talumpati para sa buwan ng wika sa buwan ng agusto
adrianlagera
298 views
1 slides
Oct 16, 2024
Slide 1 of 1
1
About This Presentation
A brief message
Size: 12.83 KB
Language: none
Added: Oct 16, 2024
Slides: 1 pages
Slide Content
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda- Dr. Jose P. Rizal
Sa ating minamahal at kapita pitagan na Punong Guro- G. Niño D. Moriles isang magandang araw po, sa aking kapwa
guro regolar man o bolonter sana’y atin pang bigyang halaga ang ating wika at gawa, mga minamahal na magulang,
mga mag-aaral ng Ikalawang Antas ng Visares, mga panauhin, isang pagpupugay at magandang araw sa ating lahat.
Maaring inyong nabatid na ang aking pambungad na pahayag ay gas-gas na ngunit datapwat, kung inyong
mamarapatin, ang ating tema ngayong taon sa selebrasyon ng Buwan ng Wika ay- Filipinio: Wikang Mapagpalaya.
Batid kung kayo ay nagugulohimanan kung ano ba ang nais ipabatid ng mga katagang iyon, sanay inyong marapatin
at bigyang unawa na ang ating tema ngayon ay hindi basta isang salita lamang na binuo upang ating basahin. Sa
panahon na tayo ay muling sinusubok ng ating pagiging isang Pilipino ating pakatatandaan na hindi dahas ang ating
dapat ipanglaban. Ang ating mga matatalinghagang salita na pinanday na ng panahon ang siyang tunay at marapat
lamang na gawing sandata at pananggalang.
Upang aking maipabatid ang kahalagahan ng ating tema, nais kung bigyang diin ang kahalagahan ng ating wika, na
batid naman natin na ang ating mga kilos at gawa ay halos nakapaloob na sa teknolohiya. Atin sanang alalahanin na
ang teknolohiya ay ginawa upang ating magamit sa pag-aaral at pagsisiyasat. Upang atin pang ipalaganap ang
kagandahan ng pagkakaroon ng sariling wika. Sapagkat ito ay hindi lamang sumisimbolo ng Kalayaan, kundi,
nagpapamalas din ng ating pagiging isang tunay na Pilino. Ang ating wika ang siyang nagbubuklod at sumisimbolo ng
ating pagiging Malaya. Atin ding alalahanin na ang teknolohiya ay hindi ginawa upang gawing komplekado ang ating
mga buhay. Gawin sana natin itong daan upang ating maabot ang nagkakaisang Pilipino iba-iba man ang ating salita
para sa isang maganda at nagkakaisang Pilipinas.
Muli, maligayang pagdiriwang ng ating Wika, maraming salamat