soSLIT 3 crim.pptx sosyedad at literatura

jobellaBudih 0 views 21 slides Oct 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

for educational purposes only


Slide Content

so SLIT Sosyedad at literature/ panitikang Panlipunan

Aralin 1: Kaligirang Kasaysayan ng Panitikan Panitikan : Literatura ( latin ) – titik Tagalog – Dr. Jose Villa Panganiban titik – panlaping pang at an (PANG+TITIK+AN) Umiiral , umuunlad , at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan Salazar (1995) isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan Kasakapang makapangyarihan – magpalaya ng isang ideya

Aralin 2: Panitikan , kasaysayan at lipunan Pagbabago Kultura – paurong o pasulong

Tungkulin ng wika sa lipunan at kultura TUNGKULIN NG WIKA 1. Interaksyonal – nakapagpapanatili ng relasyong sosyal . 2. Instrumental – tumutugon sa mga pangangailangan . 3. Regulatori – Kumokontrol at gumagabay sa kilos/ asal ng iba . 4. Personal – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. 5. Imahinatibo – lumilinang ng malikhaing pag-iisip . 6. Heuristik – naghahanap ng mga impormasyon at datos . 7. Impormatib – nagbibigay ng impormasyon .

ANG LIPUNAN AT KULTURA Kultura – nagbubunsod at nagbibigkis lipunan at kultura – magkaugnay Lipunan – tao Ang lipunan ay may malaking bahagi sa pamumuhay ng tao noon hanggang sa ngayon . Ito ay inuri sa sumusunod : 1. Hunting gathering society Ito ay isang lipunang binubuo ng mga tao na tinatawag na hunter gatherers . Sila ay nomadikong grupo dahil wala silang permanenting tirahan . Kapag wala silang mahanap na pagkain sila ay lumilipat sa ibang lugar upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan . Isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng lipunang ito ay ang pagtuklas nila ng apoy .

2. Ang Horticultural Society  Nanggaling sa salitang Latin na Hortus na ang ibig sabihin ay hardin at kultura o “ kultus ” na ang ibig sabihin naman ay linanganin . Isang sistema na nakabase sa horticulture. Horticulture – paraan ng produksyon kung saan gumagamit ng kahoy upang maglinang ng maliit na hardin . Ang paraang ito ang ginagamit nila upang magkaroon ng sapat na konsumo ng pagkain . 3. Agrarian Society Isang lipunan kung saan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ay ang pagtatanim , pangingisda , pangangaso at iba pang gawaing pang- agrikultural . Nagmula ang agrarian society sa hunter gatherer ngunit sila ay nananatili lang sa isang lugar upang mapangalagaan ang kanilang mga pananim . Ang lipunang ito ay higit na nakadepende sa kapaligiran at nasasakupan nito

4. Industrial Society Isang lipunang patuloy na umuunlad sa pamamagitan ng teknolohiya upang mas mapalago ang produksyon na siyang susuporta sa kabuuang populasyong nasasakupan nito . 5. Post Industrial Society Ito ay pinasikat ni Daniel bell noong 1973 sa kaniyang aklat na “The coming of Post-Industrial Society” nagsimula ito noong late 20 th century sa bansang US. Sa lipunang ito nakalalamang ang mga taong may pinag-aralan . Ang kaalaman ang kanilang kapangyarihan at ang teknolohiya ang kanilang instrument.

Pagpapakuhulugan hinggil sa lipunan mula sa mga sikologo Emile Durkheim “Ang lipunan ay isang buhay na organism kung saan nagaganap ang mga pangyayari at Gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago . Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon . Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin .” (Mooney, 2011)

2. Karl Marx “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan . Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan . Sa tunggalian na ito nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon . Bunga nito , nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan .” ( Panopio , 2007)

3. Charles Cooley “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin . Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan . Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan .” (Mooney, 2011)

ANG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN AT KULTURA MGA ELEMENTO 1. Institusyong Lipunan Ito ay binubuo ng mga institusyong may organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan . (Mooney, 2011). a. Pamilya – isa sa mga institusyong panlipunan , dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang . b. Ekonomiya – mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan .

c. Edukasyon – ito ang nagbibigay sa tao upang paunlarin ang kanyang sarili na siyang nagiging sandata niya sa paggamit ng kanyang mga ninanais sa buhay . d. Pamahalaan – ang katuwang at nagbibigay ng mga pangangailangan ng isang pamilya . Ito rin ang nangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga taong namumuhay sa isang komunidad . Social group – tumutukoy ito sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng unayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan .

Dalawang uri a. Primary Group - tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal . Kadalasan , ito ay mayroon lamang maliit na bilang . Hal: Pamilya at kaibigan b. Secondary group – binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan . Hal: ugnayan sa pagitan ng amo at ng kanyang manggagawa Ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa. Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan . Hal: Ang malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng manggagawa at may- ari ng kumpanya .

2. Status – tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan . Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay niimpluwensiyahan ng ating status. Dalawang uri Ascribed status Achieved status 3. Gampanin (Roles) – tumutukoy ito sa Karapatan , obligasyon , at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal .

KATUTURAN NG KULTURA Andersen at Taylor (2007) Kumplikadong Sistema Panopio (2007 “ ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao , ang batayan ng kilos at gawi , at ang kabuuang gawain ng tao .” Mooney (2011) kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan

DALAWANG URI NG KULTURA MATERYAL DI-MATERYAL Binubuo ito ng mga gusali , likhang sining , kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa ng tao . Kabilang dito ang batas , gawi , paniniwala at norms ng isang grupo ng tao . Hindi tulad ng material na bagay , hindi ito nahahawakan subalit maaari itong makita o maobserbahan . Ito ay bahagi ng pang- araw - araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan .

MGA ELEMENTO NG KULTURA Kultura - kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan Ang kultura ay binubuo ng sumusunod : Paniniwala (Beliefs) Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo . Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan . Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang indibidwal o pangkat ng tao .

2. Pagpapahalaga (Values) Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan . Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi . Batayan ito kung ano ang tama at mali , maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011). Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan , marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan . Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga , itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan .

3. Norms Tumutukoy ito sa mga asal , kilos, o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan . Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon , at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kanyang kinabibilangan . Mauuri ang norms sa folkways at mores . Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan . 4. Mores Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos . Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan . Halimbawa , ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan . Batayan ito ng pagkilos ng mga tao . Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan .

5. Simbolo (symbols) Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito (White, 1949). Kung walang simbolo , walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging possible ang interaksyon ng mga tao sa lipunan . Halimbawa : wika , pagkumpas (gestures), gawi ( pagmamano ) na sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda .

THANK YOU!!!
Tags