SYNODALITY QUESTIONS FOR COMMUNITY SETTINGS

JuneMercado2 9 views 3 slides May 06, 2025
Slide 1
Slide 1 of 3
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3

About This Presentation

Synod questions


Slide Content

4.1How do prayer and liturgical celebrations actually inspire and guide our common life and mission in
our community?
Ang liturhiya ang nagbibigay inspirasyon at gabay sa aking pagsasakatuparan sa mga pangarap at mithiin
sa aking buhay.
Sa pagdadasal a pakikilahok ng selebrasyon ito ay nakakapagbigay ng inspirasyon o aral na makaktulong
upang lumalim ang ating relasyon sa Diyos.
Ang Banal na Espiritu ang siyang gumaganyak sa atin sa pamamagitan ng pakikinig at pagsasabuhay sa
mga ito.
Mahalaga sa pamumuhay ng tao ang may sinununod na tamang gawi, sapagkat ang mga liturhiyang
selebrasyon ang isa sa gabay sa pagkakaroon ng “communal living”.
4.2How do they inspire the most important decision?
Sa pamamagitan ng panghikayat sa mga mananampalataya na lumahok.
Pag-isip at paggawa ng mga paraan na naaayon sa mga patakaran sa simbahan.
Kung nakikita sa mananampalataya ang pagbabagong naidudulot nito sa ating pamayanan nagiging
epektibo ito kung may kawang-gawa.
Hindi hadlang ang distansiya upang maipakita ang pananamplataya. Higit kang paniniwalaan kung ikaw,
ang iyong sarili, ang magpakita ng pagkilos.
4.3How do we promote the active participation of all the faithfulin the liturgy?
Sa pamamagitan ng pagpapaigting ng pagbibigay impormasyon sa kahalagahan nat kahiwagaan
ng liturhiya.
Sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng salita ng Diyos, pakikibahagi sa mga aktubong gawain ng
simbahan gaya ng pagtulon sa mahirap ngayong panahon ngpandemya
Sa kilos higit na masisilayan ang pagtangkilik sa mensahe ng Bibliya makikiisa sa oagbabahagu
ng gintong aral ng mga salita ng Diyos, ibahagi ito sa kapwa.
Maipromote natin ito sa pamamgitan ng pagsali sa mga gwain ng simbahan at maipamahagi
natin sa iba kung ano ang natutunan at naexperience na nakakapagbigay ng isnpirasyon.
4.4What space is given to participating in the ministries of lector and acolyte?
Bilang kasapi ng simbahan, kinakailangang tayo ang unang magpakita ng pagiging isang
mabuting halimbawa sa ating kapwa ng sa ganoon ay mahikayat natin ang ating kapwa na
manampalayata sa aktibong gawaing simbahan.
Ako na kawangis ng panginoon ay naipapamalas ang pagsilbi sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya,
pagsamaba tuwing may mga mahalagang okasyon sa simbahan, atpb.
Ito ay sa pamamgitan ng pagtulong sa kapwa naisasapuso ng sa gayon ay makagawa ng mabuti sa kapwa.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras para sa kanilang mahalgang gawain upang matugunan ang
kanilang pangangailan at responsibilidad sa pamilya

5.1 Bilang binyagan ano sa tingin mo ang tungkulin mo ang maitutulong mo sa simbahan?
Bilang isang katoliko, ang pinaka-kontreto kong maitutulong sa simbahan ay ang pagbabahagi ng salita
ng Diyos, pangingilin sa araw ng pagsambaa sa banal na komyunyon.
Bilang isang mamayan ang maitutulong ko sa simbahan ay pagsunod sa salita ng Diyos at maiaplly sa
araw araw na pamumuhay
Bilang isang kristyano ang pagpapakilala sa paniniwalang katoliko sa mga mamamayan na nais ng
simbahan na maabutan ng turo ng simbahan.
Pagiging makatao “mahalin ang kapwa sapagkat sa pagmamahal sa kapwa nag-uugat anh mabuting gawa.
5.2 Paano matutulungan ng simbahan ang mga iba’t ibang pangangailangan ng pamayanan?
Halimbawa Usaping political, kahirapan, ekonomiya, kalikasan atpb. Lalo na ngayong pandemya.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng salita ng Diyos na makakatulong upang marealize ng mga
mamamayan ang kakhalgahan ng pagtulong sa kapwa ng higit a pangangailangan lalo na sa panahon ng
pandemya.
sa espiritwal na aspeto itinataas ang moral at ispiritwal at sa kahirapan naman pagbibigay ng mga tulong
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga goods sa mga nangangailangan.
Paghingi ng gabay sa taas kung anong proyekto ang maibabahagi sa pamayanan anong hakbang ang
maaring gawin “dasal lang talaga” guided by the Holy Spirit.
PAGDARASAL. Ito ang pangunahing susu ng sumababang uoang mapagtagunpayan ang anumang
suliraning kinaharap ng bansa.
5.3 Ano ang paraan ng sumbahan upang pag-usaoana ag mga alalahanin at isying panlipunan na
kinakaharap nito? At ano ang partisiasyon ng ibat – ibang samagan sa loob at labas ng simbahan?
Sa pagpupuna ng mga pari sa mga isyu nagiging mulat ang mga kinauukulan at mamamayan. SA
pamamagitan ng pakikilahok at pagsuporta sa mga awaing pangsimbahan.
Nagiging bukas ang simbahan sa isyung panlipunang kinakaharap nito ang tanging magagawa mg
simbahan ay sabihin ito sa kanyang mamalakaya maging bukas ang isipan.
Sa pamamagitan ng pagrespeto sa pansariling desisyon at hakbangin ng estado at ng simbahan,
nagkakaroon ng pansariling diskusyon at solusyon sa mga isyung panlipunan na nagiging dahilan ng
pagbubuklod buklod at ng pagpapalaganap ng katiwasayan.
Sa pamamagitan ng pag-misa at maging homily ang mga isyu ito upang mabugyan ng linaw ito.
5.4 anong lebel ng relasyon o diyalogo ng simabahan sa iba’t iabng relihiyon at paniniwala sa usapang
pagtulong sa pamayanan(magbigay ng konkrretong sitwasyon kung wala ay magbigay ng paliwanag)
Iba-iba man ang ating paniniwala (relihiyon o prinsipyo) pinagbubuklod tayo ng pagmamahalan sa
kapawa dahil tayo ay kristyanong tunay.
Ang pagrespeto ko sa paniniwala ng iabng relihiyon ang magiging budyat upang ang pagkaakisa, pag-
unawa at pagtulong sa kabila ng pagkakaiba ng pananamplataya ay mangingibabaw sa aking pang-unawa
sa aking pang-araw-araw na buhay.

Magkaiba man ang relihiyon, ang mahalaga ay Espiritu ng pagtulong sa kapwa ay mahubog sa bawa’t isa.
Sa paghikayat sa kanila na sundin ang yapak ng panginoong Hesus sa pagsilbi.
6.1 Ano ang paraan ng ating simbahan upang magkaroon ng bukas na komunikasyon sa lahat ng kasapi
nito? (pari,relihiyoso, at laiko)
Pagkumpisal at paglalaan ng oras upang making. Ito ang ilan lamang sa napakaraming paraan ng ating
simbahan magkaroon ng bukas na komuikasyon sa lahat.
Isa sa paraan ay ang pagpunta sa simbahan at makausap ang pari o miyembro ng simbahan upang sabihin
ang nais sabihin.
Paghatid ng mensahe ng pari sa kanyang homily o pagtawag ng mga pagpupulong.
Pinaparamdam ng simbahan ang kanyang pagmamahal at malasakit sa bawat kasapi nito.
6.2 Paano natutugunan, naiuulat at nailalahat ng simbahan ibat ibagn alalahanin sa usaping
pangkaparian, Parokya, samahang laiko at pamayanan.
Sa pamamgitan ng pagkakaroon n pagkakaroon ng meeting kung saan mailalahad ang ibat ibang
alalahanin at mapagusapan “sharing ideas”kung paanp matutugunan ang isang usapin.
Sa pangunguna ng pari na pagusapan ang mga alalahaning pang pangkaparian, Parokya atpb.
Sa pamamgitan ng pagtitipon ng mga lingcod-simabahan pagsasabi ng mga hakbang para sa mga
proyektong makakatulong sa pamayanan.
Pagrespeto sa mithiin ng bawat isa. Tinatanggap ng simabahan ano pa man ang iyong pagkatao.
Nakikinig ito sa mga pansarili mong problema.
6.3 Ano ang mga programa ng Diyosis patungkol sa bukas na Diyalogo at sa iba’t ibang sector ng
pamayanan at relihiyon at paniniwala, lalo na sa mga dukkha. (Maaring magbigay ng mungkahi)
Pagganyak at pangunguna sa usapin na may kinalaman sa isang layunin.
Parish renewal experience isa sa mga programang nasalihan ko na siyang nagpanumbalik o pagbabalik-
loob ko sa Diyos.
Pagsasama ng mga bahagi ng simbahan upang magbahagi ng mga karanasan, pagkasawi, pagsisisi at
pagkamit ng tagumpay na kaeaniwang dinadaluhan ng mga kabataan at ng mga reliyoso.
Pagkakaroon ng learning hub na kung saan nakakatulong ito sa mga bata upang sila ay magabayan sa
kanilang pag-aaral hindi lamang sa akademya ngunit magingsa kanialng relasyon sa Panginoon.
Tags