Guinicolalay National High School-Tarakan Extension
FILIPINO 9
Unang Markahang Pagsusulit
Pangalan: __________________________ Taon at Pangkat: ________________ Iskor/ Marka: _________
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at sagutin ito nang buong
katapatan. Isulat lamang ang letra ng napiling tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.
Para sa bilang 1 (Buhat sa kuwentong “Ang Ama”)
Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-
dabog, tiyak na walang pagkain at ang mga bata’y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa
nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking
kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha.
______1. Anong katangian ang inilalarawan ng
talata ukol sa mga bata?
A. nahihiya C. natatakot
B. nahihibang D. nanlulumo
Para sa bilang 2-3(Anim na Sabado ng Beyblade)
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa
ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga
nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-
ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng
kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na
walang sakit, walang gutom, walang hirap .
Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang
maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay
paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot
ng pagkalungkot.
______2. Sa palagay mo, anong damdamin ang
lalabanan ng mga naiiwan sa pagkawala ni Rebo?
A. alaala C. imahinasyon
B. labis na KalungkutanD. pagkadismaya
______3. Alin sa ibaba ang tinutukoy na lugar kung
saan tumungo si Rebo kasama ang kanyang
beyblade batay sa pangungusap na may
salungguhit?
A. Ibayong Dagat C. Libingan
B. Paraiso D. Ulap
Para sa bilang 4
Sa teleseryeng “Ang Probinsiyano”, si Homer ay
pinuno ng grupong Pulang-araw na naghahasik ng
kasamaan sa lipunan
______4. Anong pangyayari sa totoong buhay na
maaaring ihambing sa teleserye?
A. Pagsali sa mga Gang.
B. Pakikipag-ugnayan sa mga illegal na gawain.
C. Pakikipag-ugnayan sa mga artista.
D. Pagpapalaganap ng Kabuhayan.
Bilang 5-6 (Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari)
I- Pagkakasesante ng Ama sa Lagarian.
II- Pagkabalandra ni Mui-Mui dahil sa lakas ng
suntok galing sa ama.
III- Pag-uwi ng ama sa bahay na may dalang supot
ngunit muli rin itong lumabas.
IV- Pag-abot ng amo ng ama ni Mui-Mui sa perang
nakasobre.
______5. Aling pangyayari ang dapat na mauna?
A. II C. III
B. I D. IV
______6. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari?
A. I-II-III-IV C. II-III-I-IV
B. IV-III-II-I D. II-I-IV-III
Para sa bilang 7
Di-alintana ni Adrian ang mga kabagutang
nadarama niya sa araw-araw na buhay. ________
nainitindihan niya rin ang responsibilidad na
nakaatang sa kanya ukol sa pag-aruga sa amang
matanda.
______7. Anong pang-ugnay ang dapat na ipuno
sa patlang?
A. Sa wakas C. Samantala
B. Nang Gayon D. Datapwat
Para sa bilang 8
Isang lalaking mahilig maglakbay sa buong
mundo ang kaniyang napangasawa. Dahilan ito
upang siya ay malungkot. Umibig siya sa isang
guwapong lalaking mas bata pa sa kaniya.
______8. Anong bahagi ng kuwento napabilang
ang pangyayari?
A. Simula C. Gitna
B. Wakas D. Tunggalian
Para sa bilang 9
Nais ni Adrian na makawala sa responsibilidad
na nakaatang sa kanyang balikat – ang pagiging
tagapag-alaga sa kanyang Amang balo at may
kahinaan na sa pangangatawan. Naiinggit siya sa
mga kapatid niyang nagtatrabaho sa ibang bansa
kasama ang kani-kanilang pamilya.
______9. Anong tunggalian ang inilalarawan ng
pangyayari?
A. Tao vs. Tao C. Tao vs. Sarili
B. Tao vs. Lipunan D. Tao vs. Kalikasan
Para sa bilang 10
Sa takot na makulong nang habambuhay ang
kaniyang lalaking iniibig at sa pananakot ng mga
lalaking hiningian niya ng tulong, pumayag siya sa
gusto ng mga lalaking ito kapalit ng kalayaan ng
iniibig.
______10. Ano ang ipinahiwatig ng talata ukol sa
kanyang ginawa para lang masalba ang
minamahal?
A. Handa niyang ibuwis ang buhay.
B. Nais niyang magbago.
C. Gusto niyang may mapatunayan.
D. Ibig niyang maging bayani.
Para sa bilang 11
Marami ang nalulong sa droga sa kasalukuyan.
Mapabata man o matanda ay nauugnay rito.
_________ ko dapat sigurong alamin ng pamilya
mismo ang pinag-ugatan nito?
______11. Ano ang tamang gamitin sa
pagpapahayag ng opinyon na ipuno sa patlang?
A. Akala C. Sa tingin
B. Natitiyak D. Hula
Para sa bilang 12
___________ ko, may mga taong handing
tumulong sa mga taong nakararanas na hindi
naghihintay ng anumang kapalit. Pero bakit
ganoon, nanunumbat sa tinutulungan?
______12. Anong pagpapahayag ng opinyon ang
dapat gamitin sa talata?
A. Ang akala C. Sa tingin
B. Natitiyak D. Hula
______13. Alin sa ibaba ang HINDI kasali sa
pangkat?
A. Luha ng Buwaya
B. Isang Libo’t Isang Gabi
C. Ang Pagbabalik
D. Ang Kuba ng Notre Dame
______14. Sino ang may salin sa Filipino ng
nobelang Isang Libo’t Isang Gabi?
A. Julieta U. Rivera
B. Mauro R. Avena
C. Ferdinand Pisigan Jarin
D. Dr. Romulo N. Peralta
Para sa bilang 15
“At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
______15. Anong pangyayari sa totoong buhay na
maaaring maiuugnay sa mga taludtod sa itaas?
A. Mangibang-bansa para kumita.
B. Pupunta sa opisina nang maaga.
C. Magpoproseso ng mga papeles.
D. Magpapatala sa Kampeon ng Tanghalan
Para sa bilang 16
“Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang
pagmamahal na inialay.”
______16. Ano ang ipinahihiwatig ng linya ng tula?
A. pag-iisa
B. paglubog ng araw
C. pagpanaw ng isang tao
D. panibagong araw na darating
Para sa bilang 17
“At ako’y lumakad, halos lakad-takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko
Ang aming tahana’y masayang totoo
______17. Anong emosyon ang inilalarawan sa
mga taludtod?
A. pananabik C. pagkatuwa
B. pagkabagot D. pagkamangha
Para sa bilang 18-20
Ako’y guro, asawa at ina
Isang babae-napapagal sa pagiging babae
Itinakda ng kabahaging
Masumpa sa walis, labada’t oyayi.
______18. Sino ang persona sa tula?
A. kusinero C. guro
B. labandera D. OFW
______19. Ano ang hinaing ng babaeng nasa tula?
A. napapagod C. nasusuya
B. nagagalit D. naiinis
______20. Ano ang ibig ipakahulugan ng oyayi sa
huling taludtod?
A. Awit sa Pagluluto C. Awit sa Pag-aruga
B. Awit sa Paglalaba D. Awit sa Paghehele
Para sa bilang 21-22
“Lubog na ang araw, kalat na ang dilim
At ang buwan nawa’y ibig nang magniningning.”
______21. Sa pang-ilang pantig mangyayari ang
saglit na paghinto sa pagbigkas na tinatawag na
sesura?
A. pansiyam na pantig C. pampitong pantig
B. pang-anim na pantig D. pangwalong pantig
______22. Anong panahon o oras ang ibig tukuyin
ng mga taludtod?
A. madaling-araw C. hapon
B. takipsilim D. hatinggabi
Para sa bilang 23
Kahit noong maliit pa ako’y may pang-akit na sa
aking pandinig ang salitang emansipasyon.
______23. Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. kaunlaran C. pamayanan
B. pagbabago D. sibilisasyon
Para sa bilang 24
“Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako
sa kanilang nais”.
______24. Ano ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag?
A. pagkatalo
B. pagiging sunod-sunuran
C. kawalan ng kapangyarihan
D. kasiyahan
______25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
katangian ng babaeng moderno ayon sa akdang
“Kay Estela Zeehandelaar”?
A. mapagmataas C. malaya
B. masaya D. maagap
______26. Sino ang ibig makakilala ng isang
“babaeng moderno”?
A. Estela Zeehandelaar C. Pangeran Ario
B. Prinsesang Javanese D. Reyna Wilhemina
______27. Anong genre napabilang ang akdang
“Kay Estela Zeehandelaar”?
A. Dula C. sanaysay
B. Liham D. Tula
Para sa bilang 28
Bihira sa mga babaeng moderno ang naniniwala sa
kasagraduhan ng kasal.
______28. Ano ang ibig sabihin sa pariralang may
salungguhit?
A. makabago C. masayahin
B. mapagmataas D. matiisin
______29. Alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?
A. Pagbibigay ng oras sa mga maysakit.
B. Pagdamay sa sandal ng pagdadalamhati.
C. Pagpapautang nang may tubo
D. Pagtanggap sa kanya maging sino o ano man
siya.
______30. Para sa iyo nakatutulong nga ba ang
mga kababaihan sa isang lipunan?
A. Hindi, dahil mahihina sila.
B. Hindi, dahil pantahanan lamang sila.
C. Oo, dahil ang babae ay katuwang ng lalaki.
D. Oo, dahil kumpleto ang lipunan kung walang
babae.
______31. Ano ang gagawin mo kung
halimbawang isa kang prinsesa at hindi mo nakamit
ang iyong nais?
A. Magrebelde.
B. Magmukmok.
C. Hihingi ng dispensa.
D. Hindi mawawalan ng pag-asa.
Para sa bilang 32
“Sa wakas lumuwag ang tali ng aking buhay.”
______32. Ano ang gamit ng may salungguhit sa
pahayag?
A. Transitional devicesC. Retorika
B. Kohesyon D. Semantika
Para sa bilang 33
“Opisyal na inihandog ng aking mga magulang ang
aking kalayaan.”
______33. Ano ang ibig sabihin ng
sinalungguhitang parirala?
A. ordinaryong pagbibigay
B. ibinigay ng nakatataas
C. espesyal na ibinigay
D. kumpirmadong ibinigay
______34. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng
pagrerebelde ng damdamin ng prinsesa?
A. Ang modernong babae ay malaya, ang
tradisyonal na babae ay di-malaya.
B. Ang lalaki ay dapat mag-aral, ang mga babae ay
sa bahay lang.
C. Ang kanyang mana ay maliit lamang, ang mana
ng kanyang mga kapatid ay malaki.
D. Tama ang A at B
______35. Anong uri ng dula ang nagtataglay ng
malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na
masaya?
A. Komedya C. Tragikomedya
B. Melodrama D. Trahedya
______36. Anong sining ng panggagaya sa tunay
na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at
magsilbing salamin ng buhay?
A. Kathambuhay C. Teatro
B. Dula D. Sarsuwela
______37. Alin sa mga pangyayari sa dulang “Tiyo
Simon” ang nagsasaad ng katotohanan?
A. Sumasagot-sagot si Boy sa kanyang nanay dahil
ayaw nitong sumama sa simbahan.
B. Di-nagdesisyon si Tiyo Simon na sumama sa
simbahan.
C. Kinukunsinti si Boy ng kanyang nanay.
D. Malayo ang loob ni Boy sa kanyang amain.
Para sa bilang 38
________ lang, ayaw na ayaw niyang mawalay sa
pamilya nang matagal-tagal.
______38. Anong ekspresyong nagpapahayag ng
katotohanan ang dapat ipuno sa patlang?
A. Sa totoo C. Talaga
B. Sa tunay D. Tiyak
Para sa bilang 39-40
“Naging saksi si Tiyo Simon sa pagkasagasa sa
batang binalikan ang kaniyang manika dahil sa
pagkahulog nito. Buhat noon, iyon ang naging susi
na bumalik ang loob niya sa Panginoon.”
______39. Sino ang tinutukoy na nagbalik-loob sa
Diyos?
A. Ang bata C. May-ari
B. Tiyo Simon D. May-akda
______40. Anong bagay ang naging dahilan sa
pagkamatay ng bata?
A. Manika
B. Tangang Drayber
C. Walang paki na Saksi
D. Ang Trapiko