[UNICEF_DOH Copy] PMNP SBC V3 WASH Job Aid_AHA! BD.pptx

RocelGuevarra 0 views 16 slides Oct 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

N/a


Slide Content

WASH (Water, Sanitation, and Hygiene) Ligtas na inuming tubig at pagpapanatili ng kalinisan

Pinagkukunan ng Malinis na Tubig Bukal o balon na may takip Pampublikong gripo o stand post Tubig mula sa waterworks systems Bottled water mula sa sari-sari store Refilling Stations

Saan nakakukuha ng malinis na inuming tubig? Balon o bukal na may takip o proteksyon sa dumi at pinakuluan ng 3 minuto Pampublikong gripo o stand post Tubig mula sa Water District at iba pang waterworks systems Bottled water o selyadong tubig na nabibili sa tindahan Tubig mula sa refilling stations Ligtas na inuming tubig

1 2 3 4 5 Tamang Pagpapakulo ng Tubig

Ilagay ito sa kalan at lakasan ang apoy para pakuluin. Kapag kumulo na ang tubig, maghintay ng tatlo (3) pang minuto bago patayin ang apoy. Palamigin ang pinakuluang tubig at ilagay ito sa malinis na lalagyan. Paano masisigurong ligtas ang iniinom na tubig? Ang pagpapakulo ng tubig ay isang madaling paraan para matiyak na ligtas itong inumin para sa'yo at sa iyong baby. Sundan lamang ang mga simpleng hakbang na ito: Kumuha ng malinis na takure o kaldero at hugasan ito. Lagyan ito ng tubig, pero huwag punuin para hindi umapaw kapag kumulo. 3 4 5 Ligtas na inuming tubig

Hugasang mabuti ang lagayan at patuyuin (air- dry) Siguraduhing may takip Ilayo sa mga delikadong kemikal Huwag ibababad sa araw Tamang Pag- iimbak ng Inuming Tubig

Paano ang tamang pag- imbak ng inuming tubig? Siguraduhing malinis ang lalagyan ng tubig para manatiling ligtas itong gamitin. Hugasan nang maigi ang lalagyan bago ilagay ang inuming tubig. Tiyaking malinis ang tubig na pinanghugas dito, at patuyuin ito (air- dry). Panatilihing malinis ang lalagyan at siguraduhing may takip ito upang hindi ito madumihan at pamugaran ng mga insekto katulad ng lamok na maaaring magdulot ng mga sakit kagaya ng dengue at malaria. Ilagay ang pinag- imbakan ng tubig sa lugar na ligtas at hindi mabababaran ng init ng araw. Ilayo ito sa mga lalagyan ng gas, pesticide, at iba pang kemikal na maaaring makakontamina dito. Ligtas na inuming tubig

Bago at pagkatapos magluto o maghanda ng pagkain Bago at pagkatapos magpasuso o magpakain kay baby Pagkatapos linisin ang dumi ni baby o pagkagamit ng palikuran Pagkatapos magtanim o magdilig ng halaman Pagkatapos humawak ng alagang hayop Kailan dapat naghuhugas ng kamay? Pagkatapos humawak ng pera

Pagpapanatili ng kalinisan Tuwing kailan dapat naghuhugas ng kamay? Ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon ay isang simpleng paraan para makaiwas sa sakit at mapanatili ang kalinisan. Ugaliing maghugas ng kamay lalo na: Bago at pagkatapos magluto o maghanda ng pagkain Bago at pagkatapos magpasuso o magpakain kay baby Matapos linisin ang dumi ni baby, gumamit ng palikuran, o linisin ang dumi ng alagang hayop Pagkatapos magtanim o magdilig ng halaman Pagkatapos humawak ng alagang hayop Pagkatapos humawak ng pera

Tamang Paghuhugas ng Kamay 1 2 3 4

Paano ang tamang paghuhugas ng kamay? Pagpapanatili ng kalinisan Basain ang mga kamay gamit ang malinis na tubig. Kuskusin at sabuning mabuti ang mga kamay nang hindi bababa sa 20 segundo. Banlawan nang mabuti hanggang mawala ang sabon. Pagpagin at patuyuin ang mga kamay TANDAAN! Iwasan gumamit ng pamunas sa pagpapatuyo ng kamay. Ang pamunas ay maaaring pagmulan ng mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit sa iyo at sa iyong baby.

Tamang Pagtapon ng Dumi ng Bata 1 2 4 3 1 2 Arinola Disposable Diaper Lampin 1 2 4 3

Pagpapanatili ng kalinisan Kung gumagamit ng arinola: Itapon ang laman ng arinola sa inidoro bago buhusan ng tubig o i- flush. 1 Hugasan ng tubig at sabon ang arinola. Itapon ang pinanglinis na tubig sa inidoro. 2 1 2 Itapon ang dumi sa inidoro. Balutin ang disposable diaper. Siguruhing nakadikit ang mga tape nito upang hindi bumukas. 3 Ilagay ang diaper sa supot at itali ito. Ibaon ito nang malalim sa inyong bakuran. Kung wala namang hukay, ilagay sa hiwalay na supot at ibigay sa nangongolekta ng basura. 4 Kung gumagamit ng Kung gumagamit ng lampin: disposable na diaper: 1 2 Itapon ang dumi sa inidoro. Banlawan ang lampin sa palanggana hanggang wala nang duming nakadikit dito. 3 Itapon sa banyo ang tubig na pinagbanlawan ng lampin. 4 Labhan ang lampin hanggang tuluyang mawala ang dumi. 5 Itapon ang pinagsabunan sa banyo saka buhusan ng tubig o i- flush. Paano ang tamang pagtapon ng dumi ng bata? Makatutulong ang tamang pagtapon ng dumi ng bata sa pagpapanatili ng kalinisan ng inyong kapaligiran. TANDAAN! Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos itapon ang dumi ng bata.
Tags