Paglalarawan ng mga Bagay na May Buhay at Walang Buhay
1. Natutukoy ang mga bagay na may buhay at walang buhay 2. Napaghahambing ang mga ng mga bagay na may buhay at walang buhay 3. Naipakikita ang kawilihan sa paggawa ng mga gawain Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
ARAW NG PAMIMILI Pag awit ng mga bata ( mula sa bible verse ) Sinong may gawa ? Sinong may gawa ng mga ibon na lumilipad na lumilipad Sinong may gawa ng ibon , Diyos ama sa langit Sinong may gawa ng mga puno na lumalaki na lumalaki Sinong may gawa ng mga puno . Diyos ama sa langit . Sinong may gawa ng mga bola na tumatalbog na tumatalbog Sinong may gawa ng mga bola, Ang tao sa mundo . Sinong may gawa ng mga celpon na tumutunog na tumutunog *Ano ano ang mga bagay na binanggit sa awit.
ARAW NG PAMIMILI Sino sa inyo ang nakarating na sa gubat ? ( Pagpapakita ng larawan ng gubat ) Anong nakikita ninyo sa kapaligiran nito?
ARAW NG PAMIMILI Pagbasa ng Kuwento Mga bata babasa tayo ng kwento tungkol sa isang masayang pamilya na namumuhay sa malayong lugar . Pero bago natin basahin alamin muna natin ang kahulugan ng mga salita .
ARAW NG PAMIMILI Paghahawan ng balakid : Magpapakita ang guro ng larawan ng bawat salita . • liblib – tagong lugar gaya ng kuweba • tapayan – lalagyan ng tubig • nag- iimis – nag- liligpit • panggatong – kahoy na ginagamit sa pagluluto • balon - pinagkukunan ng tubig na yari sa bato at semento
ARAW NG PAMIMILI Pamantayan sa Pagbasa ng kwento 1. Umupo nang maayos habang nagbabasa . 2.Bumasa ng malakas at may damdamin . 3.Tumigil sa mga tuldok at sandaling tumigil sa mga kuwit 4.Iwasan ang pakikipag-usap sa katabi habang nagbabasa 5.Unawain ang binabasa
ARAW NG PAMIMILI Ang Pagtutulungan ng Mag- anak Sa isang liblib na lugar sa bayan ng Tayabas , ang mag- anak ni Tatay Karding ay abalang - abala sa araw-araw na gawain . Tuwing umaga siya ay nagtutungo sa bukid upang magpakain ng kanilang alagang hayop tulad ng kalabaw . Si Nanay Sela naman ay nag- iimis ng mga gawain sa loob ng bahay . Siya ang naghuhugas ng pinggan , kutsara at tinidor .
ARAW NG PAMIMILI Sila ay may dalawang anak , ang panganay ay si Briendon . Araw-araw siya ang umiigib ng tubig sa balon at inilalagay niya ito sa tapayan .Pagkatapos , pupunta na siya sa gubat upang maghanap ng kahoy na panggatong gamit sa pagluluto . Si Rikka ang ikalawa , Pagkagising nya sa umaga , nagtitiklop na siya ng mga kumot , at mga damit . Pagkatapos , pupunta na siya sa kanilang bakuran upang diligan ang mga halamang namumulaklak at halamang gulay .
ARAW NG PAMIMILI Pagkatapos ng gawain sa maghapon . Sila ay masayang magkakasama . Madaling natapos ang kanilang gawain dahil ang bawat isa ay nagtutulungan Tanong : 1. Ano ang pamagat ng kuwento ? 2. Sino- sino ang tauhan sa kuwento ? Ilan silang magkapatid ? 3. Saan nangyari ang kuwento ? 4. Ano ano ang kanilang ginawa ? Anong magandang pag-uugali ang ipinakita ng mag- anak ? 5. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa mga gawain ? Ginagawa rin ba ng inyong pamilya ang ganito ? Paano ninyo isinasagawa ang pagtutulungan ? 6. Ano anong mga salita ang may salungguhit ?
ARAW NG PAMIMILI Hanay A (may buhay ) Hanay B(walang buhay) Tatay Karding tubig Nanay Sela kahoy Rikka kutsara Briendon kumot hayop damit kalabaw tapayan halamang gulay pinggan halamang namumulaklak tinidor
ARAW NG PAMIMILI Batay sa inyong binanggit tungkol sa kuwento Ano ang napansin ninyo sa mga salita na nasa Hanay A? Hanay B. Ano ang kanilang pakakaiba ? Paano mo nasabi ang mga salita na nasa hanay A ay may buhay ? Hanay B na walang buhay ? Bakit ?
ARAW NG PAMIMILI Pagtalakay ng mga katangian ng may buhay 1.May kakayahang lumaki sa sukat at timbang – ang tao ay nagbabago sa kanilang sukat at timbang . ( larawan ng tao ) hayop at halaman
ARAW NG PAMIMILI 2 . May kakayahan gumawa ng sarili – Ang hayop ay nanganganak upang dumami.Ang halaman ay maaaring dumami mula sa binhi , sanga , dahon o ugat .
ARAW NG PAMIMILI 3.Ang bagay na may buhay ay humihinga . Ang tao at hayop ay lumalanghap ng oxygen . Ang halaman naman ay gumagamit ng cardon dioxide at nagbibigay ng oxygen sa panahon ng kanilang proseso ng paggawa ng pagkain .
ARAW NG PAMIMILI 4.Ang may buhay ay gumagalaw upang manatiling may enerhiya o lakas . – Ang mga tao at hayop ay gumagamit ng enerhiya mula sa pagkain na nagmumula sa halaman at hayop ’ Ang halaman ay gumagawa ng sarili nitong pagkain gamit ang cardon dioxide, tubig , at enrhiya mula sa araw .
ARAW NG PAMIMILI 5.Kakayahang ilabas ang dumi sa kanilang katawan . Ang duming naipon sa katawan ay kailangang ilabas upang di magkasakit o mamatay .
ARAW NG PAMIMILI 6.Kakayahang tumugon sa pagbabago sa kapaligiran .- ang organism ay may iba’t ibang bahagi ng katawan na kayang umangkopt sa kapaligiran . Kapag malamig ang panahon ang mga tao ay nagsusuot ng makakapal na damit . Ang hayop ay kumukubli o lumilipat ng lugar upang iwasan ang sobrang lamig Ang mga halaman naman ay paitaas na lumalago ang mga dahon upang makakuha ng sikat ng araw .
ARAW NG PAMIMILI Group Activity Hatiin ang mag- aaral sa apat na pangkat . Bawat pangkat ay may “leader at secretary” para sa presentasyon ng inyong “output. Ang “activity sheet” ay ibibigay para sa kanilang gawain . Sampung minute ang nakalaan sa pagsasagawa nito kung saan ang lugar na assign sa inyong pangkat .
ARAW NG PAMIMILI Magkakaroon ng bawas puntos ang grupo na maingay magsagawa . Sa pagpapatunay na tapos na ang gawain . Papalakpak ng 3 beses . Ano ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain ? 1. Gumawa ng tahimik . 2. Gumawa ng sama-sama 3. Igalang ang pasya ng nakararami 4. Palaging magkaroon ng pagiingat sa gagawin . (Hal. Sa paggamit ng gunting ) 5. Tapusin ang gawain sa takdang oras
ARAW NG PAMIMILI Pamantayan sa Pangkatang Gawain Batayan Puntos 1. Kawastuhan at Kaangkupan ng Kasagutan 10 2. Pagtutulungan sa Paggawa 5 3. Natapos sa takdang oras 5 Kabuuan 20 puntos
ARAW NG PAMIMILI Mga Gawain: Unang Pangkat : Filipino Group Panuto : Sumulat ng 1 bagay na may buhay at 1 bagay na walang buhay .
ARAW NG PAMIMILI Ikalawang Pangkat : Art Group Panuto : Iguhit ang nakasulat sa strip, bagay na may buhay at bagay na walang buhay bola halaman
ARAW NG PAMIMILI Ikatlong Pangkat : MTB Group Panuto : Buuin ang larawan ( Jigzaw Puzzle). Tukuyin kung may buhay o walang buhay a ng larawan na nabuo mula sa puzzle.