Layunin Natutukoy ang mga pang- uri sa pangungusap ayon sa kaantasan : ( lantay , pahambing , pasukdol )
* Pambungad na Panalangin
* Pagtsek ng liban sa klase * Pagwawasto ng takdang-aralin * Pampasiglang Sayaw
Mga Pamantayan sa Klase 1. Itaas ang mga kamay tanda na handa sa klase . 2. Maupo nang maayos . 3. Makikinig nang mabuti sa guro at sa kaklase na nagsasalita . 4. Magiging alerto lagi sa klase . 5. Lumahok sa mga gawain at talakayan sa klase . 6. Iwasan ang sabayang pagsasagot . 7. Itaas ang kanang kamay kung gustong sumagot o may mga katanungan .
E.Pagbabalik-aral Alalahanin muna natin ang tungkol sa pang – uri. F. Pangganyak Panuto : Magpapakita ang guro ng mga tunay na bagay at pagmasdan nila itong mabuti pagkatapos , pabuuin sila ng mga pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.Isulat ang mga ito sa istrips
Mga Tanong : Ano-ano ang mga nakikita ninyo ? Saan ito makikita o mabibili ? Sino sa inyo ang may maraming tanim na prutas at gulay ? Sino ang gustong kumain ng prutas o gulay ? Sa palagay ninyo , bakit kailangang kumakain tayo nito ? Dapat ba nating ipagpapatuloy ang pagtatanim ng mga prutas o di kaya’y mga gulay ? Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa ating mga tanim lalong-lalo na sa mga prutas at gulay ?
B. Paglalahad Ilalahad ng guro ang mga pangungusap na nasa istrips at isa-isahing pag-uusapan ang mga pang- uri na ginamit sa pangungusap na binuo ng mga mag- aaral .
Wastong Paggamit ng mga Pang- uri Ayon sa Kaantasan : ( lantay , pahambing , pasukdol )
Lantay – mga pang- uring naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip . Halimbawa : Mabango ang bulaklak . Madilaw ang bulaklak .
E.Paglalahat Ipasagot ng mga mag- aaral ang mga sumusunod na tanong : 1.Ano-ano ang tatlong kaantasan ng pang- uri ? 2.Paano mo matutukoy ang bawat antas ng pang- uri ?
F.Paglalapat Pag-aralan mo ang mga pangungusap sa ibaba.Tukuyin ang mga pang- uri sa bawat bilang . Isulat ang sagot sa sagutang papel . 1. Madilim ang daan na tatahakin ni Eric. 2 . Masarap ang langka na kinain ko kanina . 3 . Mas maganda ang damit ni Rose kaysa damit ni Reyna. 4. Pinakamabilis si John sa mga batang lalaki .
Pagtataya Panuto:Tukuyin ang pang- uring ginamit sa bawat pangungusap at bilugan ito . Isulat sa tapat nito kung ito ay lantay , pahambing , o pasukdol . 1. Maganda ang bahay nila . Sagot : ___________________ 2. Kasinlinis ng silid ko ang silid ng kapatid ko . Sagot : ___________________ 3. Mas malaki ang bag mo kaysa sa kanya . Sagot : ___________________ 4. Pinakamabait ang anak ni Aling Rosa sa lahat ng mga kabataan sa kanilang lugar . Sagot : ___________________
V . Takdang-aralin Panuto : Ipagmalaki ang sariling pamayanan sa pamamagitan ng pagguhit ng isang poster.Sumulat din ng isang talata gamit ang kaantasan ng pang- uri na naglalarawan ng tao , lugar , bagay at pangyayari sa sarili , ibang tao at katulong sa pamayanan .