Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat . Ito ay mga pinag samang mga piling salita na may tugma , sukat , talinghaga , at kaisipan Nadaramang mga kaisipan Nakikita ng mga mata , nauunawaan ng isip , at tumutuloy sa damdamin .
Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi. Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod. Tulang Liriko o Tulang Damdamin Tulang Pasalaysay o N arrative poetry sa Ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.
T ulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta Tulang Liriko o Tulang Damdamin (Lyric Poetry)
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan. Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig. Elehiya Awit Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan Ode Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao
isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay Dalit
Tulang Pasalaysay (Narrative P oetry) isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari.
ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa Epiko
Tulang Patnigan (Joustic P oetry) Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
Balagtasan Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Franciso “Balagtas” Baltazar Karagatan Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
Duplo Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran sa Bibliya, ito ay mga salawikain at mga kasabihan.
Tulang Pantanghalan o Padula Karaniwang itinatanghal sa theatro. Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang maddula na maaaring magkatulad o hindi kaya’y nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
Mga Elemento/Sangkap Ng Tula
Tema ng Tula Ito ang sentral na mensahe o pang- unawa na nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa . Ang isang tema ay madalas na nagtuturo ng isang moral na aralin sa mambabasa . Ito ay isang unibersal na ideya na maaaring mailapat sa sinuman
Tono ng Tula Maliban sa tugma at sukat na nagbibigay ng ritmo sa tula , mahalaga rin ang tono , dahil ito naman ang nagbibigay ng indayog sa tula .
A napora Ang tawag sa paraan ng pag-uulit ng mga salita o pariralang nasa unahan ng bawat taludtod . Panahon na upang puso’y patibayin Panahon na upang kamao’y itaas Panahon na upang iwagayway ang bandera . Halimbawa
Epipora Ang tawag sa pag-uulit ng salitang matatagpuan sa dulo ng bawat taludtod Huwag tuluyang mabawi ng kaaway Ang ipinaglabang lupa Ang ninunong lupa Ang ating lupa .
Aliterasyon Ang tawag sa pag-uulit kung ang tunog o titik ng bawat salita sa bawat taludturan ay nagkakapareho . Asonans ang tawag sa aliterasyon kung ang inuulit ay mga patinig at Konsonans naman kung ang nauulit ay mga katinig .
Huwag tulutang mawala Ang ipinaglabang lupa Ang ating lupa . Halimbawa :
Onomatopeya Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
Dagundong ng kulog Lawiswis ng Kawayan Tilaok ng katyaw Kuliling ng sorbetes Kalampag ng pinto Klang-klang ng kampana Halimbawa :
Dapat tandaan sa TUGMAAN : Magkakatugma naman ang mga salitang nagtatapos sa katinig na : B, K, D, G, P, S, at T at ang mga salitang nagtatapos sa mga katinig na : M, NG, N, W, L, Y at R kung magkaparehong patinig ang sinusundan ng mga ito .
Halimbawa B, K, D, G, P, S, at T tala b at ula p saksa k at sala t dala g at laka d bala t at apaha p
Halimbawa : M, NG, N, W, L, Y at R lili m at pisi l sawsa w at saa n bapo r at dalo y hili ng at habili n
Dapat tandaan sa TUGMAAN : Magkakatugma naman ang mga salitang nagtatapos sa patinig at kahalintulad na patinig . sint a at pint a berd e at kort e nilim i at sinis i bur o at kar o Halimbawa
Tanaga Sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog. Ito ay palasak bago pa man dumating ang kastila dahil sagana sa talinhaga . Binubuo ng apat na taludtod na tugmaan , may sukat na pitóng pantig ang bawat taludtod , at nagpapahayag ng isang buong diwa .
Halimbawa : Ang tanaga na tula Ay sining at kultura Tatak ng ating bansa Hanggang wakas ng lupa . Tagalog ang wika ko Hindi sikat sa mundo Ngunit lantay at wasto At dakilang totoo .
Haiku Ito ay isang uri ng maikling tula mula sa Hapon . Ang tradisyonal na haiku ay tungkol sa kalikasan , mga imahen ng kalikasan . Ang mga silaba'y sumusunod sa estrukturang tatlong linyang 5-7-5.
Halimbawa : Maging tapat ka, Sabihin ang problema Huwag mangamba . Mahirap pala Ang lima- pito -lima Pantig na tula
Diona Ang Diona ay isang uri ng tula na galing sa ating mga katutubo . Ito’y binubuo ng pitong pantig kada taludtod . Bukod dito , ang tulang ito ay mayroon ding tatlong taludtod sa kada saknong at may isahang tugmaan .
Halimbawa : Kulay ma’y kayumanggi Damit ma’y bahaghari Pilipino siyang lahi Aanhin ang yamang Saudi O yen ng Japayuki Kung wala ka sa tabi
Soneto Ang soneto ay isang tula na nagmula sa Italya na kung saan ito ay itinatanghal na paawit dahil sa mga liriko . Ang isang soneto ay puno rin ng damdamin pag binubuo at may 14 na taludtod .
Halimbawa : Mata ng irog ko’y hindi maningning na langit Labi niya’y hindi kasing pula ng rosas . Kung ulap ay puti , ang balat niya’y putik . Buhok niya’y alambreng tinik na napakatigas Samutsari ang kulay ng mga bulaklak , Subalit walang bulaklak sa pisngi niya , At ang mga pabango’y may halimuyak Na si maaamoy sa kanyang hininga .
Halimbawa : Kung kausap ang irog , ako’y natutuwa , Subalit mas masarap makinig sa musika . Ewan ko kung paano maglakad ang diwata ; Ang irog ko, napakabigat ng paa . Gayunman , lintik ! Ang irog ko’y walang katulad . Lahat ng paghahambing ay madaya at huwad .
Malayang taludturan Isang tula na sinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumusulat
The line and Line Break Ang line break ay ang pagwawakas ng isang linya ng tula , at simula ng bagong linya .
Enjambment Ang Enjambment ay ang hindi kumpletong syntax sa dulo ng isang linya .
Metapora Ang metapora o pagwawangis ay ang uri ng tayutay na tiyak na naghahambing sa mga bagay ng walang ginagamit na mga pangatnig
Tugma Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula .
Halimbawa : Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliliuha’y siyang nangyayaring hari , Kagalinga’t bait ay nalulugami Naamis sa hukay ng dusa’t pighati .
Pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig Tugmaang P atinig :
Pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y Tugmaang Katinig :
Sukat Bilang ng pantig sa bawat taludtod . Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na 12, 14, 16. Kung lalabindalawahin ang sukat , ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig
Halimbawa : Ang lahat ng ito / maawaing langit , Iyong tinutunghay /, ano’t natitiis ? Wala ka ng buong / katwiran at bait, Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit .
Paksa Tinatawag ding “ Kaisipan ”. Mga nabubuong kaalaman o kaisipan , mensahe , pananaw , saloobin na nais iparating .
Halimbawa : “Ang Guryon ” ni Ildefonso Santos Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon , ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na nagpapakataas at di inaalagaan ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak .
Talinghaga Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa , likas na taglay ng tula , pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula .
Imahen o Larawang-diwa : Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan .
Aliw-iw : Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula
Tono : Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot , pagkatuwa , pagkagalit , at iba pa
Mga Teknik at Kagamitang Pampanitikan
Binibigkas ang tula nang mabagal , mabilis o katamtaman ayon sa nilalaman at paksa ng tula .
Masining ang isang tula kung ginagamitan ng mga tayutay . Nakatutulong ito upang maging mabisa at kaakit-akit ang tula sa makadadagdag sa ikagaganda ng tula
Ang tula ay nagpapahayag ng emosyon o iba’t ibang damdamin . Sa maayos na pagbabasa nito ay nagiging mabisa at nakapupukaw ng interes ng mga mababasa
Sa pagbuo ng isang tula , dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig