transitional devicestransitional devicestransitional devices.pptx

mark167453 4 views 20 slides Sep 03, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

transitional devices.pptx


Slide Content

Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag- uugnay sa dalawang salita , parirala o sugnay ,

T ransitional devices ang tawag sa mga kataga na nag- uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ( naratibo ), at paglilista ng mga ideya , pangyayari , at iba pa sa paglalahad .

Uri ng Pangatnig 1. Pantuwang - pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkakapantay na kaisipan (at, saka , pati ) Halimbawa Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng tawad ay palatandaan ng pagsisisi nito .

Uri ng Pangatnig 2. Pamukod - may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay o kaisipan (o, ni , maging ) Halimbawa Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa tahanan .

Uri ng Pangatnig 3. Paninsay - kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sumasalungat sa una .( ngunit , datapwat , subalit , bagaman , samantala , kahit , pero ) Halimbawa Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalit naniniwala silang pinagsisihan niya ang lahat.

Uri ng Pangatnig 4. Panubali - pag-aalinlangan ( gaya ng, kung, kapag , ‘ pag , sakali , sana) Halimbawa Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi .

Uri ng Pangatnig 5. Pananhi - kadahilanan at pangangatuwiran ( dahil sa , sanhi sa , sapagkat , mangyayari , palibhasa ) Halimbawa Mga takot ang mga anak palibhasa’y takot din ang ina .

Uri ng Pangatnig 6. Panlinaw - nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan , bagay o pangyayari (kaya, kung gayon , samakatuwid ) Halimbawa Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito ng kaniyang pagbabago .

Uri ng Pangatnig 7. Panapos - pagwawakas ( upang , sa lahat ng ito , sa wakas, sa bagay na ito ) Halimbawa Sa wakas kinakitaan din ng pagbabago ang ama.

Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices 1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o gawain . ( sumunod , pagkatapos , una , saka at pati ) Halimbawa Unang dumating ang mga binata , sumunod ang mga dalaga , pagkatapos ang mga bata.

2.Pagbabagong- lahad - ( sa ibang salita , sa madaling sabi , sa biglang sabi , sa katagang sabi , sa tahasang sabi , sa kabilang dako ). Halimbawa Si Gng Masambong ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahirap at laging handang tumulong sa nangangailangan . Sa madaling salita , bukas palad siya sa mga mahihirap .

3. Pagtitiyak - ( tulad ni , tulad ng, katulad , gaya , sumusunod , kahalintulad ) Halimbawa Maraming magagandang lugar na masarap puntahan ng mga turista tulad ng Boracay, Baguio, Tagaytay at iba pa.

4. Paglalahat - ( bilang pagtatapos , bilang pagwawakas , sa wakas, sa di kawasa , anupat Halimbawa Bilang pagtatapos , hinahamon ko kayong kabataan na tumulong sa paglilinis at pagpapaganda ng pamayanan .

5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat ( sa aking palagay / opinyon , bagaman , subalit ) Halimbawa Sa aking palagay makakapasa ako sa pagsusulit sapagkat nag- aral akong mabuti kagabi .

6. Pagsalungat – ngunit , datapwat , subalit , samantala at iba pa. Halimbawa Umuunlad nga ang agham at teknolohiya ngunit nawawala naman ang magandang kulturang minana natin sa ating mga ninuno .

7. Pananhi - kaya, dahil sa , sapagkat Halimbawa Dahil sa sobrang traffic hindi ako nakadalo sa miting namin .

Panuto : Punan ng angkop na transitional devices ang mga pahayag upang mabuo ang diwa 1. Lubusan niyang ikinasaya ang pagkakatuloy sa Boracay ________ hindi niya lubos na maisip kung paano niya pasasalamatan ang kanyang mga magulang . 2.Marami-rami na rin siyang dinanas sa buhay ______ay hindi na siya mahihirapan pang lutasin ang mga problemang darating .

3. ______________ nakakaangat sa buhay , hindi ito naging dahilan upang maging mapagmataas siya sa ibang tao sa kanyang paligid . 4. Napagtagumpayan niya ang makapagtapos ng pag-aaral _________ matinding pagpupursige at determinasyon . 5. Ipinatawag ang lahat ng mamamayang nasasakupan ng barangay ________ ilan lamang ang dumalo sa pagpupulong .

Pagtataya . Piliin at salungguhitan sa loob ng panaklong ang angkop na transitional devices upang mabuo ang pahayag . 1. Lubusang naapektuhan ang mga Pilipino sa balitang pandemic na corona virus (kaya, sa lahat ng ito ) marami ang matiyagang nanawagan at nagdasal na sana pairalin ang disiplina at manatiling malakas ang katawan habang umiiral ang naturang virus. 2. Marami ang natuwa dahil ( sa wakas, saka ) marami ang sumusunod sa patakarang stay at home at social distancing.

3. ( Gayunpaman , Bagaman ) malaki ang sama ng loob ng mga OFW sa kinauukulan dahil umano sa kakulangan nito ng pagkilos upang makauwi na sa kani-kanilang pamilya , umaasa pa rin sila na malulutas ito . 4. (Kung gayon , Samantala ) marami ang nayamot na mga netizens sa mga pasaway dahil umano sa hindi ito marunong magtiis habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ. 5. (Dahil dito , Datapwat ) hindi nagpaapekto ang marami sa hinaharap na pandemic bagkus naging matatag pa ang pananalig sa Diyos na maugpo na ang kinakaharap na suliranin ng buong mundo .
Tags