Hazard Assessment - ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak , sakop , at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon .
Pisikal na Katangian ng Hazard
Pagkakilanlan - Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar .
Katangian - Pag-alam sa uri ng hazard
Intensity -Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
Lawak -Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw -Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard
Predictability -Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Predictability -Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Manageability -Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala
Temporal na Katangian ng Hazard
Frequency - Dalas ng pagdanas ng hazard.
Duration -Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.
Speed of onset - Bilis ng pagtama ng isang hazard.
Forewarning - Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad
Force - hangin - tubig - lupa - apoy -seismic - gawa ng tao -industrial /technological - iba pang hazard
Hazard Mapping at Historical Profiling/Timeline of Events
Hazard Mapping -ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali , taniman , kabahayan na maaaring mapinsala .
Historical Profiling/ Timeline of Events - ginagawa upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad , gaano kadalas , at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala .
HAZARD TYPE FREQUENCY DURATION SPEED OF ONSET FORE WARNING FORCE WHEN FLOOD DROUGHT EARTHQUAKE LANDSLIDE VOLCANIC ERRUPTION POLLUTION