Sitwasyong Pangwika ay isang Paksa sa Asignaturang Filipino ( Komunikasyon at Wika Tungo sa Pananaliksik)
Size: 3.92 MB
Language: none
Added: Sep 29, 2025
Slides: 16 pages
Slide Content
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Mga Sitwasyong Pangwika
Kahulugan : Ito ay mga pangyayaring nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa patakaran sa wika at kultura . Nakatuon sa pag-aaral sa mga linggwistiko at kultura na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika .
NASAAN NA NGA BA O ANO NA NGA BA ANG KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA IKA-21 SIGLO SA IBA'T IBANG LARANGAN?
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito at mas nangunguna ang wikang filipino ang ginagamit-midyum . Hal. Teleserye, pantanghaling palabas , mga magasin show, pagbabalita
Pangunahing dahilan ng Pagdami ng gumagamit ng wikang Filipino - exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan.
Malakas a ng Impluwensiya n g Wikang Ginagamit s a Telebisyon s a m ga i ba’t - i b ang Probinsya Paskil/Babala s a p aligid. Pagtatanong n g Direksyon
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO
Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush, na gumagamit ng Ingles sa pagbobroadcast ngunit ang nakararami ay gumagamit ng Filipino Sa mga panrehiyonal na radyo ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag may kinapan a yam ay gumagamit sila ng Tagalog.
Sa diyaryo naman , Ingles ang ginagamit sa broadsheet at Filipino sa Tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit na naiintindihan .
Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa broadsheet. Ang mga headlines ng tabloid ay malalaki at sumisigaw na nakakapang-akit ng mga mambabasa .
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA
Mas maraming banyagang pelikula ang naipalalabas sa ating bansa , ngunit ang lokal na mga pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at barayti nito ay tinangkilik din. Sa 20 nangungunang pelikula noong 2014,lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng lokal na mga artista .