URI NG PANGUNGUSAP Ang pangungusap ay may iba't ibang uri ayon sa gamit. May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit:
APAT NA URI NG PANGUNGUSAP 1. Pasalaysay - nagsasalaysay o nagkukuwento Halimbawa: Si Ana ay masipag mag-aral. 2. Patanong - nagtatanong Halimbawa: Kumain ka na ba? 3. Pautos - nag-uutos o nagpapagawa Halimbawa: Pakikuha mo nga ang lapis ko. 4. Padamdam - nagsasaad ng matinding damdamin Halimbawa: Galing mo talaga!