Sosyo-kultural report sa Filipino ng mga Panay-Bukidnon

louedamaycarado 39 views 24 slides Sep 13, 2025
Slide 1
Slide 1 of 24
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24

About This Presentation

Culture


Slide Content

Implikasyong Sosyo-Kultural na Masasalamin sa mga Piling Komposo at Binalaybay ng Tribu-Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog n i Florenda Z. Carado

Kaligiran ng Pag-aaral Ang panitikan ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng isang lahi . Sinasabing ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan . Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin , damdamin , panaginip , pag-asa , hinaing at guniguni ng mga mamamayan . Hindi lamang ito lumilinang ng nasyonalismo kung hindi ito ay nag- iingat ng mga karanasan , tradisyon , at mithiin ng bawat bansa . ( Espina at Borja,2011 ). Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon

Sa kasalukuyan , karamihan sa mga akdang itinuturo sa paaralan ay panitikang Tagalog kung kaya’t may kasalatan sa pagpapatupad ng inilabas ng Komisyon ng Lalong Mataaas na Edukasyon -CHED Memo Order No.59,s.1996, na nagsasaad na kailangang bigyang diin ang pag-aaral ng rehiyunal na panitikan upang magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa panitikang Filipno at matugunan ang pangangailangan na magkaroon ng kalipunan ang panitikan mula sa iba’t ibang rehiyon .

Ayon ky Magtulis ,(2013) Ang tunay na panitikang Filipino ay makikitaan ng mga akdang kinatha o sinulat sa alinman sa mga wikain sa Pilipinas.Hindi ito matatawag na pambansang panitikan kung hindi ito sumasalamin ng kakanyahan ng panitikan ng ibang rehiyon sa kapuluan kung kaya’t ipinatupad at isinagawang ituro ang mga panitikang rehiyunal sa mga paaralan at pamantasan .

Ayon naman kay Medina, nabanggit ni Magtulis (2013) nasa wikang katutubo ang higit na may malaking bahagi ng panitikang Pilipino at imumungkahi niya ang pagtutuon ng pansin sa mga panitikang katutubo sa paniniwalang ito ay pagtugon sa isang pangangailangang estitiko na pinalabo ng maraming edukasyong kolonyal .

Ayon kay Lumbera na binanggit ni Magtulis (2013) mahalaga ang pangangalap , pagtitipon , pananaliksik at pagsusuri ng panitikang nakasulat sa wikang bernakular sapagkat dito bumubukal ang pangunahing batas ng pambansang panitikan .

Ang Pilipinas ay isang bansa na may maraming pangkat etniko . Isa sa mga pangkat na ito ay ang Tribu sulod o Panay Bukidnon na makikita sa bulubunduking pamayanan ng bayan ng Lambunao , Calinog at Tapaz . Ayon kay Dr. Alicia P. Magos , sa ngayon mayroon na lang isang pangkat etniko ang nakatira sa kabundukan ng Panay: Ang Sulod aka Panay Bukidnon . ( https://en.m.wikipedia.org.com ).

Sa mga nagdaang taon napanatili ng Tribu Sulod ang kanilang panitikang pasalindila (oral tradition ) kabilang dito ang ; * s ugidanon ( epic) * hinunanon ( primarily legends, myths and folk stories ), * Dumaan nga mga ambahanon ( traditional songs ), * Paktakon ( riddles ), * hurubaton ( proverbs ) , * haya ( lamentation ),* komposo (ballad) at* binalaybay ( poems ). Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon

Ang mga panitikang ito ay naisalin mula sa mga ninuno patungo sa bagong henerasyon sa pamamagitan ng isang binukot (well –kept maiden) na itinuturing tagapangalaga ng kanilang kultura at mga kaalaman . Ang mananaliksik ay naniniwala na napapanahon lamang ang pag-aaral na ito lalo na’t ang tradisyon ng binukot ay hindi na ginagawa sa ngayon .

Ang mananaliksik ay naniniwala na ang edukasyon ay may malaking papel na ginagampanan sa pagtaguyod ng kaalaman ng tao lalong-lalo na sa kanyang kultura at tradisyong pinagmulan , mula sa isang henerasyon tungo sa isa pang henerasyon . Ang pag-aaral na ito ay bilang pagtugon na rin sa programa ng edukasyon na linangin ang karunungan at kamalayang makabansa ng mga kabataan ngayon na tila mga dayuhan sa kilos, hilig , pananamit , pag-uugali at pagpapahalaga . Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon

Teoryang Pinagbatayan ng Pag-aaral Ang Oral Tradition Theory ay hango sa pag-aaral ng mga tradisyong pasalindila . Pinagtutuunang pansin nito ang mga kaalamang palipat-dila sa bibig ng mga matatanda kung saan tampok ang mga kwentong itinuturing na mga pasalitang panitikan . Ang mensahe ay maaaring sa paraan ng pagsasalita o awit gaya ng kwentong-bayan , kasabihan , awitin , komposo , binalaybay at panunudyo sa anyong tugma .

. Naipakita nito ang mayamang pagbabahagiin ng damdamin at karanasan ng tao (Nono,2008). Ang oral na tradisyong ito ay may kakaibang paraan ng pag-alam at paghahanap ng kaalamang maaaring palaganapin , panatilihin , at paunlarin upang maipasa sa mga susunod na henerasyon ( http://www.femwoodpublishing.ca/aboriginal-Oral-Traditions-Renate-Eigenbrod Renee- Hulan /) nasa kay Claro (2013)

Ayon naman sa teorya ng pagsusuri , ang pagsusuri ay isang disiplinang pagtatangka para maunawaan at mabigyang-halaga ang akdang pampanitikan . Ito ay hindi lamang basta – bastang pagsusuri , pamumuna o pamimintas , kundi ito ay tumatalakay kung paano mapahalagahan ng isang mambabasa ang alinmang akdang panliteratura gaya ng tula , kwento,dula at nobela . Magtulis ,(2013 )

Pangangalap ng Komposo at Binalaybay ng Tribu Sulud Pagpili ng Sampung Komposo / Sampung Binalaybay Pagsuri ng Implikasyon Sosyo-Kultural na Masasalamin sa Sampung Komposo at Sampung Binalaybay Komposo Kaugalian Pamumuhay Paniniwala Pagpapaha lagang Moral Binalaybay Kaugalian Pamumuhay Paniniwala Pagpapaha lagang Moral

Paglalahad ng Suliranin Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagsasagawa ng pag-aaral ng mga implikasyong sosyo-kultural ayon sa kaugalian,pamumuhay , paniniwala , uri ng pamumuno at pagpapahalagang moral na masasalamin sa mga piling komposo at binalaybay ng Tribu-Sulod .

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang sumusunod na mga katanungan : Ano ang mga kaugalian , pamumuhay , paniniwala , uri ng pamumuno at pagpapahalagang moral ang masasalamin sa komposo at binalaybay ng Tribu-Sulod ? Ano-ano ang implikasyong sosyo-kultural ang masasalamin sa komposo at binalaybay ng Tribu-Sulod ? 3. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral na ito at ang kanyang maiambag sa pagpapa-unlad ng kulturang Pilipino?

Mga Kagamitan Patnubay s a Pagtatanong . Questionaire Camera Karunungang bayan ( komposo at binalaybay ) Talaan ng natipong komposo at binalaybay Talananungan para sa walong (8) guro na tutulong sa pagsusuri ng implikasyong sosyo-kultural na masasalamin sa sampung (10) komposo at sampung (10) binalaybay Matrix ng kinalabasan ng pagsusuri

Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon Mga Tagatugon Gagamiting tagatugon at hanguan ng kaalaman ang mga mangungumposo na kabilang sa pangkat Tribu – Sulod . P ara sa karagdagang impormasyon titingnan din ang mga materyales na makikita sa Balay Turun -an sa Brgy . Garangan , Calinog . Gayun din ang mananaliksik ay gagawa ng panayam mula sa mga mang-aawit ng programang Amba at Kultura na maririnig sa lokal na estasyon na 94.7 Spirit FM.

Una , A ng pangangalap ng mga komposo at binalaybay mula sa matatanda ng Tribu Sulod . Ikalawa ,Matapos ang masinsinang pagsusuri ng mananaliksik , siya ay pipili ng sampung (10) komposo at sampung (10) binalaybay na gagamitin sa pag-aaral . Ikatlo , Sa tulong ng walong (8) guro na nagtuturo sa wika , panitikan , edukasyon sa pagpapahalaga at araling panlipunan ay susuriin ang komposo at binalaybay gamit ang Malayang Pangkatang Talakayan o ( Focus Group Discussion ) , Pagsusuring Pangnilalaman ( Content Analysis ) at Pagsusuri sa Tema ( Thematic Analysis ) Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon Pamamaraan sa Pagsagawa ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay magtatalaga ng oras at panahon sa pagsagawa ng panayam . Gagamit din ng nakahandang talatanungan at talahanayan upang maitala nang maayos ang kasagutan ng kinakapanayam . Upang lalong maging matiwasay ang pagsagawa ng pagtitipon , gagamit ang mananaliksik ng voice recorder at camera para sa karagdagang dokumentasyon . Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon

Kagamitang Pang- estadistika Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang paggamit ng estadistika dahil ang layunin ng pag-aaral na ito ay susuriin at tutukuyin ang mga implikasyong sosyo-kultural na masasalamin sa mga piling komposo at binalaybay ng Tribu Sulod . Gayun pa man , inaasahang may palarawang pag papaliwanag sa kalalabasan ng pag-aaral na ito . Mga Panitikan at Wika ng Tribu - Sulod o Panay Bukidnon ng Calinog : Isang Pagtitipon

Karling Marina Sanico   O mga Se ñ ores , pamatii ninyo Ako may iga-asoy diutay nga komposo Banwang Balasan , may hanabo didto , Duwa ang dalaga , isa ang soltero   Sabado man kara , Dominggo maaga . Amo ang paglakat ni kailong Kordya . Ang iya nga balon , bilog nga singkwenta . Sa banwang Balasan mabakal teorya .   Anay sa pag-abot sa banwang Balasan . Nangita it balay , nga ginpresentaran . Ang tiyo ni Karling , ana gindayunan . Ang iya nga tuyo pamutsasa bulan .   Gilayon namangkot , ang tiyo ni Karling . Ikaw ang inanak , diin ka maghalin ? Ang imong hitsura , nga dili malain . Ikaw ang inanak sang Mahal nga Birhen .   Duwa ako halin , syudad sang Iloilo. Diri akon tuyo , amo ang mangamo . Sanglit kami’y imol , wala’y kapareho Mahal kong agalon , kon malooy kamo .   Kinse sa Pebrero , Sabado sang gab-i. Sadyang dinugsing , ni Kordya ni Karling Pirti ang dumot , akig sang babayi Nga kay Karling karon , malaot nga swerte .   Ano balang swerte , kag mga kapalaran Kay Karling karon mga dinangatan . Siya ginbuno matalum nga sundang Sang iya kerida , Kordya sulod ka lang.   Gilayon kay sumulod , wala’y duwa-duwa . Wala kapangaman sanglit kay amiga . Gali may sekreto may sundang nga dala . Sa kilid ni Karling hinandos na siya .   Amo na gid ina , lalaking malimbong Kay dili magpati , kon ako’y magpulong . Mamatay ka Karling , wala ka’y basulon . Ikaw ang nagpirde , nobyong malinu-ibon . Kon wa ka lang Karling , gina-ulikdan . Dugay na ron ako , namana ka iban . Kay dili man gusto, gina balabagan . Naga - oner ako , aton nga hinambalan .   Asta ako nga nagdaku , diri sa kalibutan Wala’y may nakamiter , sini nga kalawasan . Solo ikaw Karling , inanak nga manggaran . Ikaw ang nagpirdi sining kadungganan .

Komposo Vilma Sanico      Tanan nga mala- ut sa dughan ko nagdu -aw Anong kabangdanan napat nagalikaw Sa sulod sang dughan , padayon nga ikaw Pinalanggang tunay diin ka na bala ? Kay nang kahidlaw wala ka kitaa Ginbilin ko lagi ang aton nga isa.   Naga- antus ako , naga-antus ako , kag magpinitinsya , Antuson ko na lang badlit kapalaran Sa imo ko ginhatag ining kalawasan . Ano baling swerte , badlit kapalaran Nga sa imo luyo , nga sa imo luyo , Ako mataliwan .    

Maraming Salamat .
Tags