THIRD GRADING ESP 9 exam0000000000000000000000000000000000000.pdf

JariesUmaguing2 6 views 4 slides Feb 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 4
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4

About This Presentation

none


Slide Content

Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
CAMBITALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Cambitala, Pantabangan, Nueva Ecija

IKATLONG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9

Pangalan_________________________________________ Score ____________________________
Antas/seksyon__________________________

PANUTO: BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA SITWASYON. ISULAT
ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL

1. Ito ay isang gawi na gumagamit ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat para sa isang indibidwal.
a. Makabayan b. Katarungan c. Makatao d. Kawalan ng katarungan
2. Ang prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat tao anumang ugnayan mayroon siya sa
kanyang kapwa?
a. Ang pahayag ay tama c. Ang pahayag ay maaaring tama depende sa tao.
b. Ang pahayag ay mali d. Walang tama sa mga nabanggit
3. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
a. Sundin ang mga alituntunin ng pamayanan c. Igalang ang karapatan ng kapwa
b. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan d. Pag-aralan ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan,
ng bansa lipunan at simbahan
4. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagsasaalang-alang sa katarungang panlipunan?
a. Binubuo ng pangkat ng tao ang lipunan
b. Umiiral ang lipunan para sa mga tao
c. Mahalaga sa tao ang pakikipagkapwa sa lipunang kanyang kinabibilangan
d. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
a. Nagiging makasarili kapag kaya ng tumayo sa sariling paa
b. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba
c. Natututong tumayo sa sarili at hindi umaasa sa tulong mula sa pamilya
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba
6. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap ng isang tao na tapusin ang kanyang gawain bago ang takdag oras upang makamit
ang kanyang layunin sa paggawa?
a. Malikhain b. Matiyaga c. Masipag d. Masigasig
7. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangang mag-impok ng kabuhayan ang tao maliban sa:
a. Para sa kanyang pagreretiro c. Para sa iba pang hangarin niya sa buhay
b. Para maging inpirasyon sa buhay d. Para sa proteksyon sa buhay ng kanyang buong pamilya
8. Ito ay kaloob na ipinagkatiwala sa tao. Ang konsepto ng pagiging katiwala nito ay nagmula sa prinsipyong
mayroong nagmamay-ari ngunit hindi dapat inaabuso. Ano ang kaloob na tinutukoy dito?
a. Oras b. Pera c. Gamit d. Pagkain
9. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero
hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang gawain. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kanyang tungkulin?
a. May pagtatangi siya sa kanyang trabaho
b. Ginagawa niya ng may kahusayan at pagmamahal ang kanyang tungkulin
c. Ang kaganapan ng kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kanyang pangarap
d. Ginagawa niya ito sa pagnanais na magkaroon ng karagdagag benepisyo sa kanyang trabaho.
10. Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng oras, kailangan ang pagtatakda ng tunguhin
(goal) sa iyong paggawa. ”Kailangan na ang isinusulat mo na tunguhin sa paggawa ay kaya mong gawin at
isakatuparan. Anong tunguhin ang isinasaad dito?
a. Nasusukat b.Tiyak c. Naabot d. Reyalistiko
11. Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na kaayusan?
a. Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas
b. Ang moral na kaayusan kung gayon ay nararapat na maging tulay ng legal na kaatusan s lipunan
c. Ang moral na batas ay katumbas ng legal na batas
d. Ang legal na kaayusan ay nawawalan ng kahulugan
12. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito, siya ay nagging
matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo niya at pinaunlad. Naging madali ito para sa kanya dahil ito ay
ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangiang mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte at matalino
b. Maganda ang relasyon sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa

c. Tanging tiwala sa sarili ang kanyang taglay
d. May pananampalataya sa Diyos, angking kasipagan at may tiwala sa sarili
13. Ang produktibong pagbuo ng isang kakaibang bagay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng pangongopya sa
gawa ng iba ay pagsasabuhay ng anong uri ng pagpapahalaga?
a. Matiyaga b. May disiplina sa sarili c. Malikhain d. Masipag
14. Hindi naging hadlang ang pagiging bulag ni Mari Gennette Roselle Rodriquez Ambubuyog upang maisakatuparan
ang kanyang pangarap sa buhay. Anong Kagalingan sa Paggawa ang ipinakikita nito?
a. Pagiging bukas sa pagdududa at kawalang katiyakan c. Pagiging Palatanong
b. Pagsubok sa kaalaman gamit ang karanasan at pagpupunyagi d. Patuloy na Pagkatuto
15. Bilang isang tao, tayo ay mayroong pananagutan at karapatan. Alin sa mga paraang ito ang hindi makatarungan?
a. Pagdedemanda b. Pagrarally c. Paghihiganti d. Hindi pakikipag-usap sa katunggali
16. Bata palang si Daniel ay pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali para sa kanya ang pag-abot sa kanyang
pangarap?
a. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap upang maging isagn mahusay na guro
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
c. Maging masipag, mapagpunyagi at magkaroon ng disiplina sasarili
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
17. Ang mga halaman ang nagbibigay ng oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop, halaman at pati na mga tao. Sa isang
banda, tao at hayop man ay naglalabas din ng carbon dioxide na ginagamit naman ng mga halaman sa paggawa
ng pagkain. Ano ang ibig ipakahulugan ng kaalamang ito?
a. Hindi mahalaga ang halaman sa tao at hayop. c. Ang pananatili ng kalusugan
b. Ang paglalapat ng balance sa sining, siyensya, lohika d. Ang pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng
at imahinasyon bagay
18. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay. Paano ang mabisang paraan
upang mapangalagaan at mapanatili ang kabutihang panlahat ukol dito?
a. Umiiral ito kung yayakapin ng mamamayan ang pandaraya c. Itaguyod ang karapatang pantao
b. Hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado d. Pagsunod sa batas at mga alituntunin
19. Ang batas ay para sa tao at hindi para sa batas. Ano ang kahulugan nito?
a. Nakatakda na ang batas ay kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay
b. Para lamang sa may kapangyarihan ang batas
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuway siya sa itnakda ng batas
d. Ang mga itinakdang batas ay para sa ikabubuti ng nakararami kaya dapat lang sundin ang lahat ng mga ito
20. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan sa oras na gusto niya lang
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang maiangat at mapaunlad ang kaniyang kakayahan
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin sa lipunan
d. Nagkakaroon ng dahilan ang tao upang mabuhay
21. Kung ikaw ang lilikha ng isang produkto, alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng anumang produktong kikita ang tao c. Gumawa ng produktong magpapabago sa tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong ng tama sa tao d. Gumawa ng produkto ayon sa kalooban mo
22. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
a. Maging matipid at matutong makuntento c. Maging maingat sa paggastos
b. Maging mapagbigay d. Maging masipag at matutong maging matiyaga
23. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama?
a. Laging makinig sa ibat-ibang instrumentong pangmusika si Diana
b. Gumugugol ng maraming oras si Leonard upang pagmasdan ang ibong lumilipad
c. Pinauunlad ng mga magsasakang Pilipino ang kanilang mga sinasakang taniman
d. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusyon
24. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan sa isang gawain
c. Nakatutulong ang kasipagan sa pakikipagrelasyon ng tao sa kaniyang kapwa at sa lipunan
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya at
disiplina.
25. Ano ang naglalarawan na pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
a. Maging simple lang at matutong makuntento c. Maging marangya sa buhay
b. Maging mapagbigay at matutong tumulong d. Maging masipag at matiyaga
26. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito din ang pumipigil sa tao upang hindi siya ay
magtagumpay?
a. Kayabangan b. Katamaran c. Kawalan ng tiwala sa sarili d. Kababawan
27. “Bilang kabataan, dapat ay simulan mo ng gawin ang lahat ng kaya mong gawin at lahat ng kaloob sa iyo na
maaari mong gamitin upang makaambag sa pag-unlad ng bansa”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa
b. Alamin kung ano ang mahigpit na pangangailangan ng bansa
c. Gamitin at pahalagahan ang oras sa lahat ng pagkakataon

d. Pamahalaan angpaggamit ng oras at gamitin ang talent para sa bansa
28. Si Zeus ay litong-lito kung ano ang gagawin dahil nagkataong lahat ng mga asignatura ay may mga takdang aralin
na kailangang tapusin at isumite sa takdang oras. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuti niyang gawin?
a. Tayahin ang tunguhin c. Huwag na lang gumawa
b. Unahin ang pinakamahalaga at pinakamahirap d. Pamamahala sa pagpapabukas-bukas
na Gawain ayon sa iskedyul
29. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a. Palagiang pagdalo sa birthday celebration ng mga kakilala
b. Pagiging pantay ng lahat ng tao mahirap man o mayaman d. Pakikipag-ugnayan sa mga taong maaaring
c. Pagtulong sa mga mahihirap
d. Pakikipag-ugnayan sa mga taong maaarig makatulong sa iyo
30. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
a. Mapapabilis ang paggawa
b. Magkakaroon ng sense of achievement
c. Makatutulong ito sa pagkamit ng mga inaasahang kilos
d. Magiging mas epektibo ang pamamahala at paggamit ng oras sa paggawa
31. Ano ang sinasabi ng teorya ni Maslow na tinaguriang “The Hierachy of Needs” ay tungkol sa:
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na pangangailangan
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo nasa hinaharap
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguruhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa hinaharap
32. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at
determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
33. Si Janet ay sadyang masipag at hindi siya nagmamadali sa kanyang gawain. Sinisiguro niya parati na maayos
ang kalalabasan ng kanyang gawain. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng kasipagan ni Janet maliban sa:
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
b. Ginagawa ang gawain ng may buong pagmamahald. Nagrereklamo siya sa ginagawa kapag pagod na siya
34. Ito ay ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay at kabaligtaran ng inaasahang
pangyayari?
a. Pandama b. Mausisa c. Demonstrasyon d. Misteryo
35. Sa pagreretiro ni Mang Manuel ay nakatanggap siya ng mga benepisyong hidi niya inaasahan mula sa
kumpanyang kaniyang pinaglingkuran ng 40 taon kabilang plake ng pagkilala. Ito ba ay palatandaan ng
kagalingan sa paggawa?
a. Oo, sapat ng basehan ang 40 taon niyang paglilingkod
b. Hindi, ibinibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro
c. Oo, hindi ibinibigay ng kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat gawaran nito
d. Hindi, ibinibigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Manuel sa kanyang pagreretiro
36. Ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito ay maisasakatuparan ang kanyang responsibilidad sa?
a. Sarili, kapwa at Diyos c. Sarili, pamahalaan at lipunan
b. Sarili, mamamayan at lipunan d. Sarili, batas at lipunan
37. Laging pagod sa pagtuturo ang mga guro sa Paaralang Elementarya ng Karangalan ngunit hindi sila
nagrereklamo at hindi nagpapabaya ang mga ito sa kanilang mga tungkulin.Paano nila naisasakatuparan ang
kagalingan sa paggawa?
a. Gumagawa sila ng may kahusayan a kanilang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi sa mga mag-aaral
c. Ang kaganapan ng pagiging mabuting manggagawa ay dahil sa inaasam na pangarap
d. Ang [agkakaroon ng pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo
38. Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga ng panggagaya. Ito ay dapat na likha ng iyong mayamang pag-
iisip, orihinal at bago ang produkto. Ito ay bunga ng ideyang maging iba at kakaiba?
a. Kasipagan b. Malikhain c. Masigasig d. Tiyaga
39. Ano ang kahulugan ng pangungusap na: ”Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay
darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa”?
a. Gaano man ang hirap na iyong maranasan sa pagtupad ng iyong gawain ay pagsumikapan mo itong
mabutimong malagpasan ito sapagkat darating ang araw malalasap mo ang tagumpay na dulot nito
b. Mahirap man ang buhay ay may mga taong handang tumulong
c. Matatag ang taong maraming pinagdaraanang karanasan sa buhay
d. Pagkatapos ng ulan ay mayroon pa ring bahagharing lilitaw
40. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangang mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban
sa?
a. Para sa pagreretiro c. Para sa hangarin sa buhay
b. Para maging inspirasyon sa buhay d. Para sa proteksyon sa buhay



41. Bago sumapit ang Pasko ay abala ang mga taga Nueva Ecija na gumawa ng mga makukulay parol na siguradong

mabenta dahil sa kakaibang istilo nito. Ang mga sumusunod ay mga motibasyong isinasaalang-alang ng mga
manggagawa ng parol maliban sa:
a. Pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa c. Personal na kaligayahan na mararamdaman sa paggawa nito
b. Materyal na bagay at pagkilala ng lipunan d. Napauunlad ang talentong kaloob ng Diyos
42. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan:
a. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa c. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal d. Mayroong pagkukusa kung alam na may kapalit
43. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat na katuwiran para sa kaniya. Alin sa mga sumusunod na
sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. Kumakain sabay-sabay ang pamilya c. Pinapayuhan ang kapatid sa gawaing bahay
b. May Feeding Program ang paaralan para sa d. May mayamang bumili sa lahat ng paninda ng isang
mga mag-aaral na kulang sa timbang magandang tindera sa palengke upang makauwi ito ng maaga
44. Ang taong ito ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan. Hindi siya nakukuntento sa simpleng sagot
o mababaw na kahulugan na kanyang narinig o nabasa. Ang taong ito ay:
a. Pandama b. Misteryo c. Demonstrasyon d. Mausisa
45. Pinalitan ni Leslie ang nagretirong punong-guro sa kanilang paaralan. Ang husay at galing ng dating punong-guro
ay hindi niya kayang higitan. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay
karapatdapat sa posisyong ibinigay sa kanya sa kabila ng kaniyang ilang kahinaan?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro
b. Gamitin ang angking ganda, karisma, at talino sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho
c. Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasagawa ng kaniyang tungkulin
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon niya sa mga ito.


46-50. PANUTO: Ipaliwanag ang ibig ipakahulugan ng pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

Ang oras ay ipinagkaloob at ipinagkatiwala ng Diyos sa tao. Paano mo ito pahahalagahan at pamamahalaan?
_______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________ _
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________ ___________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_________________________________________ _____________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
.





Inihanda ni: JARIES S. UMAGUING Checked by: SHIRLEY B. SAMULDE
GURO School Testing Coordinator





Noted: MA. ROMANA I. ORMILON
School Head/ASP II
Tags