IV. Pagsasagawa ng natutunan sa pagbabahagi ng Mabuting Balita
I. PRINSIPYO NG PAGBABAHAGI NG MABUTING BALITA
What?
A. Ano ba ang Mabuting Balita o Ebanghelyo ?
Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo na makapagliligtas sa sinumang sumasampalataya
Roma 1:16 “Ito ay sapagkat hindi ko ikinakahiya ang ebanghelyo patungkol kay Cristo , sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat isang sumasampalataya . Ang ebanghelyo ay una , para sa mga Judio at sunod ay para sa mga Gentil.”
Why?
B. Bakit nararapat nating ipangaral ang Mabuting Balita ?
Ito ang natatanging agenda ni Jesus, ang hanapin at iligtas ang mga naliligaw ng landas .
Lucas 19:10 “Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw .”
Ito ang Huling iniutos ni Jesus sa Kanyang 12 alagad at sa ating lahat na Mananampalataya bago siya umakyat sa Langit .
Marcos 16:15 “ At sinabi ni Jesus sa kanila , “ Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao .”
Mateo 28:18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila , “ Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa
Mateo 28:19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa . Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Mateo 28:20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo . Tandaan ninyo , ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon .”
Who?
C. Kanino natin dapat ibahagi ang Mabuting Balita ?
Iniutos ng Panginoong Hesus na ibahagi ito sa Lahat ng Tao sa buong mundo .
Marcos 16:15 “ At sinabi ni Jesus sa kanila , “ Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao .”
Where?
D . Saan ba tayo dapat magsimulang magbahagi ng mabuting balita
Kung saan tayo nakatira , at hanggang sa dulo ng daigdig
Mga Gawa 1:8 “ Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig .”
How?
E. Paano tayo magbabahagi ng Mabuting Balita ?
Inutusan tayo ng Panginoong Hesus na magbahagi ng Mabuting Balita , hindi sa pamamagitan ng sariling lakas , talino o galing , kundi sa Kapangyarihan ng Espiritu Santo .
Mga Gawa 1:8 “ Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo , at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig .”
When?
F. Kailan ba dapat tayo magsimulang magbahagi ng Mabuting Balita ?
Ayon sa salita ng Diyos , “ Ngayon ” ang araw ng Pagliligtas . Laging “ Ngayon ” ang tamang panahon sa pagbabahagi ng Mabuting Balita .
2 Corinto 6:2 “ Sapagkat sinasabi niya , “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita , sa araw ng pagliligtas , sinaklolohan kita .” Ngayon na ang kaukulang panahon ! Ito na ang araw ng pagliligtas !”
II. Pagbabahagi ng Mabuting Balita
1. Mahal ka ng Diyos at Siya’y may Magandang Plano sa iyong buhay
Juan 3:16 “ Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng diyos sa sangkatauhan , kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang anak , upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak , kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan ”
Juan 10:10b “ ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito ”
Bakit ang karamihan ay hindi nakararanas ng masaganang buhay ? Sapagkat …
2. Ang tao ay makasalanan at nahiwalay sa Diyos , kaya’t hindi niya maaring malaman at maranasan ang pag-ibig at plano ng Diyos sa kanyang buhay .
Roma 3:23 “ sapagkat ang lahat ay nagkasala , at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng diyos ”
Roma 6:23a “ sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan …”
Ipaliliwanag ng ikatlong tuntunin ang tanging paraan upang matugunan ang suliranin ng tao …
3. Si Hesu-cristo ang tanging Lunas sa kasalanan ng tao . Sa Pamamagitan niya ay malalaman mo ang Pag- ibig at Plano ng Diyos sa iyong buhay
Roma 5:8 “ Ngunit pinatunayan ng diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.”
1 corinto 15:3 “ sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin : na si cristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan , tulad sinasabi sa kasulatan ”
1 corinto 15:4 “ inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw , tulad din ng sinasabi sa kasulatan ”
1 corinto 15:5 “at siya’y nagpakita kay pedro , at saka sa labindalawa .
1 corinto 15:6a “ pagkatapos , nagpakita siya sa mahigit na limangdaang kapatid na nagkakatipon …”
Juan 14:6 “ sumagot si Hesus , “ ako ang daan , ang katotohanan at ang buhay . Walang makakapunta sa ama kundi sa pamamagitan ko.”
Hindi sapat na malaman lamang ang tatlong tuntuning ito …
4. Kinakailangan nating tanggapin si Hesu -Cristo na ating Tagapag-ligtas at Panginoon ; Saka lamang natin malalaman at mararanasan ang Pag- ibig at plano ng Diyos sa ating buhay .
Juan 1:12 “ Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng diyos .”
Efeso 2:8-9 “ ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya , at ito ay hindi sa inyong sarili , ito ay kaloob ng diyos . Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman .”
Pahayag 3:20 “ narito , ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok . Kapag narinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kanya.”
Panginoong hesus , kailangan kita . Salamat sa pagkamatay mo sa krus para sa aking mga kasalanan . Binubuksan ko ang aking puso at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at panginoon . Salamat po sa pagpapatawad mo sa aking mga kasalanan at sa pagbibigay sa akin ng buhay na walang hanggan . Ikaw po ang maghari sa trono ng aking buhay . gawin mo po akong isang taong namumuhay ayon sa iyong kalooban . amen
III. Pagsasanay sa pagbabahagi ng Mabuting Balita
A. Pagpapakita ng halimbawa kung paano ibahagi ang 4SL sa iba .
Ipakikita ang halimbawa kung paano magsimula ng pakikipag-usap , at kung paano ang nararapat na pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon habang binabahagi ang 4SL, at kung paano tatapusin ang pagbabahagi .
Page 9
Una ay sa Kaliwa , pagkatapos kanan ang pinili
Just Proceed to page 10 and finish reading the booklet
Page 9
Kaliwa , pagkatapos ay kaliwa pa rin
Just Proceed to page 10 ipakita kung paano tatanggapin si jesus
Tanungin kung nais niyang tanggapin si hesus
If yes, proceed sa prayer and finish the booklet
If no
Proceed to page 13 ( gawing future tense)
then, go back sa prayer and ask kung nais na niyang tanggapin si hesus
If yes, proceed sa prayer and finish the booklet
If still no, give the booklet and teach them how to accept christ anytime they are ready
Page 9
Kanan agad ang pinili
Pumunta sa page 10, basahin ang prayer at tanungin kung sa ganitong paraan niya tinanggap si Hesus
If no
Tanungin kung nais niyang tanggapin si hesus at ipanalangin ang panalangin ng pagtanggap . If yes, manalangin at tapusin ang booklet hanggang dulo .
Kanan agad ang pinili
Pumunta sa page 10, basahin ang prayer at tanungin kung sa ganitong paraan niya tinanggap si Hesus
If yes
alamin kung paano , saan at kailan niya tinanggap si cristo
Ayos lang ba kung ipagpatuloy natin basahin ang booklet para malaman mo rin kung paano ito ibahagi sa iba ?
Tapusin ang booklet at ibigay sa kanya so that they can share it with others
b. Pagsasanay kasama ang isang partner
Humanap ng ka-partner sa pagsasanay , ibahagi ang 4SL ng salitan .
IV. Pagsasagawa ng natutunan sa pagbabahagi ng Mabuting Balita
A. Ang bawat isa ay magkakaroon ng partner or teammates sa pagpunta sa Community upang aktuwal na magbahagi ng mabuting balita sa iba .
B. Magtitipon sa Simbahan upang ibahagi sa grupo ang karanasan at natutunan .
C. Magkakaroon ng plano ang grupo tungkol sa susunod na hakbang ng Pag- gawa ng alagad ng Panginoon .