sa tamang distribusyon
ng kita.

-Regulasyon para sa tamang pagbili at
pagkonsumo ng kalakal.
Uri ng buwis
Tuwiran (direct tax) – buwis na
tuwirang ipinapataw sa mga
indibidwal o bahay kalakal.
Hal. with-holding tax
Di-tuwiran (indirect tax) – buwis na
ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo.
Hal. Value-added tax
Mga halimbawa ng buwis:
Buwis sa kinikita ng mamamayan –
income tax
Buwis sa mga may-ari ng sasakyan –
road user’s tax
Buwis sa mga may-ari ng negosyo –
business tax
Buwis sa mga binibiling kalakal –
Value added tax
Buwis sa mga libangan tulad ng
sinehan, parke, at sugalan –
amusement tax
Buwis sa mga kalakal na galing ibang
bansa – import duties tax
Buwis na ipinapataw sa mga
matatanda- community tax
Buwis na ipinapataw sa mga
luxurious na gamit- tariff
Buwis mula sa mga condo at bahay-
Real Estate Tax
Buwis na ipinapataw sa mga sigarilyo
at alak- Sin Tax
Sangay ng pamahalaan na
kumokolekta ng buwis
Bureau of Internal Revenue (BIR) –
nangangalap ng buwis sa mga kalakal
o serbisyo mula sa loob ng bansa.
Bureau of Customs (BOC) -
nangangalap ng buwis sa mga kalakal
o serbisyo mula sa labas ng bansa.
Pambansang Badyet
- Isang plano kung paano tutugunan
ng pamahalaan ang mga gastusin
nito.
Naglalaman ito ng inaasahang kita at
ipinakikita rin kung paano gagastusin
ang kitang ito.
-Naglalaman ng halaga ng salaping
inaasahang matatanggap ng
pamahalaan sa isang takdang taon.
-Kilala rin ito sa tawag na General
Appropriations Act (GAA)
-Sa paghahanda ng badyet,
binibigyan ng pansin kung magkano
ang gagastusin sa programa ng
pamahalaan tulad ng depensa,
edukasyon at kalusugan.

-Ang kabuuang gastusin ay maaring
baguhin upang mapataas o
mapababa ang output ng ekonomiya.
Mga sangay ng pamahalaan na
namamahala ng pambansang
badyet
Department of Finance (DOF)
Bangko Sentral ng Pilipinas
(BSP)
National Economic and
Development Authority (NEDA)
Department of Budget and
Management (DBM)
Commission on Audit (COA)
Pagbuo ng Pambansang Badyet
-Budget Preparation – paghahanda
ng panukalang badyet.
-Budget Legislation – pagsusuri at
pag-apruba (o hindi pag-apruba) ng
panukalang badyet.
-Budget Execution – pagbibigay ng
badyet at paggamit nito.
-Budget Accountability –
paghahanda ng ulat upang malaman
kung nagamit ng tama ang
pambansang badyet.
Checks and Balances
-Pagtiyak na hindi maaabuso ng
anumang sangay ng pamahalaan ang
kanilang kapangyarihan sa usapin ng
paglalaan ng limitadong pondo ng
bayan sa iba’t ibang sektor ng
lipunan.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa
Uri
-Personal Services (PS) – gastusin
para sa suweldo,honoraria at bonuses
ng mga kawani ng pamahalaan.-
-Maintenance and Other Operating
Expenses (MOOE) – gastusin para sa
operasyon tulad ng kuryente, papel,
tubig, gasolina at iba pa
-Capital Outlay (CO) – gastusin para
sa karagdagang asset tulad ng gusali,
lupa, sasakyan o makinarya.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa
Sektor
Serbisyong Pang-ekonomiyo –
gastusin sa pagpapaunlad ng mga
programang pangkaunlaran tulad ng
kalakalan, industriya at turismo.
Serbisyong Panlipunan – mga
gastusin sa edukasyon, kalusugan,
transportasyon etc.
Pambansang Tanggulan – mga
gastusin sa pagpapanatili ng
katahimikan at seguridad.
Pangkalahatang Pampublikong
Paglilingkod – mga gastusin sa
pagsasagawa ng tungkuling

pansibiko tulad ng tulong sa panahon
ng kalamidad, pagpapautang etc.
Pambayad utang – gastusin na
pinambabayad sa mga utang ng
bansa panlabas o panloob.
Sitwasyon ng Budget
Budget Deficit – nagaganap kung
mas mataas ang gastos sa kita ng
pamahalaan.
Budget Surplus – nagaganap kung
mas mataas ang kita sa gastos ng
pamahalaan.
IMPLASYON
-Ito ay isang economic indicator
upang sukatin ang kalagayan ng
ekonomiya ng isang bansa.
-Ito ay tumutukoy sa patuloy na
pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa
pamilihan
-Ito ay isang suliranin na kinakaharap
ng maraming bansa sa daigdig.
URI NG IMPLASYON
Demand Pull-Ito ay nagaganap kapag
ang pagnanais ng bawat sektor ng
ekonomiya, sambahayan, kompanya
o pamahalaan na makabili ng
produkto at serbisyo na mas marami
sa isusuplay o ipoprodyus ng
pamilihan. Ito ang kalagayan na mas
labis ang aggregate demand kaysa
aggregate supply.
Cost push- Ang pagtaas ng presyo ng
mga gastusing pamproduksiyon ang
siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng
bilihin. Ang mga sahod ng
manggagawa, pagbili ng mga hilaw
na materyales at makinarya at
paghahangad ng malaking tubo ang
pangunahing dahilan ng pagtaas ng
presyo ng bilihin.
Structural Inflation- Kawalan ng
kakayahan ng ilang sektor na
malayon ang anumang pagbabago sa
lebel at dami ng kabuuang demand
ng ekonomiya. Pagtutunggalian ng
mga pangkat sa lipunan upang
makakuha ng malaking bahagi sa
kabuuang kita ng bansa at tunggalian
ng wage earners at profit earners.
DAHILAN NG IMPLASYON
PAGTAAS NG SUPLAY NG SALAPI-
Tataas ang demand o ang paggasta
kaya mahahatak ang presyo paitaas

PAGDEPENDE SA IMPORTASYON PARA
SA HILAW NA SANGKAP- Kapag
tumaas ang palitan ng piso sa dolyar
o kaya tumaas ang presyo ng
materyales na inaangkat, ang mga
produktong umaasa sa importasyon
para sa mga hilaw na sangkap ay
nagiging sanhi rin ng pagtaas ng
presyo.
PAGTAAS NG PALITAN NG PISO SA
DOLYAR- Dahil sa kakulangan ng
pumapasok na dolyar, bumababa ang
halaga ng piso. Nagbubunga ito ng
pagtaas ng presyo ng mga produkto.
KALAGAYAN NG PAGLULUWAS-Kapag
kulang ang supply sa lokal na
pamilihan dahil ang produkto ay
iniluluwas, magiging dahilan ito
upang tumaas ang presyo ng
produkto. Kapag mataas ang demand
kaysa sa produkto, ito ay magdudulot
ng pagtaas ng presyo.
MONOPOLYO O KARTEL-
Nakapagkokontrol ng presyo ang
sistemang ito. Kapag nakontrol ang
presyo at dami ng produkto, malaki
ang posibilidad na magiging mataas
ang presyo.
PAMBAYAD- UTANG-Sa halip na
magamit sa produksiyon ang bahagi
ng pambansang badyet, ito ay
napupunta lamang sa pagbabayad ng
utang.
MGA PARAAN NG PAGLUTAS NG
SULIRANING DULOT NG IMPLASYON
-Ipinapatupad ng Bangko Sentral ng
Pilipinas ang mga patakaran sa
pananalapi upang mabawasan ang
suplay ng salapi.
-Dapat pahalagahan ng pamahalaan
ang maayos na paggastos,
pagbabadyet, pangungulekta ng
buwis at pangungutang.
-Dapat na taasan ang antas ng
produktibidad lalo ng pagsasaka.
-Nakababawas ng suliranin ang
pagtitipid at wastong paggamit sa
mga inaangkat na materyal at
kagamitan na kailangan sa
produksyon.
Patakarang Pananalapi
(Monetary Policy)
-Ito ay may kinalaman sa
pamamahala o pagkontrol sa suplay
ng salapi upang patatagin ang halaga
ng salapi sa loob at labas ng bansa at
tiyakin na magiging matatag ang
buong ekonomiya.
-Ang mga institusiyon ng pananalapi
ang may malaking pananagutan sa
pagpapatupad ng patakaran sa

pananalapi sa pangunguna ng
Bangko Sentral ng Pilipinas.
-Ang patakaran sa pananalapi ay
isang sistemang pinaiiral ng BSP
upang makontrol ang supply ng
salapi sa sirkulasyon.
-Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring
magpatupad ng expansionary money
policy at contractionary money policy.
Expansionary Money Policy
aka easy money policy
-Layunin nito na mahikayat ang mga
negosyante na palakihin o magbukas
ng bagong negosyo.
-Ibababa ng pamahalaan ang interes
sa pagpapautang kaya mas
maraming mamumuhunan ang
mahihikayat na humiram ng pera
upang idagdag sa kanilang mga
negosyo
Contractionary Money Policy
aka tight money policy
-Layunin nito na mabawasan ang
paggasta ng sambahayan at ng mga
mamumuhunan.
-Sa pagbabawas ng puhunan,
nababawasan din ang produksiyon.
-Sa pamamaraang ito, bumababa ang
presyo at nagiging dahilan sa
pagbagal ng ekonomiya.
-Ang kalagayang ito ang ninanais ng
pamahalaan upang mapababa ang
implasyon.
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
-Itinatag sa pamamagitan ng Republic
Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga
bilang central monetary authority ng
bansa.
-Layunin nito na mapanatili ang
katatagan ng halaga ng bilihin at ng
ating pananalapi.
-Namamahala sa mga patakaran ng
pamahalaan tungkol sa pananalapi,
pagbabangko at pagpapautang.
Institusyon ng Pananalapi
-Ito ang pangunahing institusyon na
inaasahan ng pamahalaan na
mamamahala sa paglikha, pagsu-
supply, pagsasalin-salin ng salapi sa
ating ekonomiya.
-Nahahati ito sa dalawang uri; ang
bangko at di-bangko.
A. Bangko
-Isang uri ng institusyong
pampananalapi na tumatanggap at
lumilikom na labis na salapi na
iniimpok ng tao at pamahalaan.
-Ito ang nagsisilbing tagapamagitan
sa mga taong may labis na salapi at

mga negosyanteng namumuhunan sa
bansa.
Top 10 Banks in the Philippines
1.BDO, Banco De Oro (# 1
in assets, deposits, loans and
capital)
2.BPI, Bank Of The Philippine
Islands (# 2 in deposits and
loans,  #3 in assets and capital,
3.Metrobank ( #2 in assets and
capital, #3  in deposits and
loans
4.Landbank of the
Philippines ( #4 in assets,
deposits, loans and capital)
5.RCBC, Rizal Commercial
Banking Corp. (#5 in assests, #6
in deposits, loans and capital)
6.PNB, The Philippine National
Bank (#7 in assests, deposits,
and loans. #10 in capital.)
7.China Bank, Philippines (#5 in
deposits and loans. #8 in
assests and capital.) 
8.UnionBank ( #5 in capital, #8 in
deposits, #9 in assets and #10
in loans.)
9.DBP, Development Bank of the
Philippines (#6 in assets and
capital. #9 in deposits and
loans.)
10.Security Bank (#8 in loans, #9 in
capital, #10 in assests)
Mga Uri ng Bangko
Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) –
ito ay tinatawag din sa savings bank
na humihikayat sa mga tao na
magtipid at mag-impok ng ilang
bahagi ng kanilang kita.
Savings and Loan Association –
nagpapahiram ng salapi at
tumatanggap ng impok na pera ng
mga kasapi nito
Private Development Bank –
tumatanggap ng deposito ng mga
mamamayan na nagagamit sa
pagpaphiram ng mga puhunan sa
mga small ang medium scale
industries.
Savings and Mortage Bank –
humihikayat din sa tao na mag-impok
at tumanggap ng sanla ng publiko
bilang prenda sa pangungutang ng
puhunan.
Bangkong Komersyal (Commercial
Bank) – Ito ang bangko na nikikipag-
ugnay sa mga nag-iimpok at mga
negosyante at kapitalista.
Bangkong Rural (Rural Bank) – mga
bangko na ngalalayong tulungan ang
mga magsasaka upang magkaroon
ng puhunan.
Trust Companies – bangko na
nangangalaga sa mga ari-arian at

kayamanan ng mga tao na walang
kakayahang pangalagaan ang
kanilang ari-arian lalo na ng mga
bata. Inaasikaso din ng bangkong ang
mag pondo at ari-arian ng simbahan
at mga charitable institutions.
Mga Espesyal na Bangko
Land Bank of the Philippines –
itaguyod ang pagpaptupad ng
reporma sa lupa. May kinalaman ito
sa pagsasaayos ng pondo ng
pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.
Development Bank of the
Philippines (DBP) – ito ang
nagbibigay tulong pinansyal sa
pagpapatupad ng mga programa at
proyekto na magpapaunlad ng
pangunahing sektor ng ekonomya,
ang agrikultura at industriya.
Al-Amanah Islamic Investment
Bank of the Philippines (Al-Amanah)
– Itinatag ito sa ilalim ng Republic Act
No. 6848, layunin ng bangkong ito na
tulungan ang mga Pilipinong Muslim
na magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
B. Mga Institusyong Di-Bangko
Maaaring ituring na nasa ilalim ng
institusyon ng pananalapi ang mga
ito sapagkat tumatanggap sila ng
kontribusyon mula sa mga kasapi,
pinalalago ito at muling ibinabalik sa
mga kasapi pagdating ng panahon
upang ito ay mapakinabangan.
Kooperatiba
-Ito ay isang kapisanan na binubuo ng
mga kasapi na may nagkakaisang
panlipunan o pangkabuhayang
layunin.
-Para maging ganap na lehitimo ang
isang kooperatiba, kailangan itong
irehistro sa Cooperative Development
Authority (CDA).
-Ang mga kasapi sa isang kooperatiba
ay nag-aambag ng puhunan at
nakikibahagi sa tubo, pananagutan,
at iba pang benepisyong mula sa kita
ng kooperatiba.
Pawnshop (Bahay-Sanglaan)
Itinatag ito upang magpautang sa
mga taong madalas mangailangan ng
pera at walang paraan upang
makalapit sa mga bangko.
Ang mga indibidwal ay maaaring
makipagpalitan ng mahahalagang ari-
arian tulad ng alahas at kasangkapan
(tinatawag na kolateral) kapalit ng
salaping katumbas ng isinangla,
kasama na ang interes.

Pension Funds
Pag-IBIG Fund – Pagtutulungan sa
kinabukasan – Ikaw, Bangko
Industriya at Gobyerno ay itinatag
upang matulungan ang mga kasapi
nito na magkaroon ng sariling bahay.
Government Service Insurance
System (GSIS) – Namamahala sa
pagkakaloob ng tulong sa mga
manggagawa ng pamahalaan.
Social Security System (SSS) – Ito
ang nagkakaloob ng seguro sa mga
manggagawa sa mga pribadong
industriya at kompanya.
Pre-Need
Ang Pre-Need Companies ay mga
kompanya o establisimyento na
rehistrado sa SEC na pinagkalooban
ng nararapat na lisensiya na
mangalakal o mag-alok ng mga
kontrata ng preneed o pre-need
plans.
Insurance Companies
(Kompanya ng Seguro)
Ang insurance companies ay mga
rehistradong korporasyon sa SEC at
binigyan ng karapatan ng Komisyon
ng Seguro (Insurance Commission) na
mangalakal ng negosyo ng seguro sa
Pilipinas.
Tags