Basahin at Pag-isipan : Si Rosa Parks ay matapang . Nilabanan ni Rosa Parks ang diskriminasyon at nagtagumpay siya . Hindi ka magdurusa sa diskriminasyon kung lalaban ka . Nag- aaral ka at naghahanda ka ring mabuti kapag napakahalaga ng iyong gagawin .
Mga Tanong : Ilang kaisipan ang ipinahayag ng pangungusap A? Ilang kaisipan ang ipinahayag ng kaisipan B? Ilan ang buo at di buong kaisi -pang mayroon ang mga pangungusap B, C, at D?
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN O PAGKAKABUO
Payak - pangungusap na iisang diwa lang ang tinataakay . Ito ay maaring may payak o tambalang simuno at panaguri . Halimbawa : -Si Nelson Mandela ay lumaban din sa diskriminasyon .
( simuno ) Si Bryce ay nag- aaral ng Filipino. ( panaguri ) Ang mag- anak ay mamamasyal sa parke . Simuno - subject ( Pangngalan , Panghalip ) Panaguri - Predicate ( salitang kilos)
Bilugan ang simuno at guhitan ang panaguri . 1. Si nanay ay nagluluto ng Adobo. 2. Ang pamilya Perez ay pupunta sa SM. 3. Ako ay sasayaw sa programa . 4. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay. 5. Mabilis na tumatakbo ang kabayo .
2. Tambalan - pangungusap na nagta - taglay ng dalawang kaisipan o sugnay na makapag-iisa o higit pa. Ginagami -tan ito ng pangatnig na magkatim -bang gaya ng at, pati , o, ni , maging , saka , ngunit , habang , subalit Sugnay - lipon ng mga salita na may simuno at panguri .
2 uri ng Sugnay Sugnay na makapag-iisa (Punong Sugnay ) ( Independent Clause) – nauunawaang ganap o buong kaisipan Sugnay na di- makapag - iisa ( Pantulong na sugnay ) ( Dependent Clause.) – kulang ang kaisipan .
Sugnay (Clause) Sugnay na makapag-iisa (Punong Sugnay ) ( Independent Clause) Si Ana ay mahilig magbasa ng aklat / ( Ana loves to read books.) Punong Sugnay kaya naman siya ay mahusay . (that is why she is smart) Pantulong na Sugnay ( (Dependent Clause)
Si Jose ay maraming pera subalit malungkot pa din siya . Habang namimili sa palengke , naisip ni nanay na nakalimutan niya ang kaniyang pitaka .
Isulat ang PS kung Punong Sugnay at TS naman kung Pantulong na Sugnay . Si Aling Rosa ay nagluluto ng kakanin habang gumagawa ng gulaman . PS Mahilig umawit si Rina ngunit ayaw niyang sumayaw . PS Masarap ang lutong Adobo ni nanay pero maspaborito namin ang Menudo. TS Si tatay ay nagtatrabaho sa abroad kaya malungkot ang aming Pasko . TS Si Pedro ay masipag na mag- aaral kaya naman natutuwa ang magulang niya . PS
Halimbawa : Tutularan mo ba sina Nelson at Rosa o magdurusa ka na lamang habambuhay . Ihain na ang pansit saka dalhin mo na rito ang halaya .
3. Hugnayan – pangungusap na binu-buo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa . Pinag-uugnay ito ng mga pangatnig na kung, nang , upang , dahil , sapagkat , habang , bago , kapag , kasi , kaya, para at iba pa. Makikita rito ang ugnayang sanhi at bunga .
Halimbawa : Nanalo si Nelson Mandela nang tumakbo siya sa pagkapangulo . Kinuha niya ang mga plato upang hugasan ang mga ito . Habang pinalalamig ang leche flan, ihanda na ninyo ang plato .
4. Langkapan – pangungusap na binu-buo ng dalawang o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa . Halimbawa : - Si Nelson Mandela ay tumakbo sa pagkapangulo at nanalo siya nang suportahan ng kanyang mga kalahi .
Hugasan mo na ang bigas at isalang mo na ito , bago ka manood ng telebisyon . Kung papasok ka ngayon , maligo ka na at magbihis ng malinis na damit .
Paglalapat : Suriin ang kaisipan ng bawat pangungusap at isulat ang uri nito . __1. Si Nelson Mandela ay isang South African. __2. Si Mandela ay matapang na lumaban sa diskriminasyon .
__3. Ang South Africa ay dating sakop ng mga Dutch at ang umiiral na batas doon ay pumapabor sa mga Putting mananakop . __4. Ang Apartheid ay isang polisiya laban sa pagkakapantay-pantay o ito ay isang sistemang legal ang racial segregation dahil ipinatutupad dito ang pagpabor sa mga Puti kaysa mga itim .
__5. Iginiit ni Mandela sa gobyerno na maging pantay ang pagtingin sa bawat Aprikano upang maging patas ang tingin ng batas sa lahat .
Unawain ang pangungusap at isulat ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian . __1. Humanga ako sa tapang at galing ni Mandela. __2. Pinagkalooban si Mandela ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang paglaban sa diskriminasyon . __3. Ito ay tinatawag na Apartheid .
__ 4. Naging pangulo si Mandela at namuno siya nang patas sa mga Itim at Puti upang maging makatarungan siya sa lahat . __5. Nakulong si Mandela at nakalaya siya pagkatapos ng mahabang panahon .
Isulat ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian . __1. Nagbungkal ng lupa at nagtanim sina tatay at nanay . __2. Ang tatay ay nagtatanim habang ang nanay ay nagluluto . __3. Kapag naaalagaan ang mga tanim , ito’y yayabong .
__4. Ikaw ang sasalok ng tubig at ako ang magdidilig . __5. Ang mga mag- aaral ng Pamplona Sentral ay nagsanay at sila’y nagwagi sa MTAP nang maungusan ang ibang paaralan . __6. Mag- aral nang mabuti sapagkat ikauunlad mo ito .