EPP 4 FAMILY AND CONSUMER SCIENCE 8/5/2025 1 Quarter 1
Kasanayang Pampagkatuto 1. Naisasagawa ang mga paraan sa pag-aayos at pangangalaga ng sarili 2. Naipakikita ang tamang pagkilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata 3. Nakapipili ng angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata
LAYUNIN Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang naisasagawa ang mga paraan sa pag-aayos at pangangalaga ng sarili .
RELIGION AS THE CORE CURRICULUM (RCC) 1 Corinto 6:19-20 "Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu na nasa inyo at kaloob ng Diyos ? Kaya't ang katawan ninyo ay hindi na ninyo pag-aari . Ibinili kayo sa isang halaga ; kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang luwalhatiin ang Diyos ."
ESSENTIAL QUESTION Bakit mahalaga ang pag-aayos at pangangalaga sa sarili habang dumaraan sa pagbibinata at pagdadalaga ?
a. Ano-ano ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata? b. Ano ang halimabawa ng kagamitan na gamit sa pangangalaga ng katawan? Panuto: Ibigay ang kasagutan ng mga tanong. Isulat ang mga ito sa mga graphic organizers.
c. Bakit ito ginagamit bilang kagamitan sa pangangalaga ng katawan? d. Paano ito ginagamit sa pangangalaga ng katawan?
a. Paano naipakikita ang tamang pagkilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata? b. Ano-ano ang mga kagamitan at consumables at gamit nito sa pangangalaga ng sarili? c. Paano nakapipili ng angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata? Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
Panuto: Basahin ang mga salita at ang kanilang mga kahulugan.
Wastong Paraan ng Paliligo 1. Basain ang buhok at buong katawan. 2. Linisin ang buhok gamit ang shampoo o gugo. Gamitin ang dulo ng daliri sa pagmamasahe ng iyong anit upang malinisan ito at dumami ang bula. Banlawang mabuti.
3. Kuskusan ng sabon ang basang bimpo. Kuskusin ang mukha at lahat ng parte ng katawan. Bigyang pansin ang leeg, likod ng tainga, siko, binti, alak-alakan, at ang mga daliri sa paa.
4. Banlawan nang ilang beses hanggang matanggal ang mga bula sa buhok, mukha, at buong katawan. Siguruhing malilinis at walang natirang sabon sa katawan. Maaari ring gumamit ng maligamgam na tubig at sundan ng malamig na tubig upang sumara ang mga skin pores at maiwasan ang pagpasok ng alikabok o dumi sa balat.
5. Punasan at patuyuin gamit ang malinis na tuwalya ang buhok at buong katawan. Magsuot ng malinis na tuwalya ang buhok at buong katawan. Magsuot ng malinis na damit. Maaari ring pulbusan ang piling bahagi ng katawan upang mapanatiling mabango at maginhawa ang pakiramdam.
Mga Simpleng Paraan sa Paglilinis ng Buhok 1. Suklayin ang buhok upang maalis ang alikabok at balakubak. 2. Basaing mabuti ang buhok. 3. Maglagay ng katamtamang dami ng shampoo sa palad. Imasahe ito sa buhok hanggang sa bumula.
4. Banlawang mabuti ng malinis na tubig. 5. Guguan muli at banlawang mabuti gamit ang malinis na tubig. 6. Patuyuin ang buhok gamit ang malinis na tuwalya.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsesepilyo ng Ngipin 1. Maghanda ng isang basong malinis na tubig. Hugasan ang sepilyo at lagyan ng toothpaste. 2. Ikuskos and sepilyong may toothpaste sa ngipin hanggang bumula ito. Gawing pataas ang paghagod ng sepilyo sa mga ngipin sa ibaba at pababa naman sa ngipin sa itaas. Ang mga singit-singit at pagitan ng ngipin ay dapat ding nasesepilyong mabuti. Dapat malumanay ang pagsesepilyo upang hindi magdugo ang gilagid at masira ang ngipin.
3. Pagkatapos, magmumog na malinis na tubig, ulitin ang pagkuskos sa ngipin. Magmumog muli hanggang maalis ang bula. 4. Linisin at hugasan ang sepilyo bago itago sa isang malinis na lalagyan na may takip.
Paglalapat at Paglalahat Sa ano-anong paraan natatangal ang mga dumi sa ating katawan ? Ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagtanggal ng dumi sa ating katawan ?
Isulat ang "Tama" kung wasto ang pahayag at "Mali" kung hindi . 1. Ang paliligo araw-araw ay nakatutulong upang mapanatili ang kalinisan ng katawan . ___________ 2. Ang pagsusuklay ng buhok araw-araw ay nakakatulong upang maging maayos at presentable ang ating sarili . ___________
3. Hindi mahalaga ang pagsusuot ng malinis na damit basta’t komportable tayo. ___________ 4. Ang pagsisipilyo ng ngipin ay mahalaga upang maiwasan ang pagkasira ng ngipin . ___________ 5. Ang palaging pagputol ng kuko ay nakakatulong upang makaiwas sa dumi at impeksyon . ___________
1. Ano-ano ang mga paraan o hakbang sa pag-aayos at pangangalaga ng sarili? 2. Paano isinasagawa ang mga pamamaraan na ito? 3. Bakit isinasagawa ang mga ito? Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Isa sa mga mahahalagang gawain mo bilang mag-aaral na lumalaki ay ang pagsasagawa ng mga tungkulin sa sarili. Kapag ang mga gawaing ito ay naisasagawa nang wasto, nagiging bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay. Ang pagkakaroon nang maayos at mabikas na paggayak ay makatutulong nang malaki hindi lamang sa kaanyuang panlabas, kundi pati na rin sa personalidad, postura, at pag-uugali ng isang tao.
Mahalaga sa bawat tao ang kalinisan at kaayusan. Tungkulin ng bawat tao ang panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng sarili. Hindi ito ginagawa kung kalian lamang naisin, at lalong hindi ito pansamantala.
Mga Hakbang sa Paglilinis ng Binti at Paa 1. Basain ang mga paa at binti. 2. Pahiran ng sabon ang malinis ang malinis na bimpo at ikuskos sa mga binti at paa . Bigyang pansin ang likod ng tuhod o alak-alakan , bukong-bukong , talampakan at pagitan ng mga daliri ng paa . 3. Banlawan ang mga binti at paa ng malinis na tubig .
4. Kung ang mga paa ay pawisin , at may di kanais-nais na amoy , ibabad sa maligamgam na tubig na may kaunting asin pagkatapos linisin . Panatilihing nakababad ang mga ito nang 15 minuto . 5. Punasan at tuyuing mabuti ng malinis at tuyong tuwalya o malinis na lumang damit ang mga binti at paa . Nakapagdudulot din ng maginhawang pakiramdam at mabangong amoy ang paggamit ng foot powder pagkatapos linisin ang mga paa .
May mga panahon na mas kailangang maghugas ng kamay upang maprotektahan ang kalusugan. Dapat maghugas ng kamay: a. pagkatapos gumamit ng palikuran b. bago at pagkatapos makasama ang mga maysakit c. bago maghanda ng pagkain , maghain o kumain d. matapos bumahing , umubo o suminga e. matapos humawak ng hayop o dumi nito f. matapos humawak ng basura o anumang maruming bagay
Pangangalaga sa mga Kuko Ang mga kuko ay dapat panatilihing maigsi at malinis . Ang mahahaba at maruruming kuko ay nakapagdudulot ng sakit . Gumamit ng nail cutter sa pagputol pagkatapos maligo . Gupitin ang mga kuko sa paa nang pagdiretso upang hindi tumubo nang pailalim at maging sanhi ng ingrown toenail.
Huwag itulad sa paggupit ng mga kuko sa kamy na sinusundan ang hugis ng daliri . Tanggalin ang mga duming nakaipon sa ilalim ng kuko . Gumamit din ng nail file o pangkikil ng kuko upang maging maayos ang hugis at kuminis ang gilid ng kukong ginupitan . Gamitin din nag nailbrush para sa pagtanggal ng mga duming sumisingit sa loob ng kuko .
Pagkakaroon ng Sapat na Pahinga at Tulog Magpahinga kung hapo na ang katawan . Umupo nang tahimik sa isang lugar at mag-relax. Maari ring pumikit o matulog nang bahagya . Ang lumalaking batang tulad mo ay nangangailangan nang humigit-kumulang walo hanggang sampung oras na tulog gabi-gabi. Mainam matulog sa takda at parehong dami ng oras upang maging alerto at masigla sa araw .
Pagtanggal ng Dumi sa Katawan May takdang oras ang pagdumi para sa bawat indibidwal, maaaring sa umaga o sa gabi. Naiiba ito sa bawat tao. Magiging regular ang pagdumi kung uugaliin ang mga sumusunod. Uminom nang humigit-kumulang walong basong tubig o fruit juice araw-araw . Kumain ng gulay at prutas araw-araw . 3. Gawing regular ang pag-eehersisyo ; igalaw nang mabuti ang ibat’t ibang bahagi ng katawan .
Ang pagpapawis ay isang paraan upang matanggal ang dumi sa katawan . Pagkatapos ng paglalaro , pag-eehersisyo , at iba pang gawaing pisikal , o kapag napainit ng panahon , ang tao ay pinagpapawisang mabuti . Dahil dito , kailangang maligo o maghilamos upang luminis ang katawan . Ang ihi ay isang likidong dumi galing sa katawan . Huwag pigilin ang pag-ihi . Umihi sa inidoro o urinal. Tumulong sa kampanya laban sa pag-ihi sa kung saan lang- gaya ng bakod , pader , o sa punongkahoy .
Paglalapat at Paglalahat Sa ano-anong paraan natatangal ang mga dumi sa ating katawan ? Ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagtanggal ng dumi sa ating katawan ?
Pagsasagawa : Ang mga mag- aaral ay magkakaroon ng role play o pakitang gawa ( Wastong Paraan ng Paliligo ), pagbabalik-pagpapakita o return demonstration (Mga Simpleng Paraan sa Paglilinis ng Buhok , Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsesepilyo ng Ngipin , Mga Hakbang sa Paglilinis ng Binti at Paa, Pangangalaga sa mga Kuko) at pagtatalakay ( Pagkakaroon ng Sapat na Pahinga at Tulog at Pagtanggal ng Dumi sa Katawan ) sa pagsasagawa ng mga paraan sa pag-aayos at pangangalaga ng sarili.bo ng pimples o acne – ang pagbabago sa hormonal na sistema ng katawan ay maaaring magdulot ng pag-usbong ng pimples o acne na karaniwang kinakaharap ng mga kabataan sa panahon ng pagbibinata o padadalaga .
LAYUNIN Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang naipakikita ang tamang pagkilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata .
Sa mga anong paraan ninyo ipakikita ang mga tamang pagkilos ngayong kayo ay nagdadalaga at nagbibinata ?
Mga Gabay na Tanong : 1. Ano- ano ang mga tamang pagkilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ? 2. Paano ipinapakita ang mga tamang pagkilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ?
Ano ang nararamdaman ninyo kapag pinakikitunguhan kayo nang may respeto ? Ano ang ibig sabihin ng tamang pagkilos o asal ?
Maayos Na Pagtayo 1. Tumayo nang matuwid , itaas nang katamtaman ang ulo, at huwag hayaang bumagsak ang balikat . 2. Iliyad ang dibdib , pagpantayin ang mga balikat , at patatagin ang tiyan at balakang .
4. Ilagay ang isang paa sa bahagyang unahan ng kabilang paa nan aka- anggulo nang bahagya sa pang nasa likuran . 5. Ilagay ang pantay na bigat ng katawan sa dalawang paa .
Maayos Na Pag- Upo 1. Idikit ang binti sa likod ng upuan upang malaman kung nasa tamang layo ang kinalalagyan nito . 2. Umupo nang dahan-dahan sa gilid ng upuan , habang ang likod ay pinananatiling tuwid .
3. Dahan- dahang itulak nang patalikod ang katawan at sumandal nang nakalapat ang balakang sa sandalan . 4. Ilapat ang mga paa sa sahig at ilagay ang mga kamay sa kandungan . 5. Panatilihing tuwid ang katawan kahit ang silyang inuupuan ay walang sandalan .
Maayos Na Paglakad 1. Ibaluktot nang bahagya ang mga tuhod habang pinananatiling tuwid ang katawan . 2. Hayaang gumalaw ang balakang habang naglalakad , subalit iwasan ang labis na paggalaw .
3. Ihakbang ang mga paa nang katamtamang layo at panatilihing magkaagapay ang mga ito habang naglalakad. 4. Ilapat nang dahan-dahan ang sakong sa sahig habang iniiwasang lumikha ng ingay habang naglalakad. 5. Hayaan ang malayang paggalaw ng mga kamay at braso nang salitan sa tagiliran habang naglalakad.
Itugma ang bawat tamang asal o pagkilos sa wastong sitwasyon .
Paglalapat at Paglalahat Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng positibong pananaw sa sarili sa panahon ng pagbabago ? Paano mo ipapakita ang tamang pagkilos sa pangangalaga ng iyong kalusugan at kalinisan sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata ?
Isulat ang "Tama" kung wasto ang pahayag at "Mali" kung hindi . 1. Ang pagiging responsable sa sariling kalinisan at pag-aayos ay mahalaga sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata . 2. Ang pagtutok lamang sa sariling pagbabago ay mas mahalaga kaysa sa pakikipagkapwa-tao . 3. Dapat pag-usapan at respetuhin ang mga pagbabago sa katawan ng iba upang hindi sila mapahiya . 4. Mahalaga ang paggalang sa damdamin ng ibang tao sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga . 5. Ang pagiging matapat sa sarili at sa mga magulang ay nagpapakita ng tamang pagkilos sa panahon ng pagbabago .
Bakit mahalaga ang tamang pagkilos at asal sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ? Alin ang tamang gawin kung may masamang impluwensya ? Bakit mahalaga ang pakikinig sa payo ng nakatatanda ?
Wastong Pagyuko 1. Gumalaw na nag likod ay tuwid . 2. Kung may pupulutin sa sahig , yumuko mula sa tuhod . 3. Iwasang yumuko mula sa baywang . Maari toing magdulot ng sakit sa likod .
Paggamit ng Magalang na Salita Mga iba’t ibang magagalang na salita na maaring gamitin sa bawat sitwasyon . 1. Pagbati - “Magandang umaga po”, “Magandang tanghali po”, “Magandang gabi po” 2. Paghingi ng Pahintulot - “ Maari po ba …”, “ Puwede po ba …”
3. Kapag nakikipag-usap sa nakatatanda - “Po/ Opo /Hindi Po” 4. Pantawag sa nakatatanda - “ Kuya /Ate”, “Manong/ Manang ”, “Lolo/Lola”, “Tito/Tita” 5. Iba pang magagalang na salita - “Maraming salamat po”, “Walang anuman po”, “Tao po”, “ Mawalang galang po”
Pagkain ng Masustansyang Pagkain Dapat kumain ng tatlong beses sa isang araw upang matugunan ang mga pangangailangan ng katawan . Kumain ng mga madadahon at mabeberdeng mga gulay at prutas , at uminom ng gatas upang magkaroon ng matibay na buto at makinis na kutis . Iwasan ang sobrang pagkain ng kendi , tsokolate , soft drinks at iba pang pagkaing matatamis .
Pag- eehersisyo Kailangan ang regular na ehersisyo para sa magandang pangangatawan . Makatutulong ito upang ; a. makatulong nang maayos b. maging masigla c. manatiling malakas ang buto at kalamnan d. mapanatili o maabot ang tamang timbang
Ang mga mag- aaral ay magkakaroon ng role play o pakitang gawa o pagbabalik-pagpapakita o return demonstration ( maayos na pagtayo , pag-upo , paglakad at pagyuko ), kasama ang paggamit ng magalang na salita , pagkain sa masustansyang pagkain , at pag-eehersisyo .
Panuto: 1. Bumuo ng pangkat na binubuo ng apat (4) o limang (5) miyembro . 2. Ihanda ang mga kagamitan para sa pagpapakita ng tamang pagkilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata 3. Isagawa ang mga hakbang sa wastong paraan para sa maayos na pagtayo , pagupo , paglakad at pagyuko , kasama ang pagtalakay sa paggamit ng magalang na salita , pagkain sa masustansyang pagkain , at pag-eehersisyo .
Paglalapat at Paglalahat Ano- anong magalang na salita ang gagamitin sa iba’t ibang sitwasyon ? Ano- anong mga masusustansyang pagkain ang kakainin ? Ano- anong benepisyo ang nakakamtan sa pag-eehersisyo ?
Piliin ang tamang sagot . 1. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin kung nararamdaman mong nagbabago ang iyong damdamin at katawan ? a. Pag- usapan sa mga kaibigan ang mga alalahanin b. Itago ang nararamdaman at hindi humingi ng tulong c. Maging masungit sa mga kapamilya d. Magalit sa sarili
2. Ano ang tamang gawin kung may bumabatikos sa iyong pisikal na anyo ? a. Sumagot nang pabalang b. Iwasan ang mga bumabatikos at magpatuloy sa pagiging mabait c. Maging malupit sa kanila d. Magalit sa sarili 3. Sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga , paano makatutulong ang pagiging responsable sa sariling pag-aaral ? a. Iwasan ang paggawa ng takdang-aralin b. Ipagpatuloy ang pagkatuto kahit may mga pagbabago sa sarili c. Mag-focus lamang sa paglalaro d. Iasa ang mga gawain sa ibang tao
4. Bakit mahalagang makinig sa mga magulang o nakatatanda sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ? a. Upang magkaroon ng tamang gabay sa mga pagbabago sa sarili b. Dahil gusto lang nilang magpayo c. Para hindi na magtanong sa mga kaibigan d. Para hindi maiba ang landas ng kabataan 5. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pakikitungo sa mga kaibigan sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga ? a. Maging tapat at magalang sa kanila b. Iwasan ang lahat ng pakikisalamuha c. Maging magaspang sa pananalita d. Makipag -away sa mga kaibigan
LAYUNIN Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang nakapipili ng angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata .
Hulaan Mo: Magbibigay ang guro ng mga katanungan kaugnay sa mga damit na isinusuot batay sa isang okasyon o panahon . Tatawag ang guro ng mag- aaral na huhula nito . 1. Ano ang tawag sa damit pamasok ( paaralan )? 2. Ano ang pangkalahatang tawag sa kamison , sando, at mga pang- ilalim na damit ? 3. Ano ang halimbawa ng damit na nagbibigay proteksiyon sa katawan tuwing taglamig ? 4. Ano ang tawag sa damit pambahay na maluwang at maginhawa sa katawan ? 5. Ano ang halimbawa ng damit para sa natatanging okasyon ?
Mga gabay na tanong : a. Ano- ano ang mga angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ? b. Paano ang pagpili ng mga angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ? c. Sa bawat batayan sa pagpili ng mga angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata , ano-ano ang mga halimbawa nito ? d. Bakit pinipili ang mga angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ?
Bakit kailangan nating pumili ng angkop na pananamit depende sa okasyon ? Ano ang ibig sabihin ng angkop o naaayon na pananamit ?
A ng mga pamantayan sa pagpili ng angkop na pananamit: Pagiging disente at magalang sa pananamit : Huwag pumili ng masyadong revealing na damit , lalo na kung pupunta sa mga pampublikong lugar o eskuwelahan .
Pagpili ayon sa okasyon: Magkaiba ang pananamit para sa paaralan, simbahan, paglalaro, at iba pang okasyon.
Pagiging kumportable: Pumili ng damit na komportable at angkop sa panahon. Halimbawa, manipis na damit sa tag-init at mas makapal sa malamig na panahon.
Pagkakaroon ng wastong kaalaman sa kulay at estilo: Iba’t ibang kulay ang bagay sa iba’t ibang okasyon; pumili ng mga kulay na angkop sa iyong edad at aktibidad.
Itugma ang bawat sitwasyon sa tamang pananamit . Isulat ang letra ng tamang sagot sa tabi ng bilang . 1. Pagpunta sa simbahan 2. Paglalaro ng basketball 3. Pagdalo sa kasal 4. Pagpunta sa eskuwela 5. Pamamasyal sa mall Tamang Pananamit Sitwasyon A. Pormal na damit B. Pambahay o pambasketball attire C. Malinis at maayos na uniporme D. Casual o kaswal na damit E. Disenteng damit
Paglalapat at Paglalahat Ano ang natutunan ninyo sa araw na ito tungkol sa pagpili ng tamang pananamit?
Pangkatang Kasuotan : Magkakaroon ng pangkatang gawain at ang bawat grupo ay bubunot ng okasyon o panahon. Ihahanda ng bawat grupo ang mga angkop na kasuotan at ipaparada sa loob ng silid-aralan. Pagkatapos, sasagutan ang bawat grupo ang tanong: “Paano nakapipili ng angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?” “Bakit iniaangkop ang pananamit sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?”