II. Official Hymn: PAMBANSANG KULTURA
Titik: Virgilio Almario
Musika: Felipe de Leon, Jr.
Orkestrasyon: Diwa de Leon
Pambansang kultura, ating dalisayin
Mula sa gunita’t alamat ng lahi;
Mula saribúhay, kulay-bahaghari.
Pambansang kultura, ating pag-alabing
Láwas ng marangal, ginhawa, matatag;
Tanglaw sa pagbigkis, paglusog, pag-uswág.
Ating paghaluing kunday ng kampílan,
Busíl ng hagábi, dunsól ng kulíntang,
Rabáw ng tinalak, moog ng singkában,
Ang lahat ng diwa at harayang taal.
Pambansang kultura, ating-atin lámang,
Kapag itinanghal saanman sa mundo:
Malikhain, mapagbago, Filipino.
Ating paghaluing kunday ng kampílan,
Busíl ng hagábi, dunsól ng kulíntang,
Rabáw ng tinalak, moog ng singkában,
Ang lahat ng diwa at harayang taal.
Pambansang kultura, ating-atin lámang,
Kapag itinanghal saanman sa mundo:
Malikhain, mapagbago, Filipino.
Malikhain, mapagbago, Filipino.