Mga iba't ibang uri ng pelikulang kinahihiligan o kinahuhumalingan ng bawat manunuod ayon sa kanyang interes at panlasa.
PELIKULANG DRAMA Sa uring ito ay matutunghayan ang dis pagkakasundo ng mga tauhan sa simula, maaaring pagluha, pagdadalamhati, paghihiwalay, di-pagkakaunawaan nig magkasintahan, mag-asawa, magkakapatid, magkamag-anak, magkakaibigan na kung saan sa dakong dulo nito ay nakakamit ang pagkakasundo at kapayapaan.
Uri ng pelikulang naghahatid sa tagapanood ng ganap na kasiyahan at kaluguran. Layumin nito na patawanin at kilitiin ang mga manonood mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng pelikula. PELIKULANG KOMEDI
Horror - Ang pelikulang ito ay nakasisindak panuorin mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito na hatid ay ibayong takot mula sa mahusay na pagganap, mga prostetiks, tagpuan, pakapangingilabot na tunog at ilaw. PELIKULANG KATATAKUTAN
Nagpapakita ng paksa tungkol sa naging kasaysayan ng isang lugar o bansa o kaya'y mga pangyayari mula sa kwento hinggil sa katangian ng mga taong may mahahalagang papel sa paghubog ng kasaysayan. PELIKULANG HISTORIKAL
Nagsasaad ng pisikal na bakbakan, labanan, tapatan at maging ang ilan ay ang pagdanak ng dugo at pagkasawi ng buhay dulot ng matinding sagupaan al mapupusok na damdamin ng mga tauhan. PELIKULANG AKSYON
PELIKULANG PIKSYON Ito ay isang uri ng pelikula na gumagamit ng mga sapantahang likha ng isip o paglalarawan sa mga kaganapan na hindi gaanong tanggap ng sangay ng agham, tulad ng mga aliens, sasakyang pangkalawakan, robot, cyborg at iba pang teknolohikal na materyal.
Ito ay isang uri ng pelikula na gumagamit ng mga sapantahang likha ng isip o paglalarawan sa mga kaganapan na hindi gaanong tanggap ng sangay ng agham, tulad ng mga aliens, sasakyang pangkalawakan, robot, cyborg at iba pang teknolohikal na materyal. PELIKULANG ROMANSA
Ito ay binubuo ng mga kwentong likha ng imahinasyon, pakikipagsapalaran, salamangka at mahika na balot ng kababalaghan, mundo ng mga diwata, kapangyarihang taglay ng mga tauhan at mga perpektong pamumuhay na kadalasan ay malayo sa katotohanan ng buhay. PELIKULANG PANTASYA
Ito ay mga kwentong itinatanghal sa pelikula sa saliw ng mga awitan at tugtugang tunay na nakapaglilibang at nakapagpapasaya sa mga manunuod. PELIKULANG MUSIKAL
Ginamitan ng mga larawang guhit ng mga tauhang binibigyang buhay sa kwento na minsan ay literal na mga hayop, ngunit minsan naman ay taong iginuhit lamang. PELIKULANG ANIMASYON