Nakaugalian nating mga Pilipino ang sama samang pamamasyal kasama ang buong pamilya.Ang mag- anak na Warren ay namasyal sa Luneta Park. Wow, ang ganda naman po dito , malinis at ang daming tao ang wika ni Wendy. Ang sarap mamalagi sa ilalim ng mga puno dagdag naman ni Waldo. Tingnan niyo bawat pamilya ay nasa ilalim ng mga puno at sabay sabay silang kumakain . Mayroon din mga batang naghahabulan ang sabi ni Wena .. Mga anak tingnan niyo ang malaking watawat , yan ang bandila na sumisimbolo sa ating bansa.Iyan naman ang Bantayog ni Dr. Jose P. Rizal saad ni Tatay Willy.Siya ang ating pambansang bayani dagdag naman ni Nanay Wilma.
May iba’t ibang bahagi ang halaman bulaklak bunga dahon sanga katawan ugat