AWITING BAYAN Inihanda ni : REINA ANTONETTE P. FRANCO Guro sa Filipino MGA AWITING-BAYAN SA PANAHON NG MGA KATUTUBO (Diona, Kundiman, Oyayi , Dalit, Soliranin , Talindaw , Kumintang , Sambotani )
Kasanayan sa Pampagkatuto : Nasusuri ang mga detalye ng teksto na may kritikal na pag-unawa ( Awiting -Bayan) Mga Layuning Pampagkatuto Natutukoy ang mahahalagang elemento ng teksto Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig , simbolo , talinghaga at larawang diwa / imahen sa teksto Naiuugnay ang mahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw , moral, katangian at karanasan ng tao Nasusuri ang mahahalagang pangyayari batay sa konteksto ng panahon , lunan at may- akda Nasusuri ang mga elementong panglinggwistika Nasusuri ang kultural na elemento na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
Katanungan : Tungkol saan ang awiting napakinggan ? Ano ang nais ipahiwatig ng linyang “ Pagdating sa dulo , nabali ang sanga . Kapos kapalaran , humanap ng iba ”? Anong pamumuhay ang masasalamin sa awiting - bayang napakinggan ?
Awiting - Bayan Kilala rin sa tawag na kantahing –bayan na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ng ating bansa . Nagsimula ito bilang mga tula na may sukat at tugma ngunit sa kalaunan ay nilapatan ng himig at naipahayag na pakanta . Sa panahon ng mga katutubo , ang karaniwang paksa ng mga awiting -bayan ay tungkol sa pang- araw - araw na pamumuhay .
Masasalamin dito ang kaugalian , pananampalataya , karanasan , gawain at hanapbuhay nga mga ninuno . Taglay rin nito ang iba’t ibang damdaming umiiral tulad ng kaligayahan sa panahon ng tagumpay , lumbay sa panahon ng pagluluksa at kalungkutan , galit sa panahon ng digmaan , at kapanatagan ng loob habang isinasagawa ang pagtatanim , pagluluto , at iba pa. Hindi lamang simpleng kanta ang mga awiting -bayan kundi mga buhay na salaysay ng kanilang pakikibaka at pananatiling matatag sa kabila ng mga hamon at pagbabago sa kanilang kapaligiran .
Halimbawa ng Awiting - Bayan Sambotani Talindaw Diona Soliranin Oyayi Kumintang Dalit Kundiman
SAMBOTANI awit sa tagumpay sa pakikidigma TALINDAW Awit ng pamamangka / paglalayag DIONA awit sa pamamanhikan o kasal
SOLIRANIN awit ng mga mangingisda OYAYI Awit pampatulog sa bata KUMINTANG awit sa digmaan
DALIT awit sa simbahan KUNDIMAN Awit ng pag - ibig
Tatlong dahilan ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kantahing-bayan: Ang mga kantahing -bayan ay nagpapakilala ng diwang makata . Ang mga kantahing -bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing Pilipino. Ang mga kantahing -bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa puso at kaluluwang bayan.
Pagtataya : Piliin ang titik ng tamang sagot . Ito ay tinatawag ding kantahing bayan na sumasalamin sa panitikan ng katutubong Pilipino Ito ang tawag sa awit sa pamamanhikan o kasal . Ito ay nagpapahayag ng kasiyahan mula sa tagumpay mula sa pakikidigma . Ito ay awit ng pamamangka . a. awiting -bayan b. sambotani c. talindaw d. diona
PANGKATANG GAWAIN: Dandansoy Inday Kalachuchi Manang Biday Atin Cu Pong Singsing Pamunilawen Ili Ili Tulog Anay Tong Tong Tong Pakitong Kitong Penpen De Sarapen Si Pelimon Bahay Kubo Paruparong Bukid Magtanim ay ‘Di Biro
Panuto : Saliksikin ang liriko ng awiting - bayang nakatalaga sa inyong pangkat . Isulat ito sa papel (long size Bond paper) Kabisahin ang tono at himig nito . Unawaing mabuti ang nilalaman . Sagutin ang mga inihandang katanungan .
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: Presentasyon ng Awit Kahandaan -------------------------------30 Kawastuhan ng liriko ------------------30 Kawastuhan ng himig / tono ----------20 Pagkakaisa ng grupo ------------------10 Kagamitan / Props----------------------10 Kabuoan ---------------------------------100
Katanungan : Anong rehiyon o pangkat ang pinagmulan ng awit . Ano ang anyo o genre ng awit . (Hal. kundiman, oyayi ) Tungkol saan ang awiting - bayan? Ano ang pangunahing mensahe nito ? Anong kultura , kasaysayan at tradisyon ng lugar ang masasalamin dito ? Anong uri ng melodiya mayroon ang awit ? Ito ba ay masaya , malungkot , seryoso o magaan ? Ipaliwanag . Sa iyong palagay , anong instrumento ang kalimitang ginagamit sa pag-awit nito ? Ibahagi ang sariling pananaw at damdamin sa awit . Ano ang masasabi mo sa awit ? Ipaliwanag paano nauunawaan at nararamdaman ang awit batay sa inyong karanasan .
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: Sulating Presentasyon Nilalaman at interpretasyon ----------------40 Kawastuhan at Kalinawan ng sagot ------30 Organisasyon ng Ideya ----------------------20 Pagkakaisa ng grupo ------------------------10 Kabuoan ---------------------------------------100