tulang lirikoooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo

AndreaKirstin 548 views 9 slides Oct 10, 2024
Slide 1
Slide 1 of 9
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9

About This Presentation

jeonghan svt


Slide Content

Ang tulang liriko o tula   ng
damdamin ay puno ng
masisidhing damdamin ng tao
tulad ng pag-ibig, kalungkutan,
kabiguan, kaligayahan, tagumpay,
at iba pa. Maikli at payak ang
uring ito ng tula. 
Uri ng Tulang Liriko:
A. Pastoral – ang salitang
pastoral ay mula sa salitang
Latin na
“pastor.” Ang tulang pastoral ay 
hindi lamang tungkol sa
buhay ng isang pastol at
pagpapastol. Ito ay tulang
pumapaksa at naglalarawan ng

simpleng paraan ng pamumuhay,
pag-ibig, at iba pa. 
Halimbawa:
Halika sa Bukirin ni Milagros B.
Macaraig
B.
Elehiya
– Isang tula ng
pamamanglaw na madaling
makilala ayon sa paksa, gaya ng
kalungkutan, kamatayan, at iba
pa. 
Halimbawa: Ang Pamana ni
Jose Corazon de Jesus

C.
S
oneto – tulang may labing-
apat na taludtod hinggil sa
damdamin, kaisipan at pananaw
sa buhay ng tao, may malinaw
na kabatiran ng likas na
pagkatao.
Halimbawa: Soneto ng Buhay ni
Fernando B. Monleon
D.

Oda – Nagpapahayag ng
isang papuri, panaghoy, o
iba panguri ng damdamin;
walang tiyak na bilang ng pantig
o tiyak na bilang ng taludtod sa
isang saknong. Sa matandang
panulaan, karaniwang ito’y isang
awit ng papuri patungkol sa mga

pambihirang nagawa ng isang
dakilang tao.
Halimbawa: Tumangis si Raquel
E.
Awit
– Ang karaniwang
pinapaksa nito ay may
kinalaman sa pag-ibig,
kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, poot, at kaligayahan.
Tinatawag na kundiman na ayon
kay Jose Villa Panganiban ay
isang awit hinggil sa pag-ibig o
palasintahan.
Halimbawa: May Isang Pangarap
ni Teodoro Gener 
F.

Dalit – Noong araw ito ay
isang awitin p atungkol sa
paglilingkod sa Diyos at

pananampalataya. Sa panahon
ng mga Espanyol ang
dalitsamba at dalitbansa ay
itinuturing nang iisa dahil kilala
ang dalawa sa taguring dalit.
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig
sa bawat taludtod. Ang isang
taludtod aykaraniwang may 8,12
at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa: Sukat:
Lalabindalawahing pantig 
Ako’y magsasakang bayani ng
bukid

Sandata’y araro matapang sa
init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon
gumagawang pilit
2. Tugma – Ito’y ang
pagkakasintunugan ng mga
salita sa huling pantig ng bawat
taludtod. Maaaring ganito ang
tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-
a-b, o kaya ay a-b-d-a.

Halimbawa:
Tugmang a-a-a-a
(magkatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon
nagmumula

Lahat ng pagkain nitong ating
bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o
dukha
Sila’y umaasa sa pawis
ko’t gawa.
3.
Talinhaga
– Ito’y
ang matayog na
diwang ipinahihiwatig ng makata.
Ayon kay A. Abadilla, tugma at
hindi tula ang binasa kapag sa
unang pagbasa aay
nauunawaanagad ang ibig
sabihin. 
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig

Hindi ako makaalpas
4.

Kariktan – Ito’y ang malinaw
at di-malilimutang impresyon na
nakikintal saisipan ng
mambabasa. 
5.
Simbolismo-
Ito ang simbolo
o mga bagay na ginagamit sa
tulang may kinakatawang
mensahe o kahulugan at
nagpapalalim sa diwa o
esensiyang taglay ng tula

MGA PARAAN SA PAGSULAT NG
TULA
1. Magmasid sa paligid,
paglakbayin ang imahinasyon at
magbasa ng mga halimbawa ng
tula.
2. Pagiging orihinal ng akdang
isusulat.
3. Maging busog sa kahulugan
at malikhain ang pagpapahayag
ng kaisipan.
4. Kailangang maging
magparanas ang isang tula
upang mag-iwan ng kakintalan
sa mambabasa.