TULA at elemento ng tula .. ang aking pag-ibig

SONIARODRIGUEZ682183 0 views 43 slides Oct 06, 2025
Slide 1
Slide 1 of 43
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43

About This Presentation

tula tula tula tula tula


Slide Content

Magandang Umaga, Mencius!

Awit ko, Hulaan mo !

Leron leron sinta , buko ng papaya Dala-dala’y buslo sisidlan ng bunga Pagdating sa dulo , nabali ang sanga Kapos kapalaran , humanap ng iba Leron-Leron Sinta

Magtanim ay di biro, Maghapong nakayuko Di manlang makaupo , Di manlang makatayo . Magtanim ay ‘di biro

Sitsiritsit alibangbang Salaginto, salagubang Ang babae sa lansangan Kung gumiri’y parang tandang Sitsiritsit Alibangbang

TULA

Isang anyo ng panitikan na may matalinhagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. TULA

Naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa.

Tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon hanggang sa kasalukuyan.

ELEMENTO NG TULA

Sukat Bilang ng pantig sa bawat taludtod.

Magkakatulad o magkakasintunog na pantig sa dulo ng bawat taludtod. Tugma

a,e,i,o,u Tugmang ganap Tugmang ‘di ganap b, k,d,g,p,s,t L, m, n, r, w, y

Kariktan Ito ang piling mga salita, imahe o kaisipan na nagbibigay ng karagdagang kahulugan o aliw sa tula.

Talinghaga Mga pahayag na may nakatagong kahulugan .

Tayutay Pagtutulad (Simile)- paghahambing na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng.

Pagwawangis (Metaphor)- Direktang paghahambing . Pagmamalabis (Hyperbole) Paggamit ng eksaheradong mga pahayag .

Aliw-iw/Indayog Ito ay ang tono kung paano binibigkas ang isang tula.

Ang aking Pag-ibig (How Do I Love Thee – Sonnet XLIII) ni Elizabeth Baret Browning (Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utos-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita

Bola ng Katanungan

PANUTO: Paiikutin ang bola sa buong klase kasabay ng musika, kung sino ang matatapatan nito sa oras na huminto ang musika ay siya ang sasagot ng katanungan.

Ito ay ang tono kung paano binibigkas ang isang tula. ALIW-IW/ INDAYOG

Mga pahayag na may nakatagong kahulugan. TALINGHAGA

Magkakatulad o magkakasintunog na pantig sa dulo ng bawat taludtod. TUGMA

Bilang ng pantig sa bawat taludtod. SUKAT

Ito ang piling mga salita, imahe o kaisipan na nagbibigay ng karagdagang kahulugan o aliw sa tula. KARIKTAN

Sa linya ng tula na “ Noong ako’y musmos pa sa turing ” ano ang kahulugan ng musmos ? BATA

Sa linyang, “Sa tayog at saklaw ay walang kahambing” ano ang ibig-sabihin ng tayog? TAAS

Tulad ng lumbay kong di makayang bathin, ano ang ibig-sabihin ng lumbay? LUNGKOT

Panuto: Lumikha ng isang (1) saknong na tula tungkol sa pag-ibig, gamit ang mga elementong (Sukat, Tugma, Talinghaga)

ELEMENTO-KUYIN MO!

Panuto: Suriin ang binasang akda at tukuyin ang mga elemento na nakapaloob dito. Lagyan ng paliwanag ang bawat talinghaga na itatala.

KOPYA MULA SA TULA SUKAT ( sukat ng bawat taludtod ) TUGMA ( uri ng tugmaan ) TALINGHAGA ( ilagay ang mga talinhagang ginamit ) KARIKTAN ( anong pandama ang magagamit ng mga mambabasa )

KASUNDUAN Gumuhit ng tatlong hugis puso sa iyong papel at ilarawan ang tao na iyong minamahal gamit ang mga tayutay.
Tags